Chapter 10

1320 Words
Inayos niya ang pagkakaupo sa leather coach habang hinihintay ang resulta ng final interview. Pinagkiskis niya ang mga kamay dahil kinakabahan na rin siya. Isang linggo na ang nakaraan mula ng mag-exam siya rito at sinuwerte naman na nakapasa siya at ngayon nga ay katatapos lang ng pangalawa at final interview sa kanya. Isang maliit na accounting firm lang ito na nagkataon na nag-resign ang isang clerk kaya agarang nangailangan ng empleyado para sa bakanteng posisyon. Kaya hindi rin kalakihan ang sweldo. Pero isa sa nagustuhan niya ay malapit lang iyon sa bahay ng Papa niya kaya pinursige niya na makuha ang trabaho. Unang trabaho lang naman niya iyon kaya hindi na rin siya namili. Pero kung tutuusin ay ayaw naman niya talagang tumira sa bahay ng Papa niya dahil sa stepmother niya na habang tumatagal ay nagiging bungangera at lumalala ang ipinapakitang sama ng ugali. Pero nag-alala siya para sa kanyang Papa. Kahit na nalaman niya na hindi na ganoon ka-delikado ang sakit nito ay gusto pa rin niyang siguraduhin na maayos na talaga ang kalusugan nito. Nangangailangan pa rin daw ito na mag-maintenance ng gamot. At sa nakikita niyang sitwasyon ngayon nito at ng stepmother niya ay mas nag-aalala siya na mapabayaan ito. Kaya kahit napipilitan ay wala siyang magawa kundi tumira roon para mabantayan at maalagaan ang Papa niya. Isa pa ay matagal niyang hinintay ang pagkakataon na maranasan na makasama ang kanyang magulang at sabik siya sa pagmamahal na maaari nitong iparamdam sa kanya kaya’t hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. Gagamitin din niya ang pagkakataon iyon upang alamin sa Papa niya kung sino at anong nangyari sa totoo niyang ina. At ang dahilan ng mga ito kung bakit iniwan na lang siya sa bahay ampunan noong sanggol pa siya. “Ms. Ramos?” Napatingin siya sa babaeng lumabas mula sa opisina ng manager na nag-interview sa kanya kanina. Tantya niya ay matanda lang ito sa kanya ng ilang taon at nagpakilala bilang sekretarya ng manager. Tumayo siya at kinakabahang nginitian ito. “Yes, Ma’am.” Ngumiti ito at bahagyang itinaas taas ang kilay. “Congatulations! Tanggap ka na,” masayang balita nito. “Talaga po?” namimilog ang mga matang bulalas niya. “Maraming salamat po.” “You’re welcome pero hindi naman ako ang nagdesisyon nito, ano? Kung magpasalamat ka naman,” anito na ikinaway pa sa harap niya ang isang kamay. “Oh heto, kumpletuhin mo lang ‘yan at pwede ka ng mag-umpisa anytime.” Kinuha niya ang kapirasong papel na listahan ng mga requirements na kailangan niyang kumpletuhin. “Halos meron naman na ako lahat nito,” nakangiting sambit niya habang iniisa-isa ang nakasulat sa hawak na papel. “Babalik po ako bukas para dalhin ang mga ito.” “Good! The earlier the better,” saad naman nito. “Good luck, Ms. Alena. See you!” Hinawakan pa nito ang braso niya saka nagpaalam na babalik na sa cubicle nito. Masaya siyang lumabas ng building at agad na tinawagan si Lulu. Dalawang ring lang noon ay agad na niyang narinig ang sagot sa kabilang linya. “Lu, nasa work ka ba?” “Yup, pero nasa labas ako. Official business. Why?” Ngumiwi siya. “Umm, magpapasama sana ‘ko sa ‘yo. Kailangan ko kasi bumili ng ilang damit na pang-office.” “Wow! May trabaho ka na?” palatak nito na parang nanalo siya sa lotto. “Yup!” energetic niyang sagot. “Ok, I’ll pick you up. Patapos na rin naman ako.” Nagpaalam na ito pagkatapos niyang sabihin kung saan siya nito pwedeng sunduin. Ipinasok niya ang telepono sa bag na dala niya nang muli itong nag-ring. Mukhang may nakalimutang sabihin si Lulu kaya agad niyang sinagot iyon na hindi na nagawang silipin kung sino ang caller. “Besh, may nakalimutan ka?” “Alena…” Napatigil siya sa paglalakad at unti unting nawala ang ngiti sa labi niya. Kilalang kilala niya ang boses na iyon. Tiningnan niya sandali ang screen ng cellphone niya. Unregistered number iyon. Bakit ba hindi niya tiningnan muna kung sino ang tumatawag bago sumagot? Noong isang araw lang ay ilang beses tumawag si Duncan sa kanya pero wala siyang lakas ng loob na sagutin iyon. At dahil abala siya sa pag-aapply ay nawala na rin sa isip niya ang tungkol doon. Napakagat siya ng labi nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. Kasabay kasi noon ang biglang pagbilis ng t***k ng puso niya. Tahimik niyang kinastigo ang sarili saka huminga ng malalim. “Yes? Napatawag ka?” Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang pigilan ang panginginig ng boses niya. Kahit ayaw niyang aminin ay sobrang miss na miss niya na ito. Na kahit boses lang nito ay sapat na para maghurumentado na naman ang puso niya. “Pwede ba tayong magkita? I was calling you several times. We need to talk...” ‘So, narito siya? What's that supposed to bring him here?" Pumikit siya at mariing pinaglapat ang labi. Hindi niya alam na ganoon ito ka-manhid para hilingin sa kanya na makipagkita rito na parang walang nangyari. “Pwede mong sabihin ngayon kung anuman ang gusto mong sabihin. Hindi na natin kailangang magkita. Isa pa, wala akong matandaan na may connection pa tayong dalawa kaya hindi ko maintindihan kung ano pa ang pwede natin pag-usapan.” Wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya kundi ang malalim nitong paghinga. Ilang sandali siyang naghintay pero tila wala itong balak na magsalita. “Kung naiinip ka lang, h’wag ako ang pag- trip-an mo. Bye!” Pagkasabi noon ay agad niyang pinutol ang linya. Nakasimangot siya habang padabog na isinuksok ang cellphone sa bag niya. Kung hindi lang siya makikipagkita ngayon kay Lulu ay io-off na lang niya ang telepono niya. Nagngingit ang kalooban niya. She was trying to get her life back. She’s trying so hard to build herself again pagkatapos nitong pira-pirasuhin ang puso at mga pangarap niya. Pagkatapos ngayon ay basta na lang ito tatawag at uutusan siyang makipagkita rito? ‘The nerve of that jerk!’ Muling tumunog ang cellphone niya. Naiinis na kinuha niya ulit iyon sa loob ng bag saka gigil na sinagot iyon. “This is the last time that I will answer your call. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Mr. Fortalejo. Marami akong inaasikaso, medyo nakakaistorbo ka na,” iritadong saad niya. “So do I, Alena. Marami akong naiwan na trabaho sa States but I felt I need to be here after you returned everything I’ve given to you.” “Wow!” sarkastikong palatak niya. “So, ako pa pala ang nakaistorbo sa’yo, gano’n ba? Sorry po, Mr. President kung kinailangan mo pa na bumalik dito at iwan ang tina-trabaho mo sa ibang bansa para lang sabihin sa akin ‘yan. Para ano? Gusto mong personal na ibalik sa akin ang kabayaran sa pagiging asawa mo sa papel sa loob ng dalawang taon, ha?” “Why are you so stubborn, Alena? Pinahihirapan mo lang ang sitwasyon natin pareho—” “Leche ka! Ikaw pa ngayon ang may ganang magreklamo na nahihirapan?” Hindi niya na napigilan ang sarili na pagtaasan ito ng boses at murahin. “Kung nahihirapan ka o mas tamang sabihin na nakokonsensya ka sa ginawa mo, deserve mo ‘yan! Kaya kung pwede lang, utang na loob, lubayan mo ako. ‘Yon naman ang hiningi mo sa 'kin, ‘di ba? At para sa ikatatahimik mo, may trabaho na ako kaya kung ang ikinatatakot mo ay baka mamatay ako sa gutom ng wala ang pera mo, h'wag kang mag-alala dahil hindi pa mangyayari 'yon. Now, suit yourself, that doesn't concern me, ok? Goodbye, Mr. Fortalejo!” tuloy tuloy at halos isang hingahan lang na litanya niya pagkatapos ay agad na pinatay ang telepono saka padabog na ibinalik iyon sa bag niya. Maya maya ay kinuha n’ya ulit iyon at nilagay sa restricted ang number nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD