Chapter 29

1570 Words
Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya. Huminga siya nang malalim saka pinahid ang basang basa niyang mukha. Pakiramdam niya ay namamanhid na ang mukha niya sa paulit ulit niyang pagpunas doon dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Muli niyang tiningnan ang Papa niya na ngayon ay nakayuko ang katawan na tila pagod na pagod na mula sa natamong bugbog. Hindi niya na makayanan pang makita ito sa ganoong kalagayan kaya inipon niya ang lakas at pilit pinatatag ang sarili. “Pakakawalan mo ba kami kapag sinunod ko ang gusto mo?” matapang na tanong niya. Hinawakan nito ang panga saka tinitigan siya mula ulo pababa sa katawan niya. “Good question! Pero kung magpapakabait ka, siguro oo ang sagot ko,” nakangising usal nito. “Alam mo ba na noong una ay buhay lang talaga ng Papa mo ang gusto ko pero dahil dumating ka at malaking halaga pala ang hindi ko inaasahang magiging kapalit ng paghihiganti ko… parang gusto kong magpasalamat sa ‘yo.” “Anong ibig mong sabihin?” “Sabihin na natin na dahil sa ‘yo, mayaman na ako nakapaghiganti pa ako,” makahulugang usal nito habang ilang pulgada na lang ang layo ng bibig nito sa mukha niya. “S.. sinong kasabwat mo? Sinong nagbayad sa 'yo para gawin 'to?" Nagkibit ito ng balikat saka bahagyang lumayo sa kanya. “Secret pero may clue ako… Pero saka mo na malalaman kapag nagtagumpay na siyang pakasalan ang dati mong asawa.” Napaawang ang bibig niya at napakurap kurap ang mata saka mariing pinaglapat ang labi. Isang tao lang ang pumasok sa isip niya. “Si Crystal ba? Si Crystal ang kasabwat mo?” Ipinikit nito ang isang mata at hinawakan ang tenga na tila ba naiirita. “Alam mo naman pala eh nagtatanong ka pa.” Ikinuyom niya ang mga kamay at mariing pumikit. “Ano pang hinihintay mo? Tawagan mo na si Fortalejo at sabihin mo lahat ang nakasulat sa papel na ‘yan!” Muli nitong inutusan ang isa sa mga lalaki na kasama ng Papa niya at binigwasan ito. Napatili siya nang matumba ang Papa niya. Kitang kita niya ang malakas na pagbagsak ng mukha nito sa sahig. “Oo na, susunod na ako. Tigilan niyo na ang Papa ko!" Pilit na bumangon ang Papa niya at umiiling na tiningnan siya na tila pinipigilan siyang sumunod kay Henry. Umiling siya at iniiwas ang luhaang mata niya saka nanginginig ang mga kamay na dinampot ang telepono. Parang tinutusok ang puso niya habang inilalapat ang telepono sa tenga. Lihim siyang nagdasal na sana ay hindi na lang iyon sagutin ni Duncan. Pero isang ring pa lang noon ay may sumagot na agad sa kabilang linya. “Babe, kanina pa ako tumatawag sa ‘yo pero hindi mo sinasagot. Busy ka ba? I miss you. Can’t wait to see you tomorrow. Nakapag-usap na na kayo ng Papa mo? Pwede ba na sunduin na kita mamaya?” sunod-sunod na tanong nito. Tinakpan niya ang bibig upang pigilan ang paghikbi niya. Napatingin siya kay Henry na nakasenyas ang kamay sa mga lalaking kasama ng Papa niya. “I’m sorry, Duncan...The engagement is off... Hindi na kita mahal. Plinano ko ang lahat para lang gantihan ka. Dahil gusto kong ibalik sa ‘yo ang sakit ng ginawa mo sa ‘kin. Harapin mo na lang ang bukas na wala ako at h’wag ka ng mag-abala na hanapin pa ako dahil magpapakalayo na ako at siguradong kailanman ay hindi mo na makikita.” Mahigpit niyang tinutop ang bibig saka mabilis na ibinaba iyon. Hindi na niya kaya pang sabihin ang masasakit na salitang kasunod noon. Para na rin niyang pinapatay ang sarili sa mga sinasabi niya. “Bakit hindi mo tinapos? Gusto mo ba talagang mamatay na?” galit na itinutok nito ang baril sa kanya. Kahit sobrang galit ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon at gustong gusto niya na itong saktan ay wala siyang magawa. Natatakot siya na sa isang maling kilos lang niya na posibleng ikagalit nito ay kunin nito ang buhay ng Papa niya. “Tama na!... Hindi ko na kaya, please! Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko? Patayin mo na lang ako… Ako na lang, parang awa mo na. Pakawalan mo na si Papa.” Ibinaba nito ang baril habang naniningkit ang mga matang kinuha ang telepono sa bulsa. “Narinig mo?” Narinig niyang tanong nito sa kabilang linya. “Ikaw na ang bahala kay Fortalejo. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakatunog sa atin kung hindi, damay damay tayo rito… Tulad ng usapan natin, hanggang dito lang ang trabaho ko sa ‘yo. Ako na ang bahala kay Alena. Syempre, kahit hindi mo iutos, ‘yon ang gagawin ko. Nasa harap na ang palay, hindi ko pa ba tutukain?” Sunod sunod ang naging paglunok niya at pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. “Naipadala mo na ba ang pera?” Pumasok ang isang lalaki na may dalang malaking bag. Binuksan agad iyon ni Henry nang iabot iyon dito. Ngumisi naman ito nang makita ang laman noon saka muling isinara ang bag at pinalabas ang lalaki. Tumawa ito saka iiling iling na tumingin sa kanya. “Ngayon Alena, ‘di ba wala kang tiwala at hayop ang tingin mo sa akin? I-justify natin ngayon ang panghuhusga mo sa akin.” Kinakabahang sinundan niya ng tingin ito habang hinuhubad ang jacket na suot. “Ginawa ko na ang gusto niyo, ‘di ba? Hindi na ako babalik kay Duncan, parang awa mo na, Henry. Sabihin mo kay Crystal na hindi na ako mamagitan sa kanila ni Duncan...Pakawalan mo na kami ni Papa… Hindi ako magsusumbong sa mga pulis o kahit kanino basta pakawalan mo lang kami.. Gusto mo lalayo kami ni Papa at hindi na magpapakita sa inyo kahit kailan.” Umiling ito habang nakangisi. Para itong demonyo na mabilis na lumapit sa kanya pagkatapos ay pinunit ang damit niya. “Huwag! Parang awa mo na… maawa ka sa ‘kin!” humahagulhol na pakiusap niya habang itinatakip ang mga kamay sa dibdib. Pilit siya nitong inihiga sa kama at malaswang pinagapang ang mga kamay sa katawan niya. Narinig niya ang pagwawala ng Papa niya habang pilit na sumisigaw. “Papa!” Nagmamakaawang sambit niya. Inilayo ni Henry ang katawan sa kanya pagkatapos ay nagtatagis ang mga ngipin na nilingon ang Papa niya. “Tapusin niyo na ‘yan!” Kahit nanlalabo ang mga mata ay pinilit niyang tingnan ang Papa niya pero napasigaw siya nang marinig ang malakas na putok ng baril na nagmumula sa laptop. “Papa! Papa!” napahagulhol siya nang makita ang Papa niya na nakahandusay na sa sahig. Lumapit siya roon at malakas ang iyak na hinaplos ang laptop. “Papa, bumangon ka. Please! H’wag mo ‘kong iwan, Papa.” Hinawakan siya sa braso ni Henry saka inilayo roon at ini-off nito ang laptop saka iiling-iling na tumingin sa kanya. “Ooops, sorry! Ang ingay eh!” Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang galit at paghihinagpis na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Namumula ang mga matang tumayo siya at pinaghahampas si Henry. “Hayop ka! Hayop ka! Napaka-demonyo mo! Demonyo ka!” Galit na hinawakan nito ang magkabila niyang braso saka pahagis na inihiga siya sa kama. Kasunod noon ay tumayo ito sa harapan niya at yumuko ito habang inaalis ang belt sa suot nitong pantalon. Buong lakas niyang tinuhod ang p*********i nito dahilan para mamilipit ito sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para makawala rito. Mabilis siyang tumakbo sa pintuan pero napaigik siya sa sakit nang biglang may humaklit sa buhok niya. Napatingala siyang humarap habang hawak ang kamay nito na halos bunutin na ang buhok sa anit niya. Muli siyang humingi ng awa rito pero tila ba sinapian na ito ng demonyo sa nakikita niyang kasamahan at kahalayan sa itsura nito. Tingin niya ay hindi na rin naman siya bubuhayin nito pagkatapos nitong makuha ang gusto sa kanya kaya ginamit niya ang lakas niya upang lumaban. Pero ano ba ang magagawa ng lakas niya sa isang lalaking nilukob na ng galit at paghihiganti pati na rin ng pagnanasa? Buong lakas siyang nagpumiglas at muli niyang sinipa ang gitna nito. Yumuko ito at ganoon na lang ang takot niya nang makita ang mga mata nitong namumula sa galit. Tumalikod siya at patakbong tinungo ang pinto pero tulad ng inaasahan niya ay nakasara iyon. “Saklolo! Tulungan niyo ako. Pakiusap! Tulungan niyo ako!” “Talagang ginagalit mo ako, ha?” Muli siyang napatingala nang muling higitin nito ang buhok niya at hindi niya inaasahan ang mabilis na pag-igkas ng kamao nito na tumama sa sikmura niya. Napayuko siya at halos mapasuka sa tindi ng sakit. Itinayo siya nito mula sa pagkakayuko saka sinampal. Napasigaw siya at hinawakan ang labi nang malasahan ang dugo roon. Kasunod noon ay naramdaman niya ang matinding pagkahilo kaya’t bumagsak ang katawan niya sa sahig. Pakiramdam niya ay naubusan na siya ng lakas kaya’t wala na siyang nagawa ng pumaimbabaw sa kanya si Henry. Halos wala na siya sa sarili. Pero taimtim siyang nagdasal at umaasang hindi magtatagumpay si Henry sa kasamahan nito kahit na pakiramdam niya ay katapusan niya na ng mga sandaling iyon. “Duncan…” tanging nasambit niya bago tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD