Nagtatakang nilingon ni Alena si Duncan nang itinigil nito ang kotse sa harap ng isang ospital.
Ang sabi nito ay may ipagtatapat ito sa kanya kaya gusto niyang kabahan sa unang pumasok sa isip niya.
‘May sakit kaya siya at iyon ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin?’ Kusa siyang napailing at nagdasal na sana ay mali ang iniisip niya.
She pursed her lips when Duncan gave her a sidelong glance. May mga nabuong tanong sa isip niya pero mas pinili niyang manahimik na lang muna.
Sinundan niya ito nang tingin nang lumabas ito ng kotse. Umikot ito sa harapan pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto.
Bahagya siyang bumuga ng hangin habang nakasunod dito. Hinayaan niyang hawakan nito ang kanyang kamay habang iginigiya siya papasok ng hospital.
She silently observed him as she followed him inside. Mukha naman itong malusog at alam niyang maalaga ito sa katawan kaya’t hindi niya lubos maisip kung anong ginagawa nila roon.
Isa pa, ang hospital na ito ay hindi pag-aari ng kapatid nitong si Duke. Kung may sakit man ito ay tiyak na hindi papayag ang pamilya nito lalo na ang kapatid nitong doctor na ipaubaya siya sa pangangalaga ng ibang hospital.
Naputol ang pag-iisip niya nang diretso itong pumasok sa dulong kwarto.
Hindi man lang ito kumatok kaya ganoon na lamang ang gulat ng taong naabutan nila sa loob.
“Who are you to—” galit na tanong ng lalaking nakaupo sa likod ng isang mesa na biglang napaangat ang tingin sa kanila nang bumukas ang pinto pero agad din nagbago ang expression ng mukha nito nang makilala ang bagong dating. “Mr… Fortalejo… What are you doing here?"
Tumayo ito saka nagtatanong ang mga matang tumingin kay Alena. Napasuksok ang mga kamay nito sa white gown na suot.
Binasa niya ang name plate na nasa dibdib nito. Dr. Enrico Reyes.
Pamilyar ang pangalang iyon sa kanya kaya inisip niyang mabuti kung saan narinig iyon.
Muli siyang napatingin sa doctor nang maalala na iyon ang attending physician ng Papa niya.
Nilingon siya ni Duncan. Sandali niyang pinakiramdaman si Alena saka muling hinarap ang doctor na seryoso ang mukha.
“What can I do for you, Mr. Fortalejo. I just got acquainted with Dr. Duke yesterday and we have discussed about the affiliation of our hospital—”
“I’m not here as a business representative of my brother, Dr. Reyes. I came here with one personal purpose and I demand your cooperation.”
“What do you mean?”
“I want to get the full medical record of Mr. Vicente Ramos.”
Napawi ang pilit nitong ngiti at bumakas ang mga gitli nito sa noo. Ibinaling nito ang tingin kay Alena saka umiiling na tumingin muli kay Duncan.
“You know that we don’t have the right to give any information about our patient other than the patient himself.”
Duncan sneered. “This is Alena Ramos, daughter of Mr. Ramos.”
Nalilitong nagpalipat lipat ang tingin ni Alena sa dalawa. Bakit hinihingi ni Duncan ang medical record ng Papa niya? At bakit sa hospital na ito kung saan hindi naman doon na-confine ang Papa niya?
Hindi na siya nakatiis. Pinisil niya ang kamay ni Duncan na hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya na parang ayaw itong pakawalan.
“Wait! Bakit hinihingi mo ang medical record ni Papa?”
Tiningnan siya ni Duncan. Hindi niya maintindihan ang emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Awa ba? Guilty? Pero bakit parang may nakatagong galit?
Naguguluhan siya at nagtataka kung bakit siya kinakabahan ng mga sandaling iyon.
“Duncan, what’s going on?” naiinis na muling tanong niya.
Sa halip na sagutin siya ni Duncan ay galit nitong hinarap ang doctor. May kinuha ito sa bulsa saka marahas na ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa ng doctor.
“I’m giving you five minutes to give me the authentic copy of medical record of Mr. Ramos or else you will see how I'll expose your illegal activities that will surely dissolve your career and disgrace your family.” His voice was full of authority.
Napalunok ito saka tiningnan ang papel na inihagis niya. Kinuha nito iyon at binasa.
Pagkatapos maunawaan ang nakasulat ay napailing ito saka mariing pinaglapat ang mga labi.
“You know what I’m capable of doing, Dr. Reyes. If you’re brave enough to take the risk of your career and family, I’m telling, madali akong kausap, it will only take an hour.”
Nanatiling nakayuko ang doctor habang tiim ang bagang nito. Ilang sandali itong nag-isip saka seryoso ang mukhang tumingin sa kanilang dalawa.
Maya maya ay lumapit ito sa isang filing cabinet na nasa isang sulok ng opisina nito.
Inisa isa nito ang mga dokumento sa loob noon. Ilang sandali pa ay tila nakita na nito ang hinahanap. Kinuha nito ang isang brown envelop at muling isinara ang cabinet.
Bumuntong hininga muna ito saka iniangat ang hawak na dokumento upang iabot kay Duncan.
Bakas sa kilos nito ang pag-aatubili pero napilitan na rin ibigay iyon sa kanya.
Kinuha iyon ni Duncan saka tiningnang mabuti. He already had that information but he still wanted to confirm it personally from the people involve in deceiving them.
Tiningnan niya si Alena. He can’t stand to stare her innocent eyes wondering what was going on.
---
She felt her knees became weak the moment she stepped out of the hospital.
Halos hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Duncan.
She felt betrayed and was used. No. She has been literally used.
And that person is no other than her father. She can’t believe how they have gone through all these time to deceive her.
Bakit ba ang tanga niya? Bakit hindi niya naisip na posibleng gawin iyon sa kanya ng sarili niyang ama? She was abandoned. Hindi ba malinaw na sa simula pa lang ay hindi na siya nito mahal at walang pakiaalam sa kanya?
Kaya anong dahilan para bigla itong sumulpot sa buhay niya pagkatapos ng dalawampung taon?
Kahit kailan ay hindi ito nagparamdam o kahit kinumusta man lang siya.
Pagkatapos, isang lapit lang nito sa kanya at isang hingi ng tawad ay naniwala na agad siya at agad na tinanggap ito?
At ang masaklap pa ay sinunod niya ito at hinayaang gawin siyang instrumento para makapanghuthot ng pera sa mga taong pinagkakautangan niya ng loob?
Gusto niyang iuntog ang ulo dahil sa pagiging uto-uto niya. Ang tanga niya. Ang tanga-tanga niya!
Kailan ba niya matatanggap na wala siyang halaga sa mga magulang?
Naramdaman niya ang marahang paggagap sa kamay niya. Niyuko niya iyon at tiningnan.
Kinagat niya ang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata niya.
Sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nito hiniwalayan. At tinawag siyang sinungaling. Marahil ay inisip nito noong una na kasabwat siya sa panloloko ng Papa niya. Na pinilit niya itong pakasalan siya para sa pera.
Lalong bumigat ang loob niya sa naisip. Wala naman iba pang dahilan kung bakit ito nagbago sa kanya mula ng ikinasal sila.
“I’m… sorry,” nakayukong sambit niya. “Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng perang nakuha namin sa ‘yo. Pero h’wag kang mag-alala, maghahanap agad ako ng trabaho para kahit papaano ay makabayad ako paunti-unti… H’wag mo lang ipakulong ang Papa ko.”
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Bahagya siyang napangiwi saka kinagat ang labi.
Tumingala siya at nasalubong ang nakakunot nitong mukha.
“Did I ask you to pay for it?”
Malungkot niyang tiningnan ito saka umiling. “Pero naging instrumento ako para makapangikil ng pera sa ‘yo.”
“You were my wife. What’s mine is also yours—”
“But don’t forget that I only became your wife because of all these lies. I stole your freedom, I stole your dream... We only forced you to marry me… Malaki ang kasalanan namin sa ‘yo at hindi birong halaga ang pinag-uusapan natin dito—”
“Stop talking about that f*cking money. Pera lang ‘yon, Alena!”
“Sa ‘yo pera lang ‘yon! Pero sa akin, hindi. Hayaan mo naman akong magkaroon ng kahit konting dignidad.”
Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob na nararamdaman niya.
Tinalikuran niya ito at iniwan mag-isa. Saka niya hinayaang umagos ang mga luhang bigla na lang bumukal mula sa mga mata niya.