Chapter 19

1333 Words
“Alena! Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Claire nang makita siya. Sinalubong siya nito bago pa siya makapasok sa loob ng opisina at pinigilang pumasok. “Bakit ka pumasok? Hindi ka ba tinawagan ni Ms. Devi?” sumulyap pa ito sandali sa loob saka hinila pa siya palayo sa opisina. Umiling siya. “Hindi. Bakit?” “Kakaalis-alis lang ng mga investigator kanina pero babalik din daw para yata makausap ka. Tinawagan ako ni boss at maagang pinapasok. Wala akong idea kung bakit pero nagulat na lang ako na maraming basag na gamit sa loob at ang gulo ng opisina,” anito na bakas pa rin sa mukha pag-aalala. “Wala bang ginawang masama sa ‘yo ‘yong suspect?” Umiling siya. Now, she can’t really imagine what could’ve happened kung hindi siya nailigtas ni Duncan. “A..ano raw ang sabi sa imbestigasyon?” She silently prayed na hindi siya ang pakay ng lalaking iyon. “Hindi ko alam. Tinanong lang ako ni Boss kung ano pang ginagawa mo rito ng ganoon oras, e di syempre sinabi ko na pinag-overtime ka ni Ms. Devi, in full details. Kung hindi naman talaga dahil sa trip niya kahapon ay hindi ka sana nalagay sa alanganin. Muntik ka pang mapahamak.” Napatango-tango siya. “Pero totoo ba na iniligtas ka ni Duncan?” “Paano mo nalaman?” “Well, narinig ko kasi ang argument ni boss at ni Ms. Devi. He was blaming Ms. Devi for her negligence at narinig ko rin na malalagay sila sa alanganin ngayong nakialam si Mr. Fortalejo sa investigation… Pero Alena, warning lang, ha? Narinig ko rin kasi na sabi ni boss na ang solusyon lang nila ay tanggalin ka rito sa kumpanya.” Napaawang ang mga labi niya saka nagtatakang tumingin kay Claire. “Ano? Bakit daw? Ako ba ang nanggulo? Ako nga ang biktima, ‘di ba? Bakit nila ako tatanggalin sa trabaho?” Hindi naman siguro magsisinungaling sa kanya si Claire kaya hindi niya mapigilan ang makaramdam ng sama ng loob at hindi makatwirang desisyon nila. Isang araw pa lang siyang nakakapagtrabaho pero matatanggal agad siya? Bumukas ang pinto ng opisina at lumabas doon ang utility man nila. “Excuse me po, mga Ma'am. Ipinapatawag po ni Boss si Ma’am Alena sa opisina niya,” magalang na saad nito. Nagkatinginan sila ni Claire pagkatapos ay sumenyas ito na pumasok sila sa loob. Kumatok siya sa pinto bago pumasok sa loob ng opisina ng boss nila. Naabutan niya si Devi na nakaupo sa harap ng table nito. Tumayo ito nang makita siya saka nakataas ang kilay na tiningnan siya sandali. She murmured something that was not clear enough to hear. Tinabig pa nito ang balikat niya bago tuluyang lumabas. Pero okupado ang isip niya ng maraming bagay kaya mas pinili na lang niyang hindi ito intindihin. “Have a seat, Alena,” untag sa kanya ng Boss nila. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay habang nakatuon sa mesa ang mga siko. He seems to be in trouble and in difficult situation. Matagal itong tumingin sa kanya saka nagpakawala ng malalim na hininga. “I will not beat around the bush, Ms. Ramos. Due to the incident happened last night, I’m sorry that we also had negligence. But after a thorough investigation, it shows that the culprit didn’t intend to steal anything… The main target is you.” Napaawang ang labi niya kasabay ng pagkaba ng dibdib niya. How could it be possible? Ano naman ang posibleng pakay sa kanya ng lalaking iyon? Wala naman siyang naagrabyado o nakaaway man lang para pagtangkang dukutin at mas lalong wala silang kayamanan na pangtubos sa kanya. Napalunok siya at pilit iwinaksi ang mukha ng lalaking muling nagpakita sa kanyang panaginip. Sana ay mali siya ng iniisip. Pero kung hindi ang lalaking iyon ay malaking palaisipan sa kanya kung sino ang lalaking nakamaskara. “N.. nahuli po ba ang suspect?” Umiling ito. “Unfortunately, no. He was prepared at mukhang pinag-isipan mabuti ang galaw niya. Malinis trumabaho ang suspect.” Tumigil ito sandali at pinagmasdan siya. “This incident caused some delays and trouble to the company. Nakarating na rin sa mga kliyente ang nangyari and it caused negative feedback to the company…" She was at loss. Marami pa itong sinabi na sa huli ay hindi na rin niya inintindi. Bakit pa niya iintindihan ‘yon kung sa huli ay tatanggalin pala talaga siya sa trabaho? Gusto sana niyang umapela pero sa himig ng boss nila ay pinal na ang desisyon nito. "I have transferred the compensation to your account, Ms. Ramos. You can check it anytime." Kahit masama ang loob ay nagpasalamat pa rin siya rito bago tuluyang nagpaalam. Hindi na niya kailangan pang bumalik sa table niya dahil wala naman siyang liligpiting gamit. Pero minabuti niyang tumungo doon para magpaalam kay Claire. Maaga pa kaya wala pa rin masyadong dumarating na ibang staff. Mabuti na rin iyon para hindi niya na kailangan magpaliwanag pa sa mga ito. “Alena…” malungkot na sambit ni Claire pagkakita pa lang sa kanya. Tumayo agad ito at nilapitan siya. “Anong sabi ni boss?” Malungkot siyang umiling habang pinipigilan ang luha. Pakiramdam niya ay nagsisimula na naman dumating ang mga kamalasan niya sa buhay. “Gusto mo bang subukan kong pakiusapan si Boss?” Muli siyang umiling saka ngumiti. “H’wag na. Ayoko rin naman madamay kayo. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.” “Pero tama ba na ikaw daw talaga ang pakay no’n suspect?” nag-aalalang tanong nito. “Paano kung sundan ka no’n?” Napakagat siya sa labi. Iyon din ang ikinakabahala niya. Pero ano naman ang magagawa niya? Hindi naman pwede na magkulong na lang siya sa bahay at magtago habambuhay sa taong ni wala siyang ideya kung sino. Kaya wala siyang magagawa kundi laksan ang loob niya at harapin kung sinuman iyon. At uumpisahan niyang mag-imbestiga kahit sa sariling paraan. Kailangang niyang alamin kung nakalaya na ba ang demonyong lalaking nagtangkang manghalay sa kanya dahil iyon lang naiisip niyang posibleng may motibong gumawa noon sa kanya. “I have to face it, Claire. H’wag kang mag-alala, mag-iingat ako.” Sa maikling panahon ay nai-kwento na rin niya rito ang ilang bahagi ng buhay niya at ganoon din ito sa kanya. Pareho naman silang palagay ang loob sa isa’t isa na tila matagal na silang magkakilala kaya hindi na nakapagtataka na makaramdam sila ng lungkot sa nangyari at sa paghihiwalay nila. Suminghot ito saka umikot sa table nito. Binuksan nito ang drawer at may kinuha doon saka muling lumapit sa kanya. “Heto, kung sakali na gusto mong mag-trabaho at lumayo para sa kaligtasan mo. Pumunta ka diyan. Pag-aari ‘yan ni Tita Yvette at kasosyo si Mommy sa resort na ‘yan. Medyo malayo nga lang pero malamang ay hindi ka na masusundan diyan kung sino man ang nagtangka sa ‘yo.” Sandali niyang binasa ang iniabot nitong calling card sa kanya saka nangingilid ang luhang tumingin sa kaibigan saka tumango. “Tatawagan ko rin si Tita para kung sakaling makapag-desisyon ka ay siguradong may trabahong naghihintay sa ‘yo.” Kinagat niya ang labi saka lumapit dito at mahigpit na yumakap. “Thank you, Claire! Nakakalungkot na maghiwalay agad tayo.” Suminghot din ito saka tinapik ang likod niya. “Ako rin. Akala ko pa naman magkakaro’n na ‘ko ng best friend dito…” Kumalas sila sa isa’t isa saka pilit na ngumiti pareho. “Dito lang ba? Pwede naman tayong maging mag-bestfriend kahit hindi ako rito nagta-trabaho, ah,” aniya. Lumabi ito saka tumango. “Mag-iingat ka, ha? Chat mo ‘ko lagi.” Tumango siya saka malungkot na nagpaalam. Wala sa sariling naglakad siya palabas. She was really nowhere to go. Gusto niya sanang tawagan si Lulu pero alam niyang busy ito sa trabaho at siguradong mag-aalala lang ito. Pagkalipas ng halos kalahating oras ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang bus papunta sa Batangas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD