Marahang haplos sa kanyang mukha ang nagpabalik ng malay kay Alena. Unang sumalubong sa mga mata niya ang nag-aalalang mukha ni Duncan habang titig na titig ito sa mukha niya. Napabalikwas siya ng bangon nang umihip ang malakas na hangin at nanuot sa balat niya ang lamig. Napayakap siya sa katawan pagkatapos ay napakunot ang noo niya nang maramdaman ang basang basa niyang damit. Iginala niya ang mga mata at noon niya lang napansin na nasa pampang sila ng isla na madalas niyang puntahan. Tiningnan niya si Duncan at hindi sinasadyang napatingin siya sa hubad nitong katawan. Wala itong suot na pang-itaas at naka-shorts lang ito. Nag-iwas siya ng tingin dito. Napatingin siya sa damit na hinigaan niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang suot nito kanina nang makita niya ito bago siya