Chapter 32

1418 Words
Sa ngayon ay wala siyang ibang ginusto kundi ang maipagamot ang anak niya. No one has to be blamed for her daughter’s condition except herself. Kaya ginagawa niya ang lahat para gumaling ito at mabuhay ng normal tulad ng mga pangkaraniwang bata at nakahanda siyang magsakripisyo para roon. Pero ang inaalok ng kanyang Ina ay hindi madaling tanggapin. Ilang beses na nitong suhestyon na ipagamot si Lyke sa ibang bansa pero paano niya tatanggapin iyon kung ang kapalit ay ang pagkawala ng nag-iisang negosyo na minana pa nilang magkapatid sa mga magulang. Hindi naman mayaman ang nakilala niyang tunay na ina. Tanging resort lang ang pinagkukunan nito ng kabuhayan at ang ikaapat na bahagi pa ng income noon ay napupunta sa Mommy ni Claire dahil sa natitira nitong share sa negosyo. Though, halos ibinibigay na rin sa Mama niya ang profit share ng Tita niya dahil may sarili rin naman itong negosyo ay hindi pa rin naman iyon kalakihan. At ang inaalok nitong pagpapagamot nila sa ibang bansa ay mangyayari lang kung papayag siya rito na ibenta ang resort. Na hindi niya kayang tanggapin at ilang beses na rin niyang tinanggihan. “Alam ko ang inaalala mo, Alena. Pero isipin mo rin na lumalaki na ang anak mo. Hangga’t maaga ay dapat maagapan ang kondisyon niya. Lahat na ng sinabi ng mga doctor niya ay sinunod na natin pero wala naman siyang ipinagbabago.” Hindi siya sumagot. Pinagmasdan niyang mabuti ang anak. Kung pagmamasdan lang ito ay hindi aakalain ng kahit na sino na may diperensya ang anak niya. Tahimik nga lang ito at hindi palakibo tulad ng karaniwang bata. But her looks has no difference from others. Mas angat nga ang ganda nito sa ibang bata at madalas mapagkamalan na may halong ibang lahi. Katunayan ay ilang beses na siyang nilapitan at in-offer-an sa mga fashion show at modelling ng kid’s wear pero agad niyang tinatanggihan Napaangat ang tingin niya nang hawakan ng Mama niya ang kamay niya. “Anak, pag-isipan mong mabuti. Kung ayaw mong ibenta ang resort, pwede naman natin isangla na lang muna. Malaki laki pa naman ang ipon ko—” “Pero, Mama…” “Please, Alena. Hayaan mo nang gawin ko ito kahit para na lang sa apo ko… Dito man lang ay makabawi ako sa napakahabang taon ng pagkukulang ko sa ‘yo. Ang lahat naman ng ito ay inilalaan ko talaga para sa ‘yo dahil kahit kailan ay hindi ako nawalan ng pag-asa na isang araw ay matatagpuan pa rin kita, na magkikita pa rin tayo at magkakasama. Kaya araw araw akong nagpapasalamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng pagkakataon na matagpuan ka… Kaya ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa ikakabuti mo at ng apo ko. Napakaraming pangyayari sa buhay mo na kinailangan mo ako pero wala ako sa tabi mo. At ngayon narito ka na, hindi na ako papayag na may mangyaring masama sa ‘yo at sa apo ko kaya hayaan mo ng gawin ko ang tungkulin ko bilang ina.” Napakagat siya ng labi habang nakatingin dito na bahagyang gumaralgal ang boses. Madalas itong maging emosyonal sa tuwing maaalala ang sinapit nila. Sa kabila ng mga masasamang nangyari sa kanya, inakala niyang sa simula pa lang na isilang siya ay hindi na siya tanggap ng sariling Ina kaya hindi na siya nagtataka kung maging masama sa kanya ang mundo. But she wasn’t abandoned intentionally. Nalaman niya na noong araw na ipinanganak siya ay itinakas na siya ng Papa niya mula rito dahil hindi nito matanggap na ipinagkasundo ng Lolo niya ang Mama niya sa ibang lalaki. Na kalauna’y hindi naman natuloy ang pagpapakasal ng mga ito dahil na rin sa pagkakasakit ng Mama niya pagkatapos nitong manganak sa kanya. Her father was ruthless and selfish. Pero sa maikling panahon na nakasama niya ito ay minahal niya ito at tinanggap bilang ama. Kahit na ito ang naging dahilan ng lahat ng hindi magagandang pangyayari sa buhay niya ay hindi pa rin niya magawang sisihin at magalit dito. Minsan tinatanong na lang niya ang sarili kung minahal ba siya o itinuring nitong tunay na anak para gawin sa kanya ang lahat ng iyon. Hindi niya alam ang sagot at kailanman ay magiging isang katanungan na lang iyon sa kanya pero ang tiyak lang ay mahal na mahal niya ang Papa niya at pinatawad niya na ito. At tulad ng naudlot niyang plano ay bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito at ang kahalayang ginawa sa kanya ni Henry. Tama ang Mama niya. Lumalaki na ang anak niya. Kailangan niyang masigurado na nasa maayos na ang kalagayan nito bago niya balikan ang taong may kagagawan ng lahat ng paghihirap nila ngayon ng anak niya. Muli niyang tiningnan ang Mama niya na patuloy na nakikiusap ang mga matang nakatingin sa kanya. Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. “Sige Ma, pumapayag na ako.” Lumiwanag ang mga mata nito saka nakangiting pinisil ang kamay niya at niyakap si Lyke. “Aasikasuhin ko na ang mga papeles na kailangan natin para makaalis na tayo sa lalong madaling panahon,” excited na saad nito. “Ma, pwede bang dalawin ko na rin ang puntod ni Papa bago tayo umalis? Death anniversary na niya next week.” Tumigil ito saka unti-unting napawi ang saya sa mukha nito. “Pero paano kung may makakita sa ‘yo roon? Ang alam nila ay patay ka na. Paano kapag nalaman ng Crystal na ‘yon na buhay ka pa? Baka balikan ka niya at tuluyang ipapatay.” Natigilan siya at sandaling hindi nakapagsalita. “Tahimik na ang buhay mo rito, Alena. Alam kong napakasakit tanggapin at walang kapatawaran ang ginawa sa ‘yo ng hayop na lalaking ‘yon pati na rin ang palabasin na patay ka na pero isipin mo ang anak mo. Paano kung madamay si Lyke?” Napakagat siya ng labi at napilitang ngumiti nang inangat ni Lyke ang mukha nito. Pagkatapos ay nagkatinginan silang mag-ina nang bahagya itong ngumiti habang mapupungay ang mga matang tinitigan siya. Ito ang unang beses na tumingin ito nang matagal sa mga mata niya at ngumiti sa kanya. “Lyke?” naluluhang sambit niya habang hinahaplos ang pisngi nito. “Mama, nakita mo ba? Ngumiti sa ‘kin si Lyke!” Tuwang tuwang nilingon niya ang Mama niya at maging ito ay tila hindi makapaniwala sa nakikitang reaksyon ng bata. Tumayo siya at masayang binuhat ang anak niya. Walang tigil niyang pinaghahalikan ito sa pisngi at pigil ang sariling panggigilan ang anak sa takot na baka manibago ito at matakot sa ginagawa niya. Maya maya pa ay nagpaalam na siya sa ina upang ihatid si Lyke sa school. Gusto pa sana niyang gugulin ang oras kasama ang anak pero kailangan niya muna idaan ito sa doctor nito dahil excited na siyang ibalita roon ang nakitang pagbabago at alamin kung ano ang ibig sabihin noon. Maingat niyang ipinasok ang anak sa kotse pagkatapos ay umikot siya papunta sa driver’s seat. Palabas na siya ng gate nang muntik na siyang mapaapak nang malakas sa preno dahil sa bulto ng katawan na mabilis na dumaan sa gilid ng kotse niya. Napalunok siya at nilingon ang lalaki na mabilis na naglalakad papasok sa loob ng resort habang abala ito sa kausap sa telepono. Ilang segundo lang niyang natitigan ang likod nito na agad naman nawala sa paningin niya. Kumurap kurap siya saka ipinilig ang ulo. ‘Hindi! Imposible. Anong gagawin niya rito sa resort? Paano siya mapupunta sa pipitsuging resort namin?’ Huminga muna siya nang malalim saka pilit na iwinaksi ang nasa isip. ‘Imposibleng mapadpad ang isang Duncan Fortalejo sa lugar na ‘to!’ Nilingon niya ang anak. Napakunot ang noo niya nang makitang nakatalikod ito sa kanya at nakatanaw sa likod ng kotse. “Lyke, seat properly, baby,” malambing na utos niya. Lyke is capable of doing things on her own. Kapag inutusan niya ito sa mga bagay na karaniwan nang kayang gawin ng mga bata sa ganoon edad ay ginagawa rin nito. Kaya malaki ang pag-asa niya na magiging normal din ito kung mabibigyan ng tamang medication. Hindi ito kumilos. Ngumiti na lang siya at walang nagawa kundi ang lumabas ng kotse saka inayos ang pagkakaupo nito at muling ikinabit ang seatbelt. “What are you looking at, baby?” Wala sa sariling tanong niya dahil alam naman niyang hindi ito sasagot. But she was taken aback when she heard an angelic voice while turning her head. “Him,” she slowly said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD