Basang basa ng luha ang kanyang mukha habang nanginginig ang kanyang mga kamay.
Nakaupo siya sa sahig sa isang sulok ng kanyang kwarto habang nakabaluktot ang kanyang mga tuhod.
Pilit niyang iniiwasan ang kamay ng isang lalaki na humahaplos sa kanyang buhok pababa sa kanyang likod. Hinawakan nito ang braso niya at pinisil iyon kasabay ng nakakakilabot na pag-ungol.
Takot na takot siya habang sumisigaw para humingi ng tulong pero tila walang nakakarinig at gustong sumaklolo sa kanya.
Madilim ang paligid at tanging sinag lang ng ilaw mula sa labas ng bintana ang tanging nagsisilbing liwanag sa buong kwarto.
Kahit natatakot ay tumingala siya upang subukan muling magmakaawa sa lalaking nakakahindik ang itsura.
Malalaki ang mga mata nito na kahit sa murang isip niya ay alam niyang puno iyon ng pagnanasa habang pinagmamasdan siya. At sa sobrang laki ng katawan nito ay halos makuba ito sa pagyukod sa kanya kahit pareho silang nakaupo sa sahig.
Naramdaman niya ang kamay nito na bumaba sa katawan niya kaya’t lalo siyang nagsumiksik sa dingding ng kanyang kwarto.
“Kuya, tama na po!... Tama na po! Parang awa niyo na po… Huwag! Huwag!”
--
Napabalikwas siya nang bangon habang hinahabol ang kanyang paghinga.
Napahawak siya sa kanyang noo na ngayo’y pawisan na saka gulat na napatingin sa taong nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
“Anong ginagawa mo rito?”
Lalong nilukob ng takot ang dibdib niya. Hinila niya ang kumot at mahigpit na itinakip iyon sa katawan niya.
“Narinig kitang sumisigaw kaya gigisingin sana kita. Mukhang binabangungot ka,” tila nag-aalalang saad ni Henry. Ang pamangkin ng stepmother niya. “Ok ka lang ba?”
Akmang lalapit ito sa kanya kaya agad niyang isinenyas ang kamay upang pigilan ito.
“H’wag kang lalapit! Ayos na ‘ko. Lumabas ka na,” umiiling na sambit niya habang masama ang tingin dito saka yumuko.
Tiningnan niya ito nang hindi ito kumilos. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala pero hindi niya maramdaman ang sensiridad doon.
She always felt that way about him mula ng unang araw na nakita niya ito sa bahay na iyon ng Papa niya.
“Ok, sorry kung bigla na lang akong pumasok sa kwarto mo. Nasa banyo kasi si Tita Bern kaya walang akong nagawa kundi ako mismo ang gumising sa ‘yo. Nag-alala lang naman ako dahil akala ko ay may nakapasok ng ibang tao rito sa bahay, ” anito sa mababang boses. “Hindi mo naman siguro ako pinag-iisipan na may balak akong gawin sa ‘yong masama, 'di ba?”
Sinundan niya ang tingin ang itinuturo nitong nakabukas na bintana. Umaga na. Tiningnan niya ang oras sa nakasabit na orasan sa dingding at pasado alas sais na.
Napilitan siyang umiling. Ngumiti naman ito saka nagpaalam na lalabas na ng kwarto.
Pagkalabas nito ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Wala naman siguro itong intensyon na masama pero hindi pa rin siya komportable na may makitang ibang tao lalo na sa loob ng kwarto niya kahit pa pamangkin ito ng madrasta niya.
Muling bumalik sa isip niya ang masamang panaginip. Ilang taon na ang dumaan mula ng matapos siyang dalawin ng mga panaginip na iyon.
Ang isa sa mga madilim niyang nakaraan na ayaw na niyang maalala pa. Pero ngayon ay muling bumalik na naman sa kanya ang bahaging iyon na pinaka-kinasusuklaman niya.
That incident from her childhood that haunted her for several years.
Ilang taon din niyang pinagtiisin ang pabalik balik na bangungot na iyon pagkatapos siyang kunin ni Lola Celia sa bahay ampunan.
Akala niya ay magiging anino na niya ang panaginip na iyon habambuhay pero kalauna’y kusa rin siyang nilubayan ng bangungot na iyon. Pero bakit ngayon ay muling ipinaalala sa kanya ang insidenteng iyon?
Napapikit siya at nakaramdam ng bigat sa dibdib niya. May kinalaman ba iyon sa nangyari sa kanya kagabi?
Sumandal siya at sandaling pinayapa ang dibdib. Muli siyang pumikit pagkatapos ay namimilog ang mga matang agad siyang napamulat.
Hindi kaya ang lalaki kagabi ay ang lalaking nagtangkang manghalay sa kanya sa bahay ampunan?
‘Pero nakakulong na siya. At sinigurado ni Kuya Dale na hindi na ito makakalaya pa?’
Lalo siyang nahintakutan sa naisip. ‘Posible kaya na nakatakas iyon at binabalikan ako para gumanti?’
Huminga siya nang malalim saka umiling. ‘Hindi. Imposible ‘yon. Naniniwala ako kay Kuya Dale. Sinigurado niya na hindi na iyon makakalabas pa sa kulungan dahil sa dami ng kaso na isinampa dito.”
Ipinilig niya ang ulo saka dumiretso sa banyo. Siguro ay nag-ooverthink lang siya at walang anumang ibig sabihin ang panaginip niya.
Pagkalipas ng mahigit kalahating oras ay lumabas siya ng kwarto na nakahanda na para sa pagpasok sa trabaho.
Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay sinalubong na siya ng stepmother niya na abot tenga ang ngiti.
“Mabuti naman at nakahanda ka na. Kumain muna kayo bago umalis,” anito na tila excited.
Napakunot ang noo niya. Halos mula ng dumating siya rito ay laging mainit ang ulo nito lalo na sa kanya. Anong meron at mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?
“Salamat po pero sa office na lang ako kakain.” Kailangan din niyang pumasok ng maaga dahil siguradong magulo ang loob ng opisina dahil sa insidente kagabi. At gusto rin niyang malaman agad kung ano ang development sa investigation na sinabi ni Duncan. “Si Papa po pala, gising na ba?”
Biglang umasim ang mukha nito saka sumagot, “Ayon maagang umalis dahil um-extra ng pagme-mekaniko diyan sa casa. Magkano lang ang kikitain niya roon,” himutok nito. “Ang tigas ng ulo ng Papa mo. Kung sinusunod lang niya ako ay hindi niya kailangang magbanat ng buto. Tingnan natin kung hanggang saan niya kakayanin magtrabaho.”
Napakunot ang noo niya. “Nagta-trabaho si Papa? Kaya ba ng katawan niya—”
“H’wag lang mag-alala dahil malakas pa sa kalabaw ang Papa m…”
Napatigil ito at natutop ang sariling bibig. Tiningnan niya itong mabuti pero ngumiti lang ito saka nagpatuloy, “Ibig kong sabihin, kung… itinuloy niya muna ang pagpapagamot ay malamang mas malakas pa siya sa kalabaw ngayon.”
Tumango tango ito pagkasabi noon saka tumingin sa gawi ng sala. “Oh sige na, baka ma-traffic pa kayo. Kanina pa naghihintay ang sundo mo. Mabuti na lang at lumabas ako kanina. Kung hindi ay hindi ko sana nakita ang asawa mo. Napaka-gwapo pala talaga niya!” dagdag
Napaawang ang labi niya habang nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito pero hindi nito iyon pinansin.
Sa halip ay itinaboy siya nito papuntang sala at hindi nga siya nagkamali ng hinala base sa reaksyon ng stepmother niya.
Duncan was standing facing his back on her. Tila nagmamasid ito sa paligid. She cleared her throat dahilan para lumingon ito sa kanya.
She then again noticed his impatient aura. Ganito ito noon every time he did not agree on something she was doing.
She formally greeted him and gestured to go out. Nauna siya kaya sumunod naman ito.
Bago pa sila tuluyang lumabas ng gate ay humabol pa ang stepmother niya bidding a sweet goodbye and reminded them to take care at inimbitahan pa si Duncan na doon mag-dinner.
Though, she was not sure enough pero pakiramdam niya ay may kaugnayan kay Duncan ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.
Binuksan ni Duncan ang pinto ng kotse habang madilim pa rin ang mukha nito saka isinenyas sa kanya na pumasok doon.
She only stares at him. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Ang tanging alam lang niya ay galit ito pero kanino? At kung ganoon ay anong ginagawa nito sa kanila ng ganoon kaaga?
Naiinis man at ayaw man niyang kausapin ito ay alam niyang hindi naman ito papayag kung iiwanan niya ito doon.
Naiiling na pumasok siya sa kotse. Kahit galit ay marahan nitong isinara ang pinto pagkatapos nitong masiguro na maayos na siyang nakaupo.
“What exactly do you want, Duncan?” umpisa niya nang magsimula nang umusad ang sasakyan.
“How can you bear to live with them? Mas gusto mo pang makitira kasama ang mga…”
Hindi nito tinapos ang gustong sabihin sa halip at matalim ang matang sumulyap sa kanya sandali saka muling ibinalik ang mga mata sa harapan.
“Bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo?” naiinis na tanong niya. “Saka once and for all, pwede bang sabihin mo sa akin kung anong dahilan ng mga pinaggagawa mo ngayon.. Hiwalay na tayo, ‘di ba? Technically, wala na dapat tayong pakialam sa isa’t isa. But you acted otherwise. Kung kelan divorce na tayo saka ka pa nagkaroon ng panahon na pakialaman ang buhay ko… Mind you, ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to, baka nakakalimutan mo.”
In her peripheral view, she saw his face became gloomy. Pagkatapos ay gumalaw ang adam’s apple nito saka malungkot na napailing. Iniwas niya ang kanyang tingin.
“I was wrong—”
“And you’re expecting to turn everything back just because you admitted you were wrong?” sarkastikong tanong niya.
“Hindi,” maagap na sagot nito. “That’s why I’m here trying to figure out what I can do to make it up to you and set everything right that concerns you. I know I was stupid, I really am. And I’m so sorry.”
“And you really disappoint me now, Duncan.. Hindi na tayo mga bata. Pagpapawalang bisa ng kasal ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ito laro na kapag ayaw mo na o napagod ka ay titigil ka na lang basta at kapag sa tingin mo ay gusto mo na ulit balikan at laruin ay basta mo na lang babalikan expecting that you’ll pick it up readily as you wish.”
Moments of silence filled inside the car. She suppressed her emotion. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito. Kung vocal lang siguro ang paghihiwalay nila ay madali lang ayusin. But for Pete’s sake! It’s not even a month since he asked her to divorce and yet he will suddenly appear in front of her as if they just had a small misunderstanding?
Itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng opisina nila. Binuksan niya ang pinto nang bigla itong nagsalita, “Did you have a nightmare?”
Napatigil siya. Worries glints in her beautiful eyes nang maalala ang panaginip niya at hindi iyon nakaligtas mapanuring mga mata ni Duncan.
Iniwas niya ang tingin dito saka umiling pagkatapos ay walang paalam na lumabas ng sasakyan.