“What happened, Duncan? Ang baby ko?”
Napaangat ng ulo si Duncan nang marinig ang boses ni Crystal. Sandali niya itong tiningnan ng lampasan habang sinusuportahan ng dalawang magkasalikop niyang kamay ang mukha habang nakatuon ang mga siko sa hita niya.
Wala sa sariling tumayo siya saka lumapit kay Crystal na nananatiling nakahiga sa kama habang nangingilid ang mga luha.
“Don’t worry. The baby is fine.”
Crystal started to sob. Hindi dahil sa lungkot ng posibleng pagkawala ng anak niya kung hindi dahil sa panghihinayang na hindi pa niya tuluyang ginalit si Alena nang sa gayon ay sinaktan pa sana siya nito ng matindi that could cause her miscarriage.
Umupo naman si Duncan sa gilid ng kama nito at sinubukang aluin si Alena.
“I can’t believe that I almost lost my baby because of Alena.”
He frowned and asked, “What do you mean?”
Umagos ang luha niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito. “She was jealous. Akala niya ay anak mo ito kaya nagalit siya at sinaktan ako. She purposely hit my baby. Hindi niya siguro matanggap ang inaakalang pagkakaroon mo ng anak sa iba.”
He clenched his jaw at napansin iyon ni Crystal na matamang inoobserbahan ang reaksyon nito. Lihim siyang nagdiwang kaya mas ginalingan pa niya ang pag-arte.
This is her chance to get his attention back. Ngayong divorced na ito ay hindi niya na ito pakakawalan pa. Nakahanda siyang gawin ang lahat para muli siya nitong mahalin.
Kahit pa ang batang nasa sinapupunan niya na bunga ng isang gabing pagkalimot ay handa niyang isakripisyo.
Wala na si Alena sa buhay ni Duncan at ang bata sa sinapupunan niya ang tanging inaalala niyang dahilan para hindi siya nito tanggapin. Ang posibleng maging hadlang sa kanila.
Sinadya niyang puntahan si Alena nang malaman niya na divorce na ito kay Duncan. Plano niya na galitin si Alena para saktan siya nito. She wanted to add reasons for Duncan to hate her more.
And she was prepared beforehand. Uminom na rin siya ng abortion pill bago siya pumunta roon pero hindi niya akalain na darating agad si Duncan kaya hindi niya nagawa ang buong plano niya.
She secretly gritted her teeth. Pati ang gamot na ininom niya ay palpak.
“Anong sinabi mo sa kanya?”
“Nothing. Kinumusta ko lang siya but she despised me. Kung anu-ano ang sinabi niya at pinagbintangan pa niya ako na kabit mo.”
Gumalaw ang panga nito saka akmang tatayo.
“Saan ka pupunta?” Hinawakan niya ang kamay nito.
“I need to talk to her—”
“Please, don’t leave me, Duncan. Natatakot akong balikan niya ako. Baka kung anong gawin niya sa ‘kin,” nagmamakaawang pakiusap niya rito sa pagitan ng mga hikbi.
She won't allow Alena to have a chance to talk to him and explain herself. Baka magbago ang isip ni Duncan. She knew how he used to adore that b***h.
Kumunot ang noo nito saka tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito saka marahang inalis iyon.
“Don’t be. She’s not capable of harming anyone,” aniya kay Crystal. “And Lester is on his way here. Hintayin mo na lang siya.”
Pagkasabi noon ay lumabas na ito na hindi na niya nagawang sumagot pa.
Lalo naman siyang nakaramdam ng galit sa huling sinabi nito. He even dare to call that asshole. Ang lalaking nakabuntis sa kanya na huling tao na gugustuhin niyang makita.
Nagtatagis ang ngipin at matalim ang mga matang ipinukol niya sa sumaradong pinto.
--
“Bro, you’re drunk. Why don’t you go back to the Philippines and apologize instead of drowning yourself every night? And tell her, you were totally out of your mind when you did that stupidest thing a man can do to his beloved,” Lester said half jokingly.
Nakayuko siya habang nakatitig sa hawak na baso.
Hindi niya alam kung tama ba na tinawagan niya ito para samahan siya.
Sumandal si Lester sa counter na nasa tabi niya at pasampay na itinuon ang mga siko sa ibabaw ng counter. Paharap itong tumingin sa kanya habang napapailing saka unti-unting nagseryoso.
“To tell you honestly, bro. I can’t even believe that you would come up in cutting your ties with Alena. Come on, she may be naïve and that was her only mistake. But you punished her to the extent.”
Matalim niyang tiningnan ang kaibigan saka muling tinungga ang laman ng baso.
Sinenyasan niya ulit ang waiter at nagpasalin pa ng alak.
He can’t refute. He himself cannot believe how stupid he was. But he can only admit it to himself.
Mahal niya si Alena, no question on that. But he was blinded by his anger, by everything that was leading him to the life he didn't want to live. For depriving him of his plans in life.
Sa lahat naman ng plano niya sa buhay ay kasama roon si Alena. He bound his life to live with her on this lifetime.
Pero hindi niya inakala na magbabago ang lahat mula nang hilingin nito ang magpakasal sila sa oras na hindi pa siya handa just to fulfill her father’s so called last wish before he dies.
Wala siyang nagawa noon kundi ang pumayag lalo na nang nagtangka itong makipag-break sa kanya.
He was trying so hard to let her see her father’s true identity dahil sa umpisa pa lang ay iba na ang kutob niya sa ama nito na bigla na lang dumating pagkatapos siyang iwan sa ampunan at hindi binalikan sa mahabang panahon.
Pero bulag si Alena sa pagmamahal sa kanyang Papa which he couldn’t deprived her dahil naiintindihan niyang sabik ito sa pagmamahal mula sa totoong magulang.
That time, he was deeply in love with her. Kaya hindi na siya nag-isip at ibinigay agad ang kahilingan nito.
Iyon din naman ang pangarap niya, ang maikasal sila. Ang ikasal siya sa babaeng pinakamamahal niya… pero sa tamang panahon. Sa panahon na handa na siyang bumuo ng sariling pamilya.
Hindi niya makakalimutan ang araw na ikinasal sila. The day that supposed to be the happiest day in their lives.
Bago ang seremonyas ng kasal ay natanggap niya ang e-mail containing the reports ng private investigator na inutusan niyang alamin ang background ng pamilya ng magiging in-law niya.
At napag-alaman niya na lulong ito sa sugal pati na ang kinakasama nito. They also had some swindling and estafa cases na naging palaisipan sa kanya kung paano nalulusutan ng mga ito.
Pati ang pagkakasakit nito ay pawang kasinungalingan lang. May kasabwat itong doktor na gumawa ng pekeng medical report to make them believe about his serious sickness.
Itinuloy niya ang kasal while his mind was full of doubt. Pati ang pagtingin sa asawa ay nagsimula na rin niyang pagdudahan.
Alam niyang nasaktan niya ito nang hindi niya ito siputin nang gabi ng araw ng kasal nila lalo nang sapilitan niya itong ipinahatid pabalik ng Pilipinas.
For two years, hinayaan niyang panghawakan nito ang pagiging asawa niya. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay inakala niya na magagalit ito sa kanya at ito na mismo ang makikipaghiwalay sa kanya. But she proved him wrong. Ni minsan ay hindi siya nito pinaghanapan, hindi siya sinumbatan.
Na inakala niyang palabas lang ang lahat… para sa pinakamamahal nitong ama.
It was the day before the release of the divorce certificate nang muli niyang binalikan ang e-mail ng private investigator niya na hindi na niya pinagkaabalahan pang basahin noon because he was only focus on his own beliefs.
Pabalibag niyang itinapon ang laptop nang matuklasan na walang kinalaman si Alena sa palabas ng Papa nito and she was also a victim.
Marahas niyang ibinato ang baso ng alak sa salamin na dingding ng opisina niya dahilan ng pagkalat ng maraming bubog.
'Someone has lied to me!'
Mahinang tapik sa balikat ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Tiningnan niya si Lester pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang itinuro nito.
Mahina siyang napamura nang malingunan ang dalawang kapatid na parehong madilim ang mukha habang papalapit sa kanya.