Chapter 37

1729 Words

“Matagal kong hinanap si Alena. Three days pa lang siya nang nakawin siya ng Papa niya sa akin. Halos mabaliw ako noon sa pagkawala niya. I did everything to find her pero siguro ay talagang sinigurado ni Vicente na hindi ako makikilala ng anak ko. Nagkasakit ako kaya mas lalo akong walang nagawa para hanapin siya pero kahit kailan ay hindi ako nawalan ng pag-asa na makita ang anak ko. At kung meron man akong ipinagpasalamat sa Papa niya ay iyon ang sinunod pa rin niya ang pangalan na ibinigay ko kay Alena. Dahil doon ay nakilala namin siya.” Tumunghay si Duncan at sandaling sinulyapan ang kaharap. Kasalukuyan silang nasa canteen ng hospital at doon siya dinala ng Mama ni Alena upang mag-usap. Dalawang mesa lang ang kasalukuyang okupado ng mga oras na iyon. “Noong sinabi sa akin ni Clair

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD