Chapter 5

1494 Words
Paulit ulit niyang binasa ang nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ni Beverly. At ilang beses na rin niyang pinahid ang mga luhang walang sawang lumalabas sa mga mata niya. Mariin niyang kinagat ang pang ibabang labi saka tumingala. Huminga siya ng malalim at muling ikinurap kurap ang mga mata saka muling hinarap ang pag-aayos ng maleta niya. Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli silang mag-usap ni Duncan. Kahit nasasaktan at halos araw araw ay parang dinudurog ang puso niya sa pananatili sa loob ng bahay nito ay pinilit niyang manatili at maghintay sa pagbabakasali na magbago ang isip nito. Pero hanggang ngayon ay kahit anino nito ay hindi man lang niya nakita. Malungkot na isinara niya ang maleta pagkatapos ay mabigat ang loob na nilisan ang kwarto. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng bahay. Ang lugar na inakala niyang magiging saksi sa pagmamahalan nila ni Duncan, pero kalauna’y naging saksi sa kanyang pighati at kalungkutan. Mapait siyang ngumiti habang pilit na nagpapakatatag. Kailangan na niyang umalis dahil hindi na niya kakayanin pa ang magtagal sa lugar na iyon. She was about to walk towards the door nang bigla siyang napatigil dahil sa dahan dahang pagbukas noon. Napigil niya ang hininga sa pag-aakalang si Duncan ang dumating kasabay rin ng biglang pagbangon ng munting pag-asa sa dibdib niya sa isiping iyon. Pero nagulat siya nang iniluwa mula roon si Crystal. Natigilan din ito pero napangisi nang ilang sandali siyang matitigan at mapadako ang mga mata sa hawak niyang maleta. “Oh! You’re still here. Now I know why Duncan refused to get home these past few days,” mapanuyang sambit nito. “So finally, you’re leaving. At least, you’re not that vicious as what Duncan kept on telling me about you… Nagkasundo ba kayo sa presyo?” “Anong sinasabi mo?” matalim ang tingin ipinukol niya rito. “Oh, yeah! I forgot, a good actress will always play her role well kahit sino pa ang kaharap. But you don’t need to act in front of me, sweetheart,” she said mockingly. “A gold digger b***h deserve to be thrown from this house. See? I was right, sa simula pa lang, alam kong pera lang ang habol mo kay Duncan. Mabuti na lang at hindi mo tuluyang nabilog ang ulo ng boyfriend ko—” “Bo.. boyfriend?” mahinang tanong niya na halos siya lang ang makarinig. Sa dami ng sinabi nito ay tila ang huli ang tanging tumatak sa isip niya. “Why? Are you surprise? Ngayon mo ipagmalaki sa akin ang karapatang sinasabi mo? How dare you yell at me and called me a mistress in front of those elite people gayong isang kapirasong papel lang ang hawak mo na ngayon ay wala ng silbi?” sarkastikong usal nito habang tumatawa. “You’re just nothing but a pathetic ex-wife, Alena. I wonder how you’ll live your old life without my boyfriend’s support… Just if you are not that thick to accept his alimony.” Lumunok siya saka pilit na pinatatag ang sarili. She collected herself and tried to lift up her pride from her unending insult. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Crystal. I may not be his wife anymore but mind you, you are just a girlfriend. Try to brag kapag sigurado ka na, na ikaw ang papalit sa posisyon ko. And if that happens, ‘wag mong kalilimutan na second holder ka lang. Ako pa rin ang nauna!” “How dare you, gold digger b***h!” gigil na sambit nito na akmang sasampalin siya pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito. “And how dare you call me that way!” she said collecting all strength to give her a hard slap on her face. Pakiramdam niya ay doon niya naibuhos ang lahat ng galit at sama ng loob niya kaya’t napasubsob ito sa lakas ng sampal niya. Na siya naman pagbukas ng pinto at iniluwa noon ang nakakunot na noo ni Duncan. Tumingin ito sa kanya pagkatapos kay Crystal na ngayon ay malakas na humahagulhol. “Duncan… I was just asking how she’d been going through after what happened but she was so enraged that she suddenly slapped my face.” Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang pinagmasdan ang mabilis na pagbabago ng itsura nito. From a fierce one to a very pitiful face. Sinampal niya lang ito at sigurado siyang mukha lang nito ang nasaktan pero nakahawak ito sa kanyang tiyan na tila doon siya intake. Napalunok siya at iniiwas ang mga mata nang makita kung paano hagurin ng dati niyang asawa ang likod nito habang bakas na bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Kinuha niya ang maleta at nagpasyang umalis na lang. She can’t stand on watching them together. Nasasaktan siya at ayaw niyang ipakita iyon sa mga taong sanhi ng kabiguang nararamdaman niya ngayon. “Ouch! Duncan, help me please…” She halted and looked back. Nakahawak na ito sa kanyang tiyan habang namimilipit sa sakit. “What happened, Crystal? Are you ok?” he asked worriedly. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa kanya. Nagtatakang umiling siya. Mabilis nitong binuhat si Crystal habang pasigaw na tinatawag si Beverly. “What happened?” agad na tanong niya kay Beverly nang makasalubong niya ito sa lounge ng hospital. Hindi ito nagsalita sa halip ay hinila siya nito sa gilid. “I heard you two were talking. Did she offended you?” Tumango siya. “And you hurt her?” “I slapped her,” nakayukong pag-amin niya. “Don’t worry, the baby is safe.” She parted her lips saka tinitigang mabuti si Beverly as if asking her if she heard it right. “B…buntis si Crystal?” Tumango ito. She was about to say something nang mapatingin ito sa likuran niya. “You can go back to the office now, Beverly.” Nanatili siya sa kinatatayuan at hindi nilingon ang may-ari ng baritonong boses na kilalang kilala niya. Ilang sandaling dumaan ang katahimikan. Tumingala siya at ikinurap kurap ang mga mata para pigilan ang luha na nagbabadyang pumatak saka bumuga ng hangin habang ipinapaypay ang kamay sa mukha niya. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras. Now she knew it! Bakit ba hindi niya naisip na pwedeng mangyari ito? Napakatanga niya para umasa na mananatiling loyal sa kanya ang asawa sa loob ng dalawang taon. “Let’s talk,” narinig niyang utos nito. Huminga muna siya nang malalim saka humarap dito. “Now, you’ve found a reason to talk to me?” puno ng sama ng loob na tanong niya. “You shouldn’t hurt her. Maselan ang –” Pak! Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at buong lakas na sinampal niya ito. Lumunok ito saka ginalaw galaw ang panga habang hawak hawak iyon. “It’s not what you think, Alena—” “Alin ang hindi ko maintindihan do’n, ha?” gumagaralgal ang boses na tanong niya. “Na sinadya mo akong pagmukhaing tanga? Na matagal mo na akong niloloko? Na pinaglaruan mo lang talaga ako? Na nakabuntis ka kaya minadali mo ang pakikipaghiwalay sa akin?” Hindi na niya napigilan ang sarili na humagulhol ng iyak sa harap nito. “Bakit kailangan mo pang itago sa ‘kin ‘to, Duncan? Hindi ko naman ipagpipilitan sa ‘yo ang sarili ko kung ayaw mo na pero bakit kailangan mo pa akong lokohin?” humihikbing bulong niya. Pakiramdam niya ay unti unti siyang nauupos. “I’m telling you, it’s not mine—” “Then what is the reason of this divorce? Tell me!” Marahas itong huminga habang bakas ang tinitimping galit sa mga mata nito. “Why would we need to talk about it when it’s done, Alena?” She gasped. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi niya saka marahas na pinahid ang mga luha niya. “Tama ka! This is nonsense," aniya na hindi inaalis ang mga mata rito habang patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya. Napatango na lang siya tanda ng pagsuko. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Hindi niya maikubli ang sakit na nararamdaman ng ilang sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Gusto niya itong yakapin at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Gusto niya pang magmakaawa at humingi ng pagkakataon para sa kanila. Gusto niyang sabihin na nakahanda siyang magpatawad at kalimutan ang lahat kung hihilingin lang nito. Pero paano niya gagawin iyon kung naghuhumiyaw ang katotohanang wala itong gustong gawin kundi ang makalaya sa kanya? Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim. "Isa lang ang hihilingin ko sa 'yo kapalit ng kalayaang gusto mo, Duncan... Please, please do everything not to cross our path again... Sana... sana ito na ang huling pagkakataon na makita kita... I.. I'm letting you go." Sobrang sikip ng dibdib niya na halos hindi siya makahinga habang sinasabi ang mga salitang iyon. Tumango-tango siya pagkatapos ay mapait na ngumiti saka mabilis na nilisan ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD