Chapter 30

1651 Words
Standing at the balcony, Duncan was looking outside at the beach in front of the hotel he was supposed to stay for a week. Napahithit siya sa hawak na sigarilyo at hindi pa man napapangalahati iyon ay agad niyang itinapon. Lumingon siya at lumapit sa pinto nang marinig ang katok mula roon. “What?” iritableng tanong niya nang mabungaran ang kaibigan niyang si Lester. He knitted his brows and get inside his room without asking permission. Prente itong naupo sa mahabang sofa. He was about to follow him nang muling marinig ang katok sa pinto. Naiinis na binuksan niya iyon. Nakatayo roon ang secretary niya na tila nagulat pa sa biglang pagbukas ng pinto. Agad naman ibinigay nito sa kanya ang dokumentong hawak nito saka mabilis na nagpaalam. He knew he was that beast in the eyes of his employees. Ito pa lang ang natitirang sekretarya na tumagal sa kanya ng walong buwan sa loob ng anim na taon. A middle aged woman na alam niyang tumatagal lang sa kanya because she badly needed a job. Pero kung may pagpipilian lang ito ay sigurado siyang matagal na rin iyong nag-resign. “Bro, ang aga mainit na naman ang ulo mo?” nang-aalaskang saad ni Lester. “Parang gusto ko nang i-pirate ang secretary mo para makapag-save naman ako ng tao. Eh mukhang aatakihin lagi sa puso kapag kaharap ka!” “Is that why you’re here this early, just to tell me that s**t?” Itinaas nito ang kamay habang tumatawa na tila sumusuko sa isang nagsisimulang away. “Whoa! Of course not. I planned to roam around, baka gusto mong sumama. I want to explore Palawan. Beach hopping?” “This early?” he scoffed. “I’d better work on this project inside my room, alone. Besides, nandito tayo para magtrabaho.” “We have plenty of free time in this one week. Bukas pa ang pageant at napakasimple lang naman ng trabaho natin, right? We will only sit in front of beautiful ladies and choose who among them is the best. So, what’s the difficult thing about it na kailanganin mo magseryoso ng ganyan?” Pinag-isipan niya ang sinabi nito. Tama nga naman. But he’s not here to waste his precious time either. “At malay mo, nandito lang pala sa Palawan ang tatapos sa pagbibinata natin?.. I’m still hoping for someone who will make me feel like knocking on my door and then my world suddenly stops and then I realize that I am doomed and finally found the one I will marry.” Napatingin siya rito saka napailing. This is exactly what he was expecting from him. Ang makasilo ng babae. Well, nasa marrying age naman na sila at tama lang na maisip na ng kaibigan niya ang ganoong bagay. In fact, he was glad na naiisip na nitong lumagay sa tahimik. Nagsasawa na siguro sa dami ng babaeng dumaraan lang sa mga kamay nito. But for himself? Hindi niya alam kung kailan niya mararamdaman ang pangangailangan niya ng sariling pamilya. For him, his dream of having his own family has been totally thrown in a pit kasama ng pagkamatay ng babaeng pinakamamahal niya. He swallowed and felt a lump on his throat nang maalala ang gabing natagpuan nila si Alena kasama ang ama nito na parehong wala ng buhay habang katabi nito ang bangkay ni Henry. Ilang taon na siyang nagluluksa sa pagkawala nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ito. Na kailanman ay hindi na babalik sa kanya. He still blaming himself for what happened. Kung hindi sana siya nakipag-divorce rito ay hindi nito kakailanganing umalis ng mansion at mapilitang bumalik sa Papa nito. Hindi sana nito nakilala si Henry na naging sanhi ng trahedyang sinapit nito. Kung sana ay hindi niya pinagdudahan ang pagmamahal dito at kung sana ay naging mabuti siyang asawa. Alena would still be alive. Masaya sana silang bumubuo ng sariling pamilya ngayon. Tumikhim si Lester. He knew this side of his best friend. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay kilalang kilala niya na ito. They were always at each other’s side on their ups and down. At sinigurado niyang hindi niya ito iniwan on his lowest point in life. Kaya nasaksihan niya kung gaano gumuho ang mundo nito nang mamatay si Alena. And he can’t blame him for being a beast at work for so many years. Ang lahat ng frustrations, depression and regrets nito ay ibinuhos lahat sa trabaho at negosyo. Akala niya ay hindi na ito makakabalik pa sa dati but thankfully, Duncan started to cheer up. Kahit papaano ay nakikitaan na nila ito ng pagbabago at pag-aliwalas ng mukha nitong mga nakaraang buwan. “I’ll have my breakfast at the cafeteria, baka gusto mong bumaba na rin para naman makalanghap ka ng sariwang hangin. Kaya ka nanlalamig sa mga babae, puro aircon na lang ang nalalanghap mo,” may halong birong sambit nito bago tuluyang lumabas. Tinapunan niya ito ng masamang tingin pagkatapos ay pinasadahan niya muna ang dokumentong dala ng sekretaryang niyang si Tina. Nang ma-satisfy sa report ay ipinatong niya na iyon sa mesa saka lumabas ng kwarto. He was greeted by the staff when he entered the cafeteria na seryosong tinanguan lang niya. Sakto lang ang laki ng lugar na tingin niya ay naglalaman lang ng sampung lamesa para sa guests ng hotel and resort na iyon. Hindi niya alam kung bakit doon napili ng kapatid ni Lester na ganapin ang pageant na ino-organisa nito. Marami naman na mas malalaki at magagandang hotel sa Palawan kaysa roon and his best friend’s sister insists in this one. His eyes continuously roaming around the spacious room. Mula roon ay tanaw ang ganda at nagkukulay berdeng dagat. Since they owned several hotels locally and abroad. Unang tingin pa lang ay alam niyang maraming improvement ang kailangan ng lugar para makaakit ng customers. No wonder this place is not included in most recommended hotel and resorts here in Palawan. Maganda sana ang lugar but lack of innovation. Isinunod ng mga mata niyang hanapin si Lester pero hindi niya iyon makita. Patayo na sana siya nang mahagip ng mga mata niya ang secretary niya na nakaluhod sa harapan ng isang batang babae. Pareho itong nakatagilid sa gawi niya. Tingin niya ay inaamo ng secretary niya ang batang umiiyak. Umiiling ang bata habang hindi malaman ni Tina kung paano patatahanin ito. Naalala niya ang mga pamangkin. He used to be their hero and best ally. At isa raw iyon sa talent niya noon, to be friends with the children. Parang may sariling isip ang mga paa niya at natagpuan na lang ang sarili na lumalapit sa mga ito. Napatingala sa kanya ang secretary niya at agad na napatayo. “What’s going on?” “Sir, nakita ko po siya sa may tabing dagat na umiiyak at walang kasama kaya isinama ko rito sa loob.” Napakunot ang noo niya. Sumulyap siya sa tabing dagat. Alas sais pa lang ng umaga. Maganda ang sikat ng araw pero masyadong delikado para sa isang batang babae na maglakad mag-isa sa tabing dagat lalo’t medyo may karamihan din ang mga taong naglalakad doon. He looked down at the little girl and was welcomed by her cute gazes. Hindi na ito umiiyak habang nakatingalang nakatitig sa kanya. Bahagya siyang napangiti at minasdan ang bata. Mahaba ang malalantik nitong pilik na bumagay sa bilugan at mapupungay nitong mga mata. She has chubby cheeks na namumula. Her long and curly hair are a bit messy. Tingin niya ay hindi purong pinoy ang bata dahil na rin sa itsura nito dagdag pa ang kakaibang puti ng balat nito na hindi karaniwan sa isang batang pinoy. This kid is so adorable. Wala sa sariling pumantay siya sa bata at nakangiting hinaplos ang ulo nito. “Where are your parents, little girl?” Hindi ito sumagot pero nanatiling nakatitig sa kanya. “What’s your name, baby?” Hindi pa rin ito sumagot. Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang bata. Tila napako na ang mga mata nito at walang balak na alisin ito sa kanya. “Eh sir, hindi po yata talaga siya nagsasalita. Kanina ko pa po ‘yan kinakausap pero hindi sumasagot.” Napatingin siya kay Tina na mukhang nag-aalala. Tumango siya at muling ibinalik ang mga mata sa bata. “Bring her to the reception area. Malamang ay hinahanap na siya ng mga magulang niya.” He was about to turn back nang maramdaman ang maliliit na kamay na yumakap sa hita niya. Lumingon siya at niyuko ang bata. Mahigpit itong nakayakap sa hita niya na para bang natatakot na mawala siya. Tumingala ito at tila nakikiusap ang mga matang tinitigan siya habang umiiling. His heart suddenly felt warm while looking straight into her innocent eyes. Yumuko siya at binuhat ang bata. Mabilis naman itong sumampa sa katawan niya at agad na ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya. Natigilan siya at sandaling pinakiramdaman ang bata. She was calm. Hinaplos niya ang buhok nito. “Lyke?” Napatingin siya sa papalapit na babae na bakas ang pag-aalala sa mukha. “Lyke, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” ani ng isang babaeng sa tingin niya ay mahigit kwarenta na ang edad. Hinihingal pa ito at medyo namumutla nang sapilitang kinuha sa kanya ang bata. “Pasensya na, Sir, sa istorbo." Tumango naman siya at muling tiningnan ang bata. Napansin niya na malungkot ang mga mata nito na nakatingin pa rin sa kanya. “Next time, keep an eye on her. Mukhang mabilis pa naman siyang paamuin. We should be responsible enough to take care of the child,” madiing sambit niya. Kung tutuusin ay hindi niya dapat sinabi ‘yon. But he felt irritated when a child was simply taken for granted. Maraming masasamang tao ang naglipana at nakakalungkot na may mga batang nabibiktima sa mga murang edad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD