Chapter 4: Anong feeling?

1155 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ Nang makahabol si Praise sa paglalakad ni Zach, muli itong nagsalita, “Ako nga pala si Praise at matagal na akong katulong sa bahay ng mga magulang mo.” matinong sabi ni Praise, “Ikaw ba? Ano ngang pangalan mo?” dugtong nito, “Great! That’s all I wanna know!” at tuluyan ng iniwan ni Zach si Praise, “Ano ba yan! Hindi ko manlang nalaman ang pangalan ni Mr. Sungit.” bulong ni Praise sa hangin bago ito bumalik sa imabakan ng supplies. “Dad, Mom. Just call me when you need me. May kailangan lang po akong gawin.” nagpaalam na si Zach sa kaniyang mga magulang at umalis na. Hindi na dinala ni Zach ang kaniyang sasakyan dahil gusto niyang maglakad-lakad sa paligid at pagmasdan ang mga mukha ng mga makakasalubong niya. Naghahanap siya ng mga clue na maaari niyang makita sa mga mukha ng mga tao sa paligid. “I gotta find someone with a mole on their eyebrows para makapag step forward ako.” ani ni Zach sa kaniyang sarili. Hindi niya napapansin na halos dalawang oras na siyang naglalakad-lakad pero wala pa rin siyang nakikitang clue. Marami pang tao ang nakakasalubong niya pero nakakaramdam na siya ng gutom at pagod kaya naisipan niyang pumunta sa isa sa mga stalls na nakita niyang kainan. Habang kumakain si Zach, iito namang sila Prasie, Lorie at Henry ay patungo sa kainan na kinakainan ni Zach. “Anong kakainin mo? Basta Henry, libre ‘to ah!” hindi pa sila nakakapasok sa kainan ay rinig na ang boses nila sa loob. “Oo, akong bahala sa inyo at tsaka kunwari pa kayo. Kaya nga gusto nyong kumakain sa kainan namin dahil hindi na kayo pinagbabayad ni mama.” “Ganun talaga! At tsaka, ang sarap kayang kumain kapag libre. Diba Lorie.” wika ni Praise na ina-agree-han naman ni Lorie, “True!!!” Pumasok na sila sa kainan, hindi agad napansin si Zach, “Oh! Umupo na kayo dyan. Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain.” ani ng mama ni Henry at sinunod naman nila ito. Habang inaantay ang pagkain, napatunganga nanaman si Lorie. Nakita ito ni Henry kaya sinundan niya ng tingin ang tinitignan ni Lorie. Agad na napatayo si Henry. “Hello po!” bati niya kay Zach. “Mama! Anak ni Mayor.” ng makita ni Henry ang mama niya na dala-dala na ang mga pagkain nila, “Naku! Tama nga po pala ang sabi-sabi. Nakauwi na nga po pala kayo at ang gwapo nyo nga po pala. Manang-mana sa papa mo.” kita sa mukha ni Zach ang pagka-ilang. “Hello po!” simpleng sagot ni Zach at nagpatuloy na sa pagkain. “Hello po sir!” umupo si Henry sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Zach. “Ano pong feeling maging paborito ni lord?” tanong ni Henry kaya pinatayo na siya ng mama niya at pinapabalik na sa upuan nila. “Naku sir! Pagpasensyahan nyo na po ang anak ko. Ganyan talaga silang magkakaibigan.” at sinamaan ni aling Brenda ng tingin ang kaniyang anak, Napangisi ng mahina si Zach. “Okay lang po!” sagot niya, “Si mama naman e! Gusto ko lang naman malaman kung parehas kami ng feeling na nararamdaman. Hirap kaya maging paborito ni lord. Habulin ng mga chics. Kaya minsan ayoko nalang lumabas e.” hindi makapaniwala sila Lorie at Praise sa lumalabas sa bibig ni Henry. “Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na nahiya.” ani ni Lorie, “Kaya nga!” sulsol naman ni Praise, “Hoy! Kung alam nyo lang ang nalalaman ko!” wika ni Henry habang ang hintuturo ay nakaturo sa dalawa niyang kaibigan. “Ano nanaman ang nalalaman mo na hindi namin nalalama, aber?” tanong ni Praise, “Na, poging-pogi kayo sa akin at sa tuwing nakikita nyo ako, kulang na lang ay maglaway kayo.” “YUUUUCK!” sabay na pandidiri nila Praise at Lorie, “Kumain ka na lang. Gutom lang yan!” kinuha ni Praise ang platong umaapaw sa kanin at nilagyan ang plato ni Henry. “Aba! MA! Magkano lahat to? Gusto atang bayaran nila Praise lahat e.” “Ikaw naman! Hindi ka na mabiro. Ito na nga oh! Kumain ka lang dyan gwapo—” kunwaring naduduwal si Praise, “Gwapo naming kaibigan.” at inabutan na ito ng pagkain, “Ayan ang sinasabi ko! Can you pass the water please!” Henry. Natapos ng kumain si Zach at nagbayad na ito. “Thank you! At nag-iwan siya ng tip sa lamesang kinainan niya bago umalis. Sa paglabas ni Zach ng kainan, kinuha ni niya ang kaniyang sigarilyo at sinindihan ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad at saktong nakasalubong niya ang ama ni Justin, ang kaniyang kababatang namatay. Napahinto siya ng saglit bago niya napag-desisyunan na lapitan ito. “Hi Uncle!” bati nito kay Anton. “Oh, Iho! Nakabalik ka na pala! Kamusta naman ang buhay sa maynila?” pagtatanong nito at sabay na silang naglakad, “Ayos naman ho! May mga nakilala akong mga kaibigan na kumupkop sa akin kaya naging madali yung buhay ko dun.” “Mabuti naman kung ganun!” Bata pa lang si Zach, ka-close na niya ang tatay ni Justin dahil kaibigan ito ng kaniyang ama. Kung tutuusin, tinuturing niya na rin itong pangalawang tatay. Ayun lang ay hindi na siya nakapagpaalam dito nung naisipan niyang umalis ng Silverdale Valley. “Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo nung umalis ako ng baryo. Biglaan lang din po kasi yun.” “Okay lang! Nung mga araw din naman na’yun ay nagkulong ako sa loob ng bahay.” ani ni Anton kaya naisipan na ni Zach na kamustahin ito patungkol sa nangyari sa kaniyang anak, “Kamusta naman po kayo ngayon? How are you coping with everything that happened?” “Ito! Ayos na naman. Tanggap ko na na wala siya. Tsaka, andyan yung mga magulkang mo para sa’kin nun. Salamat sa kanila at kahit papaano, may nakakausap ako patungkol sa mga nangyari. Naging malaking tulong sila sa pag tanggap kong wala na si Justin.” tugon ni Anton, “Sorry, I wasn’t there to help you cope.” Rinig sa boses ni Zach ang lungkot “Ayos lang yun Iho. Ang mahalaga ngayon ay nakabisita ka na ulit dito sa Silverdale. Ang laki-laki mo na.” Anton was looking at him. Imagining Zach as his son Justin, na kung nabubuhay pa ang kaniyang anak, malamang ay kasing gwapo at kasing tangkad din niya ito. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nagpatuloy ang usapan ng dalawa hanggang sa makabalik sila sa bahay ng magulang ni Zach. Sa kanilang pagbalik, marami na ang mga naka-bag na ipapamigay. Sinalubong din sila nila Nancy at Fred at duon ay nagpaalam na si Zach upang tumulong sa pagbubuhat ng mga bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD