Chapter 7: Ayun lang ang nakita mo?

1658 Words
━━━━━━♡ Third person’s POV ♡━━━━━━ Mabilis na bumalik si Praise sa labas. Namumutla at halos hindi makausap. “Huy! Bakit parang namumutla ka? May nakita ka bang multo?” tanong ni Henry kay Praise pero patuloy pa rin sa ginagawa niyang pagtulong kay mayor sa pamimigay ng ayuda. Agad na tumulong si Praise upang mawala sa utak niya ang nakita niya pero hindi ito nakatulong. “Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! Ayan na siya. Papalapit na siya.” excited na sabi ni Lorie kaya nanlaki ang mga mata ni Praise. Parang hinahabol ng kabayo ang t***k ng puso niya. Pinilit niyang kumalma at magpatuloy sa ginagawa niya. “Madaming tao! Hindi niya agad ako makikita. Please lord.” sabi ni Praise sa utak niya ng biglang may humila sa braso niya. Hinatak siya ni Zach malayo sa mga tao. Sinundan lang ng tingin nila Henry at Lorie ang dalawa hanggang sa huminto ang mga ito sa ilalim ng puno. “What did you see?” galit na tanong ni Zach, “Bitawan mo nga ako. Wala akong nakita.” Inangat ni Praise ang kamay niya at kinapa-kapa ang mukha ni Zach na parang bulag. “Sino ‘to? Hindi kita makita.” Hinawi ni Zach ang mga kamay ni Praise, “Pilosopo ka rin no!” “Tsk! Bakit kasi hindi ka nag la-lock ng pinto?” “E bakit hindi ka marunong kumatok?” “Malay ko bang nandito ka. Akala ko umalis ka na e.” “Ano naman kung halimbawang wala ako? Kaya nga matuto kang kumatok hindi yung padali-dali ka kung kumilos. Hindi ka ba naturuan ng tama?” “Hoy! Excuse me! Naturuan ako ng tama Mr. Pinaglihi sa sama ng loob. E ikaw? Well, sure naman ako na naturuan ka ng tama. Hindi mo lang in-apply sa pang-araw-araw mong buhay. Maka-alis na nga!” Tumalikod na si Praise ngunit bago pa siya maka hakbang, pinigilan siya ni Zach sa paglalakad, “Tinatanong kita! What did you see?” mahinahon ngunit rinig ang inis sa boses ni Zach, “Gusto mo ba talagang malaman?” at tumango naman si Zach, Napahalukipkip si Praise “Yung ano mo.” sabi niya “What?” “Yung ano mo nga.” mahina ngunit may gustong ipahiwatig, “Ang alin nga? Just say it!” “Yung etits mo! Jusko lord. Patawarin mo ako!” ani ni Praise at napa sign of the cross, “Ayun lang?” nagulat si Praise sa naging respond ni Zach, “Ayun lang? Bakit? Ano pa bang dapat makita?” hindi na siya sinagot ni Zach at lumakad na ito papalayo na parang walang nangyari. Meanwhile, si Lorie at Henry ay pasimpleng pinapanuod ang mga nangyayari pero dahil sa tawanan at kwentuhan ng mga tao at sinabayan pa ng bandang tumutugtog, wala silang marinig sa mga palitan na salita ng dalawa. “Kayong dalawa, kanina pa ako humihingi ng mga ayuda. Ano bang pinagkaka-abalahan nyo dyan?” ani ni Mayor na ikinagulat nila Henry at Lorie, “Ah! Sorry po mayor, may nakita po kasi kaming sesmes.” ani ni Lorie, “Este, swiss miss po. Wala po bang pa swiss miss mayor?” pekeng ngisi ni Lorie at si Henry naman ay inabutan si Mayor ng mga ayudang ipapamigay pa sa mga tao, “Pagpasensyahan nyo na po si Lorie, Mayor, nagpapa-pansin lang po yan!” natatawa-tawang ani naman ni Henry, “Haha! Opo mayor. Sorry po.” napailing na lang si Fred at nagpatuloy na ng pag-aabot ng ayuda sa mga tao. Muling lumingon si Lorie sa direksyon nila Zach ngunit ang hindi niya alam ay nasa likod na niya pala si Praise. “Ay kalabaw!” sabi ni Lorie sa gulat, Dadaldalin pa sana ni Lorie si Praise ng pigilan siya ni Henry, “Hayaan muna natin. Baka nagtalo sila.” bulong ni Henry kay Lorie. Nang matapos ang pamimigay ng ayuda, mabilis na pumasok si Praise sa bahay dahil bukod sa nangyari kanina, nakakaramdam na din siya ng antok. Nang makapasok siya sa kwarto, agad siyang humiga sa kama. “Ahh! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita ko o dahil kulang na kulang ako sa tulog.” Saglit lang at hindi na napansin ni Praise na nakatulog na siya. Meanwhile, si Zach ay tumulong na sa pagliligpit ng mga gamit. “Anak. Kamusta ka na?” tanong ni Fred, Si Zach ay buhat-buhat ang nakatiklop na na lamesa papunta na sana sa imbakan. “Okay naman ako pa. Kayo po ba ni mama?” binaba ni Zach ang lamesa at humarap sa ama niya, “Okay naman kami ng mama mo. Pero ikaw, mabuti naman kung ganun. Masaya akong makita ka dito.” napahinto si Fred, tila gustong maiyak pero nagpipigil, “Ang laki mo na anak. Sobrang laki ng pinagbago ng mukha mo.” nakatitig lang si Fred sa mukha ni Zach, tila parang gustong haplusin, Napangisi naman si Zach, “Lalo ba akong gumwapo, pa?” hinimas ni Zach ang kaniyang mukha, Natawa ang kaniyang ama, “Oo naman anak. Kanino ka pa ba magmamana?” Mahaba-haba rin ang naging kamustahan, kwentuhan at tawanan ng mag-ama. “Sige na anak! Baka naiinip na ang mama mo sa loob ng kwarto. Ipasok mo na yang lamesa. Ayan na lang ang inaantay nila para ma lock na ang imbakan.” Napalingon si Zach sa paligid. “Tapos na pala ang paglilinis. Ganun ba kami katagal nag usap ni papa?” ani niya sa sarili niya bago niya tuluyang ipasok ang lamesa sa imbakan. “Salamat po sa pagtulong sa paglilinis.” pasasalamat ni Zach sa mga tumulong bago siya tumalikod at pumasok ng bahay. “Like father like son talaga noh.” sabi ng mga mosang, “True! Parehas ng gwapo, parehas pang mabait.” at tila ba kinikilig ang mga ito bago tuluyang lumabas ng gate. Meanwhile, si Zach ay pumasok na rin ng kaniyang kwarto. Hinubad niya ang kaniyang suot na tuxedo pati na rin ang kaniyang sapatos. “I have to shower. Ang lagkit ng pakiramdam ko kahit na kakaligo ko lang kanina.” sabi ni Zach at pumasok na siya ng banyo. Pagtapos niyang maligo ay agad din siyang bumalik sa kwarto niya. Kumuha siya sa maleta niya ng mga damit na susuotin niya at ipinatong ito sa kama. Katabi nito ay ang dalawang blue na paper bag. Tinignan ito ni Zach at naisipan na niyang buksan. Napakunot ang noo ni Zach ng makita niya ang telang may lace. Meanwhile, si Praise ay nagising ng may kumatok sa kaniyang kwarto. Bumangon siya at binuksan ang pinto. Zach was leaning against the frame of the door habang nakasabit sa kaniyang hintuturo ang isang pulang laced underwear. Tinignan lang ito ni Praise, “Ano?” mahinang tanong ni Praise dahil inaantok pa siya, Zach smirked at kinagat ang mga labi habang tinitignan si Praise mula ulo hanggang paa. Napansin ito ni Praise kaya agad niyang tinakpan ang katawan niya, “Bakit ba? Bakit ka nanggigising?” naiinis na ani niya, “Sabihin mo na lang sa akin if you wanna get laid tonight. Don’t beat around the bush.” Zach said sexily while he swung around the laced thong on his finger. Tinignan ni Praise ng masama si Zach, “Yuck! Ano ba yang sinasabi mo? p*****t ka talaga.” at isasarado na niya sana ang pinto pero pinigilan ito ni Zach gamit ang kaniyang paa, “Baka may nakakalimutan kang kunin.” sabi nito, “Hindi akin yan!” tugon naman ni Praise. Ngumisi si Zach, “Here! Kunin mo na rin yung dalawang bag na nilagay mo sa kwarto ko. Baka wala kang masuot.” nakakapang-akit na sinabi ni Zach ito kay Praise at ng marealize niya ito, mabilis niyang binuksan ang dalawa namang bag na nasa kama niya at kinuha ang isa sa mga nasa loob nito. Kagaya ng kay Zach, bumungad ang brief kaya dali-dali namang binalik ni Praise iyun sa bag at agad na binagsak sa harap ni Zach pagtapos ay mabilis na pumasok ng kwarto nito. Zach did not follow and stayed put. The laced thong was still hanging on his finger. Mabilis na kinuha ni Praise ang dalawang bag. “Sinunod ko naman yung inutos ni tita Nancy. Panong nangyari ‘to?” mahina at nahihiyang sinabi ni Praise at nagpapa-padyak bago lumabas ng kwarto ni Zach. Habang papalapit si Praise sa pinto ng kwarto niya, si Zach naman ay pinagmamasdan lang siya, tuwang-tuwa na makita si Praise na nahihiya. Nakapasok na si Praise sa kwarto niya ng hindi tumitingin sa lalaking nasa harap ng pinto niya at sinaraduhan ito ng pinto. Napasandal si Praise sa pinto at tinitigan ang dalawang blue box na hawak niya. “Nakakahiya!” nahina ngunit madiin na sabi ni Praise sabay nagpapa-padyak na parang batang nagdadabog. Pupunta na sana siya sa kama ng bigla muling kumatok si Zach. “Jusko! Bakit nanaman?” Binuksan naman ulit ito ni Praise at ang pwesto ni Zach ay tila ba hindi nagbago, hawak-hwak pa rin ang pulang thong. “I think you’re forgetting something.” mapang-asar na sabi ni Zach. Napakunot naman ang noo ni Praise. “Galing mo mang-asar no?” sabi niya at marahas na kinuha ang underwear. Si Zach naman ay patuloy na naka ngisi. “Bahala ka na nga dyan. Kapag kumatok ka pa ulit, hindi na kita pagbubuksan.” sabi ni Praise na may halong inis sa tono. “Aw! How rude! Ikaw nga hindi ka marunong kumatok e. May nakita ka tuloy na mahaba at mataba.” patuloy na pang-aasar ni Zach na ikinapula naman ng pisngi ni Praise. “AHHH! Mababaliw ako sayo.” at sinarado na ni Praise ang pinto. “Kung pwede ko lang talaga ihampas ang pinto pasarado, gagawin ko na para ramdam niya ang inis ko.” ani ni Praise sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD