Her heart was filled with mix emotions habang nakamasid sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Tila napaglumaan na ng panahon ang itsura nito.
Nanatili siyang nakatayo sa harapan noon at tahimik na sinusuri ang lugar kung saan siya iniwan ng Papa niya noong sanggol pa siya.
Iyon ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip. Ang lugar na itinuring niyang pamilya ang mga taong kumupkop sa kanya at nagkalinga sa halos sampung taong ngunit kalauna’y naging sanhi ng matinding takot sa mura niyang isip na bumagabag sa dibdib niya sa loob ng ilang taon.
Naroon pa rin ang ilang iba’t ibang klase ng mga punong namumunga. Ang mga palaruan na dati’y puno ng masasayang alala kasama ang mga batang tulad niya ay pinabayaan ng sariling magulang ay kapansin-pansin ang kalumaan na tila ba matagal ng hindi nagagamit.
Mataas din ang mga damo sa bakuran na halos umaakyat na sa malaki at makalawang na gate.
Sa unang tingin pa lang ay mukhang matagal ng inabandona ang lugar. Nakaramdam siya ng konting kirot para sa mga batang hindi niya alam kung saan na napadpad nang ipasara ang bahay ampunan na iyon.
Simula ng kunin siya roon ni Lola Celia ay hindi niya kailanman kinumusta ang lugar na iyon.
Her heart was only filled with hatred then. Isinumpa niya noon ang lugar na ito na kailanman ay hinding hindi niya na muling babalikan sa tindi ng galit sa mga taong umabuso sa kanila.
Hindi lang sa lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya kundi pati na rin sa mga kapwa niya babae na akala niya ay anak ang tingin sa kanila pero may inaasahan palang kapalit mula sa kanila.
Nang panahong nakaka-recover na siya mula sa madilim niyang karanasan noon ay saka lang niya nalaman na ipinasara ang bahay ampunan na iyon.
Mula sa pagkakakulong ng lalaki na nagtangkang gumahasa sa kanya ay inumpisahan na rin imbestigahan ang nangyayari sa loob ng orphanage na iyon. At doon nahalungkat ang samo’t saring iligal na aktibidad sa loob ng ampunan kasangkot ang mga caretakers at management doon.
Pati na rin ang mga pagmamaltrato at pangmo-molestiya sa mga batang ampon.
And she was fortunate enough that time na nakilala niya si Lola Celia bago pa siya tuluyang mapagsamantalahan na karaniwan na palang nararanasan ng mga kapwa niya bata, babae man o lalaki.
Life indeed was tough for her pero nagpapasalamat pa rin siya na hindi siya tuluyang napariwara. She was abandoned and sent to the unrighteous orphanage pero may tao pa rin na naging instrumento para ilayo siya sa siguradong kapahamakan.
She calmly exhaled and gathered her thoughts. There was still bitterness in her heart but life should not be dwelled on the past.
She let a deep sigh and was about to turn back nang tumigil sa harapan niya ang isang pamilyar na kotse.
She slightly bit her bottom lip saka tipid na ngumiti nang lumabas mula roon si Duncan.
Pinagmasdan niya ito habang papalapit sa kanya. She definitely knew Duncan and showing himself in front of her from nowhere doesn’t really surprise her.
“Akala mo na naman ba ay magpapakamatay ako kaya sinusundan mo ‘ko?” she asked jokingly.
Naalala pa niya kung paano sila nagkalapit noon. She was bullied by her schoolmates. Akala niya ay dahil sa malayo ang estado niya sa buhay sa mga karaniwang estudyante roon kaya siya madalas pag-initan ng mga kapwa n’ya estudyante dahil sa isang prominenteng eskwelahan siya pinapasok ni Dale kung saan nag-aaral si Duncan.
Grupo ni Crystal ang may kagagawan ng lahat ng pagpapahiya at panghahamak sa kanya noon at dahil iyon sa paglapit sa kanya ni Duncan.
Wala siyang magawa noon kundi tiisin ang pangbu-bully sa kanya. Sanay naman siya sa hirap at mga pasakit pero isang araw ay parang gusto niya ng sumuko.
She went on the roof top pagkatapos siyang ipahiya ni Crystal sa maraming tao. Doon niya iniiyak ang lahat ng sama ng loob niya.
She was crying out loud all her sufferings habang nakatayo sa isang gilid nang magulat siya dahil biglang may humapit sa bewang niya mula sa likuran.
Kasunod noon ay ang pagbagsak niya sa katawan ng lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan para iligtas siya sa inaakalang tangkang pagpapakamatay.
Ang insidenteng iyon ang naging simula para makilala niya ng husto ang binata.
Umiling si Duncan bilang sagot. Seryoso niyang tinitigan ang babaeng nasa harapan niya.
He doesn’t want to take his eyes off her. Na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. He suddenly feels at ease nang makita niya ito kanina na nakatayo habang lampasan ang tingin sa abandonadong bahay ampunan.
Akala niya ay kung ano na ang nangyari rito pagkatapos niyang malaman na tinanggal ito sa trabaho.
“I can still remember you told me once, killing yourself would be the last thing on your mind and I believe you.”
He was inches away from her. Staring at her beautiful face makes him calm. God knows how hard he tried to suppress himself to hug her tightly and tell her how he was damn worried about her and just a glimpse of her totally comforted him.
Tumango-tango siya. She knew there was no way she can’t get away with Duncan. She must admit she could feel his sincere apology and true intention.
Kung anuman ang dahilan nito kung bakit nagpadalos dalos sa desisyon ay hindi siya sigurado kung handa na siyang pag-usapan.
“Hindi mo naman ako kailangang sundan. Masama lang ang loob ko dahil nawalan ako ng trabaho at gusto ko lang makapag-isip," kaswal na saad niya.
Humawak siya sa gate at napansin niya na hindi iyon nakakandado. Niluwangan niya ang pagkakabukas noon saka pumasok.
Lumapit siya sa duyan na bakal. Pinagpagan niya iyon saka naupo. Sumunod naman sa kanya si Duncan at ganoon din ang ginawa sa katabing duyan.
Iginala ni Duncan ang mga mata sa paligid magulo at makalat na paligid. “This place…”
“Dito ako lumaki at nagkaisip… Madalas pumunta rito si Lola Celia noon pagkatapos ng unang charity event ng kumpanya niyo,” panimula ni Alena. "They were my angels, si Lola Celia at si Kuya Dale.”
“And I was the beast that you probably wished you never met,” malungkot na dugtong nito na sandaling sumulyap sa kanya.
Tiningnan niya ito na nanatiling nakayuko.
“You’re wrong.” Umiling siya saka tipid na ngumiti. “Kung meron man magandang pangyayari sa buhay ko ay walang iba kundi ang makilala ko ang mga Fortalejo at naging bahagi ng pamilya n’yo,” she said sincerely. “Dahil sa pamilya n’yo ay tuluyan akong nakaalis sa lugar na ito. At dahil sa inyo ay nabigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ng tulad ng sa isang normal na bata. At dahil sa ‘yo ay natuto akong magtiwala at…magmahal.”
Tumigil siya sandali. Nagsalubong ang kanilang mga mata at matagal niyang tinitigan iyon. Napansin niya ang muling pagbalik ng affection sa mga mata nito.
But she averted her gaze and continued, “And I’m always be grateful for all that. At hindi iyon mawawala dahil lang sa hindi magandang pinagtapusan natin. I know, there are things that are really beyond our control and I definitely understand. Kahit pangit ang ending, hindi naman natin dapat idamay ang buong journey, ‘di ba?”
He took a deep breath while lowering his head. “Ours doesn’t reach the end, Alena. Sana naiintindihan mo rin na I also have flaws and can commit mistakes like a normal person. Please, give me one last chance to prove myself.”
Yumuko siya at tiningnan ang kamay nitong mahigpit na humahawak sa kamay niya.
This act alone can really make her heart pound in an unusual rhythm. She bit her bottom lip and looked up at him.
She shook her head and smiled gently. “Sana mapatawad mo rin ako kung hindi ko iyon kayang ibigay sa 'yo sa ngayon... Hindi ako galit sa ‘yo. Galit ako sa ginawa mo pero unti-unti kong naiintindihan at natatanggap na may mga bagay talaga na nakatakdang mangyari sa ayaw man at sa gusto natin. At sa ating dalawa, ako ang mas malaki ang kasalanan kung bakit tayo nauwi sa ganito. Ako naman talaga ang nagpilit sa kasal na iyon at hindi kita dapat pinilit nang sinabi mong hindi ka pa handa.”
Tumigil siya sandali. Tahimik na nakikinig si Duncan habang hinahaplos ang kamay ng dating asawa.
Napapailing siya habang pinipilit na intindihin ang mga sinasabi nito. Ramdam niya ang sakit sa bawat katagang iyon na walang ibang dahilan kung hindi siya.
“Naging selfish din ako noon dahil ang inisip ko lang ay si Papa.” Huminto ito saka huminga nang malalim. “But thankful ako kasi dahil yata roon kaya humaba ang buhay ni Papa at mukhang bumabalik na ang lakas niya at tuluyan nang gumagaling mula sa sakit niya."
Napatigil siya at inangat ang tingin kay Alena. Her eyes were gloomy but suddenly glittered at the thought of her father.
Napatiim bagang siya at iniiwas ang tingin dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam ang totoong kalagayan ng Papa nito at ang mga kasinungalingan binuo nito at ng kinakasama nito.
She was only used from the start. At hindi na siya papayag na gamitin pa ulit ng mga ito si Alena para sa kanilang makasariling interes.
Alena had suffered enough pati ang relasyon nila ay nadamay at nasira dahil sa mga ito.
And he could not tolerate it anymore. Alam niyang masasaktan si Alena sa gagawin niya but she deserves to know the truth.