Chapter 6: Not So Virgin Eyes

1636 Words
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ “Ano ba yan! Hindi mo ba ako tutulungan. Ang laki-laki ng katawan mo pero ako pinagbubuhat mo ng mga pinamili mo.” nakakainis siya. Kung ano-ano ang mga pinamili tapos hindi naman pala bubuhatin. Bakit ba ako sumama pa. “Bakit ka nagrereklamo? Hindi ba kasambahay ka?” ani niya sa akin. Well! True naman. Agh! Ang bigat ng mga ‘to ah! Sinusundan ko lang siya kasi ano pa nga bang magagawa ko diba? Ayan napapala mo! Sama ka pa kasi ng sama. Bakit ba kasi ako sama ng sama. “Kanina pa tayo lakad ng lakad. Saan ba kasi tayo pupunta? Ang bigat ng buhat ko oh.” Of course, hindi nanaman niya ako pinansin. “Ahh ganun ah!” dahil may nakita akong bench sa isang gilid kung saan kami naglalakad, hinintuan ko ito at umupo. Bahala siya sa buhay niya. Ang sakit na ng mga kamay ko oh! Namumula na. Bakit ba kasi may mga bukas pang bilihan ng kung ano-ano dito. Akala ko ba kapag ganitong oras na, sarado na lahat? Hindi pa siya nakakalayo ng mapansin niya na wala na ako sa likod niya. Pagtingin niya sa akin, iminuwestra niya ang kamay niya sa magkabilang gilid na para bang tinatanong ako kung ano na ang ginagawa ko. “Tulungan mo naman kasi ako. Ang bigat-bigat ng mga ‘to oh!” sabi ko habang tinuturo ang mga binuhat ko. “Tapos tignan mo oh!” pinakita ko sa kaniya ang kamay kong hindi mo alam kung namumutla o namumula. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ito bago muling binitawan at umupo sa tabi ko. “It’s not that heavy to be honest. Mahina ka lang.” sumandal siya sa upuan at tumingala. “Excuse me? Anong mahina. Banat ang katawan ko sa mga ganyan. Inaantok lang ako kasi tignan mo oh, anong oras na rin.” tinignan ko ang oras sa phone ko, “Jusko lord! Mag a-alas kwatro na pala. Daig pa natin paniki ah!” Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago tumayo. “Let’s go home! Ang dami mong reklamo.” Isinukbit niya ang mga pinamili niya sa kamay niya at walang itinira. “Ayan! Ganyan hindi yung ako pa pinagbubuhat mo!” Napatingin siya sa akin at tila ibabalik sa akin ang mga bag. “Joke lang naman! Hindi ka na mabiro.” Nginitian ko siya at nang maglakad na siya ay sumunod lang ako sa likod niya, masayang naglalakad. Nilagay niya na sa likod ng sasakyan ang mga pinamili niya at ako naman ay sumakay na ssa loob. Bahala na siya dun. Basta ako, gusto ko nang matulog. Sana talaga ay magising ako bukas ng maaga. Nakarating kami sa bahay at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa buong byahe namin. Bumaba na ako ng sasakyan at dahil antok na antok pa ako, hindi ko na naisipang tulungan si sir na ipasok yung mga pinamili niya. Hindi ko na nga rin alam kung anong oras kami nakauwi e. Basta ay dumiretso lang ako sa kwarto ko at natulog. Pag gising ko sa umaga, nagulat ako ng sobrang liwanag na sa labas. Napatayo talaga ako ng biglaan e kaya ayun, sobrang sakit ng ulo ko. “Lagot! Lagot! Lagot!” nang mawala ang sakit ng ulo ko, mabilis akong lumabas ng kwarto. Pumunta agad ako sa kusina at bukas na ang lahat ng bintana. Lagot ako. Ngayon lang ako na late ng gising. Kumatok kaya ako sa kwarto nila tita, baka nandun pa? Hala… Kinakabahan na ako. Napahawak ako sa puso ko dahil ramdam na ramdam ko ang malakas na pag t***k nito. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto nila tita at ng katukin ko ito ay walang sumagot. Nakailang ulit akong kumatok bago ko naisipang buksan ang pinto. “Naku! Wala na sila dito.” Napabuntong hininga ako. Bahala na sa mangyayari mamaya. Kailangan ko ng mag focus sa pag-aayos ng mga gamit sa labas dahil mamayang hapon ay mamimigay na ng mga ayuda sila tito. Pagtapos kong mag hilamos at mag toothbrush, lumabas na ako ng bahay at pumasok sa imbakan ng mga gamit para kuhanin ang dalawang mahabang plastic na lamesa at inihanda na sa gitna ng malawak na bakuran. Isa muna kinuha ko kasi mabigat. Hindi ko kayang pagsabayin. Nang malatag ko na ang dala, tsaka ko na binalikan ang isa pang natira sa loob ng imbakan. Kinuha ko na rin ang malaking lona para pagpatungan ng ibang ayuda na hindi magkakasya sa mga lamesa. Ilalabas ko na rin ang mga ipapamigay na ayuda para pagbalik nila tito, wala na silang aasikasuhin. At tsaka may atraso pa ako sa kanila. Pambawi ko na ‘to. Hayst! Sana talaga ay kumain sila ng agahan. Anyway, ipinaglalalagay ko na sa kartilya ang ibang mga ayuda at unti-unti ko ng nilabas. Don’t worry dahil ang kartilya na ginagamit namin pang mga pagkain at pang mga madudumi ay magkaiba kaya malinis ‘tong ginagamit ko. Marami-rami na rin akong nailalabas ng biglang dumating si ka-Bert. “Ang dami mo naang nagagawa ah! Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin? Andyan lang naman kami.” sabi nito. “Okay lang po ka-Bert, madali lang naman po ito tsaka may kartilya naman po kaya hindi ako nahihirapan sa pagbubuhat.” tugon ko. Sobrang bait talaga ni ka-Bert. Siya yung tipong tutulong ng walang hinihinging kapalit pero syempre, dahil sa kabaitan niya, paminsan-minsan ay inaabutan siya nila tito ng pagkain o di kaya ay pera. Siya din ang naging dahilan kung bakit naging matalik kong kaibigan sila Lorie. Pinakilala niya ako sa mga mokong na yun at simula nung araw na iyun ay lagi na nila akong pinupuntahan. “Hay naku! Hindi iha. Tatawagin ko lang sina Lorie para matulungan ka dyan.” at tumalikod na ito. Natawa naman ako. Makulit lang talaga si ka-Bert. Talagang ipipilit niya ang pagtulong sayo kahit na hindi mo naman na kailangan. “Sige po. Salamat!” sigaw ko dahil nasa gate na siya ng bahay nila tito. Ayun nga at maya-maya lang ay naririnig ko na ang malalakas na boses ng dalawa kong kaibigan. “YO! YO! YO!” sigaw ni Henry pag pasok ng gate, “Oh! Asan na si ka-Bert?” pagtatanong ko sa kanila, “Ayun, pumunta na sa palengke para tulungan si Mama.” sagot naman ni Lorie sa akin pero napansin kong hindi ito sa akin nakatingin, “Ahh ganun ba!” sabi ko sa kaniya at napatingin na rin ako sa likod ko para makita ang tinitignan niya. “Sino ba tinitignan mo dun? Walang tao sa bahay.” sabi ko sa kaniya, “Ikaw. Ikaw ang tinitignan ko.” tugon niya at tinulungan na akong ipatong ang mga ayuda sa lamesa. Nginisihan ko na lang siya at ipinaikot ang mata. Sus! Bakit pa ba ako nagtatanong. Alam ko naman ang sagot. Nagpatuloy na kami sa pag-aayos. Napabilis ang gawain dahil may mga nakatulong na ako. Hay naku! Masaya nanaman ‘to mamaya. Maraming tao, at puno ng kwento at tawanan kagaya nung nakaraang pa-ayuda ni Mayor. Sa labas ng mansyon ay may mga street foods na din na naghahanda pang benta pag dating ng mga tao. Marami nanamang mga bata ang maglalaro sa paligid. Ito talaga paborito kong mga araw. Para kasing pyesta. Ayun nga lang, kapag pyesta mas masaya kasi may mga handaan at mga palaro. Tsaka syempre, hindi mawawala ang sagala na ako naman ang laging kinukuha. The best talaga ang lugar na ‘to e. “Sana isama ni Aling Pres si carl noh!” sabi ko kay Lorie at Henry habang nagpapahinga kami sa ilalim ng puno na nasa loob ng bakuran. “Stress Reliever ko kasi ‘yun.” Dugtong ko. “Sana nga. Bukod kasi sa anak ni Mayor, ayun lang ang tanggap kong pogi.” sabi naman ni Lorie, “Excuse me.” ani ni Henry habang hinihimas ang kaniyang bagong ahit na balbas. “Mangarap ka uy!” sabat ko naman, “Aminin nyo na lang kasi na pangarap nyo ang maging asawa ko.” Sabay kaming napatingin ni Lorie kay Henry at ang mukha namin ay hindi maipinta. “What?” tanong ni Henry, “nagsasabi lang ko ng totoo.” Babarahin ko pa sana siya pero swerte niya dahil saktong dumating ang sasakyan nila tita. Mabilis kaming tumayo at sinalubong ang mga ito. Isa-isa kaming nag mano at tinulungan ko namang buhatin ang mga bag na buhat ni tita Nancy. “Salamat.” sabi niya, “Sa inyong dalawa yan ni Zach. Yung dalawang pink sayo at yung dalawang blue ay kay Zach.” sabi sa akin ni tita habang nakangiti sa akin. Ahh! So Zach pala ang pangalan niya. Pa mystery pa kasi, akala ko naman maganda pangalan. Che! “Salamat po.” sabi ko at hindi ko maitago ang excitement. Mabilis akong pumasok sa bahay. Ibig bang sabihin nito, hindi galit sa akin sila tita? Sana nga. Una kong pinasok sa kwarto ang akin. Excited na akong buksan pero mamaya na lang dahil kailangan kong bilisan dito para makatulong ako sa labas. Nakakarinig na rin kasi ako ng ingay sa labas, mukhang unti-unti ng nagsisidatingan na rin ang mga tao. Nagsimula na ring tumugtog ang banda na inimbitahan ni mayor. Kailangan ko ng magmadali. Mabilis akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Zach. Hindi na ako kumatok dahil alam kong wala naman siya. Pero ayun ang pagkakamali ko. Nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang hubot-hubad niyang likod. “AAAAHHH!” sigaw ko at napaharap siya kaya lalo akong napasigaw. “AAAAHHHHHHHHHHH” napatakip si Zach ng katawan at duon ko lang naisipan ihagis sa kaniya ang dala kong mga bag at tsaka sinarado ang pinto. My virgin eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD