Chapter 15

1199 Words
Pinilit niyang ibinaling buong atensyon sa trabaho at iwinaksi sa isip ang pagpapakita sa kanya ni Duncan. Unang trabaho niya ito at ayaw niyang magkamali at maapektuhan ito ng personal niyang buhay. She wanted to keep her life in balance. Pero sa ngayon ay itong trabaho niya ang prayoridad niya dahil iyon ang higit na kailangan niya. Malapit nang maubos ang gamot ng Papa niya at dahil medyo may kamahalan ang maintenance nito ay hindi na kakayanin ng savings niya ang ilan pang buwan kung hindi siya natanggap dito. “Alena, mauna na ‘ko sa’yo, ha? May usapan kasi kami ng boyfriend ko ngayon kaya hindi na kita mahihintay,” ani Claire habang inaayos nito ang mga gamit sa table nito. “Tapusin mo na lang ‘yang sino-sort mo tapos pwede ka na rin umuwi. ‘Yong monthly report ng CCS Marketing, bukas mo na gawin.” Sinulyapan niya ito sandali saka nakangiting tumango. “Ingat, Claire! Pero kailangan ko ‘yong tapusin ngayon. Sabi kasi ni Ms. Devi kailangan niya daw ‘yon bukas ng maaga.” “Ano? May three days pa before the deadline saka hindi mo kakayanin tapusin ‘yon ngayon kahit tulungan pa kita.” “Is that a proper way to teach the rookie?” Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Hindi nila napansin ang pagdating ni Devi. Nakatayo ito habang nakahalukipkip ang mga kamay. Nakataas ang isang kilay nito na nakatingin kay Claire. Saka lumapit sa kanila. Napatayo naman nang maayos si Claire saka alanganing ngumiti rito. Kinagat nito ang labi saka nahihiyang umiling. “Hindi naman sa gano’n, Ms. Devi. Very crucial kasi ang financial report na hinihingi ng CCS Marketing. Kung si Alena lang ang gagawa noon mag-isa in a rush, may tendency na magkaroon ng error since hindi naman nai-turn over nang maayos sa kanya ang account,” malumanay na paliwanag nito. “I don’t think she can’t handle this. Galing siya sa pamilya ng mga business tycoon dito sa bansa with having businesses internationally. Comparing this small company to Fortalejo Empire? Isang maliit na galamay lang nila tayo. I think, it’s just a piece of cake to Alena, right Ms. Ramos?” Pasimple niyang kinagat ang labi. Napatingin siya kay Devi na bakas sa mukha ang ‘di pagsang-ayon. “Unless, wala siyang naitulong sa kumpanya sa tagal ng pagiging Fortalejo niya. Which I don’t think is possible. Active siya sa mga social gatherings which I doubt na hanggang doon lang ang participation niya as a wife of Duncan.” She could sense mockery in her tone. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. As if she knew her very well. Pero totoo naman ang sinabi nito. Sa tagal niya sa puder ng mga Fortalejo, wala siyang naging partisipasyon sa kahit na anumang sangay ng mga negosyo ng pamilyang iyon. Her in-laws didn’t allow her to work without Duncan’s permission. Pero paano naman siya makakapagpaalam dito noon eh bihira nga siyang kausapin nito? At kung kausapin man siya sa pamimilit na rin niya ay hindi pa yata tumatagal ng mahigit na sampung minuto. Kaya sa huli, para maibsan ang inip at magkaroon ng sariling pera ay pumasok siya bilang makeup artist as sideliner sa mga event na ginaganap sa mga hotel na pag-aari ng mga Fortalejo. In short, wala siyang kahit na anong corporate work experience. “So? Wala naman sigurong kaso sa ‘yo ang ipinapagawa ko?” Bahagya siyang tumango pagkatapos sulyapan si Claire na umiling bilang hudyat na hindi dapat siya sumang-ayon. Pero wala naman siyang magagawa dahil boss din doon ang nag-uutos sa kanya. Isa pa ay nakinig naman siyang mabuti kanina kay Claire at naintindihan naman niya ang mga instruction nito. “I don’t know what she’s up to,” maya maya’y bulong ni Claire pagkaalis ni Devi. “Mukhang napag-iinitan ka talaga ng babaeng iyon… Pero h’wag lang mag-alala, minsan may toyo lang talaga ‘yon. Saka, ‘yon report na pinapagawa niya, hindi mo kailangang tapusin ngayon. Hindi pa deadline bukas kaya no need to rush.” Tumango na lang siya at nagpasalamat saka itinaboy ito. Kanina pa kasi niya naririnig ang maya’t mayang pagtunog ng cellphone nito. Siguro ay kanina pa naghihintay ang boyfriend nito. Pagkaalis ni Claire ay sinimulan na agad niya ang report na ipinagagawa ni Devi. Mabuti na lang at naibigay sa kanya ang balance and income sheet ng kumpanya. She was starting to do the cash flow nang tumunog ang cellphone niya. It was unregistered number kaya hindi niya iyon pinansin. Nang muling tumunog iyon ay naiinis na in-off niya ang cellphone. Kailangan niyang mag-focus at wala siyang oras na dapat aksayahin lalo na sa mga hindi niya kilala. Muli niyang itinuon ang atensyon sa harap ng computer. Pagkalipas ng ilang oras na hindi niya namalayan ay itinuwid niya ang medyo nananakit na likod. Luminga siya sa paligid. Noon lang niya napansin na mag-isa na lang pala siya sa opisina. Sinilip niya ang oras sa ibabang bahagi ng monitor and it’s exactly eight in the evening. Hinawakan niya ang batok at inikot ikot iyon. Hindi niya talaga kayang tapusin ang report na iyon unless doon na rin siya magpapalipas ng magdamag. Tumayo siya at tinungo ang opisina ni Devi. Ilang beses siyang kumatok pero walang sumasagot sa loob kaya dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw at bumungad sa kanya ang tahimik na loob ng kwarto. Muli niyang isinara ang pinto. Mukhang siya na lang talaga ang naiwan doon. Bumalik siya sa table niya at ipinasyang umuwi na rin. Bahala na kung mapagalitan siya bukas. Habang inaayos ang table ay may narinig siyang pagkaluskos sa bandang gawi ng stockroom. Napatigil siya sandali at akmang sisilipin kung ano iyon pero biglang nawalan ng kuryente. Muntik na siyang mapatili. Kinapa niya ang cellphone na hindi niya maalala kung saan niya ipinatong kanina. Maya maya ay may naramdaman siyang papalapit na yabag. “Sino ‘yan?” kinakabahang tanong niya habang naglalakbay ang mga kamay niya sa ibabaw ng table. Nahawakan niya ang bag at pilit kinapa ang loob noon. Sa wakas ay nakuha niya ang cellphone niya pero sa pagkadismaya ay naka-off iyon kaya agad niyang pinindot ang power on. Wala siyang narinig na sagot mula sa taong papalapit nang papalapit sa kinatatayuan niya. Nang sa wakas ay bumukas ang cellphone niya ay agad niyang binuhay ang flashlight noon at itinutok sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking lalaki na nakasuot ng itim na bonnet at facemask. Tanging mata lang nito ang nakikita niya pero sapat na iyon para tumindig ang mga balahibo niya dagdag pa ang pagbakas ng ngisi nito na bumakat sa suot nitong mask. “S.. sino ka? A..anong kailangan mo?” Hindi niya mapigilan ang pagnginig ng boses niya. Muling tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang tiningnan iyon. Unregistered number pa rin. Hindi na siya nagdalawang isip na sagutin iyon. Pero bago pa man niya masagot iyon ay mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki at agad na tinakpan ang bibig at ilong niya. Nagpumiglas siya pero hindi man lang ito natinag. Hanggang sa unti-unti siyang nanlambot at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD