Chapter 5: Remembering my childhood

1673 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ Gabi na at nakauwi na ang lahat. Si Praise ay patuloy na inaayos ang mga naiwang nakakalat na mga supply. Pinagsasama-sama niya sa mga box ang mga dapat magkakasama bago niya itabi. Narinig ni Zach ang mga kaluskos at akala niya ay kung ano na kaya naisipan niya ‘tong silipin. Hindi niya inaasahang makita si Praise sa loob ng imbakan dahil anong oras na rin. Akala niya ay nasa loob na ito ng bahay. “What are you still doing here?” “Ay! What are you doing here!” napaulit si Praise sa gulat. Agad siyang lumingon at nakita niya nga si Zach, “Ano ba yan! Nakakagulat ka naman.” “Hindi ba dapat ay nasa loob ka na ng bahay?” wika ni Zach at inihip ang hawak na sigarilyo bago itapon sa damuhan. “Inaayos ko lang ‘to. Ang gulo kasi e. Baka pag nagpatuloy bukas ay magkagulo-gulo pa dahil mga nakakalat yung mga supply.” tugon ni Praise at patuloy pa rin sa pag-aayos. “At tsaka, sir. Yung upos ng sigarilyo mo. Kakawalis ko lang dyan e. Baka naman po pwedeng patapon sa tamang tapunan. Ayan lang sir sa gilid mo. Salamat.” Tinignan naman ni Zach ang basurahan at pinulot ang upos ng sigarilyo upang itapon sa tamang tapunan. “Masunurin naman pala.” bulong ni Praise sa hangin, Nang mapuno ang box ng dilata, binuhat na ito ni Praise at nilagay sa isang tabi at pagtapos ay muling nilingon ang diereksyon ni Zach ngunit wala na ito. “Ano ba yan! Akala ko pa naman tutulungan ako.” Makaraan pa ang tatlong pu’t minuto, nakatapos din si Praise. “Finally!” Sinarado na niya ang imbakan at ni-lock. Pumasok na si Praise sa bahay at kinuha ang tuwalya sa kaniyang kwarto. “Makakapaligo na rin ako sa wakas. Sobra ng naglalagkit yung katawan ko.” lumabas na si Praise ng kwarto at tumungo sa banyo. Binuksan niya ang pinto at sakto namang kakatapos lang ni Zach sa paliligo kaya binuksan niya ang pinto galing sa loob ng banyo. Nagulat si Praise ng makita niya si Zach na nakatapis lang ang kalahating parte ng katawan. Hindi na napansin ni Praise na nakaharang siya sa lalabasan ni Zach dahil napatitig siya sa hindi lang six kundi eight pack abs ni Zach. “Uhm! Excuse me.” at duon lang namalayan ni Praise na nakaharang pala siya sa pinto kaya dali-dali siyang gumilid at umiwas ng tingin. “s**t! Huli pero hindi kulong.” sabi ni Prasie sa kaniyang sarili. Nang makalabas si Zach, mabilis namang pumasok si Praise sa banyo at nagkikikisig sa kilig. “Mabubusog nanaman ang tenga ni Lorie.” naligo na si Praise at pagtapos ay nagbihis na din at humiga na sa kama niya. Kinuha niya ang phone niya at agad na tinawagan ang kaniyang bestfriend. “Gurl!” kilig na sabi ni Praise ng sagutin ni Lorie ang tawag, “Why oh why?” tugon naman ni Lorie, “Ihanda mo na ang tenga mo beshy bells.” “Bakla ka ng taon. Spill the tea.” rinig ang excitement sa tinig ni Lorie, “Ang abs guuuurl!!! Hindi lang anim. WALO!” hindi na kailangan pang sabihin ni Praise ang pangalan ng tinutukoy niya dahil alam na agad iyun ni Lorie. “AAAHHHH!” at nagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawa. ━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━ Hindi ako makapag pahinga ng maayos dahil rinig na rinig ko ang tawanan sa kabilang kwarto. I had a long day today kaya I couldn’t help but knock on her room. Binuksan niya naman agad ang pinto. Nang makita niya ako, napasibangot ang mukha niya. “Can you please be quite? Hindi ako makatulog sa lakas ng tawa mo.” sabi ko ng walang emosyon, “Anong sinasabi mo? Hindi ako nag-iingay, baka may white lady dyan sa kwarto mo at iyun ang naririnig mo.” wika niya naman sa akin na may pagsusungit, Why is she acting like she wasn’t just talking about me with whoever was in the end of her phone? Hindi ko na siya pinansin at umalis na lang ako. Wala ako sa mood makipagtalo sa taong hindi naman importante. Kailangan kong gumising ng maaga para masiguradong tulog pa ang lahat. I have to move like a shadow. Dahil hindi ako makatulog, lumabas na lang ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang fridge pero wala akong nakitang makain. Wala bang pizza dito? Pancake? Burger? Anything I could eat? Mostly ay tirang ulam lang ang nasa fridge kaya naisipan ko na lang umorder sana sa any fast food na bukas pa pero hell! Walang kahit anong malapit na fastfood dito sa Silverdale. Lahat ay halos isang oras ang byahe. Nagugutom na ako. Gusto ko ng Pizza. Makabili na din ng mga pwedeng idagdag na pagkain dito sa bahay. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang susi. Sakto naman sa paglabas ko, lumabas din si Praise. “Oh sir! Bakit gising ka pa?” pagtatanong nito sa akin. Tinignan ko lang siya pero hindi ko sinagot. Lumabas na ako ng bahay at hindi ko inasahang susunod pala siya sa akin. “Sir, bakit ba ang sungit mo? Alam mo sir, sa lugar namin, kailangan marunong ka makisama.” And here we go again with her lectures. Daig pa ang mom ko sa pagse-sermon. Patuloy ko siyang hindi pinansin habang papalapit ako sa sasakyan ko. “Hindi magandang ugali yung ganiyan sir. Kapag masungit ka, hindi ka magugustuhan ng mga tao dito.” “Wow! Ang ganda pala sir ng loob ng sasakyan mo.” dugtong niya ng buksan ko ang pinto nito, Isasarado ko na sana pero hinarang niya ang kamay niya ang pinto kaya napasandal ako sa sandalan ng upuan ko. Is it not obvious na naiinis na ako sa kaniya? “Stop beating around the bush. Sabihin mo na lang kung gusto mong sumama.” nakita ko sa mata niya ang excitement sa mga mata niya ng sabihin ko yun. I leaned over to the passenger seat and open the door from the inside. “Pasok.” sabi ko at ng makapasok siya ay pinaandar ko na ang sasakyan ko. “Alam mo ba kung saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya, “Hindi pero OMG! Ang ganda ng sasakyan mo. Ikaw lang ata ang may ganitong sasakyan dito sa syudad. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong sasakyan.” Jeep Wrangler lang pero manghang-mangha pano pa kaya kung sports car yung dinala ko. “Sama ka ng sama ng hindi mo naman alam ang pupuntahan. Pano kuing masamang tao ako? Pano kung may balak pala akong masama sayo?” “Ano ‘to? Lecture session?” napatingin ako sa kaniya, “Tsaka, ikaw naman yan! Masungit ka man pero alam kong may mabuti kang loob.” napangisi ako ng mahina at tumutok sa kalsada, “Tsaka lagot ka kila tita kapag nawala ako. Nag text ako sa kanila na sasamahan kita. Ayan oh!” at tinutok niya sa mukha ko ang phone, “kakasend ko lang halos ngayon lang.” sabi niya, “OKAY! God! Mababangga ako sa ginagawa mo e.” “Sorry naman! Ikaw kasi kung ano-ano sinasabi mo.” muli niyang sabi. This is the time to ask her kung paano siya napunta sa bahay and kung nasaan ang mga magulang niya. “So, bakit sa bahay ka ng parents ko tumutuloy? Where are your parents?” Natigil siya ng saglit bago muling magsalita. “Orphan na kasi ako.” hindi ko siya tinitignan pero bukas ang tenga ko sa pakikinig. “Para mabuhay, kinailangan kong gumawa ng paraan. Naghanap ako ng trabahong tatanggap sa akin pero dahil sa mura kong edad, sobra akong nahirapan. Lalo na dati na halos wala talagang mapag apply-an dahil wala namang mga stalls dito noon, hindi tulad ngayon na kahit saan ka tumingin ay meron.” napahinto ulit siya sa pagsasalita kaya napasilip ako sa kaniya. Sa saglit na tingin ko sa kaniya, nakita ko kaagad ang lungkot sa mga mata niya “My parents died from a tragic accident.” Singit niya then her eyes became watery. Papahintuin ko na sana sya pero bigla ulit siyang nagsalita. “Tapos iyun, kahit nahihiya ako pumunta kila mayor, nag bakasakali akong mag apply bilang kasambahay, then tinanggap nila ako ng taos puso to the point na parang naging magulang ko na sila.” Hindi na ako nagsalita at ganun din siya. Buong byahe kaming tahimik at sa pagdating namin sa isang fastfood, duon ko lang napansin na nakatulog na pala siya. Matapos kong mag drive thru, pinarada ko na muna sa parking lot ang sasakyan ko at ginising ko na siya. “Kumain ka na muna” at inabot ko sa kaniya ang isang paper bag na may dalang burger at fries. Wala e. Gutom na talaga ako. Ito ang kauna-unahang kainan na nakita ko kaya ito na lang muna ang kakainin ko. Maguuwi na lang ako ng pizza sa bahay at ayun na lang ang itatanghalian ko. “Salamat.” garalgal niyang sabi dahil bagong gising. Nangangawit na ako sa pagkakaupo kaya naisipan ko munang lumabas ng sasakyan. Kinuha ko rin ang pagkain ko at ipinatong ang soda sa bubong ng sasakyan ko. Pagtapos kong kumain, sinindihan ko ang sigarilyo ko. Sobrang dalang lang ng dumadaang sasakyan dahil alas-dose na ng madaling araw. Ang sariwa at ang lamig ng hangin. Ang tahimik. Ang aliwalas ng kapaligiran. Hindi mausok di gaya sa pinanggalingan ko. For some reason, sobrang nakakarelax ang lugar na ‘to. Kung hindi ko iisipin ang totoong pinunta ko dito, maiisip ko na para akong bumalik sa pagkabata. I missed being here. I missed everything here except that night. Gosh! It’s so good to be back. I was having a great moment of remembering my childhood until… “Hindi ba kakasigarilyo mo lang kanina? Naku masama sa baga yan! Tsaka dagdag ka pa sa polusyon oh!” OH COME ON!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD