Chapter 24

1891 Words
Nang makalabas siya ng hotel ay tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Binasa niya iyon nang makitang galing iyon kay Claire. Claire : Bumalik dito ang investigator… Alam ko na kung sino ang may kagagawan ng tangkang pagdukot sa ‘yo. Ilang beses niyang binasa ang text na iyon. Agad siyang kinabahan. Sa dami ng problema niya ay hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang unang solusyunan. Pero kailangan niyang harapin ang bawat pagsubok na dumarating sa kanya. Pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng iyon. Minabuti niyang tawagan muna si Claire bago pumunta sa dating opisina. Unang ring pa lang ay narinig na niya ang boses nito sa kabilang linya. Tumayo si Claire nang sagutin ang tawag ni Alena. Tumingin muna siya sa paligid at nang masiguradong hindi naman siya napansin ng mga ka-trabaho ay tuluyang siyang lumabas ng opisina. “Hello, girl. Plano ko sana na makipagkita sa ‘yo mamaya pero hindi na ako makatiis na hindi sabihin sa ‘yo at para na rin mas makapag-ingat ka.” “Anong result ng investigation? Sino raw ang may kagagawan?” kinakabahang tanong niya. “Confidential daw at wala silang balak na ilabas ang resulta ng imbestigasyon pero narinig ko ang pag-uusap ni Ms. Devi at ni boss… Akala ko ay nag-o-overthink lang ako pero tama pala ang instinct ko.” Huminto ito saka mas lalong hininaan ang boses. “Girl, sure ka ba na wala kayong past feud ni Ms. Devi?” Napakunot ang noo niya saka nagtatakang sumagot, “Wala. Diyan ko lang siya na-meet sa opisina… You mean?” Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Yes at mukhang nagdedelikado ang posisyon niya dahil sa ginawa niya. Galit na galit si Boss. Narinig ko na kailangan niyang tanggalin si Ms. Devi dahil kung hindi ay madadamay ang kumpanya. May mga nag-audit na rito kanina at ang dinig ko ay ipinadala iyon ni Mr. Fortalejo.” “Salamat, Claire. Nandiyan ba si Devi?” “Oo, nandito. Ayaw umalis at nakiki-usap nang husto kay Boss.Pero alam ko naman kung bakit ayaw niyang umalis, hindi dahil sa trabaho kundi dahil mismo kay boss—" Narinig niyang may tumawag sa pangalan nito kaya hindi naituloy ang sasabihin at agad na pinutol ang tawag pagkatapos magpaalam. Ibinaba niya ang telepono saka pabilog ang bibig na bumuga ng hangin. Kailangan niyang makausap si Devi at alamin ang dahilan nito kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya. Humakbang siya pero agad din napatigil nang may pumigil sa braso niya. Noon niya lang naalala na kasunod niya si Duncan mula sa loob ng hotel. Nilingon niya ito pero kasabay noon ang bahagyang pag-ikot ng paningin niya. Napahawak siya sa ulo at pumikit. Napakagat siya ng labi nang maramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura. Noon niya lang naalala na isang sandwich lang ang kinain niya mula umaga. Hapon na kaya naman halos marinig na niya ang pagkulo ng tiyan niya. Nahihiyang napatingin siya kay Duncan na madilim pa rin ang mukha habang titig na titig sa kanya. Bahagya niyang kinagat ang labi habang umiiwas ng tingin dito kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak nito. But he insisted on gripping her hand at wala siyang nagawa nang halos hilahin siya nito papunta sa kotseng tumigil sa harap nila. Binuksan nito ang pinto ng kotse at inalalayan siyang umupo sa shotgun seat pagkatapos ay kinuha nito ang susi sa driver na lumabas mula roon. Pumasok ito sa kotse at agad na pinaandar ang sasakyan. “Saan mo ‘ko dadalhin?” naiinis na tanong niya. Samu’t sari na nga ang problema niya ay sumabay pa ang pagkalam ng sikmura niya. “Pwede bang ihatid mo na lang ako sa office?” “At anong gagawin mo do’n? Hihintayin mo na balikan ka ng kidnapper na ‘yon?” “Nando’n pa si Claire at hinihintay niya ako. Gusto kong makausap si Devi.” “Ako na ang bahala doon,” matigas na saad nito. “Kailangan kong malaman kung anong dahilan niya.” “Ok, ihaharap ko siya sa ‘yo. Just leave everything to me, ok?” Humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana. She felt helpless. Pakiramdam niya ay magiging sunud-sunuran na naman siya rito. Pero hindi niya maitatanggi na sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan niya ngayon ay nakapagtatakang gumagaan ang pakiramdam niya tuwing mararamdaman ang presensya ng dating asawa. Pakiramdam niya ay ligtas siya kapag kasama niya ito at nagiging kumportable siya sa isiping kahit papaano ay binibigyan siya nito ng atensyon at dumarating sa mga panahong kailangan niya ito. Napatingin siya sa harap ng isang restaurant nang itinigil nito roon ang kotse. Tumingin siya kay Duncan habang pinapatay nito ang makina ng kotse. Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto. Atubiling inabot niya ang nakalahad nitong kamay saka tumingala rito. “Bakit tayo nandito?” “If you don’t want to get sick, get out of the car and eat,” seryoso pa rin ang mukhang saad nito. “Hindi ako nagugutom.” Lalo naman kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. “Really? So, that means I only mistakenly heard your stomach groaned.” Napapikit siya at mariing pinaglapat ang mga labi. ‘Peste! Narinig nga niya.’ Tumingin siya sa tiyan niya at hinaplos iyon. Since, obvious naman pala na gutom na siya ay wala ng dahilan para mag-inarte pa siya. Lumabas siya ng kotse na hindi pinansin ang nakalahad nitong kamay. Siya na mismo ang pumili ng table kung sila mauupo. Kilala niya ang restaurant na iyon na isa sa pag-aari ng ex sister -in-law niya na si Alison. Nag-aalinlangan man siya dahil posibleng makita niya roon ang mga taong dati niyang naging pamilya ay wala naman siyang magagawa. Gutom na gutom na siya at halos makalimutan na rin niya ang mga iniisip dahil sa paghuhurumentado ng tiyan niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa harapan na niya ang iba’t ibang klase ng pagkain. She glared at Duncan habang naglalagay ng pagkain sa plato niya. “Last supper ba ‘to? O bibitayin na ako bukas?” reklamo niya na tinutukoy ang mga pagkain na halos hindi na magkasya sa table nila sa sobrang dami. Tiningnan lang siya nito at prenteng sumandal sa back rest ng upuan. Narinig niyang sinabi ng waiter na wala roon si Alison nang hinanap iyon ni Duncan. Hindi naman ito sumagot kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Maya maya ay tumunog ang cellphone nito na tingin niya ay nagdalawang isip pa ito kung sasagutin. Hindi naman niya iyon pinansin. Nang hindi tumigil ang pagtunog noon ay napilitan na itong magpaalam sa kanya para sagutin iyon. Hindi niya alam kung ilang minuto itong nakipag-usap at kung sino ang kausap nito. At wala rin naman siyang pakialam doon kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito at muling naupo sa table nila. Matamis ang ngiti nito na ipinagtaka niya. Siguro ay dahil iyon sa kausap nito kanina. “Do you want anything else? Dessert? Maraming bagong menu rito si Ate Alison,” amuse na tanong nito. Napatakip siya ng bibig bago pa siya makasagot. Napadighay lang naman siya na alam niyang rinig na rinig kahit sa katabing mesa nila. Napakagat siya ng labi nang tiningnan ang mga pagkain sa harap niya na halos maubos niya saka nahihiyang tumingin sa katabing table na inookupa ng dalawang magkapareha. Nakangiting nakatingin ang mga ito sa kanya na alam niyang nagulat din sa narinig. Pilit siyang ngumiti at nag-peace sign sa mga ito saka nagmamadaling tumayo. Kelan pa siya naging patay gutom? Sumunod naman sa kanya si Duncan na alam niyang pinipigilan ang tawa. “Itawa mo ‘yan at baka kung saan pa lumabas ‘yan, mas nakakahiya!” naiinis at natatawa na rin niyang utos dito. Amused na tiningnan siya ni Duncan at hindi na rin nito napigilan ang tumawa. She stared at him for awhile. Para siyang nahalina sa tanawin na nasa harapan niya. She misses him. Na-miss niyang marinig ang tawa nito. Ang mga ngiti at saya nito na umaabot hanggang sa mga mata. Ang bawat ngiti nito habang tinitingnan siya na laging nagpapaalala sa kanya kung gaano ito kasaya tuwing kasama siya. Na-miss niya ang mga panahong nakakalimutan niya ang mga problema niya kapag kasama ito. Na ang manatili lang ito sa tabi niya ay sapat na sa kanya para mapanatag siya. She was slowly kept in a daze and came back from her reverie when she felt a hand gently caressing her face. Pumikit siya at dinama ang masuyong haplos na iyon. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang kamay ni Duncan na nananatiling humahaplos sa pisngi niya. She opened her eyes and gazed up at him. She suddenly felt a lump on her throat. Why do beautiful things have to come to its end? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang na walang katapusan? Simple lang naman ang gusto niya sa buhay pero bakit habang tumatagal ay mas nagiging kumplikado ang buhay niya? “Babe…” She bit down her lower lip saka tipid na ngumiti. “I’m sorry for letting you go through all of these. Hayaan mo akong bumawi at protektahan ka,” masuyong saad ni Duncan na puno ng pagsusumamo ang mga matang hindi nagsasawang titigan siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot dito. Sigurado siya at nararamdaman niya na mahal pa rin siya nito sa kabila ng mga nangyari. At sigurado rin siya sa isinisigaw ng kanyang puso. She wanted to be with him. Ilang linggo pa lang mula ng mag-divorce sila pero pakiramdam niya ay ilang taon na ang lumipas. Life is short. Kagabi lang ay may nakaabang na kapahamakan sa kanya at kung nagtagumpay ito ay siguradong pagsisihan niya na hindi niya nasabi kay Duncan na pinapatawad niya na ito at sa kabila ng lahat ay ito pa rin ang lalaking nag-iisa niyang minamahal at mamahalin pa. She still wants to feel his love. She needs to decide. Pero hindi niya na kailangang pang tanungin ang sarili. Aasa na lang siya na hindi na muling mabibigo pa sa pagkakataong ito. At gagawin niya ang lahat upang wala ng humadlang sa kaligayahan niya kasama si Duncan. Masuyo niyang tiningnan si Duncan saka matamis na ngumiti. “I forgive you. Sana mapatawad mo rin ako sa ginawa ko noon. I’m sorry, I—” “Shhh,” pigil nito sa sasabihin niya. “Can we at least forget about the past? We can’t start over again if we continuously bring up what has being done.” “Pero si Papa…” “Nakapag-usap na kami,” seryosong sambit nito. Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. “Ha? Kelan?” “After you talked. Tumawag siya at hiniling na makausap ako… Inamin niya ang ginawa niya at humingi siya ng tawad. Sinabi niya na willing siyang mag-trabaho sa akin para makabayad.” “And?” “I refused,” seryosong sagot nito. Unti unting bumigat ang loob niya at pilit na itinago ang lungkot. Kahit pa gaano kalaki ang kasalanan na nagawa ng Papa niya ay hindi niya kayang magalit dito ng tuluyan lalo na ang talikuran ito. At hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sisingilin ito ni Duncan sa paraang ikakasama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD