Chapter 16

1668 Words
Alena left him in a daze. She was totally right. He was a f*****g jerk! An idiot, name it whatever she wants. And he admits it. Kung pwede lang niyang sapakin ang sarili for making that bullshit decision ay ginawa na niya. He doesn’t care about her father anymore or even if she was his accomplice or not. Pati na rin ang pangarap niya at buhay na gusto niya na hindi natupad ay unti unti na niyang natatanggap. Because life without her is more meaningless than depriving him of everything. That he was so stupid that he only realized just then when she finally gave up on him. Akala niya ay kaya niya. Inakala niyang iyon ang tamang desisyon para sa kanila pero hindi. Pero maling mali ang ginawa niya. Sa loob lang ng ilang araw mula nang maghiwalay sila ay para na siyang mababaliw sa tuwing sasagi sa isip niya na tuluyan ng nawala sa buhay niya si Alena. Lalo na ang isipin pa lang na malaya na itong makahanap ng lalaking ipapalit sa kanya, na balang araw ay may ibang lalaking may mag-aari na rito ay parang hindi na siya makahinga. Now, he doesn’t know where to start. Where to begin his life with… without her. Pero nakahanda siyang gawin ang lahat to obtain her forgiveness. For now, that is all that matters to him. Kung kailangan bantayan niya ito ay gagawin niya hanggang sa mapatawad siya nito. Tumunog ang cellphone niya at agad na sinagot nang makita na mula sa kanyang assistant ang tawag. Tumingala siya sa mataas na building na nasa harapan niya pagkatapos ibaba ang telepono saka pumasok sa kotse at mabilis na umalis sa lugar. Pagpasok sa opisina ay napakunot ang noo niya nang sumalubong sa kanya si Crystal. Mabilis itong tumayo nang malingunan siya at agad na lumapit sa kanya. Bahagya siyang napahawak sa braso nito nang halikan siya nito sa pisngi. But he instantly got out from her grip nang pumulupot sa leeg niya ang braso nito. “What are you doing? At bakit nandito ka?” Umiwas siya rito. He sat on the leather sofa while his brows remain knitted. Hindi niya gusto ang pagiging agresibo nito na nagsimula nang makita nito si Alena sa US. That infuriated him. She slightly twitched her lip saka dahan dahan lumapit sa kanya. She had sacrificed a lot. And being timid is the last thing she wants to do at that moment. Kailangan niyang linawin ang nararamdaman niya para kay Duncan or else she will be gone crazy. “Duncan, this…” atubili nitong umpisa. “Isn’t it really obvious, Duncan? Sinundan kita because 'I’m still in love with you. You are now single and I remain myself free for you. We are destined to be together after all these years, hindi mo ba napapansin? Marami nang nangyari but we always ended up with each other... Kaya siguro after we broke up, wala akong ibang minahal ng katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo.” He was looking at her and listening as if she was just discussing some business matter. He was expecting to hear this one day. He knew her purpose from the day she appeared in front of him in his office abroad. But he remained distant to her at akala niya ay nalinaw niya na rito na wala itong maaasahan sa kanya. Lalo na nang may mamagitan sa mga ito ng best friend niyang si Lester. But it seems, she still didn’t give up on the idea that they will reunite someday. And what disappointed him more, she even aborted her own child that much to his least expectation. She was his first love and first in everything. At inakala niya na si Crystal na ang babaeng mamahalin niya sa buong buhay niya. Na ito ang nararapat para sa kanya. But everything was significantly changed the moment he laid his eyes to Alena. She brought out the best version of himself. Sa kahit anong aspeto ng buhay niya na hindi niya akalaing gagawin at ipararamdam sa kanya ng isang babae. “Duncan…” He snapped back when he heard her pleading voice and saw her pitiful eyes. “I can do anything you want. Just tell me whatever that pleases you, just give me another chance. Give us a chance, please Duncan. Minahal mo naman ako, 'di ba? At kaya mo ulit akong mahalin." He took a deep breath and stared at her intently. “You know from the start that I don’t love you. And I’ve been honest with you from the very beginning, Crystal. You know that I only love Alena—” “Pero hiwalay na kayo. Dinivorce mo nga siya, ‘di ba? To give way for our love to continue—” He furrowed his brows more deeper. “Who says it’s because of that?” “I..” “Look, Crystal, I only interact with you because of our business collaboration and nothing else. I made the biggest mistake to break off with Alena but the only reason why I’m here right now is to pursue her and I won’t go back to the US without her.. I hope, that would be clear enough to you.” He stood up and was about to leave when he suddenly turned around. “And one more thing, stay away from Alena. I won’t tolerate you for doing things that can cause another misunderstanding between us,” he gently but firmly said before he headed out of the room leaving Crystal in a rage. She was furious that she threw her bag after Duncan slammed the door. Kinuha niya ang cellphone at nagtipa doon. -- Mula sa pagtanaw sa side view mirror ay mabilis siyang lumabas ng kotse nang makilala ang babaeng palabas ng building kung saan nagta-trabaho si Alena. Medyo nagulat pa ang babae pero bigla rin napangiti nang mapatingala sa kanya na mukhang nakilala siya. “Sorry, Ms. Pero hindi ba ikaw ‘yon kasama ni Alena kanina?” Panimula niya. “By the way, I’m Duncan, Alena’s husband..” Napawi ang ngiti nito saka tinitigan siyang mabuti. “Husband?” sambit nito na tila gumuhit ang inis sa mukha. “Nasa loob pa si Alena, kailangan niyang mag-overtime ngayon, Mister… Pasensya na pero first day niya ngayon sa trabaho kaya sana h’wag mo siyang istorbohin.” Pagkasabi noon ay tumalikod na ito. Marahil ay nasabi na rito ni Alena ang tungkol sa kanila kaya naiintindihan niya ang inasal nito. Alena is friendly and charming at sigurado siyang sa maikling panahon ay naging kaibigan na nito ang babae. He patiently waited. May nakita siyang coffee shop sa tapat ng building at doon naisipan maghintay since ayon sa kasama nito ay kailangan daw nitong mag-overtime. He carried his laptop with him. Pumwesto siya sa may glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang main entrance and exit door ng building kung saan naroon si Alena. Kahit pa busy sa pagtipa sa laptop dahil sa dami ng e-mails na kailangan niyang sagutin ay panaw ang sulyap niya sa building thinking that Alena would be coming out. Pero ilang tao na ang naglabas-pasok doon ay hindi pa rin lumalabas si Alena. He called her few times pero dine-decline nito iyon maybe she was expecting his calls kaya agad nitong nire-reject iyon until she totally turned off her phone. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay pa. He was planning to send her home kahit hanggang tanaw lang. Dahil sigurado naman siya na hindi ito papayag na ihatid niya ito. He was starting to feel like he was a stalker again. Napailing na lang siya thinking how he could possibly start in pursuing her again. Sigurado siyang mas mahihirapan siya kung hindi man mabigo sa pagkakataong ito na mapaamo muli ito kaysa noong una niya itong niligawan. His heart tightened at the thought of her loathing him. At ang napakalinaw na posibilidad na siya ang huling taong pagkakatiwalaan nitong muli. Itinaas niya braso at sinilip ang oras. It’s almost eight pero bakit hindi pa rin niya nakikitang lumabas si Alena. Napakunot ang noo niya. Unang araw nito sa trabaho and yet she needs to do her job over time? Mabilis siyang lumabas ng coffee shop at dumiretso sa building. He already search about the company at minsan na rin nakapunta rito when his Kuya Dale introduce him to the owner of that building kaya mabilis niyang natunton kung saang floor ang accounting firm na pinagta-trabahuhan ni Alena. When he reached the third floor where the office is located, napansin niya ang isang lalaking nakatayo sa labas ng pinto facing his back to him. He was taller as him. Nakaitim itong jacket. As if on cue, pinagmasdan niya ang lalaki at hindi gumawa ng ingay. Nakita niyang inalis ng lalaki ang suot na hood ng jacket nito at mabilis na isinuot ang itim na bonnet kaya hindi niya nakita ang mukha nito. Isinunod nitong isuot ang mask na itim saka ibinalik ang hood sa ulo pagkatapos ay dahan dahang binuksan ang pinto. He clenched his jaw when he confirmed his suspicion. He was targeting Alena’s office. Kumubli siya sandali nang luminga ang lalaki bago tuluyang pumasok. He glanced at the hallway. Tahimik doon at senyales na wala ng tao. Napasulyap siya sa isang panel ng glass door ng opisina. Kumubli siya sa concrete wall at sumilip sa dingding na salamin. Nakita niya mula roon si Alena. Mukhang tahimik sa loob at siya na lang ang naiwan doon. Tumayo ito at naglakad patungo sa isang kwarto. Iginala niya ang mga mata sa loob at nahagip niyon ang pagsalisi ng lalaki at nagtungo sa kasalungat na kwarto. Maya maya ay muling bumalik si Alena. Kung ganoon, si Alena ang puntirya ng lalaking pumasok doon. Napailing siya habang naniningkit ang mga mata. Hinawakan niya ang panga saka madilim ang mukhang pumasok sa loob. He haven’t used his skill for a bit longer. This man really wanted to dig his own grave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD