Chapter 33

2172 Words
“Ok bro, on the way na ‘ko. Kakahatid ko lang kay Ate sa hotel.” Ibinaba ni Lester ang telepono pagkatapos sagutin ang tawag ni Duncan. Naghihintay na ito sa kanya sa yate nito at kanina pa nagrereklamo dahil masyado nang naantala ang alis nila dahil sa makulit niyang kapatid. He insisted on attending the birthday party of one of their bachelor clients. Na halos maghapon pa niyang kinumbinsi si Duncan para sumama ito at sa wakas ay napapayag din niya. He was about to turn his wheel nang biglang may sumalpok sa likuran ng kotse niya. Mabuti na lang at maagap siyang napahawak sa manibela ng kotse kung hindi ay siguradong tumama roon ang mukha niya. 'Pambihira!' Napakaluwag ng daan at hindi masyadong traffic pero sino ba ang gagong driver ng kotse na nasa likuran niya? He gritted his teeth saka mabilis na lumabas ng kotse. Ilang taon siya sa industriya ng car racing at hindi rin miminsang naging champion sa sports na 'yon pero kung kelan naman wala siya sa kumpetisyon ay saka pa siya nabangga! Inis na tiningnan niya ang hulihan ng sports car niya. Kakabili lang niya noon at sinadya pa niyang ipadala roon dahil ayaw niyang gumamit ng sasakyan na hindi sa kanya. Napailing siya at napahawak sa baba niya. Maliit lang naman ang damage noon pero nadagdagan ang init ng ulo niya nang tila wala yatang balak lumabas ang driver ng kotseng bumangga sa kanya. ‘Siguro ay takot ito kaya hindi magawang lumabas.’ Naisip niya. ‘Pwes! Magdasal ka na!’ Sino nga ba naman ang hindi kakabahan? Kung ang itsura at modelo lang ng kotse ng bumangga sa kanya ang pagbabasehan ay baka tumakas na ito o kaya ay atakihin sa puso dahil malamang ay hindi nito kakayanin ang halaga ng pampaayos ng damage ng kotse niya “Baba!” Mahinahon pero mariing niyang utos sa nasa loob ng kotse habang kinakatok nang malakas ang fully tinted na bintana noon. Yumuko siya at bahagyang sinilip ang loob nang mapansin niya na walang kumikilos doon. “Lalabas ka ba o babasagin ko ang salamin ng kotse mo?” nagtitimping banta niya. He smirked when he saw the door gradually opens. Gumalaw ang panga niya habang hindi makapaghintay na makita ang sira ulong bumangga sa kotse niya. Kung kelan talaga siya nagmamadali ay saka pa siya muntik ng madisgrasya. Excited pa naman siya sa exclusive birthday celebration na siguradong dadaluhan ng mga kilala at naggagandahang personalidad sa bansa. Bumukas ang pinto pero atubili ang sakay doon na lumabas. “Baba!” utos niya. “Mas lalo mong sinasayang ang oras ko at dinadagdagan ang atraso mo kaya bilis bilisan mo kung ayaw mong hatakin kita diyan… Ano?!” aniya sabay hampas sa bubong ng kotse. Napapitlag naman sa loob ng kotse niya si Claire habang sunod sunod ang ginawang paglunok. Kita niya sa lalaki ang tinitimping galit sa mukha nito. Sino ba naman ang hindi magagalit kung banggain ang kotse mo na mukhang bagong bago at mukhang mamahalin? No! Bukod sa tikas ng kotse na sigurado siyang mamahalin ay sigurado talaga siya na hindi niya kakayaning bayaran sa dating pa lang ng may-ari nito. Hindi lang ito mukhang mayaman. Mukha talaga siyang super expensive. Kapag minamalas ka nga naman! Nag-sign of the cross muna siya saka kagat labing lumabas ng kanyang kotse habang nakayuko. “So…sorry po, Sir,” kinakabahang sambit niya. “Hindi ko naman sinasadya.” He scoffed. Unti unting tumaas ang tingin niya mula sa suot nitong sneakers na bumaybay sa makurba at bilugan nitong katawan pataas sa mukha nito. Naka-denim skirt ito at short sleeve blouse. Akala niya ay lalaki ang nakasakay doon kaya ganoon na lang ang gulat niya na isa palang babae ang kaskaserong driver na bumangga sa kotse niya. Hindi lang ito basta babae kundi isang maganda at seksing babae. Napalunok siya at hindi magawang alisin ang mga mata sa maamo nitong mukha. Napa-o shape ang bibig niya at lihim na napangisi habang tinititigan ito na kulang na lang yata ay magtatakbo dahil sa takot. Nakonsensya naman siya kahit papaano. But he is not Lester De Villa na madaling maawa at nakukuha sa mga pa-cute lang. She got his car terrible damage at hindi niya palalampasin iyon kahit gaano pa kaganda ang salarin noon. “Madali akong kausap, Miss. Tell me, how will you pay for the damages?” naninimbang na tanong niya. Napakagat siya ng labi saka tiningnan ang hulihan ng kotse ng lalaki. Huminga siya nang malalim saka lakas loob na tiningala ito. “Ah.. umm.. magkano ba ang.. ang kailangan for the repair?” “The amount you can’t imagine,” sarkastikong sagot niya sa dalaga. “Maybe ten times the value of your car.” Kumurap-kurap si Claire saka iniawang ang labi habang nakatingin sa napisang likuran ng kotse. ‘Grabe naman sa mahal! Hindi ba carry ng insurance ‘yan?’ Narinig niyang tumunog ang telepono niya kaya mabilis niyang kinuha iyon sa loob ng kotse. Napasunod naman ang tingin ni Lester nang yumuko ito at pasimple siyang napalunok nang mapagawi ang tingin niya sa makinis at maputi nitong legs nang patalikod itong yumuko. “Hello?.. Ano po? Bakit daw po? Sige, papunta na po ako riyan “ “Sorry, Sir, may emergency lang ako at hindi ako pwedeng ma-late. Babalikan kita mamaya, ok?.. Pasensya na po talaga.” Kinuha ni Lester ang calling card na pilit iniabot nito sa kanya saka madaling pumasok sa kotse nito. Hindi na niya nagawang sumagot at napasunod na lang ang tingin dito hanggang sa makalayo na ang sasakyan. Napamura siya at mabilis na pumasok sa kotse niya saka sinundan ang babae. “s**t! Nagpauto ka sa babae? Tang-ina naman oh!” Patuloy niyang kinakastigo ang sarili habang sinusundan ang dalaga. Muli niyang tiningnan ang calling card na basta na ibinigay nito sa kanya saka napangisi. “You can’t run away with me, Claire Alcantara.” -- “Have you seen Lester?” tanong ni Lilian kay Duncan. Kasalukuyan siyang nasa lobby ng hotel at palabas na sana papuntang beach nang makasalubong ang Ate ni Lester. “No. Baka natutulog pa.” “Anong oras na ba kayo nakauwi kagabi? Parang maaga pa ay nakita ko na ang kotse ni Lester sa parking at may gasgas. Did you guys get in trouble?” Umiling siya at balewalang nagkibit ng balikat. “Nothing to worry, Ate Lily. It was just a small accident. Are you going to the beach?” tanong na paanyaya niya. “No. Go ahead. Magsisimula na kami sa preparation for tonight’s event,” nakangiting sagot nito. “Bye the way, thank you Duncan, ha? Your presence and endorsement is such a big exposure for my company. Alam ko naman na busy ka but at least you can always find time for us. Hayaan mo at makakabawi rin ako sa inyo ng kapatid ko.” Tumango siya. “Don’t mention it, Ate Lily. Mabuti nga at nakapagbakasyon ako kahit papaano.” “Great! So, mag-enjoy muna kayo and relax. See you around,” nakangiting paalam nito saka mabilis na tinungo ang loob ng hotel. He was about to walk ahead nang mahagip ng mga mata niya ang isang babaeng naglalakad patungo sa garden ng hotel. May kausap itong isang babae habang may itinuturo sa gawi ng swimming pool. Napalunok siya at ikinurap ang mga mata. He must be hallucinating. Lumiko ang babae samantalang ang kausap nito ay nagmamadaling bumalik sa kung saan. He blinked his eyes once more but he only saw the same person. He was about to follow her nang may bumato sa likuran niya. Lumingon siya sandali at nakita ang batang lalaking naglalaro. Tumango lang siya sa kasama nito na agad na humingi ng pasensya dahil sa aksidenteng pagtama ng hawak nitong bola sa likuran niya. He abruptly looked back at the direction of the woman who got his attention pero wala na ito. Iginala niya ang paningin kung saan niya ito nakita at kung saan ito posibleng magtungo pero wala siyang nakita. Naglakad siya patungo sa kung saan niya ito nakita habang unti-unting kumakabog ang dibdib niya. He must be crazy thinking that it was Alena. Pero sigurado siya na kamukhang kamukha niya ito. 'Paano mangyayari iyon kung matagal na itong patay?' Patuloy ang mabilis niyang hakbang at ilang minuto na ang lumipas. Halos nalibot niya na ang buong resort pero hindi niya na ito muling nakita. Tumigil siya sandali at napailing na lang. Siguro nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na wala na ang dating asawa. How can he move on kung palagi na lang mangyayari ang ganito? Kung palagi na lang siya maniniwala sa mga panaginip niya na buhay si Alena. Tumunghay siya at umiling. Ipinasya na lang niyang magtungo sa beach para mawala sa isip ang nakita. Naagaw agad ang atensyon niya ng kaibigan niyang si Lester na tila nakikipagdiskusyon sa isang babae. “Sabi ko naman sa ‘yo, hindi kita tatakbuhan, ‘di ba? Alam kong mamahalin ‘yong kotse mo pero para sabihin ko sa ‘yo hindi ako tumatakas sa utang ko kahit gaano pa kalaki ‘yan. Tsaka, sana ibang calling card ang ibinigay ko sa ‘yo kung may intensyon akong takasan ang kasalanan ko.” Narinig niyang saad ng babae na bakas ang tinitimping galit sa boses nito. Napakunot ang noo niya at akmang lalapitan ang mga ito nang mapansin niya ang maliit na anino sa harapan niya. Yumuko siya. Unti-unti siyang napangiti habang nakatingin sa nakatingalang bata. She sweetly smiles at him habang nakadipa ang mga braso as if asking him to carry her. Paupo siyang pumantay sa bata saka marahang hinaplos ang buhok nito. “Hello, princess! Nandito ka na naman sa beach. Are you alone again?” Ngiting ngiti itong tumango habang patuloy na nakadipa na tila hinihintay na siya’y buhatin. Lalo naman napangiti si Duncan saka tumango. “Ok, I’ll only carry you if you tell me your name,” malambing na sambit niya. Narinig naman niya na tinawag ito sa pangalan ng matandang kumuha rito kahapon but he felt wanting to hear her voice. And for some reason, gusto niyang dalhin ito sa magulang nito at sabihan na rin na ingatang mabuti ang bata. “L.. Lyke,” medyo nauutal na sambit nito na bahagya pang yumuko nang sabihin iyon. “Lyke.. What a beautiful name, princess!” Lalong lumapad ang mga ngiti nito pagkarinig sa sinabi niya pagkatapos ay kusa ng ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya. Bahagya siyang natawa nang muntik pa silang mabuwal sa biglang pagyakap nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi yakapin din ito saka tumayo. “Where are we going, baby? Where is you Mom and Dad?” Umiling ito habang nakasubsob ang mukha sa leeg niya. Hinaplos niya ang buhok nito nang bigla siyang matigilan sa biglang paghaklit ng kamay niya sa buhok nito. “Hoy! Saan mo dadalhin ang pamangkin ko?” Gulat naman napalingon ang bata habang matigas ang pag-iling. “Come here, Lyke,” utos ni Claire na walang paalam na kinuha ang bata sa kanya. “I told you not to get near with the strangers, ‘di ba? Let’s get inside at nang mai-report na rin ang insidenteng ‘to. Kung nagkataon, malilintikan ako nito sa Mommy mo,” may halong sermon na tuloy tuloy nitong usal. “It’s a total misunderstanding, Miss…” “Are you accusing my bestfriend a kidnapper?” sabat naman ni Lester na mabilis na sumunod kay Claire nang bigla na lang siya nitong tinalikuran nang makita nito ang bata na buhat ni Duncan. Napaawang naman ang bibig ni Claire na nilingon si Lester saka bumaling ang tingin sa tinutukoy nitong kaibigan. Ilang sandali siyang napatitig sa lalaki pagkatapos ay unti unting nanlaki ang mga mata nang makilala ito. Napakunot naman ang noo ni Duncan nang mapansin na pamilyar sa kanya ang babae. Pumikit siya sandali at pilit inalala kung saan niya ito nakita. Pero bago pa siya makapagsalita ay nakatalikod na ito at mabilis na naglakad palayo sa kanila. “Claire?” halong pabulong na tanong niya. “Do you know her, bro?” Tiningnan niya si Lester saka tumango pagkatapos ay sabay na sinundan ng tingin si Claire na tuluyan nang naglaho. “Kasamahan siya ni Alena sa trabaho noon.” “Sa Manila? Small world! Alam mo bang anak siya ng isa sa may-ari nitong resort?” Nakakunot noong tiningnan niya ang kaibigan. “Don’t tell me, she’s your next target. Please, spare her. Kaibigan siya ni Alena. Maraming ibang babae diyan,” nang-aakusang sambit niya. “Of course not, bro. Gusto ko lang siya singilin sa damage ng kotse ko. Ang taray eh!” nakangising tanggi nito. Tiningnan niya lang ito na tila hindi kumbinsido sa narinig. He knew his best friend very well. Lalaki rin siya at alam niya ang ibig sabihin ng bawat kilos ng kapwa lalaki patungkol sa isang babae. Lester chuckled after he gave him a warning look.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD