━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━
Nang magising si Zach, nag muni-muni muna ito bago tumayo. Masakit pa ang kaniyang ulo kaya hindi niya agad nagawang umalis ng kama.
Hinanap niya sa kama ang cellphone niya at sa sobrang kalasingan kagabi, hindi niya alam na naiwan niya pala ito sa sasakyan niya.
“Damn it!” Napahampas siya sa kaniyang noo sa sobrang inis at napilitan na lamang na bumangon.
Habang si Zach ay nag-aayos ng sarili, si Praise naman ay matatapos na sa pagluluto ng agahan.
Laging ganito ang bungad ng araw ni Praise. Gumigising siya ng maaga para ipagluto ang mga nasa bahay. Syempre ay kasama na siya duon.
Si Praise ay nag apply bilang isang katulong sa bahay nila Nancy at Fred noong labing-apat na taong gulang pa lang siya. Maaga siyang naulila kaya maaga din siyang namulat sa katotohanan na hindi madali ang buhay.
Dahil sa awa nina Fred, bukas-loob nilang tinanggap ito sa kanilang pamamahay. Tinuring na rin nila si Praise na parang isang tunay na anak.
Hindi na ni Praise naabutan si Zach sa bahay nila Fred dahil isang buwan ng wala si Zach sa bahay nila Nancy ng dumating siya bilang isang katulong. Nakikita nalang ni Praise ang mga litrato nito na naka display sa mga dingding ng bahay
Dahil sa kabaitang loob na ipinakita ng mag asawa kay Praise, naisipan niyang huwag ng magpabayad pa dahil mas gusto niya na lang gawin ang mga gawaing bahay bilang isang utang na loob na rin sa mag asawa. Tutal ay wala din namang ginagastos si Praise at madalas din siyang uwian ng mag-asawa ng mga gamit kahit na hindi naman niya hilingin.
Nang saktong makatapos si Praise sa pagluluto, lumabas naman ang mag-asawa sa kwarto upang sabayan ang isa’t-isa sa hapag-kainan. “Good morning po.” masayang bati ni Praise sa mag-asawa.
Kabisado na rin kasi ni Praise ang gising ng mag-asawa kaya hindi siya nahuhuli sa pagluluto ng agahan.
“Good morning din, Praise. Mukhang masarap ang agahan natin ah. Sinangag, itlog, at hotdog.” sabi naman ni Fred,
“Sinarapan ko po talaga para ganahan kayo.” nakangiting wika naman ni Praise at umupo na din sa hapag-kainan.
Habang binibigyan ni Fred ng kanin si Nancy at Praise, sakto namang lumabas ng kwarto si Zach. Bagong ligo at pormang-porma ang dating. “Naka tuxedo at pants pa, akala mong a-attend ng kasal.” ani ni Praise sa sarili habang nakatingin kay Zach,
“Oh anak! Saan ka pupunta?” tanong ni Fred,
“Kumain ka muna dito bago ka umalis para naman may laman yang tyan mo.” tugon naman ni Nancy,
“Ang sabihin nyo, para magkalaman ang utak.” ani muli ni Praise sa kaniyang sarili. “Anak pala? Bakit iba ugali?” dugtong niyang muli sa kaniyang isipan. “At tsaka, kung gusto niya kumain, magluto siya ng sarili niya. Saktong sakto lang ang niluto ko.”
Hindi pa sila nagsisimulang kumain, napansin ni Praise na nakalimutan niyang ilagay sa lamesa ang kape na tinimpla niya para sa mag-asawa kaya tumayo muna siya at kinuha ang tasang may lamang kape sa kusina ngunit sa pagbalik niya, nakaupo na si Zach sa kinauupuan niya kanina at subo-subo na nito ang kutsara.
“Naku sir, plato ko po yan.” nakangising ani ni Praise kahit sa loob-loob niya ay gusto niyang buhusan ng mainit na kape si Zach sa ulo.
Tinignan siya ni Zach at muling tinignan ang plato, “Wala akong nakitang nakasulat na pangalan mo.” masungit na sagot naman ni Zach.
Dahil nasa harap si Praise ng mga magulang nito, wala siyang nagawa kung hindi ang bigyan ito ng pilit na ngiti.
“Pasensya ka na Praise. Kuha ka na lang ulit ng plato mo dun iha.” sabi ni Nancy sa kaniya,
“Ah! Okay lang po. Nakalimutan ko na may gagawin pa nga po pala ako.” bungisngis na sabi ni Praise at sa pagtalikod niya sa hapag kainan, ang mukha niya ay napalitan ng sibangot.
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━
Pumasok na lang ako sa kwarto sa sobrang inis. “Ang yabang-yabang, akala mo kung sino.” anak ba talaga nila tita yun? Bakit ganun ugali? Saan naman kaya nagmana yun? Sa sama ng loob?
Kinuha ko na ang mga natiklop ko kagabi at pinagsama-sama ko ang kung kanino. Matapos kong gawin yun, binuhat ko na ang bawat tumpok at dinala ko na sa kwarto nila tita. Bago pa ako makapasok sa kwarto, hindi ko man sinasadya pero narinig ko ang mga usapan nila.
“We’re so happy to see you again, son.” rinig ang tuwa sa boses ni tito,
“I’m happy as well. But I won’t be here for long. I’ll just have to finish what’s been started.” ano ba yan. Parang walang kagana-ganang kausap. Che!
Pumasok na ako sa kwarto nila tita at inayos ko na ang mga damit nila. Nilabas ko na rin ang mga nakita kong pinagkainan nila at dinala ito sa kusina.
At dahil hindi pa sila tapos kumain, hinugasan ko na muna ang mga pinaglutuan ko. Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga upuan. Malamang ay tapos na sila pero nag-antay pa rin ako ng saglit bago ako pumunta sa dining area.
Habang ginagawa ko yun, inilista ko na rin ang mga kulang sa bahay para mai-sabay ko na sa pamamalengke ko.
Pagtapos ko sa paglilinis sa bahay, umalis na din ako agad. Sayang kasi ang oras at para mabigyan ko rin ng oras ang pag-aaral ko.
Habang namamalengke ako, nakasalubong ko ang kaibigan ko. “Huy, girl! Balita ko umuwi na daw dyan yung anak ni Mayor. Totoo ba? Pogi ba? O.M.G. Ang sabi-sabi, sobrang pogi daw nun at mabait din.” excited na sabi sa akin ni Lorie. Si Lorie ay nakilala ko dito rin sa bayan habang tinutulungan niya ang kaniyang ina sa pagtitinda ng gulay.
“Hay naku, girl. Huwag kang naniniwala sa sabi-sabi.” sabi ko habang namimili ng pang nilagang lulutuin ko mamayang tanghalian.
“Bakit? Hindi ba totoong umuwi na? Ano ba yan! Excited pa naman ako. Yung mga tsismosa natin dito sa bayan pumapalya na.” napapakamot na saad ni Lorie,
Nakakaloka din ‘tong kaibigan ko na ‘to e. Kung makahusga wagas, siya din naman tsismosa. “Hindiiii… Nakauwi na pero hindi mabait.” well, anyway! Ako din naman mapanghusga pero dahil iyun ang pinapakita niya.
“Pogi ba?” humarap sa mukha ko si Lorie at ang mga mata niya ay parang luluwa na sa sobrang excited,
“Hay naku! Mamaya na tayo mag daldalan dahil kailangan kong bilisan dito. Mamaya pagbubukod-bukodin na namin yung mga ipapamigay nila tito sa buong baryo.” tugon ko sa kaniya,
“Ay bahala ka dyan. Pupunta ako mamaya sa inyo. Sasabihin ko kay mayor na tutulong ako para masilayan ko yung anak niya.”
“Ang masasabi ko lang sayo is goodluck.” ani ko sa kaibigan ko,
“Magkano po lahat ‘ta?” tanong ko sa nanay ni Lorie,
“Huwag mo ng bayaran. Sabihin mo na lang kay Mayor na pasasalamat ko na lang yan para sa kabutihang pinapakita niya sa baryo na’tin.” tugon nito,
“Makakarating po. Salamat ‘ta.” at iniwan ko na si Lorie sa nanay niya.