Chapter 12

1761 Words
“Good morning, Ma’am,” masiglang bati niya sa secretary na kausap niya kahapon. Seryoso itong nakatitig sa harap ng computer at tila nagulat pa nang marinig ang pagtawag niya. Isang oras pa bago ang simula ng trabaho niya. Pero dahil maaga siyang nagising dahil na rin siguro sa excitement ay inagahan na rin niya ang pagpasok. Isa pa ay hindi niya kabisado kung ilang minuto ang tagal ng byahe sa umaga kaya mas mabuti na mas mahaba ang oras na allowance niya. Ayaw naman niya na ma-late agad sa unang araw ng trabaho niya. Inangat nito ang mukha at napangiti nang makita siya. Tumayo ito at pansamantalang itinigil ang pagtipa sa keyboard. “Hello, good morning, Alena! Ang aga mo naman,” nakangiting sambit nito. “Hindi po kasi masyadong ma-traffic kanina sa dinaanan ko kaya mabilis akong nakarating dito.” Tumango ito saka nag-umpisang maglakad papunta sa katabing cubicle. “H'wag mo na 'ko tawaging Ma'am. First name basis na lang tayo, ha? Tutal eh lagi naman tayong dalawa ang magkakasama rito. Besides, mukhang magkasing-edad lang din naman tayo,” anito. “Hindi ko nga pala nasabi sa ‘yo ang name ko. I’m Claire.” Sumunod siya rito. May ilang cubicle sa kwartong iyon at halos lahat ay bakante pa. Ayon kay Claire ay maya-maya pa ang dating ng mga officemate nila. Maaga lang daw talaga itong pumasok dahil iyon ang required sa kanya ng Boss niya na oras ng pagpasok. Pero madalas naman ay mas maaga itong umuwi kesa sa mga kasamahan. Inilapag niya sa isang bakanteng swivel chair ang dala niyang bag saka tinulungan si Claire sa pag-aayos ng katabing cubicle nito na ayon dito ay iyon ang magiging table niya. Isa isa nilang inalis ang ilang box na nakapatong doon at inayos ang mga ilang dokumento na nakapatas sa ibabaw noon. “Ok lang ba na ikaw na ang magtuloy niyan?” tukoy nito sa ginagawang paglilinis. “Tatapusin ko lang iyon report na ginagawa ko. Maya maya kase ay darating na si Boss, kailangang mai-send ko muna sa e-mail niya iyon kundi ay iinit na naman ang ulo noon.” Nakangiti siyang tumango. “Oo naman. Sige na, ituloy mo na ang ginagawa mo. Ako na ang bahala rito… Salamat ulit.” “No worries. Kapag may kailangan ka, h’wag kang mahiyang katukin ako. Mamaya ay babalikan kita, ihahatid kita kay Ms. Devi for your orientation.” Tumango siya. Nakangiting sinundan niya ito nang tingin. Mabuti na lang at friendly ito kaya mabilis niyang nakagaanan ng loob. Pagkalipas ng halos isang oras ay malinis na ang table niya. Pati mga steel cabinet na nasa magkabilang gilid ng table ay nilinis niya ang loob. Nag-sanitize pa siya dahil parang ginawang imbakan ang cubicle na iyon ng mga dokumento at mga office supplies na hindi na ginagamit. Naupo siya sandali upang magpahinga. Maya maya ay dumating na ang ilang empleyado at isa-isa iyong ipinakilala sa kanya ni Claire. “Alena Ramos?” Narinig niyang tanong ng babaeng huling dumating. Mataas ang pagkakapusod ng buhok nito habang hapit na hapit ang suot nitong dress na hindi umabot sa tuhod ang haba. Napaka-sopistikada nito sa pananamit, maging ang boses nito. Tiningnan niya ito saka nakangiting tumango. Tumaas naman ang isang kilay nito saka ngumisi habang bumababa ang tingin nito sa kabuuan niya. “Ramos or should I say Fortalejo?” Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi nito. Pinilit niyang alalahanin kung sino ang babaeng iyon dahil nagtataka siya kung paano siya nito nakilala. Tinitigan niya ito nang husto pero hindi niya talaga matandaan kung saan niya ito nakilala. Lalo naman tumaas ang kilay nito nang mapansin na wala siyang idea kung sino ito. Alanganin naman sumingit si Claire nang maramdaman ang tila tensyon sa pagitan ng dalawa. Kahit na tingin niya ay walang ideya si Alena sa nangyayari pero mas kilala niya ang isa sa mga boss nila. Masungit ito at may pagka-praning lalo na sa mga bago at magagandang empleyado. “Umm.. good morning, Ms. Devi. Siya po si Ms. Alena Ramos, bagong admin assistant.” Mula kay Claire ay lumipat muli ang tingin nito kay Alena saka ngumisi. “Admin assistant?” sambit nito na may himig panlilibak sa tono nito. Hindi naman mababang uri ng trabaho iyon kaya nagtataka siya kung saan nanggagaling ang reaksyon ng babaeng iyon. “Anyway, hindi mo nga siguro ako natatandaan but I know you. Totoo pala ang tsismis, you’ve have been kicked out from Fortalejo family.” Napalunok siya at pasimpleng sumulyap sa mga kasamahan na sigurado siyang narinig ang mga sinabi nito. Ang ilan sa mga iyon ay tahasang nakatingin sa kanila at ang iba naman ay tahimik lang na nakayuko. Hindi niya alam kung paano siya nakilala ng babaeng ito. Pero sa tono ng pananalita nito ay mukhang kilala nito ang pamilya ng dati niyang asawa. Pilit siyang ngumiti saka marahang tumango. Totoo naman ang sinabi nito. Hindi nga lang siya literal na pinalayas sa bahay ng mga Fortalejo pero itinaboy din naman siya ni Duncan. Devi chuckled at tila tuwang tuwa sa pagpapakumbaba niya. Magsasalita pa sana ito nang dumating ang lalaking nag-interview sa kanya. Seryoso ang mukha nito na tinanguan lang sila pagkatapos nila itong batiin saka dire-diretsong pumasok sa opisina nito. Napangiwi naman si Devi na maging siya ay hindi nito pinansin. Naiinis na iniwan sila nito at walang paalam na sumunod sa opisina ng lalaki. Napasunod ang tingin nila ni Claire hanggang sa malakas na isinira nito ang pinto. “Kilala mo ba si Ms. Devi?” untag sa kanya ni Claire. Tumingin siya rito saka umiling. Nagkibit naman ito ng balikat saka bumalik sa table nito. Ipinagpasalamat niya na hindi na ito nagtanong pa tungkol sa sinabi ni Devi. Binalewala na lang niya ang nangyari. Wala naman siyang balak na ilihim ang pagiging diborsyada niya. Kahit hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanyang buhay may-asawa ay hindi naman niya pinagsisisihan na pinakasalan si Duncan kahit na para dito ay isang malaking pagkakamali ang pakasalan siya. Isa pa ay totoong minahal niya ang pamilya nito at lubos ang pagtanaw niya ng utang na loob sa mga ito sa tulong na ibinigay sa kanilang mag-lola lalo’t higit ay sila ang dahilan kung paano siya nakalaya sa bahay ampunan na para sa kanya ay isang impyerno. Tanghali na nang matapos ang orientation niya. Sa halip na si Devi ang mag-orient sa kanya ay ipinagawa iyon sa assistant nito. Dahil pagkatapos ng ilang minuto mula ng sundan nito ang manager nila sa opisina nito at sabay na umalis ang mga ito. “Alena, magla-lunch na ‘ko. Gusto mo bang sumabay?” Itinigil niya nag pagbabasa ng isang financial statement saka tiningala si Claire na nakadukwang sa pagitan ng cubicle nila. Tiningnan niya ang relo saka tumango nang makitang pasado alas dose na ng tanghali. “Mag-ingat ka kay Ms. Devi, Alena. Hindi sa tinatakot kita pero masyado ‘yong istrikto pagdating sa trabaho at obsessed kay Boss. Kaya h’wag na h’wag kang didikit kay Boss kung ayaw mong matulad sa magagandang empleyado na basta na lang pinatalsik,” ani Claire habang hinihintay nila ang order nilang pagkain. Niyaya siya nito sa katapat na fastfood chain at doon nag-lunch. “Hindi naman ako direct na magre-report sa Boss natin, ‘di ba?” bale walang sagot niya. “Oo nga, pero mukhang threaten sa ‘yo si Ms. Devi. Sabagay, ‘di hamak naman na mas maganda at sexy ka sa kanya lalo na sa mga dating empleyado na nagtangkang akitin si Boss… Tingnan mo na lang ang tingin niya sa ‘yo kanina at kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi.” Napakagat siya ng labi. Lumapit ang isang crew at inilapag ang food tray na laman ang order nila at inilapag iyon sa table na nasa pagitan nila. “Pero sino bang Fortalejo ang sinasabi niya? Napagkamalan ka ba niya?” balewalang tanong nito habang nag-uumpisa nang kumain. Tiningnan niya itong mabuti. Mukha naman mabait ito at magaan ang loob niya rito. Sa buong proseso ng job application niya ay ito na ang mag-assist sa kanya at napakalaking bagay noon para sa kanya. “Hindi. I was once a Fortalejo.” Napatigil ito sa pagkain saka nakakunot ang noong tumingin sa kanya pagkatapos ay unti-unting nanlaki ang mga mata. “Fortalejo? As in the family who owns Fortalejo Empire?” Tumango siya. “Wow! Totoo ba?” bulalas nito na biglang napatakip ng bibig saka hininaan ang boses. “Alam mo ba na nag-apply ako dati sa isa sa mga hotel nila pero hindi ako natanggap. Sobrang taas naman kase ng standard nila,” nakangusong sambit nito. “Pero teka, paano nangyari? Sabi mo, dati, meaning?” nag-iisip na tanong nito. “I married the youngest Fortalejo,” mahinang usal niya. Lalo naman nanlaki ang mga mata nito kaya mabilis niyang sinundan ang sinabi. “At divorced na kami ngayon.” “What?!" Hindi niya na sinabi pa rito ang buong detalye at ipinakitang balewala na sa kanya ang bahagi ng buhay niyang iyon. “Meaning, fresh na fresh pa ang hiwalayan niyo ni Duncan? Imagine, wala pa palang isang buwan?” gulat pa rin na usal nito. “Sayang naman, bagay pa naman sana kayo. Sa magazine ko lang siya nakikita at minsan napapanood sa TV. Siguro mas gwapo siya sa personal, 'no?” Hindi siya sumagot. Maya maya ay lumungkot ang mukha nito at nag-aalalang tiningnan siya. “Ok ka lang ba, Alena? Sorry, masyado lang akong nadala sa kwento mo. Kung hindi ka kumportable na pag-usapan, let’s just change the topic.” Napangiti siya saka umiling. Ipinagpatuloy niya ang pagkain saka sumagot, “Ok lang, tanggap ko naman na. Nakaka-move on na rin ako kahit papaano.” Tiningnan niya ito nang hindi ito sumagot. Nakaawang pa ang labi nito na lampasan ang tingin sa likuran niya. “Makaka-move on ka pa rin ba kung ganyan ka-gwapo ang mukhang lalapit sa ‘yo?” Mahina ang boses nito na tila kinikilig. Sandali siya nitong sinulyapan saka muling tumingin sa gawi ng entrance. Nakakunot ang noong lumingon siya at sinundan ang tinitingnan nito. Sandaling napaawang ang labi niya habang tinitingnan ang lalaking tinutumbok ang kinauupuan nila. Narinig pa niya ang pagbubulungan at pasimpleng pagsinghap ng mga babae na nakamasid din dito habang papalapit sa kanila. Napakurap kurap siya at agad na hinarap si Claire na alanganing ngumiti sa kanya na halatang kinikilig pa rin. Kinagat niya ang labi at mariing ipinikit ang mga mata nang marinig ang boses nito sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD