“May balak ka bang ipakulong si Papa?” kinakabahang tanong niya.
Lalong kumunot ang noo nito kaya mas lalo siyang kinabahan.
Yumuko siya dahil hindi siya handa sa isasagot nito. Ano na lang ang magiging buhay ng Papa niya sa kulungan?
Kung totoo ang sinasabi ni Henry ay hindi malayong iyon ang kahinatnan ng Papa niya at sa connection ng mga Fortalejo ay madali lang sa mga ito na ilabas ang lahat ng kasong kinasangkutan nito.
She heard him chuckling while he held her chin up. Nasalubong niya ang seryosong mukha ni Duncan but he cannot hide his emotions full of affection while looking straight into her eyes.
“Silly! Bakit ko naman ipapakulong ang father-in-law ko? Besides, hindi naman niya ako ninakawan. I voluntarily gave him the money.”
“Dahil nagkunwari siyang maysakit.”
“It was just a small amount, Alena. We can even spend more than that in our charity. Isa pa, ‘di ba sinabi ko na sa ‘yo na kalimutan na natin ‘yon?”
Napakagat siya ng labi saka tumango tango. Naramdaman niya ang paglapit nito at marahang paghapit sa bewang niya.
Gumanti siya nang yakap dito pagkatapos ay masuyo nitong hinalikan ang buhok niya.
“I love you so much, Alena. Thanks for giving me another chance. This time, I promise I won’t hurt you.”
Tumango siya at nanatiling nakayakap dito. Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Masaya siya na muling magkaayos sila ni Duncan pero ang kabilang bahagi ng isip niya ay alam niyang tutol sa desisyon niya.
Kumalas si Duncan sa pagkakayakap sa kanya at marahang pinahid ang luha niya. “What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito.
“S.. sigurado ka ba na mahal mo pa rin ako? Paano kung may magawa na naman si Papa o ako? Paano kung may magawa akong mali o hindi mo nagustuhan? Baka iwan mo na naman ako at ipagtabuyan—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong kabigin ang batok niya at siniil ng halik ang mga labi niya.
Nagulat siya sa ginawa nito dahilan para tuluyang mawala ang mga pag-aalala niya.
Pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod niya kaya napakapit siya nang mahigpit sa batok nito.
Parehong habol ang paghinga nang sa wakas ay pakawalan ni Duncan ang mga labi niya at matamang tiningnan siya sa mga mata.
“It won’t happen again, Alena. I promised. Alam kong nangako ako sa ‘yo noon pa na hindi kita sasaktan pero ginawa ko pa rin and that was the most stupid thing I ever did in my whole life. I’m sorry. Araw-araw akong babawi sa ‘yo para sa pagkakamaling iyon.”
Ngumiti siya habang pinakikinggan ito pero agad din napawi ang mga iyon at agad siyang bumitaw sa yakap nito nang may maalala.
Kumunot naman ang noo ni Duncan at nagtatakang pinagmasdan siya.
“Si.. Crystal? ‘Di ba may relasyon kayo ng babaeng ‘yon,” sambit niya.
Biglang umahon ang galit sa dibdib niya. Naalala niya ang batang nasa sinapupunan nito na muntik nang mawala nang huli silang magkita.
Ganoon na ba siya kahibang sa lalaking ito kaya pati ang mga seryosong bagay na tulad noon ay nakakalimutan na niya at naisasantabi niya?
Mahal niya si Duncan pero hindi niya kayang makihati sa kung sinuman babae lalo’t may anak ito roon.
Biglang sumikip ang dibdib niya nang pumasok sa isip niya na may ibang babae itong inangkin.
Tumalikod siya pero bago pa siya makahakbang ay pinigilan siya nito sa braso at pilit na iniharap dito.
“Listen to me first, ok?”
Inirapan niya ito pero ngumiti lang ito na lalo niyang ikinainis.
“Didn’t I tell you that her baby wasn’t mine?” panimula nito. “Ok, I’ll be honest to you… She followed me to the US and purposely got herself involved with my business collaboration with her father but from the very start, I’ve been honest to her. Alam niya na ikaw lang ang mahal ko at wala akong balak na palitan ang posisyon mo ng kahit na sinong babae bilang asawa ko kahit na nag-divorce tayo.”
Napalunok siya at bahagyang ngumuso. “Pero sinabi niya na anak mo ang dinadala niya.”
Umiling ito saka bumuntong hininga. “Si Lester, best friend and business partner ko ang nakabuntis sa kanya.”
'Lester?'
Napaawang ang labi niya. She haven’t met him personally pero madalas niyang makita sa magazine ang best friend na ito ni Duncan.
He is a young businessman and a famous car racer at the same time. Bukod sa mula rin ito sa isang prominenteng pamilya ay kilala ang pamilya nito sa larangan ng sports.
Limitado lang ang alam niya tungkol sa best friend nito. At isa lang doon ang pagpapabalik-balik nito sa US at sa Pilipinas. Pati na rin ang napapabalitang pagiging womanizer nito.
“Uuwi siya sa weekend and we’ll meet him. And he will prove my innocence.”
Naitikom niya ang bibig saka maaliwalas ang mukhang tinitigan ito.
“Hindi naman na kailangan,” nakangiting sambit niya. “Naniniwala ako sa ‘yo.”
Bahagya itong ngumiti at muling ipinulupot ang mga kamay sa bewang niya. “Hmmm, parang nakakatampo lang na pinag-isipan mo ako ng ganoon when in fact I never lay my eyes on any other woman,” may himig pagtatampong sambit nito.
Napangiti naman siya. Alam niyang nagpapa-cute lang ito pero sinakyan niya na lang ang trip nito.
“So, what do you want me to do para makabawi naman ako sa ‘yo?” kunwari’y nang-aamong tanong niya.
Biglang lumabas ang pilyong ngiti nito habang titig na titig sa kanya. “Medyo pagod kasi ako at inaantok na. Pwede ba tayong umuwi na lang sa condo mo?”
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. “Hoy Mr. Fortalejo, unang una hindi ko alam kung saan ang condo ko na tinutukoy mo.” Totoo naman ‘yon dahil ni address ng binigay nitong condo nang mag-divorce sila ay hindi niya pinag-aksayahn ng panahon na tingnan man lang iyon.
“E di, iuuwi na lang kita sa mansion..”
Lalo naman siyang umiling. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi pa siya handang humarap sa pamilya nito.
“Hindi mo ‘ko asawa para iuwi sa bahay niyo,” mahinang usal niya.
“Then let’s get married..”
Tiningnan niya itong mabuti upang siguraduhin kung seryoso ba ito sa sinasabi pero walang bakas ng pagbibiro sa mukha nito.
Bahagya siyang ngumiti saka umiling na bigla naman ikinalungkot ng mukha ng binata.
Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang gwapo nitong mukha. “I want to marry you again but.. hindi pa sa ngayon. We failed our first marriage and we should learn from it. Hindi nadadaan sa pagmamadali ang mga bagay-bagay.”
Seryosong nakikinig sa kanya si Duncan na hindi nagtagal ay sumang-ayon na rin sa kanya.
Iginiya siya nito papasok sa kotse at inihatid siya sa condo ni Lulu.
Wala na siyang nagawa nang sumama ito at inihatid pa siya sa mismong condo unit ng pinsan nito.
Nang sa wakas ay napilit niya itong umuwi ay sakto naman pagbukas ni Lulu ng pinto.
Napatigil ito sa paghakbang at gulat na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa hanggang sa bumaba ang mga mata nito sa magkahugpong nilang mga kamay.
Pilit ang ngiting tiningnan ni Alena ang kaibigan saka bumaling kay Duncan na mukhang hindi naapektuhan sa mapanuring tingin ng pinsan.
“Besh…”
Pinagsalikop ni Lulu ang braso sa harap ng dibdib niya saka tinaasan ng kilay si Duncan.
Napangiti naman si Duncan sa inasal ni Lulu pagkatapos ay pinisil ang pisngi nito dahilan para bigla itong sumimangot.
“Hoy, Duncan! Hindi pa kita binibigyan ng permit para gawin ‘yan. Remember, hindi na tayo close!” mataray na sagot nito pagkatapos tabigin ang kamay ni Duncan.
“I know, I owe you an explanation pero hindi ngayon, ok?” nakakaunawang sagot ni Duncan. “For now, ipagkakatiwala ko muna sa ‘yo ang asawa ko para makapagpahinga na siya. Babalik ako bukas para sunduin siya.”
Muling napataas ang kilay ni Lulu at bakas ang sobrang gulat sa sinabi nito. Sasagot pa sana ito pero maagap niyang iniharang ang sarili sa pagitan ng dalawa.
Itinulak niya papasok si Lulu saka itinaboy si Duncan na magpo-protesta pa sana pero wala itong nagawa nang mabilis niyang isinara ang pinto.
Nasalubong niya ang nakasimangot na mukha ni Lulu na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Hilaw siyang ngumiti saka hinila ito paupo sa mahabang sofa at pilit ipinaunawa rito ang naging desisyon.