Chapter 3: Pinaglihi sa sama ng loob

1272 Words
━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━ Matapos kong bigyan ng oras sila mama sa mga tanong nila, umalis na din ako upang simulan ang pinunta ko dito. Tumayo ako hindi kalayuan sa harap ng bintana ng kwarto ko. From what I’ve remember that night, nakita ko sa bintana ang isang lalaki kung saan ako nakatayo ngayon. He was wearing a black hoodie and I saw a mole on his eyebrows but that’s all I remember dahil ang parteng mata lang ang makikita sa kaniya dahil sa ski mask na suot nito. Triny ko siyang habulin pero paglabas ko, hindi ko na siya mahagilap. I have no other lead after that pero ngayong may alam na ako sa mga ganitong sitwasyon, positibo akong mahahanap ko ang hayup na bumaril sa bestfriend ko. Habang pinagmamasdan ko ang bintana ko, nagulat ako ng may naglakad sa loob. “What the f**k?” Who is that? Mabilis akong bumalik sa loob ng bahay at pumasok sa kwarto ko. “WHAT ARE YOU DOING HERE?” nasigawan ko siya dahil hindi ko inaasahang makita siya dito. Nakita ko ang gulat sa mga mukha niya but I don’t care. All I wanna know is what the hell she’s doing here in my room. “Kung makasigaw ka naman! Nililinis ko lang yung kwarto mo.” nagpatuloy pa rin siya sa paglilinis ng kama ko. “Natulog ka lang pero parang isang taong hindi nalinis ‘tong kwarto.” Inayos ko ang tayo ko, “Can you just leave?” maayos kong utos sa kaniya pero parang wala siyang narinig. “Itong mga pinagbihisan mo mga naka-kalat. Ahas ka b—” bago pa niya matapos ang sasabihin niya, nasigawan ko ulit siya. “I SAID LEAVE!” sigaw ko at napahinto siya sa mga ginagawa niya. Binitawan niya ang mga damit ko sa sahig. “Ang sungit mo! Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?” sabi naman niya habang naglalakad palabas ng kwarto ko. Nang makalabas siya ng kwarto, tumalikod pa ulit siya, mukhang may sasabihin pa kaya agad kong sinarado ang pinto sa mukha niya. “God damn! Who is she and why is she on my business?” Pinulot ko ang mga damit ko sa sahig ng hindi ko napapansin but once I’ve realized, inihagis ko ang mga ito sa kama at napapailing. “That crazy girl!” Lumabas na ulit ako ng kwarto at pumunta na sa sasakyan ko. ━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Napakasungit talaga! Nakakainis. Hanggang kaylan kaya siya dito? Sana hindi na siya bumalik. Nililinis ko na nga yung kasalaulaan niya sa kwarto tapos parang ako pa ang masama. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng bahay. “Hi ka Bert.” nakangiti kong bati ng makita ko siyang inaasikaso ang mga bagong baba na mga tiglilimang kilong bigas na nasa maliliit na plastic bag. “Hi din bunsoy. Sabi sa akin ni Lorie, ngayon daw kayo magbubukod-bukod ng mga ipapamigay. Totoo ba?” ani nito habang patuloy sa paglalagay ng mga bigas sa kartilya. “Opo ka Bert. Excited na nga po ako e.” tugon ko naman sa tanong niya at tinungo ko na ang kinatatayuan niya para matulungan ko na siya. “Oh sige, papatulungin ko si Lorie para may makatulong tayo.” nakangiti niyang sabi bago itulak ang umaapaw na kartilya patungong imbakan. Hay naku ka Bert. Kung alam mo lang ang sinabi ng anak mo sa’kin kanina. baka makurot mo sa singit. “Sige po ka Bert. Maraming salamat po.” Sinimulan ko na ang pagdidilig sa halaman. Nang matapos ako, agad din akong bumalik sa kwarto ko. Nilabas ko ang mga librong binigay sa akin nila tita at nagsimula na akong mag-aral. Isang mabilisang pag-aaral lang ang ginawa ko. Halos isang oras lang. Itutuloy ko na lang mamayang gabi pag may oras pa ako. Sobrang laking tulong talaga ng mga libro na ‘to. Mas napapabilis ang pag-aaral ko. Lumabas na ako dahil may mga narinig na akong tao sa labas. Nandito na ang mga taga baranggay na tutulong sa pagbubukod-bukod ng mga donations. “Hello!” bati ng mga ito sa akin at binati ko rin sila ng nakangiti, “Hello din po. Salamat po sa pag punta.” “PRAISE…” malayo pa siya pero rinig na kaagad ang boses. Nakakaloka. “Asan na siya?” dugtong ni Lorie habang ang ulo ay palingon-lingon sa paligid, “Hay naku, susumbong kita sa papa mo.” “Ito naman. Gusto ko lang naman makakita ng pogi. Simula ng malipat kami dito, wala na akong nakitang pogi.” natawa ako sa sinabi niya, “Hep! Hep! Hep! Ano yang naririnig ko? Siguro pagnakikita mo ako, sa iba ka nakatingin no? Hindi mo ba nakikita ang kapogian ko?” bigla namang sumulpot ang isa pa naming kaibigan na si Henry. Twenty four years old, kasing edaran lang namin ni Lorie. Matangkad, matipuno, at may itsura din naman. yun lang, dahil magkaibigan kaming tatlo, parang magkakapatid na ang turingan namin. “Ha?” sabi ni Lorie, “Sabi ko, pog—” “Hakdog!” at nagtawanan kaming dalawa ni Lorie habang si Henry naman ay napairap sa amin. “Whatever! Don’t hate me ‘coz I’m beautiful!” sabi ni Henry sabay pakembot na tumalikod sa amin nag katinginan kami ni Lorie, napailing bago naming siya sinundan. Nang dumating na sila tita at tito, nagsimula na kaming kumilos. “Ano ba yan! Akala ko pa naman nandito yung —” napahinto si Lorie sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kaniya. “Ano? Bakit ka napahin—” hindi ko napansin na napahinto din ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa harapan namin. Sino pa kung hindi yung anak nila Mayor. Masungit pero infairness, pogi niya kapag nakangiti. “Nice to meet you all.” ani nito ng nakangiti. Nilapitan ko siya. “Marunong ka rin palang ngumiti.” mahina kong sabi sa kaniya pero lumayo siya sa akin at nagpatuloy sa pagbati sa mga tao. “Edi wag.” Makabalik na nga lang sa ginagawa ko! Nakatitig pa rin si Lorie sa kaniya. nakanganga. “Oh! Tama na yan. Balik na tayo sa ginagawa na’tin. Baka pasukan pa yang bibig mo ng langaw.” sabi ko at bumalik na ako sa ginagawa kong pagbubukod-bukod ng pagkain. “Ang pogi niya.” ani ni Lorie at kinunutan ko lang ‘to ng noo. “Bahala ka dyan basta ako tuloy sa ginagawa ko.” Binunggo ako ng mahina ni Henry sa balikat. “Nakita ko yun!” ani niya. “Nakita ang alin?” pagtatanong ko naman, “Nakita kong kinausap mo siya pero hindi ka niya pinansin. Pahiya ka dun ng very slight ah!” pang-aasar niya at inirapan ko lang siya. Akala ko walang nakakita. Bwisit talaga kasi yung lalaking yun. Nakakamarami na rin akong naiba-bag kaya nangawit na ang likod ko. “Saglit lang ah! Masakit na yung balakang ko e.” sabi ko sa kanila at tumayo na ako. Lumabas muna ako ng imbakan at naglakad-lakad ng bigla kong nakasalubong ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. “Who are you at anong papel mo sa bahay?” pagtatanong niya sa akin pero as usual, cold! “Uy! Gusto niya akong makilala. I am making a claim to the throne because I am Princess Sophia, daughter of queen Isabella.” pabiro kong sabi at ang ngiti ko ay abot langit habang ang magkabila ko namang kamay ay iminumuwestra ko sa hangin. Napailing na lang siya at naglakad na palayo sakin. “Hala! Joke lang!” at sinundan ko ang mga hakbang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD