Chapter 1: Ang hindi inaasahang bisita
━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━
Ito ang araw ng kamamatayan ng kababata ko.
Isang dekada na rin pala ang nakakaraan nang huli kong nakita ang lugar na’to. Marami-rami na rin ang nagbago.
Nung huli kong nakita ang lugar na ito, bilang lang sa daliri ko ang mga bahay sa paligid. Pero ngayon, marami na at may mga stalls na rin, hindi kalayuan sa bahay ng parents ko.
The nostalgia I’m feeling right now is crazy. It reminds me kung bakit ako umalis sa lugar na ‘to in the first place.
It feels sad standing here where Justin and I used to go. He was the only person I could truly trust. Sakanya ko lang napapakita ang totoong ako. That’s how close we were.
I don’t know what was the intention of the person that killed him, but I’ll find out.
Tinungga ko ang dala kong Muscat. Jeez, I never knew how strong this wine was until now.
Nakaka-kalahati pa lang ako pero nararamdaman ko nang nalalasing na ako.
Nang maubos ko na ang wine, pagewang-gewang akong bumalik sa sasakyan ko. Binuhay ko na ang makina at pina-andar ito. Don’t drive while drunk. It’s just, I’m a fool. Alam kong mali yung ginagawa ko pero who would stop me?
Nang makarating ako sa bahay ng mga magulang ko, bumaba agad ako ng sasakyan. f**k! Ang sakit ng ulo ko. I just wanna lay down, relax, and forget about everything for a moment.
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━
“Kiss me, out of the bearded barley….” Sumasabay sa kanta ang indayog ng katawan ko habang hawak-hawak ko ang walis tambo. “Silver moon’s sparkling. So, kiss me.” sinasabayan ko ng pagkanta ang musika ng biglang bumukas ang pinto.
“AAAHHH” napasigaw ako ng malakas ng may lalaking tumambad sa harapan ko. Unang bungad pa lang, amoy ko na ang alak sa katawan niya.
Tinungo ko agad ang kinatatayuan niya at pinaghaha-hampas ko siya ng walis. “MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!” paulit-ulit kong sigaw habang patuloy pa rin sa panghahampas sa kaniya.
“AW! AW! f**k!” daing niya sa bawat dampi ng walis tambo sa katawan niya.
Natigil ako sa pang-hahampas sa kaniya ng halikan niya ako sa labi. Sa sobrang gulat ko, hindi ako agad naka-kibo, but when I knocked out of my senses, that’s when I pushed him. “m******s ka!” sa sobrang bwisit ko sa kaniya, pinaghahampas ko ulit siya ng walis tambo pero mas malakas na kaysa kanina. Ngunit nakuha niya ‘to sa’kin at binali niya ito sa harapan ko bago niya muling binalik sa kamay ko.
“You asked for it.” sabi niya sa’kin, for a brief moment, napatitig ako sa mukha niya. His hair brushes against his forehead, right above his eyes. Ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan. Napansin niya ata na napatulala ako sa kaniya kaya ang perpekto niyang mga labi ay nagpasilip ng pag ngisi. For some reason, I find it so attractive.
Wait! Bakit ko ba siya ina-admire? As soon as I woke up from my reverie, duon ko lang naalalang muli ang kasalukuyang nangyayari.
“Bobo ka ba? Anong sinasabi mo?” inis kong pagtatanong sa kaniya pero hindi na niya ako sinagot at pagewang-gewang siyang umalis sa harapan ko na para bang walang nangyari.
“KANTA yun!” sigaw ko ng marealized ko ang sinasabi niya.
“Wala ka sa tono!” Pumasok siya sa isang kwarto at ako naman ay sobrang confused sa nangyari habang hawak ko sa magkabilang kamay ang putol na walis.
“Wala sa tono… m******s ka lang kamo! At tsaka, kung makapanlait ka, akala mo naman pang diva ‘yang boses mo. Pustahan, tunog lata ka kapag kumakanta.” malakas kong sabi dahil alam ko namang hindi na niya ako maririnig sa loob ng kwarto,
Akala mo kung sino. Tapos, binali pa yung walis ko. “BILHAN MO AKO NG BAGO!”
Asan yung phone ko? Kailangan malaman nila tita na may ibang tao sa bahay. Hinagis ko sa sahig ang baling walis sa sahig at mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Tabi lang ng kwarto na pinasukan ng lalaki.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si tita. “Hello tita. May nakapasok po na lalaki sa bahay. Hindi ko po kilala at ngayon ko lang po siya nakita. Mukhang lasing din po.” Rinig sa boses ko ang halong kaba at takot. Syempre, hindi ko naman kilala ‘yun at ngayon ko lang siya nakita.
“Ano? Sige at uuwi na kami dyan.” at binaba na ang tawag.
Yari ka ngayon! Hindi ko na nilapag ang phone ko at sa pag labas ko ng kwarto, tinungo ko ang kwarto kung saan pumasok ang lalaki.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang lalaki. At nakuha pa talagang matulog sa kama ng mokong. Ang kapal ng mukha.
Habang nakasilip ako, narinig ko ang pag-bukas ng pinto. “Asan na yung sinasabi mo?” as usual, kalmado pa rin sila tita Nancy.
Mabilis akong tumungo kila tita, “Nandun po tita sa kwarto. Natutulog po.” nagkatinginan sina Tita Nancy at Tito Fred bago pumunta sa kwarto at binuksan ang pinto.
Nagulat nga ako dahil nung nakita nila yung lalaki, para silang nagulat tapos dahan-dahan pa yung pagsara ng pinto.
Napatingin talaga ako sa kanila eh. Like, what just happened? Sabihin ko kaya na hinalikan ako ng mokong na yun. Tignan ko lang.
“Hayaan na muna natin siyang magpahinga. Malamang ay pagod ‘yan dahil mahaba ang binyahe niyan.” sabi ni Tito Fred,
Ahh! Kakilala naman pala! “Sige na ‘nak at magpahinga ka na rin muna. Sayang, hindi ka sumama sa amin. Nandun pa naman si Carl, kasama ng nanay niya.” sabi sa akin ni Tita Nancy bago pa sila naglakad patungo sa kwarto nila. ‘Pero m******s po yung lalaki na ‘yan’ gustong-gusto kong sabihin pero nagpigil na lang ako.
“Sige papahinga na po ako. Sa susunod sasama po ako, baka sakaling kasama ulit ni aling Pres si Carl.” wika ko naman, “Good night po.” dugtong ko bago pumasok sa kwarto.
Hayst! What a long day. Gara naman. Kung kelan hindi ako sumama, tsaka sinama ni aling Pres si Carl.
Hinubad ko na ang tsinelas ko at pagtapos ay umakyat na ako sa kama. Hindi muna ako humiga dahil titiklupin ko pa ‘tong mga nilabhan ko kahapon.
Matapos kong mag tiklop, ipinatong ko na muna ang mganatiklop kong damit sa sop ana nasa gilid ng kama ko bago ako tuluyang humiga. Bukas ko na lang ilalagay sa mga damitan nila tita at tito ang mga natiklop kong damit nila. Masakit na rin kasi ‘tong likod ko dahil ang dami kong ginawa ngayong araw tapos dumating pa yung mga inorder nila tita kanina. Marami-raming box din yung binuhat ko tapos mabibigat pa dahil kung hindi ako nagkakamali, mga dilata yun na isasama sa ipapamigay nila sa ikalawang araw.
Binuksan ko ang tv at nagpa-antok sa panunuod. Habang nanunuod ako, may nag halikan sa pelikula kaya naalala ko ulit yung nangyari kanina. Syete! First kiss ko yun! EW! EW! EW! Pinangako ko pa naman sa sarili ko na iaalay ko yun sa mapapangasawa ko. Nakakainis! Nakakainis talaga.
“Patayin ko na nga ‘tong tv na ‘to. Hindi nakakatulong!” Kinuha ko ang isa pang unan sa ulunan ko at ipinantakip ko sa mukha ko.
Sino ba kasi ang lalaking iyun at kaano-ano siya nila tito?