Chapter Seventeen

2200 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. Sinadya ko talaga na maaga dahil bumili ako ng kape at cake sa pinakamalapit na cafe dito sa amin. Gising na si Vince panigurado pero sana ay hindi pa siya nakapag-ready ng breakfast niya. Kumatok ako sa may pintuan niya ng pasado alas singko na. It took him a while before opening the door for me. Alam kong ako lang din naman ang inaasahan niya na nandirito sa labas ng pinto pero halatang nagulat pa rin siya na makitang ako nga. He looks so fresh in the morning with his wet hair. Nakapambahay pa lang siya pero nakaligo na. Nakaligo na rin naman ako at magbibihis na lang maya-maya. Itinaas ko ang dala kong pagkain. "Good morning! Breakfast?" Umawang ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Pagkatapos ay itinaas-baba niya ang kanyang ulo. "Good morning...?" halos matawa ako sa pag-aalangan sa kanyang boses. "Pasok ka." He seems awkward. Well, maski ako naman siguro. Hindi nga naman maganda ang pakikitungo ko sa kanya kahapon. Bukod sa tipid ang mga sagot ay pabalang din halos ang tono mg mga binitawan kong salita. I hope he didn't take it to heart though. Dumiretso ako sa kusina at nakasunod siya. Pilit kong pinapagawang normal ang lahat pero hindi ko yata kaya. I know I've been rude to him all day yesterday. "Okay ka na?" he asked after helping me to fix the table. Hinintay niya akong makaupo bago siya umupo. "Hmm." Ngumiti ako, hindi maliit, hindi rin malaki. Sapat lang para ipakitang mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kahapon. "Sorry, medyo tinopak lang talaga kahapon." Kinagat ko ang ibabang labi at naramdaman ang pagpula ng pisngi sa kahihiyang natatamo ko ngayon. His eyes remained on me though. Hindi ko alam kung tine-test niya ba kung totoo ang mga sinasabi ko o ano pero hindi niya inaalis ang paningin sa akin. And believe me, when Vince is like this, I feel so shy that I just want to run away from his apartment. "That's okay," he said in a very understanding way. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ayos tayo. Of course you have those kind of times, too." "Sorry." I clasped my hands together. His lips formed a cute smile. "Coffee is better when it's hot." Ngumiti ako pabalik at saka sumimsim sa aking kape. Ang ilang sandali ng katahimikan ay nagpa-realize sa akin kung gaano kababaw lahat ng ginawa at inisip ko. Siguro impact lang na nakita ko ang dad ko. Hindi sinasadyang pati si Vince ay madamay dito. Maybe he lied about the relative thing because he knows he is my dad? Or maybe not. Maybe he did meet a relative and accidentally meet with my dad? Or maybe not. Hindi ko alam at siguro ay hindi ko na malalaman pa ang tunay na dahilan. But whatever it is that made the two of them meet, siguro nga ay hindi ko na iyon dapat pakielaman pa. "S-in-end ko sa email mo yung mga recordings ng lecture. Nag-quiz kami kahapon pero kinausap ko si ma'am at hindi naman daw iyon recorded kaya ayos lang na hindi ka na mag-take," anito. "And also, hinahanap ka nila Hiro." "Oh? Bakit daw?" He shrugged. "Inuman na naman siguro." Natawa ako sa tono ng boses niya na halatang nagrereklamo at 'di natutuwa. He really thinks Hiro and other friends only ask me if they are going for a drink. P'wede bang lalabas lang? Kwentuhan gano'n. Sabay kaming pumasok ng school, as usual. "Kumusta, kuya guard?" bati ko dahil bihira na lang ako makabati sa kanya. Madalas ay nagmamadali ako o 'di kaya ay sa dami ng taong nakakasabay ay hindi ko na nagagawang huminto pa. "Uy!" Nakipag-high five siya sa akin. Pagkatapos ay humarap din kay Vince. "Isang pasaway at isang mabait. Paano ba kayo napagsama na dalawa?" Umismid ako. "Ako ba yung mabait diyan?" "Syempre..." Ngumisi ako. "S'yempre hindi. Ano ka ba?" Sumimangon ako at inismiran si kuyang guard ng pabiro pagkatapos ay napaalam na rin kami. Nang makaupo kami sa kanya-kanya naming upuan sa loob ng classroom ay saka ko lang naalala na sinabi nga pala ni Vince na pinuntahan siya ni Hiro kahapon. I feel a little bit nervous. "Psst," tawag ko sa kanya na ilang pulgada lang ang layo. Abala siya sa kanyang cellphone nang lingonin niya ako natapos ko siyang tawagin. "May sinabi ba si Hiro sa'yo na iba?" Nagsalubong ang kilay niya pagkatapos ay pinaningkitan ako ng mga mata na para bang may kahina-hinala sa tanong na binitawan ko. "Bakit? May dapat ba siyang sabihin?" Tumikhim ako. "Wala naman." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Dumukdok na lang muna ako sa mesa habang naghihintay ng prof at para na rin maiwasan ang mga mapaghinalang mga mata ni Vincent sa akin. "Ang aga-aga naman ng tulog mo, Miss Sanchez? Saang lugar ka na ba nakarating?" She even knocked on my desk. Napaupo ako ng tuwid at lumunok. Hindi ko na kailangang tingnan pa dahil ramdam ko na na nasa akin ang atensyon ng lahat. Shit! Ni hindi ko man lang napansin o narinig na papunta na siya. Maaga kasi akong nagising kanina kaya siguro nakatulog ako. "Sorry, Ma'am," I apologized politely. Pinagtaasan niya ako ng kilay at saka humalikipkip. "I do not like students who sleep in my class," mariin ang bawat pagbitaw niya ng mga salita. "Specially if it's a first period, class. Nandito ka ba para matulog, ha?" Ang OA naman nito, sambit ko sa aking isipan habang pinipigilan ang mga mata na irapan siya. This is your prof, Coreen, habaan natin ang pasensya. Yumuko na lamang ako kahit sobrang higpit na ng pagkakakuyom ko sa aking mga kamao. This is utterly embarrassing and at the same time, annoying. How could she embarass a student just like that? Hindi niya man lang ba tatanungin kung ano ang dahilan? What if it's not me and his or her reason is a life and death one? Ganyan pa rin ba siya na aasta? "Stand up for the rest of the period," aniya na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko. "Para hindi ka antukin, nakakahiya naman sa iyo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon ba naman ay ako pa rin ang pinag-iinitan? Ano ba ang ginawa ko sa kanila? They were obviously finding a way just to make me do something. Padabog akong tumayo, wala ng pakielam kahit magmukha pang bastos sa harapan niya. After all, she don't even respect me. "Ma'am, hindi po ba sobra naman na patayuin niyo siya buong period?" singit ni Vince. Nagulat ako sa pag-alma niya. Pilit kong inaagaw ang atensyon niya upang senyasan na manahimik na lang at 'wag ng makielam para hindi na siya madamay pa pero sadya niyang iniiwasan na tingnan ang pwesto ko. Maski ang prof namin ay nagulat sa ginawa ni Vince. I heard some of my classmates agreed to what Vince has said. I appreciate that. Pero wala naman kaming magagawa kung prof na ang nagsabi. "And what do you suggest, mister? Hayaan na lang siya na matulog hangga't gusto niya?" She fixed her eyeglasses. "Alam kong malapit kayong magkaibigan pero hindi siya makakalusot dahil lang doon." "This is her first offense--" "First? Like how many records she has for you to say it's her first?" Napapikit ako ng mariin. Halatang-halata na hindi niya ako gusto at dinidiin niya ako rito. At paanong nadamay lahat ng klase ko dahil lang naabutan niya akong nakatulog. Eh, kung tutuusin ay hindi pa naman nagsisimula ang klase. Hindi ko rin maintindihan ang punto niya. What the heck did I do for people to hate me this much? Sabagay, maski nga sarili kong ama ay ayaw sa akin. "Excuse me, Ma'am, I don't want to be disrespectful in any way but your class hasn't started yet so she has all the right to do whatever she wants, be it sleeping. Second, the records, you mean, none of it are proven true or none of it are as heavy as you think. Third, those issues have nothing to do with her sleeping on her desk. And lastly, I do think it's too much if you let her stand up for an hour just because you entered the class ten minutes late." Napapikit ako ng mariin. I appreciate him for standing up for me pero hindi ito tatalab sa prof na ito. Isa pa, madadamay siya sa ginagawa niya. "And you're not disrespecting me right now?" Our prof scoffed. "I'm disappointed in you, Mr. President." "I'm sorry for that, Ma'am," magalang na sagot ni Vince at pagtanggap ng pagkakamali. "Nagsasabi lang po ako ng totoo." "Oh, shut up!" Humarap siya sa akin. "And you! You won't succeed in life with that attitude of yours." Pagkatapos no'n ay nag-walk out siya at hindi na nagklase. Napaupo ako sa aking upuan sa sobrang panghihina. Hindi ko maintindihan ang pagiging harsh niya sa akin. Agad akong dinaluhan ni Vince. "Huwag mo na lang pansinin iyon, Coreen," anito na parang hinehele ako sa sobrang hina at lambot ng pagkakasabi niya. One of my classmates tapped my shoulder. "May sira sa utak talaga yung prof na iyon, daming may ayaw diyan, eh." "Hayaan mo na iyon, Coreen, naghahanap lang iyon ng karamay kasi buong period din siyang nakatayo." Nagtawanan ang karamihan. Bahagyang lumambot ang puso ko at gumaan ang pakiramdam dahil sa kanila. Masyado lang akong na-offend sa harap-harapang pamamahiyanng prof na iyon kaya ganito at hindi maganda ang pakiramdam ko. "Dapat ay hindi ka na sumagot pa," sabi ko kay Vince. "I promised I'll always stand after you," he uttered. "Hindi naman p'wedeng uupo na lang ako at walang gagawin." "Kahit na. Kita mo nadamay ka pa." His eyes glistened in amusement. May kakaibang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ako ang unang nag-iwas sa titigan dahil hindi ko kayang harapan ang intensidad sa kanyang mga mata. "Thanks for the concern pero mas mag-aalala ako kapag hindi ako tatayo para ipagtanggol ka." He looked so happy. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Ano naman ang nakakasaya sa nangyari? I'm not usually this sentimental. Talagang naipon na lang siguro ang lahat lalo na sa katotohanan na ayaw ng karamihan sa akin. As if my mere existence annoys them. "Lulutuan kita ng spaghetti mamaya dahil good girl ka," dagdag niya pa at saka hinaplos ang buhok ko. Sinipa ko ang paa niya pero mahina lang naman at saka siya tiningnan ng masama. "Sapak gusto mo?" "Bakit?" natatawa at patay-malista niyang tugon. "Ikaw na nga bibigyan ng pagkain ganyan ka pa." "Umay sa Vince at Coreen sa harapan," dinig kong sabi ng nasa likod namin. "Nagpapainggit sila," ani Pier, kaklase naming lalaki na isa ring paboritong pagalitan ng mga prof. "May label na ba o friendzone pa rin?" Namula ang pisngi ko sa mga kantyaw nila. Vince lips are pursed together. His face reddened in embarassment or probably for other reason. "Huwag mo na lang sila pansinin," sabi niya. "Ituloy mo na ang tulog mo kung inaantok ka pa." Umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa kanyang upuan. Napangiti ako ng malaki. He's obviously shy. Ano naman ang nakakahiya? Nahihiya ba siya dahil inaasar kami? O nahihiya siya sa akin dahil sa mga kantyaw nila? I don't want to assume that much but I do think it's the latter. Wala naman na nangyaring hindi maganda sa araw na iyon bukod sa nangyari kaninang first period. Wal n akong narinig na balita mula sa prof na iyon pero umaasa akong hindi na makakarating pa sa guidance o sa dean's office ang nangyari. My mom called after my last class is over. Nangungumusta ito. Nakakapagtaka na nangungumusta siya sa mismong araw na hindi maganda para sa akin. Bakit parang alam niya? "May nangyari lang, mom, pero ayos naman. Ikaw? Kumusta? Baka uuwi ako next week after exams." (Ayos lang naman ako dito, anak. Medyo nalulungkot lang na walang kasama pero malapit na rin naman ang bakasyon mo.) "Yeah, mom. Napatawag ka? May gusto ka po bang sabihin bukod sa mangumusta?" The other line went silent. Natatahimik lang ng ganoon si mommy kapag alam niyang ayaw ko ang pag-uusapan at dahil doon ay nagkaroon na ako ng ideya kung para saan ba ang usapan na ito. (Nag-text ang dad mo sa akin noong nakaraan, tinatanong kung saan saw ang school mo at kung kamusta ka na raw. Have you seen him? Nakipagkita ba siya? Kinontact ka ba?) Sarkastiko ang naging pagbuga ko ng hininga. Malalim, pilit, at masakit. "No. I never heard any from him." Hindi ko na babanggitin pa na nakita ko si dad kasama si Vince. That's a bit scandalous alredy. (Ganoon ba?) Nalungkot ang boses niya. (Tatawagan ka rin noon, anak.) "I don't need his call or himself, mom. Sa susunod na tatawag siya sa'yo at magtatanong mg tungkol sa akin, pakisabi na hindi ako interesado sa kung ano mang gusto niyang sabihin." (Anak...) "Good bye for now, mom, mag-ta-taxi pa ako pauwi." I lied. Pinatay ko ang tawag at dumiretso sa sasakyan ni Vince habang hinihintay siya dahil may pinasa siya sa faculty office. Damn this day, I whisphered to the air.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD