Chapter 11

1608 Words
Napaangat ang mukha niya nang marinig ang sunod-sunod na pagbusina ng kotse na nasa harapan niya. Kumurap-kurap siya nang makita si Lulu na sakay doon habang kumakaway sa kanya at sumisenyas na sumakay doon. Wala sa sariling tumayo siya at pumasok sa kotse na agad naman pinaandar nito. “Bakit ganyan ang mukha mo? Kanina lang ang saya-saya mo dahil tanggap ka na sa trabaho. Don’t tell me, nasisante ka agad,” biro nito. Sandali siya nitong sinulyapan pagkatapos ay muling ibinalik ang mga mata sa harap ng sasakyan. She rolled her eyes and took her cell phone from her bag. “May panira kasi ng araw.” “Huh? Sino?” curious na tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa harapan. Napakunot ang noo niya at tumingin sa kaibigan na may halong pagdududa. “Alam mo ba na umuwi ang pinsan mo?” “Nope! Umuwi si Duncan? You mean, dito sa Pinas?” Nakaismid siyang tumango. “Nakausap mo? Pinuntahan ka niya?” “Tinawagan niya ‘ko.” “Anong sabi? He wants to reconcile?” Napatigil siya saka nakatagilid ang labing tumingin sa labas ng bintana. “No! He wants to give me back the alimony.” She sighed. “For sure, na-sermon-an lang siya nina Kuya Dale kaya ipinipilit niyang kunin ko ang pera niya,” nababagot na sagot niya. Siguro ay nag-asume rin siya. Though, she was not expecting that Duncan may feel remorse about the divorce and would want to reconcile with her na alam naman niya na malabong mangyari pero kahit papaano ay naisip niya na maybe he may feel a little bit sorry for them. Pero sa mga sinabi nito kanina ay lalo lang nitong isinampal sa kanya ang katotohanang wala lang dito ang paghihiwalay nila. Siguro ay awa o katiting na kunsensya na lang ang meron ito para sa kanya. Napigil niya ang paghinga saka kinagat ang labi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Galit siya sa ginawa nito sa kanya pero ang tangang puso niya ay hindi niya mapigilang tumibok para sa lalaking iyon. Pero umaasa siya na mawawala rin iyon pagdating ng panahon. Hindi naman kasi iyon magic na basta-basta na lang mawawala o mabubura sa loob lang ng mahigit isang linggo. Ilang taon siyang nasanay sa presensya nito at minahal sa loob ng apat na taon kaya hindi ganoon kadaling kalimutan at burahin ito sa puso niya. Bata pa naman siya at marami siyang panahon para pag-aralang kalimutan ito. Naiintindihan niya na masyado pang sariwa ang sugat na iniwan nito sa puso niya kaya ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Pero pasasaan ba at mawawala rin ito sa sistema niya. “So, mag-uusap kayo?” untag ni Lulu. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila mall. Inalis muna niya ang seatbelt saka walang kasiguraduhang tumingin kay Lulu. Sabay silang pumasok sa mall. Inikot ni Lulu ang kamay sa braso niya habang sabay silang naglakad patungo sa department store. “Gusto mo bang pag-usapan?” naninimbang na tanong sa kanya ni Lulu. Nilingon niya ito sandali saka pilit ang ngiting umiling. “Mas marami akong dapat na paglaanan ng panahon ko ngayon. Tapos na ang chapter namin ni Duncan or should I say, nag-end na. At hindi na magandang balik-balikan o kahit pag-usapan pa. Kailangan ko nang magbukas ng panibagong yugto ng buhay ko na hindi na siya kasama.” Tumigil siya saka natatawang nilingon ang kaibigan. “Ang drama, ‘no? Tara na nga! H'wag na natin pag-usapan ang mga hindi importante.” Hinila niya ang kaibigan sa women’s section at sinimulang tumingin sa mga naka-hanger na skirt and blouses. Napakagat siya ng labi nang makita ang price tag ng mga damit. Nakalimutan niya na iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na katulad ng dati. Hindi na niya afford ang mga ganoong uri ng damit. Kahit naman sanay siya at lumaki sa mga simpleng bagay, kahit papaano ay nasanay din siya sa marangyang pamumuhay na ipinaranas sa kanya ni Duncan sa nakalipas na ilang taon. Pero ngayon ay kailangan niyang sanayin na ulit ang sarili sa dati niyang buhay. “Besh, heto oh! Bagay na bagay sa ‘yo.” Lumapit sa kanya si Lulu dala ang isang pares ng patterned midi skirt na kulay black at peach colored blouse with blazer na agad nitong inilapat sa katawan niya. “Ang sexy mo rito, besh!” anito na inilapat pa nang husto ang magkabilang dulo sa damit. “Oh, bilis. Try mo na sa fitting room. Marami pa akong nakita roon na ibang designs and colors.” Ngumiwi siya saka naglakad pabalik sa kinunan nito ng mga damit. Sumunod naman sa kanya ang kaibigan. “Sa labas na lang ako mamimili. Masyadong mahal dito.” “Ha? Saan ka naman mamimili? Sayang naman, ang gaganda pa naman ng mga ito,” nakangusong tiningnan pa nito ang ilang naka-hanger na items kung saan niya kinuha iyon. “Maraming tiangge diyan sa labas, magaganda rin naman ang mga tinda roon,” aniya saka hinatak ito palabas. Sumunod sa kanya si Lulu pero agad din itong huminto. Nilingon niya ang kaibigan na atubiling lumabas. “May gusto ka bang bilhin?” She moved her lips and nodded. “Ok, then. Bilhin mo na muna. Tara,” Yaya niya rito. Sumunod siya rito na naunang pumasok pabalik sa loob. Binalikan nito ang mga damit na kinuha kanina. Pero napansin niya na dinagdagan pa ito at halos mapuno ang pushcart na mabilis nitong kinuha sa nadaanan nila. Iisang size lang ang pinili nito at ilang pares din iyon kaya hindi na siya nakatiis na tanungin ito. “Ang dami naman niyan. Hindi mo na ba isusukat?” tanong niya habang sinusundan ito papunta sa counter. Umiling ito. “Nope! Sa bahay mo na lang isukat. Pwede naman natin palitan kung meron hindi kumasya sa ‘yo but definitely bagay sa ‘yo ang lahat ng ‘to.” Napakunot ang noo niya at pinanliitan ng mata ang kaibigan. “Masyadong marami ‘to, besh! Mauubos ang savings ko. Maraming thrifty stores sa labas—” “Don’t worry, ako ang magbabayad.” Lalo naman siyang napailing saka agad na inagaw ang basket bago pa nito maiabot sa cashier na nakangiting naghihintay sa kanila na ilapag ang mga babayarang damit. “Sorry, Miss, ha? Hindi namin kukunin ‘to,” nahihiyang hinging pasensya niya sa kahera pagkatapos ay sinenyasan ang kasunod nila sa pila na mauna na itong magbayad. “Ano ka ba? Hindi ko naman birthday para i-libre mo ng ganito karami at kamahal na damit.” Ibinigay niya sa nakatayong saleslady ang basket saka hinila si Lulu palabas ng department store. Pumiksi ito paglabas nila at pairap na sinulyapan siya. “Kung ayaw mong i-libre kita e di bayaran mo 'ko kapag nakaluwag ka na.” Nagtatakang sinundan niya ito saka hinawakan sa braso. “Hoy, anong problema? Galit ka ba?” Nakasimangot itong humarap sa kanya. “Hindi ako galit. Nakakatampo ka lang kase. Para ano pa’t naging best friend mo ‘ko kung ayaw mong tanggapin ang tulong ko. Alam kong tight ang budget mo pero never kang lumapit sa ‘kin kahit noon pang nag-aaral tayo. Kahit gipit na gipit ka na, tinitiis mo kahit alam mong nandito lang ako.” Natigilan siya at nakokonsensyang tumingin dito. She felt guilty dahil totoo ang mga sinabi nito. She never asked for help from anyone. Kahit kay Lulu na nag-iisa niyang kaibigan. Dahil nasanay siya sa bahay ampunan na walang ibang pwedeng sandalan kundi ang sarili lang niya. She can endure any hardship. Iyon ang naging training niya mula ng magkaisip siya at mamuhay sa orphanage ng ilang taon. She took a lot of effort to learn to trust someone. At ang Lola Celia niya lang ang kauna-unahang tao na pinagkatiwalaan niya. That was when she was molested by one of the caretakers in the orphanage at her young age and maltreated by the helpers when she tried to report the harassment. Mula noon ay tumatak na sa isip niya na walang sinuman ang maaari niyang pagkatiwalaan. Not until Lola Celia discovered how she was treated at the orphanage nang minsan magkaroon ng charity program ang Fortalejo Empire sa bahay ampunan. Mula noon ay lagi na siyang binibisita ng matanda hanggang sa humingi ito ng tulong sa mga Fortalejo para makuha siya roon. “Besh, kaya ko pa naman kaya hindi ako humihingi ng tulong sa ‘yo. Besides, damit lang naman ang mga ‘yon. It’s not even a matter of life and death, ‘di ba?” Tinitigan niya ito na mas ipinungay pa ang mga mata na bahagyang nakangiti. Isa raw iyon sa asset niya, her crescent eyes when she smiles. Sinalubong nito ang mga mata niya saka muli siyang inirapan. She crossed her arms in front of her chest while pouting her lips. “Uy, h’wag ka ng magtampo. Libre mo na lang ako ng lunch, gutom na ‘ko,” masuyong sambit niya saka patagilid na yumakap dito. Humawak naman ito sa braso niya at emotional na tumingin sa kanya. “Basta, besh, alam mo na narito lang ako, ha? You can always count on me, ok? Kahit pa itakwil ko ang pinsan ko.” “I know.” Ngumuso siya saka nakangiting kumalas sa pagkakayakap dito. “Tara na nga at baka magkaiyakan pa tayo rito. Sasamahan mo pa ‘ko sa tiangge.” Ngumiwi ito saka pilit na ngumiti. Bahagya siyang natawa sa reaksyon nito. Noon pa man ay lagi na itong nagrereklamo tuwing isinasama niya sa palengke o sa mga night market at tiangge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD