Chapter 1
Los Angeles, California
She took a long deep breath at marahang tinapik-tapik muna ang magkabila niyang pisngi para pakalmahin ang dibdib sa sobrang excitement at kaba bago kumatok sa pintuan ng isang magarang presidential suite na pag-aari ng kanyang asawa na masisilayan niya sa pangalawang pagkakataon pagkatapos ng dalawang taon.
Napakahabang oras ang binyahe niya para makarating dito pero hindi niya alintana ang pagod at antok mula sa ilang oras na nagdaan dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pananabik na makita at makasama ang nag-iisang lalaking nagparamdam at nagturo sa kanya kung paano ang magmahal.
Si Duncan Fortalejo.
But they are not the typical married couple. Dahil sa loob ng dalawang taon mula ng ikasal sila at nanumpa sa harap ng altar na magsasama habambuhay ay pangalawang beses lang din ito na muli silang magkikita.
Yes, they live separately after the wedding. Dito sila ikinasal sa LA base na rin sa kahilingan nito. Pero kinabukasan lang ng araw ng kasal nila ay pinauwi na siya nito sa Pilipinas habang ang asawa niya ay nanatili rito.
And from then on, they didn’t see each other. Makakausap niya lang ito if he was told to do so by her mother in-law. At ang tanging paraan lang upang makita niya ito ay sa TV or magazine.
Kaya hindi maiwasang tumalon ng puso niya nang tumawag ito sa kanya the other day, asking her to get here. Sa mismong araw ng wedding anniversary nila.
Maybe he finally made up his mind. At sa wakas ay dininig na siguro sa Taas ang matagal niya ng panalangin na bigyan sana sila ng pagkakataon na mamuhay bilang tunay na mag-asawa at hindi sa papel lang.
Para maiparamdam niyang muli rito kung gaano siya nito kamahal.
She knocked twice pagkatapos ay agad na bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang medyo may edad na babae na kung hindi siya nagkakamali ay empleyado rito sa hotel.
Seryoso ang mukha nito habang sinisipat ang kabuuan niya. “Yes?”
“Hi! I’m looking for my husband, Duncan Fortalejo,” nakangiting usal niya.
Dahan dahang bumaba ang nakataas nitong kilay pagkatapos ay sinuri siyang mabuti saka niluwangan ang pagkakabukas ng pinto at pilit na ngumiti. “Oh, hi Mrs. Fortalejo! Come in,” she said shifting her voice in a friendly tone.
Tingin niya ay hindi purong amerikana ito base sa itsura. Mestiza ito at singkit ang mga mata.
Ngumiti siya saka pumasok sa loob. Unang hinanap ng mga mata niya si Duncan. Ni hindi niya nagawang pagtuunan ng pansin ang malaking pagbabago ng buong penthouse nito. She only happened to be here on their wedding night…alone.
“Madam, there are different dresses in the closet where you can choose from just if you want to attend the Annual Gala according to Mr. Duncan himself.”
Gala?
“By the way, I’m Beverly, assistant of his secretary,” nakangiting pakilala nito. “I also have pinoy blood and can speak Tagalog a little.”
Napatango siya at nginitian ito. Muli siyang tumingin sa kabuuan ng bahay at dismayadong naupo sa sofa.
Duncan knew that she was coming. Ipinagbilin nito na ora mismo ay dapat makarating siya rito kaya naman siya na mismo ang naghanap ng pinakamaagap na flight schedule para sundin ito at ngayong nandito na siya ay ito naman pala ang wala.
Pero ok lang. Nakapaghintay nga siya ng dalawang taon tapos ngayon pa ba siya magrereklamo kung kailan oras lang naman ang bibilangin at makikita na rin niya ito? Isa pa ay alam niya at sigurado siya na sobrang busy nito. Sa laki ba naman ng responsibilidad na ibinigay sa kanya ng Daddy nito ay dapat lang na maunawaan niya ito.
Nagpahinga siya sandali as instructed na rin ni Beverly dahil gabi pa naman daw ang simula ng event. After taking a nap ay inayos niya na ang sarili. Naligo muna siya pagkatapos ay sumunod kay Beverly nang igiya siya nito sa isang cloakroom.
“Please help yourself inside, Mrs. Fortalejo. The driver will arrive at exactly six in the afternoon.” nakangiting paalala nito saka tumalikod pagkatapos ay muling humarap sa kanya. “I’ll wait outside, just give me a call if you need anything.”
Nginitian niya ito at nagpasalamat saka tuluyang pumasok sa kwarto.
She can’t help but smile while her eyes keep on roaming around the extravagant room. Bukod sa iba’t ibang klase ng mga dress ay mayroon din iba’t ibang klase ng mga mamahaling sapatos dito. Kumpleto rin sa mga mamahaling alahas na maayos na nakahanay sa isang malaking mesa na natatakpan ng malapad na salamin. Animo’y nasa isang jewelry shop siya ngayon.
Pumili siya ng isang black dress at nakangiting sinipat sa salamin ang sarili. Inilapat niya iyon sa katawan at nakangiting hinaplos-haplos ang madulas na tela nito.
Her eyes keep on glimmering at hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya ngayon. She still feels he cares for her. Kahit pa sabihing materyal na bagay lang ang lahat ng mga iyon at kung tutuusin ay barya lang ang lahat ng ito rito ay ituturing pa rin niya itong isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
At hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito na muli niyang makakausap ang asawa at sa araw na ito ay sisiguraduhin niyang maibalik ang pagmamahal na matagal nitong ipinaramdam sa kanya na hindi niya maintindihan kung paanong bigla na lang nawala.
She carefully chose among the beautiful dresses. Tonight should be perfect, her body, her looks…everything.
Gusto niyang sa pagkikita nilang muli ay perpekto siya sa paningin nito. She knew Duncan loved everything about her. Kahit nga yata madungis siya o lumang luma ang damit na suot niya ay hindi nawawala ang affection sa mga mata nito tuwing titingnan siya.
But everything has changed drastically. Pero siguro ay dala lang iyon ng pressure na kaakibat ng responsibilidad na ibinigay dito ng Daddy nito mula nang tinanggap nito ang pamamahala sa clothing business ng pamilya niya. Dagdag pa na taliwas iyon sa totoong propesyon na gusto nito.
Dale chose to focus on their hotel business at hiniling sa Daddy nila na i-delegate sa dalawa pa nitong kapatid ang iba pa nilang negosyo dahil tinutulungan din nito si Alison sa chain of restaurants na itinayo nito na ngayon ay may limang branches na sa buong Metro Manila.
While Duke refused to take over any of their business. Mas pinili nito na mag-focus sa pagiging Doctor kasabay ng paggawa ng sariling pangalan sa mundo ng mga negosyante sa sarili nitong paraan. Bukod sa isa sa mga famous and in-demand Cardiologist sa bansa ay pag-aari rin nito ang Gethsamane Medical Center na isang high end hospital na matatagpuan sa mga City hindi lang sa Luzon kundi mayroon na rin sa Cebu, Davao at Zamboanga.
Kaya ang mga naiwang negosyo sa Fortalejo Empire ay iniatang lahat sa pamamahala ni Duncan. Na siyang tangi niyang nakikitang dahilan ng kawalan nito ng oras sa kanya.
Batid iyon ng mga magulang nito pati na rin ang mga nangyayari sa kanilang buhay mag-asawa but his parents can’t do nothing about it.
Mas minabuti na lang ng mga ito na hindi makialam sa personal na buhay ng bunso nilang anak ayon na rin sa kahilingan ni Duncan kapalit ang pagtanggap nito sa kumpanya at tuluyang iwan ang pangarap nitong maging piloto.
Huminga siya nang malalim saka bumuga nang malakas. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Ang dating lungkot sa mga mata niya ay napalitan ng ibayong pananabik at saya.
At ngayon nga ay halos hindi niya makilala ang sarili sa ayos niya ngayon. She sees the beautiful wife of Duncan that she should always be.
Mahilig siyang mag-make up pero hindi sa sarili kung hindi isa iyon sa dati niyang raket noong nag-aaral pa siya at tulad ng lagi niyang naririnig sa mga kliyente niya pagkatapos silang ayusan ang salitang ‘perfect’ ay parang iyon na rin ang angkop na salita na gusto niyang sabihin sa sarili ngayon.
But she will be more satisfied and believe in this beauty if the appreciation is coming from her husband which only matters to her.