Chapter Six

2162 Words
Foundation week never excites nor bother me. Wala lang. Hindi ko siya naiisip, hindi ko siya inaalala. Hindi tulad ng mga schoolmates and classmates ko na sa loob yata ng isang taon ay ito lang ang naiisip. "Coreen, sasali ka?" Mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa tanong ng kaklase ko. Sa tono pa lang ay gulat na. Malamang dahil hindi naman ako nakikisali ng mga ganito dati. Pairap akong tumingin sa lalaking dahilan ng lahat ng ito. Humalukipkip ako at umambang aatras pero... "Walang ganyanan. Tumupad ka sa usapan." "What the heck, Vince, ano ka bata?" "Uy, hindi lang naman pambata ito, Coreen, saka ang saya kaya," singit nung isang babae na sasalang din yata sa game. Ngumiwi ako at tiningnan ang ginawa nila sa may field ng university namin. May mga harang silang ginawa at parang maze ang itsura niya. Guess what? This will be the most childish thing I'll ever do. Maglalaro kami ng water gun or color gun o kung ano mang tawag doon. Basta may different color paints per team. At ang may pinakamalinis na shirt after a certain time ay iyon ang mananalo. Two members each and ten participants so we will have five teams. Medyo malaki ang field at malawak din ang nasakop ng activity na ito. Good for this day lang at sports na yata ang bukas. "S'yempre mayroon tayong rule dito," sabi nung fourth year student na architect yata ang course. Siya ang host for this game. "Bawal daw yung mag-jowa, nakakaumay sa mata," biro nung isang lalaki na naroon din at nakaabang. Nagtawanan ang lahat at kasama na ako roon. Hindi pa rin mawala ang nerbyos sa sistema ko, bakit ba naman kasi pumayag-payag pa ako rito. Halos mapapikit ako sa inis nang mahulaan kung anong klaseng rule ang gusto nilang isali sa game. Freaking childish! Itinaas ng host ang isang pares ng posas. Hindi pa man sinasabi ay tila na-gets naman na ng lahat ng naroon ang gusto nilang mangyari. Kailangan naka-posas ang mag-partner habang binabaril at nagtatago sa mga kalaban. Oh, bago ko makalimutan, hindi lang pala ibe-base ang winner sa palinisan ng damit, ibabase rin sa kung sino ang unang makakahanap ng treasure. May mga clue na nakasabit sa kung saan-saan o 'di kaya ay nakalagay sa may mga damuhan. May time limit kaya kapag hindi nakita ang treasure na sinasabi nila ay walang idedeklarang panalo. Prize? Yup, may prize. Hindi ko nga lang alam kung ano dahil hindi naman ako naki-participate sa kahit anong pagpaplano nila sa mga ganitong activity. Baka si Vince alam niya pero hindi ko na itatanong pa. Kung pwede nga lang umatras na ngayon, eh. Too bad, naka-register na kami. In-explain nung host ang mangyayari. Bale manggagaling kami sa iba't ibang area. May five na exit and entrances ang mistulang maze na ginawa nila at sa bawat entrance na iyon ay naroon ang bawat team. Magkasama kami ni Vince ngayon at kasalukuyan ng nakaposas. "See? Magsisi ka ngayon sa mga kalokohan mo," sabi ko sa kanya. "Ang saya kaya nito." Itinaas niya ang magkaposas naming kamay. "Sumunod ka sa akin." "Ako pa talaga ang su--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil agad itong umalis sa pwesto kaya napahila ako. Nagsimula na pala, hindi ko man lang narinig ang sinabi nung fourth year. Medyo marami ring tao. Hindi nila nakikita sa loob ng maze dahil nga medyo mataas ang ginawa nila pero may camera sa taas at may projector sa may labas ng maze kung saan naka-live ang mga nangyayari. "Lakad ka ng lakad, maghanap ka ng clue," sabi ko na medyo nagiging competitive na rin. "Ako titingin dito sa baba, ikaw sa mga nakasabit sa taas," sabi niya. Okay, whatever. Mga karton lang ang ginamit nila bilang harang pero madaming disenyo at sabit-sabit, medyo mahirap din maghanap ng clue pero ang sabi ay naka-brown paper na naka-roll at may ribbon ang mga clue. There are ten clues here in total. "Dalian-- s**t!" Tinakpan niya agad ang bibig ko matapos niya akong hilain. Napaupo tuloy kaming dalawa at doon ko lang din nakita na may dumaan sa malapit sa pwesto namin kanina na ibang team, kung hindi ako hinila ni Vince paliko sa isa pang likuan doon ay tiyak na nakita na nila kami. Well, bakit ba kami nagtatago? P'wede naman namin silang barilin. "Ikaw na ang maghanap ng clue at ako ang titingin kung may kalaban," sabi niya. "Ba't ako?" reklamo ko. "Ang hirap kaya maghanap." "Alam mo ba kung anong prize nito?" "Ano?" "Exempted sa exam." Bumuka ang bibig ko at tila nagkaroon ng enerhiya na gawin nga ang sinasabi niya. "Talaga?" Ngumisi siya. "Naniwala ka naman? Mukha bang papayag ang mga prof natin doon." Sinapak ko siya gamit ang isang kamay na hindi nakaposas sa kanya. "Siraulo!" Ang sabi nila ay masaya pero hindi. Lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin kaming nakikita na kahit isa o kahit anong clue. This is freaking annoying. Ni hindi namin alam kung ano na ang ginagawa ng ibang team, kung malapit na sila sa treasure, kung may nahanap ba silang clue o ano. Lumilipad kami pakaliwa at nagulat nang may makasalubong kami. Nagmamadali kong itinutok ang baril na laruan at binaril sila. Hindi tumama ang una pero tumama ang pangalawa. Ganoon din ang ginawa ni Vince. Pero bago pa sila makaganti ay tumakbo na kami ni Vince at hindi na kami naabutan ng ibinato nilang bala. Tatawa-tawa kaming huminto ni Vince sa pagtakbo nang medyo makalayo na. Tumahimik din kami agad dahil baka may kalaban sa paligid. Pero sakto na paghinto namin ay may namataan akong brown paper na naka-roll at may ribbon sa may baba. Kitang-kita iyon dahil green na green ang d**o kung saan ito nakalagay. Umupo ako at kinuha iyon saka muling tumayo. "Naks! Galing, ah!" "Duh! Anong akala mo sa akin?" mayabang na sabi ko habang binubuksan ang clue. Congrats on finding out this paper. And for that, here is the clue on finding out where your treasure is. It sits on the center of the maze. Go and look for your treasure, it's waiting for you! Gusto kong manlumo sa clue na ibinigay. Ni hindi nga namin alam kung nasaan na ba kami. Nasa gilid, nasa gitna... wala kaming makita kung hindi ang paliko-liko. Nagkatinginan kami ni Vince. Pareho naming hindi alam ang ire-react, kung matatawa ba kami o maiinis. Pero sa huli ay kapwa kami napailing-iling at nagpatuloy na lang sa paglalakad para maghanap ng iba pang clue na makikita. Nalilito at nahihilo na rin kami. In fairness, ang sipag ng gumawa ng game na ito, madami-daming kung ano-ano ang inilagay, sinabit, at dinisenyo. "Pagod ka na?" tanong niya nang mapansin na bumabagal na ang paglakad ko. Sinong hindi mapapagod? Nakakalito na nakakahilo kaya rito. Isa pa, kanina pa kami nandito sa loob. Ni hindi ko nga alam kung may mapapala ba kami rito. "Oo," sabi ko at inirapan siya. Sa halip na maawa o ma-guilty ay humalakhak pa ito. "Ganyan ang napapala ng walang exercise, mabilis mapagod." Napanganga ako sa sinabi niya. At talagang may gana pa siyang isingit iyon sa akin, huh. "Pahihirapan talaga kita pagkatapos nito," banta ko at itinuro siya gamit ang daliri. "Pero may uunahin pa tayo." Pagkasabi ko no'n ay agad kong binaril ang dalawang taong dumaan sa may likuan malapit sa amin. Mabilis kong hinila si Vincent paliko sa kung saan. Nasakto naman na may nakita akong brown paper ulit na naka-roll. Nakasabit ito na parang disenyo lang kaya hindi agad mapapansin. Kinuha ko iyon habang tahimik pa rin ang kasama ko. Oops! Congrats, the treasure is on this lane. Find it and end this game already. Kumunot ang noo ko pero agad ding na-excite. Napatalon-talon ako na parang bata at saka niyugyog sa balikat si Vince. "Teka nga," sabi nito na parang lutang pa ang isipan. "Paanong kabilis mong gumalaw?" Natawa ako sa tono niya na parang hindi makapaniwala. Kunot ang noo nito at puno ng pagtataka. Napangiti ako ng wala sa oras. Ang mga mata nito ay naningkit matapos kong ngumiti. As if naman may ginawa akong masama o kaduda-duda. Sadyang hindi lang siya mapagmantyag masyado. "Babagal-bagal ka kasi," natatawang sabi ko. "Bilisan mo na diyan at gusto ko ng maupo." Sa tantya ko ay mahigit fifteen minutes na kaming palakad-lakad at nalilito rito. So far wala pa kaming ink sa white shirt namin--- "Oopps! Sorry!" Just when I was thinking and looking at it. Sinundan ko ng masamang tingin ang dalawang nakakita at bumaril sa amin. Nakatakbo na sila at nakaalis. What the heck! Kulay red ang kulay ng nailagay sa damit namin. Come to think of it, this is kinda fun although a bit annoying of you're not a person with patience. Nagkatinginan kami ni Vince at saka bigla akong natawa. Nalagyan din kasi ng ink o paint ang pisngi niya, tumalsik marahil. Tinanggal ko iyon gamit ang daliri ko pero hindi ko alam kung bakit kumalat. Kaya pa naman sigurong tanggalin pero hinayaan ko ng ganoon at saka tumawa pa lalo. "Oh my gosh, Mr. President, bagay na bagay sa'yo ang larong ito," sabi ko, hindi na inaalala kung may makakarinig ba sa amin sa paligid. Sa halip na irapan ako o ismiran ay nangingiti pa ito. Minsan talaga ay hindi ko gets ang ugali nito. "You're making fun of me," he stated. Tiningnan niya ang suot niyang relo. "Tapusin na natin ito at nagugutom na rin ako." "Well," I shrugged. "Hanapin na natin." Naglakad-lakad kami sa lane na iyon at dahil hindi naman iyon mahaba at maluwang ay napansin ko agad ang tumbler doon na kulay gold. May mga ilang gamit pa na naroon pero ito ang pumukaw ng pansin ko. Nakalagay siya sa box at yung box ay punong-puno ng gamit. "I think I got it," sambit ko habang ang kasama ko ay abala sa pagtingin din ng mga ilang gamit pa sa loob ng box. "Hmm?" Ibinaba ni Vince ang hawak niyang stuffed toy at tiningnan ang hawak ko. Here's your water. Your treasure in this tiresome but enjoyable game. Congratulations! "Ang galing mo!" Nag-high five kaming dalawa at excited na hinanap ang daan pabalik. Naligaw-ligaw kami at nakipagtaguan pa sa ilang naroon bago nakabalik ng tuluyan. In-announce ang pagkapanalo namin at tuwang-tuwa naman ako dahil nanalo kami. "Wow! Congrats, Coreen," sabi nung isang nakalaban namin. Hindi ko siya kilala pero nakakatuwa na alam niya ang pangalan ko. Alam kong hindi dahil sa mga prof dahil ibang department itong kalaban namin pero marahil ay dahil sa mga usap-usapan ng ibang estudyante? Ewan ko. "Salamat," sabi ko at hinila na si Vince paalis doon. Kalat-kalat ang mga estudyante, as usual. Ganoon naman talaga kapag may mga ganitong event. Kung hindi magbabarkada ang magkakasama ay mga mag-boyfriend girlfriend naman. "Tol!" Sabay kaming napatingin ni Vince sa lalaking lumapit. Kaklase ito ni Vince, si Rico. Kilala ko siya at kilala naman siya halos lahat. This guy is everyone's friend. Makulit. Jolly type. Pero minsan ay nakakainis kasama kaya madalas kong nababara. Hindi ko masabing hindi kami magkaibigan pero hindi ko rin naman masabi na magkaibigan kami. It's so-so. Iniabot niya ang paperbag na kulay puti at may gold lining kay Vince. "Kanino ito? Kay Coreen?" Vince asked. Ngumiwi ako. Natitiyak kong hindi iyon para sa akin. Who would dare to give me something, eh? "Sa iyo iyan. May nagpapabigay. Oh, sige, alis na ako." Tumingin ito sa akin. "Coreen..." Nagtaas ito ng palad sa harap ko at agad ko namang ginawa ang gusto niyang manyari. High five, apir, whatever do you call that. "May nalaman ako," sabi niya pa bago umalis. "Ano?" tanong ko sa pag-aakalang seryoso ang sasabihin niya. "Secret, hulaan mo." "Gago!" Tatawa-tawa siyang tumakbo paalis. Kahit hindi niya na kita ay umiling-iling ako. Ang corny lang. Masahol pa sa weirdo ang tao na iyon kahit kailan. No wonder walang nagtatagal na girlfriend. "Kanino galing?" tanong ko kay Vince. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tinitingnan ang laman ng paperbag. Ang tatapang na ng mga girls sa university namin. Lantaran magpakita ng kagustuhan sa isang lalaki, lalo na kay Vince. Hindi na ako nagulat na para sa kanya iyon, madalas naman talaga siyang nakakatanggap ng kung ano-ano. Nagkibit-balikat ito. "Walang nakalagay?" "Wala naman," anito. "Chocolates, gusto mo?" "Malamang." He chuckled. "Napapadalas na ang nagbibigay sa akin ng chocolates. Akala yata nila ay ako ang may gusto. Ibenta ko kaya sa'yo ito?" Inambaan ko siya ng sapak. "Eh, kung ikaw kaya ang ibenta ko sa mga babaeng iyan?" "Dapat na ba akong matakot?" Inagaw ko ang paperbag sa kanya. Sure naman akong ibibigay niya sa akin ito dahil hindi naman siya mahilig sa chocolate dahil madali siya masuya sa matatamis. "Oo dahil mamumulubi ka ngayon. Ilibre mo akong lunch, gutom na ako." Tiningnan niya ang relo. "Ang aga pa." "So? Para kaunti pa lang ang tao sa resraurant. Dali!" Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at saka hinila na siya palabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD