“Hindi kita maintindihan.. Bakit? Bakit, Duncan? Pinaghintay mo ‘ko… dalawang taon.. inunawa kita.. pagkatapos ngayon…” umiiling na sambit niya habang patuloy na umiiyak. “Ano ‘to? Laro?”
“This marriage is a big mistake, Alena!...”
Tila panibagong bomba ang sumabog sa pandinig niya sa mga salitang iyon.
Sandali siyang hindi nakahuma at hindi makapaniwalang tinitigan ang asawa.
“Mistake? Para sa ‘yo pagkakamali na pinakasalan ako? Kaya ba hindi ka umuwi sa loob ng dalawang taon? Kaya ba pinauwi mo agad ako pagkatapos na pagkatapos ng kasal natin?”
Binitawan nito ang braso niya saka marahas na bumuntong hininga.
“Bakit mo nagawa sa ‘kin ‘to, Duncan? Bakit mo pa ‘ko pinakasalan kung wala ka naman palang balak na panindigan ‘yon?” punong puno ng hinanakit na sambit niya.
“Now, you’re asking me why?” nanunuyang balik tanong nito. “Sino ba ang nagpilit na makasal tayo? I told you, may mga gusto pa akong gawin sa buhay ko. I was too young to build my own family. Have you ever forget kung kelan tayo ikinasal? Right after our graduation, ‘di ba? I was just about to reach my own dream pero dahil sa letcheng kahilingan mo, pinakasalan kita. Kaya heto ako, I’m walking the path I don’t even want in the first place dahil sa ‘yo at sa mga kasinungaling mo!”
Ilang beses siyang napalunok habang patuloy ang pag-agos ng luha na alam niyang sanhi ng masasakit na salitang hindi niya inaasahang maririnig mula sa kanyang asawa.
“Ginawa ko ‘yon para kay Papa… pero hindi ko alam na napilitan ka lang sa kasal na 'yon.. kung… kung alam ko lang—”
“Stop it, Alena! Don’t play like a pathetic innocent girl you used to be. Hindi mo na ‘ko madadaan sa mga paawa mong ‘yan!” sigaw nito.
Napakagat siya ng labi at mariing napapikit dahil sa lakas ng boses nito. Nahagip pa ng mga mata niya si Beverly na lumabas mula sa kusina na agad din bumalik nang marinig ang argumento nila.
Tumango tango siya saka matapang na sinalubong ang mga mata nito. Pinahid niya ang mga luha niya saka bahagyang umiling. “Siguro nga isang malaking pagkakamali para sa ‘yo ang pakasalan ako pero gusto ko lang malaman mo na hiniling ko ‘yon sa ‘yo o mas tamang sabihin na pinilit kitang pakasalan ako hindi lang dahil sa iyon ang kahilingan ni Papa kundi dahil mahal kita. Akala ko kasi pareho tayo ng nararamdaman. Akala ko pareho tayo na nakikita ang isa’t isa na magkasama sa hinaharap. Akala ko taos sa puso mo ang pagpapakasal sa akin. Pero palabas lang pala ang lahat ng ‘yon—”
“Yes! These are all fake. Mula sa ‘yo, sa Papa mo at sa mga taong nakapaligid sa ‘yo—”
“’Wag mong idamay dito si Papa! Wala siyang ginagawang masama sa ‘yo!”
Ngumisi ito saka hinaplos ang noo. Tumango tango ito saka muling tumingin sa kanya. “Then, get out of my life, Alena.”
Pagkasabi noon ay marahas nitong binuksan ang pinto saka tuloy tuloy na lumabas.
Napalunok siya at mariing kinagat ang labi saka muling pinakawalan ang masaganang luha na nag-uunahang pumatak sa pisngi niya habang nakatitig sa nakasaradong pinto.
She sat on the floor feeling defeated. Hindi niya akalain na ito ang naghihintay sa kanya sa muling pagkikita nila ng asawa. She felt her world suddenly collapsed. Ang masayang pamilya na pinapangarap niyang buuin kasama ang nag-iisang lalaking minahal niya ay bigla na lang naglaho sa isang iglap.
Pilit niyang kinakapa ang sarili at hinahanap ang kasagutan kung paano niya haharapin ang bawat bukas na wala na sa buhay niya ang asawa.
Napatunghay siya nang maramdaman ang marahang haplos sa likod niya. Nasalubong niya ang nag-aalalang mukha ni Beverly habang inaabot sa kanya ang isang baso ng tubig.
“You’ve been crying a lot, Madam.”
Wala sa sariling humawak siya sa nakalahad nitong kamay at hinayaang igiya siya nito paupo sa mahabang sofa. Ininom niya ang tubig saka huminga nang malalim pagkatapos ay tiningnan ng diretso si Beverly.
“Where’s the document I need to sign?”
--
“Are you sure about it, Madam?” tanong ni Beverly nang iabot niya rito ang mga papeles pagkatapos pirmahan.
Hindi. Iyon ang gusto niyang sabihin pero may magagawa pa ba siya kung kulang na lang ay ipagtabuyan siya ni Duncan?
Sapat na ang insultong narinig niya mula rito. Dahil tama naman ang sinabi nito. Na siya ang may gusto na ikasal sila agad kahit pa nga napakabata pa nila para roon. Iyon ay dahil sa kahilingan ng Papa niya na may malubhang sakit kaya’t hindi niya mahindian.
Ang Papa niya na nag-abandona sa kanya na pilit ginawa ang lahat para mahanap siya sa kabila ng pakikipaglaban nito sa malubhang karamdaman.
And being an orphan and a grown up fatherless woman who have been longing for her parent’s love, buong puso niyang tinanggap ang ama sa kabila ng pagkukulang nito at ang mga dahilan nito kung bakit siya iniwan.
And she promised that she will love and do everything to make him happy until his last breath. At lubos ang pasasalamat niya sa Diyos na dinugtungan pa nito ang buhay ng kanyang ama. Hindi man niya ito personal na naalagaan at madalas makasama ay masaya na siya na makitang lumalaban ito sa kanyang sakit para sa kanya.
“Yeah.. narinig mo naman ang sinabi niya,” sagot niya saka mapait na ngumiti.
“But maybe he didn’t really mean it. Why not talk to him? Say talk to him again when you both—”
“Thanks for your concern, Beverly. But I know Duncan very well. Tama naman siya. We are too young for this marriage… well at least when we got married two years ago… Baka nga.. hindi kami para sa isa’t isa.”
She bit her lower lip to suppress her tears to fall down again. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya habang sinasabi ang mga iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapapanindigan ang pagtatapang-tapangan niya at pagiging positibo sa harap ni Beverly gayong alam niya na konti na lang ay parang sasabog na siya sa sobrang sakit na nararamdaman.
Pumasok siya sa kwarto at nagkulong doon maghapon. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula muli. Kung paano niya haharapin ang bawat bukas na tuluyan ng wala sa buhay niya ang asawa.