Huminga siya nang malalim saka naniningkit ang mga matang tumingin kay Claire. Napailing siya nang pasimpleng tiningnan si Duncan na nakatayo sa gilid nila ni Claire.
Hindi pa siya tapos kumain pero bigla siyang nawalan ng gana.
Tiningnan niya ang hindi kalayuang table na puno ng mga babaeng estudyante na mga naka-uniporme. Lahat sila ay nakalingon sa gawi nila at kinikilig na nakatingin sa lalaking nananatiling nakatayo sa tabi niya.
Nagpakawala siya ng isang pekeng ngiti. Sanay na siya sa ganoong eksena kahit pa noong mag-nobyo pa lang sila. He got this looks and charm na kahit saan ito magpunta ay hindi maaaring walang babaeng mapapalingon o magpapapansin dito.
Kaya hindi siya makapaniwala noon na sa dinami-rami ng babaeng nakapalibot dito ay siya ang pinag-ukulan nito ng atensyon.
Ordinaryong babae lang naman siya na walang kahit na anong pwedeng ipangtapat sa mga babaeng nagkakagusto rito. Walang kayamanan tulad ng mga ito. Ni walang matatawag na sariling pamilya kundi ang Lola Celia niya. Na kahit ang sariling mga magulang ay hindi ginustong alagaan siya.
Those were some of many reasons why she hesitated to believe that someday, someone will adore her and love her.
But Duncan was persistent and proved that fairy tales do come true… Na pinaniwalaan naman niya.
Pero tulad ng karaniwang nangyayari sa totoong buhay, walang fairy tales. Kung meron man, hindi iyon habambuhay kundi panandalian lang.
At iyon ang katotohanan na nakalimutan niya simula ng mahalin niya si Duncan.
Napakurap siya nang tumikhim si Claire na tila yata nakalimutan agad ang simpatya sa kanya na kanina lang ay nakarehistro sa mukha nito habang isinasalaysay niya ang nangyari sa kanila ng lalaking kinakikiligan nito ngayon.
Napailing na lang siya nang bahagya at akmang tatayo nang magsalita si Duncan, “Can we talk, Alena?”
Napatigil siya pero hindi niya ito tiningnan. Natatakot siya na tumingin dito at makita nito kung gaano pa rin kalakas ang epekto nito sa kanya.
It’s not even a month since their separation. Natural lang naman siguro na traydor-in siya ng puso niya. Na maghurumentado ito sa presensya ng minamahal nito.
‘Minamahal? Come on, Alena! After what he did to you?’ sarkastikong bulong ng isip niya.
Tumayo siya at pilit pinakaswal ang kilos. “I’m sorry, Mr. Fortalejo, pero kailangan na namin bumalik sa trabaho.”
Tumayo na rin si Claire pero atubili siya kung susunod kay Alena o hahayaan itong umalis. Sa huli ay muli siyang umupo nang mabilis na sumunod dito si Duncan. Alam niya na hindi siya kailangan ng dalawa sa pagkakataong iyon.
Mabilis na lumiban ng kalsada si Alena at malalaki ang hakbang na tinungo ang building ng opisina nila.
“Alena, at least spare a minute to talk to me.”
Napatigil siya sa paglalakad dahil mahigpit nitong hinawakan ang braso niya.
Tiningnan niya ang kamay nito na nasa braso niya saka matalim ang mga matang ipinukol iyon kay Duncan.
“Bibitawan mo ‘ko o sisigaw ako?” may pagbabantang tanong niya.
Lumuwag ang hawak nito sa braso niya kaya mabilis siyang tumalikod dito pero hindi niya inaasahan na bigla nito iyong hihigpitan kaya napaharap siya rito kasabay ng kawalan niya ng balanse.
Sa gulat ay napahawak siya rito nang mahigpit sa takot na bumagsak ang katawan niya sa kalsada.
Hindi niya namalayan na halos nakayakap na siya rito at ilang sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Ilang sandali rin na nawala siya sa sarili habang nakatitig dito.
Ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya at ang malakas na pagkabog noon. Napakurap kurap siya at napalunok nang mapadako ang mga mata niya sa mga labi nito.
Bigla siyang natauhan nang unti-unting umarko iyon pataas kaya agad siyang tumayo kasabay ng pagtulak dito.
Naiinis na inayos niya ang damit saka tiningnan ito nang masama. Bakas ang gulat sa mukha nito pero hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita niyang biglang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapadala sa nararamdaman niya para rito at lalong hindi na siya papayag na paglaruan pa nito.
Tapos na ang lahat sa kanila. At hindi nito dapat maramdaman ang kahinaan niya tulad ng dati.
“Ano ba talagang kailangan mo?” asik niya rito.
Mataman nitong sinalubong ang mga mata niya. “You,” maikling sagot nito.
Gulat na muli niya itong tinitigan sa mga mata. Bigla ay napaisip siya kung nasa katinuan ba ang lalaking ito o talaga lang laruan ang tingin sa kanya.
Wala pang isang buwan mula ng mag-divorce sila pero heto ito ngayon at sinasabing kailangan siya nito.
She wanted to cry out loud kung anuman ang ibig sabihin nito o kung saan man paraan siya kailangan nito.
“Get lost, Duncan!” pagkasabi noon ay mabilis siyang tumalikod pero napatigil siya nang sumigaw ito.
“I want you back, Alena! I’m sorry, I know I was wrong!”
Napatingin siya sa ilang dumaraan. Ang iba ay napangiti habang ang iba ay kinikilig at ang iba ay sadyang tumigil na tila naghihintay sa susunod na mangyayari.
Pumikit siya saka mariing pinaglapat ang mga labi.
Nahagip ng mga mata niya si Devi sa loob ng isang sasakyan na nakaparada at nakamasid sa kanila. Ngumisi ito saka itinaas ang isang kilay.
“Alena, please! Talk to me.”
She gritted her teeth saka muling hinarap ito. Mabuti na lang at mukhang nahiya naman ang mga dumaraan at ipinagpatuloy ang paglalakad kaya nakahinga siya nang maluwag kahit papaano.
Ayaw naman niya na makaagaw ng pansin lalo na’t maraming nakakakilala sa dating asawa. Ayaw na niyang masangkot o maiugnay pa rito.
Muli siyang tumingin kay Duncan. Sandali niya itong pinagmasdan.
He still has this striking personality that could turn every girl’s head. His green stubble is slightly visible. Halata rin ang pagod sa gwapo nitong mukha.
He was once a charming man who instantly turned cold and full of temperament from the day they got married to the moment he chased her way.
But looking into his eyes now, unhappiness is all she can see in it. Pero hindi niya maramdaman ang simpatya para rito.
At kung tama man ang nakikita niya sa mga mata nito ay hindi na niya kailangan pang malaman ang dahilan noon.
She was the one who hurt the most. Kaya wala itong karapatan na lumapit sa kanya and make her feel his misery.
Pinilit niyang patatagin ang sarili kahit na nararamdaman niya ang tila pagbara sa lalamunan niya.
She still feels the pain at wala itong ideya kung paano nito dino-doble ang sakit na iyon sa simpleng pagtayo nito sa harapan niya at sabihin ang mga salitang iyon.
“When you asked for a divorce, I didn’t want and take anything from you but I only had one wish… And I’d hoped that you could be man enough to reciprocate the favor, Mr. Fortalejo,” she said coldly.
A flashed of dejection instantly became more visible in his eyes.
“ “
She cut him off even before he could response. “Kung alam ko lang na wala ka palang paninindigan, I should have put the agreement in black and white,” she said disappointedly. “Now, if you have any amount of respect towards me, para na lang sa pinagsamahan natin, please, leave me alone and stay away from me.”
She tried hard not to shed tears in front of him. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa nararamdamang kahinaan.
Ayaw man niyang aminin but she still the same Alena who loves him the most despite what he had done.
But from the day she accepted their fate, she promised to bury that love and vowed to never let him feel it again no matter what.
She held her chin up and turned back. Nakahinga siya nang malalim nang tuluyang makapasok sa loob ng opisina.
Marahas niyang pinahid ang pumatak na luha saka dumiretso sa table niya na parang walang nangyari.