Chapter 26

1551 Words
Nag-iinat siyang bumangon nang marinig ang boses ni Lulu sa labas ng kwarto. Kung hindi lang siya sigurado na dalaga ito ay iisipin niyang isa itong Nanay na sinisermunan ang anak. Hindi niya na pinag-aksayahan mag-ayos ng sarili at nagtatakang lumabas ng kwarto. Sabay naman napatingin sa kanya si Lulu at ang kausap nito dahilan para mapatigil si Lulu sa pagngawa. “Anong ginagawa mo rito?” Napatingin siya sa oras. Alas sais pa lang ng umaga at narito na agad si Duncan. Umaliwalas ang mukha nito nang makita siya na tila ba nakahanap ng kakampi. “Sorry to disturb you. ‘Di ba sabi ko sa ‘yo, susunduin kita ng maaga?” Lumapit ito sa kanya at akmang hahalikan siya pero mabilis niyang itinakip ang kamay sa bibig dahil naalala niyang hindi pa siya naghihilamos o nagto-toothbrush man lang kaya hinalikan na lang siya nito sa ulo. “Hay! Sinasabi ko sa ‘yo, Duncan. Sa oras na ulitin mo pa ang ginawa mo kay Alena o ang paiyakin ulit ‘yan, ako mismo ang magpapakulam sa ‘yo, naintindihan mo?” Napatingin sila pareho kay Lulu na mukhang seryoso ang pagbabanta. “Rest assured, cousin. Kapag nangyari ‘yon, siguradong hindi lang kulam ang naghihintay sa akin. Hindi lang ikaw ang nakaabang sa akin dahil nakahanda na rin sina Mama na itakwil ako oras na saktan ko si Alena. And I will never do that again. Sa dami ba naman ng proseso at taong dinaanan ko bago ako makalapit dito, sasayang ko ba ‘yon?” Napakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga matang tiningnan niya si Duncan. Kinindatan naman siya nito saka niyakap. Maya maya ay nagpaalam siya sa dalawa upang maligo. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas siya pero agad naman na nagpaalam sa kanila si Lulu dahil may out of town meeting daw ito. Sa labas na rin sila nag-agahan ni Duncan pagkatapos noon ay iginiya siya nito ulit pabalik sa kotse. She was constantly asking kung saan sila pupunta pero tanging ngiti lang ang isinagot nito. “Nag-usap na ba ulit kayo ng Papa mo?” tanong ni Duncan habang abala ito sa pagmamaneho. Umiling siya at sandaling sumulyap dito. “Hindi pa.” “Galit ka sa kanya?” “Masama lang ang loob ko pero hindi ko magagawang magalit sa kanya.” Gumalaw ang kanang kamay nito at marahang hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya rito na sandaling sumulyap sa kanya habang nakangiti. There was something in him na hindi niya matukoy pero nakikita niya ang saya sa nagniningning nitong mga mata at bago pa siya makapagtanong ay napatinginnna lang siya sa labas nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng bahay ng Papa niya. Nagtatakang tiningnan niya si si Duncan na agad umibis sa kotse. Umikot ito sa harapan pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto. Napatingin siya sa isa pang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay. “Bakit tayo nandito?” nagtataka pa rin tanong niya. Hinawakan nito ang kamay niya. Napasunod na naman siya rito nang diretsong pumasok ito sa bahay na para bang pamilyar na pamilyar na ito roon. Sa may pinto pa lang ay napansin niya na may iba pang bisita sa loob. At hindi nga siya nagkamali. Ang kotseng nasa labas ay isa sa mga sasakyan ng in-laws niya. “Oh, hi Alena! Kumusta ka na?” agad na bati sa kanya ni Martina. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito ganoon din kay Daniel na bahagya lang ang ngiti sa mukha. Tiningnan naman niya ang Papa niya na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata na agad din yumuko pagkatapos siyang sulyapan. Iginiya siya ni Duncan sa bakanteng sofa at magkatabing naupo roon pagkatapos batiin ang mga magulang. “Nandito kami para suportahan ang desisyon ng aming anak,” seryosong umpisa ni Daniel. Tumingin ito kay Duncan pagkatapos ay kay Alena. “Tulad ng napag-usapan natin kanina, as Alena’s father, we need your consent to let your daughter marry our son.” Napaawang ang labi ni Alena at nagtatanong ang mga matang napatingin kay Duncan. Napalunok naman si Duncan saka pinagkiskis ang mga kamay na tila ba kinakabahan. “Look, we never did any formality before our wedding and I want to make it memorable this time. Kaya gusto kong umpisahan sa kung saan dapat ko ginawa bago mo ko pinakasalan.” “Pero napag-usapan na natin ‘to.” “Yes but I want to make sure na sa akin ka na ulit. We don’t need to rush the wedding but I want us to be engaged as soon as possible.” “Pero hindi mo na kailangang gawin ‘to. Ako na mismo ang lumapit sa ‘yo noon para pakasalan ako—" “That you didn’t deserve,” pigil nito sa sasabihin niya. “You should be treated the way you deserve, Alena. At gusto kong pakasalan ka sa paraang nararapat para sa ‘yo. Gusto kong magsimula tayo muli. And this time, magsisimula tayo mula sa blessing ng mga magulang natin.” Napakagat na lang siya labi habang nangingilid ang mga luhang tiningnan niya ito. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito pati na rin ang nakikitang determinasyon ng nobyo. Tiningnan niya ang Papa niya na hindi matagalang salubungin ang mga mata niya. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. Tumunghay ito at doon lang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang mga mata niya. Maya maya pa ay tuluyang lumandas ang mga luha mula sa mga mata nito. “Patawarin mo ako, anak. Pinagsisisihan ko lahat ng mga ginawa ko.. Pangako, pipilitin kong magbago para sa ‘yo.” Tumango siya bilang sagot pagkatapos ay mahigpit na yumakap dito. Hindi man niya ito nakasama ng matagal pero sapat na ang pagiging anak niya para maramdaman ang katotohanan sa mga sinasabi nito. Pagkatapos pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na engagement party ay agad din nagpaalam ang mag-asawa. Nagpaiwan naman si Duncan sandali at muling kinausap ang Papa niya. Hindi na niya nagawang alamin ang pinag-uusapan ng dalawa dahil busy siya sa paghahanda ng meryenda. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanya si Duncan pero sinabing babalik din agad pagkatapos ng lakad nito. “Umalis na pala sina balae? Hindi man lang ako nahintay?” reklamong bungad ni Berna pagpasok nito ng bahay. “O kumusta Alena, magpapakasal na ba ulit kayo ni Duncan?” excited na tanong nito. Umiling naman siya bilang sagot. “Ha? Eh anong ginawa rito ng mga hilaw mong byenan?” Biglang umasim ang ekpresyon ng mukha nito. Pumasok noon si Henry at prenteng umupo sa sofa na tila sinadyang makinig sa usapan nila. “Pormal nilang hiningi ang kamay ng anak ko pero kung kailan ang kasal ay hindi pa nila alam,” seryosong pahayag ng Papa niya. ‘Hamo’t iimbitahan ka naman nila.” “Ano? Iimbitahan naman nila ako? Eh hindi ba’t ako na ang tumatayong Ina ni Alena? Dapat nga hinintay nila ako at inalam kung ano ang say ko sa engagement na ‘yan,” reklamo nito. “Kung magsalita ka parang ibang tao ako sa anak mo, ah!” Pairap na singhal nito sa Papa niya. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito nang sumingit si Henry. “Tita Bern, high blood ka na naman,” may halong lambing na sambit ni Henry. “Ang wrinkles mo, nahalata kapag nagsusungit ka. Hayaan na muna natin si Alena at si Mang Vic mag-usap, ok? Mabuti pa ipagtitimpla na lang kita ng kape.” Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa makapasok ang mga ito sa kusina. Nag-thumbs up pa sa kanya si Henry habang itinutulak nito papasok sa kusina ang stepmother niya na bumubulong pa habang paalis. Ang Papa naman niya ay nakasimangot na nakasunod din sa mga ito nang tingin at napailing na lang na lumabas ng bahay. Ilang sandali siyang nag-isip saka nagpasyang sumunod rito habang nag-iipon ng lakas ng loob para kumpirmahin ang mga sinabi sa kanya ni Henry. Paglabas niya ay nadatnan niya itong may kausap na isang malaking lalaki. Mukhang nagdidiskusyon ang mga ito sa nakikita niyang reaction ng lalaki. Dahil medyo malayo siya sa mga ito at nakatalikod ang Papa niya sa gawi niya ay hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Lumingon ang Papa niya at sandaling natigilan nang makita siya. Maya maya pa ay tuluyan itong lumabas kasama ang lalaking kausap. Napalingon siya nang may tumikhim sa likuran niya. Nakatayo sa bandang likuran niya si Henry at tulad niya ay nakatingin din ito sa Papa niya. “Kilala mo ba kung sino ‘yong kausap ni Papa?” Lumipat ang tingin nito sa kanya saka alanganing tumango. “Isa siya sa mga kasamahan ni Mang Vic sa casino na pinagkakautangan niya ng malaking halaga.” Bigla siyang napalingon dito kasabay ng pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Paano na lang kung may masama itong gawin sa Papa niya? “H’wag kang mag-alala, kaya ni Mang Vic ang sarili niya. Sa dami ng atraso niya kung kani-kanino ay nalulusutan niya, ‘yan pa kaya?” balewalang sagot nito. Nagkibit pa ito ng balikat na parang sigurado ito na walang panganib ang maaaring kasangkutan ng Papa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD