There are two things I am afraid of. One is to lose my mom. The second is to have a friend like me in a romantic way. The latter probably sounds weird but I am really, deeply scared of it. There are wounds that are still cut fresh even after years of trying to hide it with a band aid, it doesn't heal at all, and it still hurts a million times than the last time I think about it.
Sinundan ko siya nang tingin hanggang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. He closed the door of my apartment, leaving me here, scarred.
It's just another day, probably an ordinary one for him but not for me. Hindi naman ako ang may gusto sa kanya pero nasasaktan ako. Because I know, I'll hurt him for not reciprocating his feelings, and he is now hurting me, in a way that he opened the little girl's trauma just because he likes me.
No, I surely don't want a partner. Men sucks. They'll eventually end up cheating even after thousands of promises coming from their mouths, sounding like it came from their hearts. No... I know better than trusting male species.
"Hey, honey," humalik si mommy sa pisngi ko at saka ako hinawakan para akayin patungo sa kusina ng bahay namin.
Sunday. Umuwi ako kahit na alam kong mapapagod ako sa byahe dahil balikan lang din. Kailangan ko lang talagang umuwi. Masyado ng nananakaw ang enerhiya ko nitong mga nakaraang araw. I need to go home. I need my mom. I need to go somewhere far from my apartment right now.
"Hindi ka nagsabi na uuwi ka." Naglabas siya ng pagkain mula sa ref pero nasusuka pa ako dahil sa byahe kaya hindi rin ako natakam doon. "Kumain ka muna."
"Water na lang muna, 'my."
Tumagal ng ilang segundo ang tingin niya sa akin. Alam ko na nararamdaman niya na na may problema ako ngayon. It's not a life and death situation, but it's something like that for me.
For other boys to like me, that's fine. But not Vince, at least not him. Mahalaga ang friendship namin para sa akin. And I'm afraid I might put our friendship at risk if his feelings continues.
"May problema ba, anak?" Her worried voice made me feel guilty. Minsan na nga lang ako umuwi, ganito pa. Pero hindi ko rin kasi kaya magpaka-plastic. Kahit ngayon lang, I want to allow myself to be so open, because my wounds are extremely painful today.
Sa halip na sagutin siya ay naglakad ako patungo sa kanya at saka siya niyakap. Nagulat siya, naramdaman ko iyon, pero kalaunan ay niyakap niya ako pabalik at tinapik-tapik ang likod ko na tila ba isa akong bata na hinehele niya para tumigil sa pag-iyak. I wish, just like how a baby can stop crying, my wounds can stop from hurting, too.
"Gusto kong malaman kung ano o sino ang dahilan kung bakit ka umuwi ngayon na ganito pero masaya ako, anak, na kahit hindi mo sabihin ay nagagawa mong lumapit sa akin na ganito. If it's too much already, you can take a rest. Be it a problem in your studies or someone you want to take a break with. A friend... or a lover."
"I'm scared, mommy," nanginginig na sabi ko. "I'm afraid... Hindi ko alam, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na rin maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. At natatakot ako... na pati sarili ko ay hindi ko na kayang intindihin. Mom, I'm scared, so many things are messed up inside my head. So many things are in chaos inside my heart. Hindi ko na alam, mommy..."
I almost broke down so she made me sit in one of the chairs. Kumuha siya ng tubig at iniabot sa akin. Ilang sandali pa akong tumulala pagkatapos uminom.
It's the first time I cried like a crazy woman in front of my mom. Hindi ko alam na ganoon pala kalalim ang sugat na napakatagal kong tinatago. I tried mending it, damn, I've tried everything to heal it. Pero nandito pa rin ako, wala pa rin akong magawa, nilalamon pa rin ako ng sakit.
Bumuntong-hininga si mommy at umupo sa upuang katabi ng akin. She held my face like I was still a kid from elementary and not a college student. Damn, this is so not cool... but it's comfy.
"Tungkol ba ito sa daddy mo, anak?" She pursed her lips, tila ba nakumpirma nito ang hinala habang nakatingin sa aking mga mata. "Marami kaming hindi napagkakasunduan ng dad mo, Coreen. Kung may pagkakamali siya, mayroon din ako. And honey, not all men would hurt you..."
Tumahimik ako. Here she go again, protecting my father's name even after the so-called cheating and leaving us here. Come on, kahit anong gawin niyang pagtakip sa kasalanan ni dad, hindi na ako bata para hindi pa maintindihan ang lahat. I know.
Alam ko lahat ng pag-iyak niya sa gabi dahil sa sakit. I also know when I hear her begging for him to be with us. I know... I know how much mom loved my dad, so much that it pains me a lot.
She shouldn't clean his name for me. It doesn't matter.
Nagpalipas ako ng gabi sa bahay dahil hindi na ako pinayagan ni mom umalis ng gabi. Instead, gumising ako ng maaga para magbyahe. Alam kong absent na ako ng isa o dalawang period kaya naisipan kong hapon na lang pumasok.
Nakailang text na rin sa akin si Vince. Hindi kasi ako nagpaalam na uuwi ako kahapon at sinabi ko lang nang nasa bahay na ako. Hindi niya rin in-expect na a-absent ako this morning.
Kaya ko na ba siyang harapin? I sighed. Ni hindi naman siya umamin o ano pero nagkakagulo na ang buong sistema ko.
Sometimes I wonder if I hate the idea because we're friends or I hate it because of something else?
I wore a full black outfit. An off-shoulder black blouse tucked in my pants. Nagsuot din ako ng itim na boots. I feel like dressing up today, to lift up my mood, at least. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, hindi naman ako mukhang pupunta ng lamay, maayos naman kahit papaano.
"Skipping morning class and showing up with your all black outfit," nanunuyang saad ni Vincent. Ngumuso ako at inirapan siya. "Ano'ng nakain mo?"
Umupo siya sa tabi ko. Madalas talaga gusto kong batukan si Bryan, eh. Kung hindi niya sinabi ang mga salitang iyon, eh 'di sana ay ayos ako ngayon.
"Nagklase kayo? Nag-quiz? Nag-attendance ba?"
Ngumiti siya. Dati nakakahinga ako nang maluwag sa ngiti niya pero ngayon ay may iba na ulit malisya. Sana ay hindi niya ma-misinterpret ang closeness namin. I just want friendship with him.
"Recorded ang lectures. Kailan ba kita pinahamak?" Kumindat siya sa akin.
Maikling ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Ngayon ay nabibigyan ko na ng malisya lahat ng bawat galaw niya. I hate it. Hindi dapat ganito.
Pag-uwi sa apartment nang dumating ang hapon ay nagsara ako ng pinto at buong oras na tumunganga sa ceiling ng kwarto ko. Hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses akong nagbuga ng hininga at saka pipikit ng mariin. People might think I'm overreacting but really, I cannot think of this matter so lightly.
Nakatanggap ako ng text mula kay Vince nang lumagpas na sa alas sais ang orasan. Nagtatanong siya kung gusto kong sumabay mag-dinner dahil nagluto raw siya. I immediately sent him a message saying I want to rest early. Nag-reply siya at tinanong kung may problema raw ba ako dahil parang kanina pa ako wala sa sarili.
I said none and I was just tired.
Because the least thing I wanted right now is for him to comfort me when he's the main reason why I'm like this. Or not.
Ang pinakarason naman dito ay yung taong ayaw na ayaw kong pumapasok sa isip ko. His blood runs through me and I hate it.
"Good morning!" Ngumiti siya ng malaki pagkatapos kong sumakay sa may shotgun seat ng sasakyan niya.
Masyado ng weird kung hindi pa ako sasabay sa kanya ngayon. Isa pa, napag-isip-isip ko rin kagabi na ayos lang siguro ito. Hindi naman siya umamin o nanliligaw. Wala naman akong dapat problemahin pa sa ngayon. Kung darating yung araw na may gagawin nga siyang hakbang, then that's the only day I'd make a decision.
"Morning," sagot ko sa bati niya. "Ang aga mo, hindi pa ako tapos magkape."
"Tss." Ipinakita niya sa akin ang relo niya. "Nakakahiya, ako ang SSC President pero kitang-kita ng lahat na late ako papasok."
"Anong late?" Umirap ako. "Gosh! Iba talaga mag-isip ang mga katulad mo. Maaga na ito para sa amin."
He shook his head. Hindi na nakipagtalo dahil hindi rin naman siya mananalo.
Hindi maaga at hindi rin late nang dumating kami sa school. Wala pang prof nang makaupo kami sa kanya-kanyang upuan pero ilang minuto lang ay pumasok na rin ito. Obviously, nag-conduct lang siya ng lecture at ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na klase. Nothing much so interesting for today.
"Vince!"
Sabay kaming napalingon ni Vince sa babaeng tumawag sa kanya. Hindi ko na kailangan pang isipin o alalahanin kung sino iyon, alam ko na kaagad na si Yanna iyon ng architecture department. Yakap-yakap nito ang kulay yellow na plastic folder at malaki ang ngiti sa lalaking katabi ko. She dress too nicely not to notice.
"Tara, lunch," aya niya na para bang isang normal na bagay lang na magkasama sila ni Vince kumain ng pananghalian. "Mag-final touch na tayo dito sa design para masimulan na natin yung report at ibang detalye."
Obvious naman na hindi ang project ang habol niya. She wants to eat lunch with him. She's so transparent. Kislap pa lang ng mga mata niya halata mong may iba na.
Bago sumagot ay nilingon ako ni Vince. Nagtaas siya ng kilay sa akin, humihingi ng permiso na sumabay kay Yanna, o permiso para isabay namin si Yanna. I raised a brow back at him. Bakit ako?
Will pushing him away effective for him to let go of his feelings for me, if ever there really is?
Habang nakatingin si Vince sa akin ay pinasadahan ko ng tingin si Yanna. Nawala panandalian ang ngiti nito pero unti-unti muli iyong sumilay nang mapansin akong nakatingin. Nagseselos siya. Halatang-halata ang pagkagusto niya kay Vince.
Wala naman halos mapupuna sa babaeng kaharap namin. Lahat na yata ng positibong bagay para i-describe ang isang tao ay nasabi na ni Bryan noon tungkol sa kanya. I would say she and Vince are perfect for each other... but not when one's heart is hurting.
"Ah, okay lang naman kung hindi pwede sumabay," mahinhin na sabi niya nang hindi ako sumagot. Nakatingin si Vince sa akin kanina at halatang inaabangan ang sasabihin ko at mukhang ang pag-intindi nila roon ay ayaw ko.
I shook my head. "Ayos lang. Unahin niyo na ang project niyo."
"Huh? Sumabay ka sa amin," ani Vince.
Nag-iisip ako nang paraan para makatakas doon nang makita ko si Bryan. Ngumiti ako at agad nakakita ng liwanag sa kadiliman.
"I'll go with Bry," sabi ko. "May mga pinalitan kaming details sa project namin and sakto rin na magmi-meet kami mamaya kaya ngayon na lang. Bye guys!"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila sa kasinungalingang binitawan ko. Totoong pinuntahan ko si Bryan dahil alam kong tanaw pa ako ng dalawa hanggang ngayon. Pero hindi totoo na may pinalitan kaming mga detalye, tapos na ang project namin. Patapos ko na rin ang report doon at powerpoint na lang ang gagawin namin this week pero pareho kaming tinatamad gumawa kaya saka na lang kapag malapit na ang deadline.
Umakbay ako sa kanya dahil nakatalikod ito. Halatang nagulat siya at natawa nang makita ako. Tinanggal ko naman agad ang kamay sa balikat niya.
"Lunch?" aya ko.
"Woah!" Hindi ko alam kung totoong nagulat siya o ka-OA-yan lang na naman. "Nag-aaya ka talaga?" Humalakhak siya. "Anong nakain mo, Coreen?"
Ngumuso ako. "Na-miss ko lang kumain sa karinderya. Tara, libre mo."
"Now that sounds alarming. You don't go after people and boss them around, Miss." Binatukan ko siya. Humagalpak naman siya ng tawa at pumayag din naman. "Tara! Eat all you can."
Nilingon kong muli ang pwesto nila Vincent kanina. Wala na sila roon, naglalakad na sila patungo sa cafeteria. Seryoso ang mukha ni Vince at ang kasama niya ay nakangiti. She really has this angelic aura no one can ever beat.
"Oh, hindi ka sinabay ni Vince?"
"Duh!" Inismiran ko siya at ibinalik na muli sa harapan ang mga mata. "I turned down his offer."
"Ha!" He scoffed. "Ang yabang."