Pagkatapos kumain ay inihatid siya ni Lulu sa mansion para kausapin ang mga magulang ni Duncan at makapagpaalam na rin sa mga ito lalo na sa kanyang Lola Celia.
She wanted to start the new beginning without any unfinished business. Kung nagkaroon ng pormal na pagtatapos sa kanilang relasyon ni Duncan ay dapat lang na personal siyang magpaalam sa mga taong itinuring niyang tunay na pamilya at nagparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal.
“Alena?.. You’re here. Are you ok?” bungad na tanong ni Martina nang lapitan niya ito na bakas sa mukha ang pag-aalala.
Agad itong tumayo at sinalubong siya. Iginiya siya nito papaupo sa mahabang sofa habang si Lulu naman ay nagpaalam na lalabas muna.
“How are you? I heard what happened to you and Duncan.. Hindi ko makausap nang maayos ang lalaking iyon and I’m getting impatient. I was so worried about you kaya hindi na ako sumama sa kanila sa States.”
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito na agad naman nitong naunawaan.
“Nakausap namin si Duncan right after you left for abroad. He informed us about the divorce. I tried to persuade him, akala ko ay nagkaintindihan na kami but he actually didn’t listen to me,” frustrated na umpisa nito. “Kaya nagpunta roon sina Daniel at ang dalawang Kuya mo.. You know him, right? Sigurado ako na nabigla lang siya sa desisyon niya, Alena.”
Pilit siyang ngumiti. Ramdam niya ang panghihinayang at galit na nararamdaman nito sa paghihiwalay nila.
Isa ito sa ipinagpapasalamat niya sa naging relasyon nila ni Duncan, ang naranasan niya ang pagmamahal ng isang ina na hindi ipinagdamot sa kanya ng dating byenan.
At isa rin ito sa mga ipinagmamalaki niya dati sa mga kapwa niya may asawa. Na meron siyang mother in-law na mapagmahal at kasundo niya sa halos lahat ng bagay katulad ng mga hipag niya.
Tumango siya at naluluhang ngumiti rito. Ipinaliwag niya rito na tanggap na niya ang paghihiwalay nila at nagpasalamat sa lahat ng kabutihang ibinigay ng mga ito sa kanya. Ipinaalam na rin niya rito ang plano niya.
“Hindi mo kailangang umalis dito, Alena. Alam mong anak na ang turing namin ni Daniel sa 'yo. Labas doon ang relasyon niyo ng anak ko.”
“Hindi ko po makakalimutan kung gaano kayo kabuti sa ‘kin at habang buhay ko pong tatanawing utang na loob ang pagtulong niyo sa amin ni Lola Celia mula pa noon at sapat na po iyon para tumayo naman ako sa sarili kong mga paa.”
“Alam kong kaya mo pero hayaan mong tulungan kita—”
“Salamat po pero sobra-sobra na po ang mga naitulong niyo. Nagpunta lang po ako rito para magpasalamat at… magpaalam.”
Wala itong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanya. Agad naman siyang nagpaalam dito at pinuntahan si Lola Celia na kasalukuyang kausap ni Lulu.
Umiiyak ito habang ipinaliliwag niya ang nangyari. Hindi niya maiwasan ang mahabag at makaramdam ng matinding kirot sa dibdib habang nagpapaalam siya rito.
Mula ng sampung taong gulang siya ay ito na ang kasama niya at nag-alaga sa kanya. Sobrang sama ng loob niya na kailangan niyang mapalayo sa kauna-unahang tao na nagmalasakit sa kanya at nagmahal sa kanya na parang isang tunay na apo.
Ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay siya rito sa loob ng labing dalawang taon. At ang masakit pa ay hindi siya sigurado kung kailan niya muling makakasama ito.
Gusto nitong sumama sa kanya pero hindi niya ito kayang iwalay sa pamilya Fortalejo na naging pamilya na rin nito mula pa noong kabataan nito. At alam niya na sobrang mahal na mahal nito ang pamilyang iyon at ganoon din ang mga ito sa matanda lalo na si Dale at sigurado siya na hindi ito papayag na umalis siya na kasama ang matanda.
“Kailan ka babalik, apo?”
Humikbi siya at muling niyakap ang matanda. “Hindi ko po alam, Lola. Dito ka muna, mas maaalagaan ka nila rito… Kapag maayos na ako at kaya na kitang isama, babalikan kita,” aniya na mas hinigpitan pa ang yakap dito.
Ilang sandali pa ay kumalas siya rito saka pinahid ang mga luha. Hinawakan nito ang kamay ng matanda saka niya pinahid ang luha sa pisngi nito. “Mahal na mahal kita, Lola. Maraming salamat sa lahat. Mag-iingat ka palagi, ha?”
Lumuluhang nakamasid sa kanila si Lulu sa ‘di kalayuan. Maya maya ay tumayo si Alena at walang lingon-likod na iniwan ang matanda habang masaganang pumapatak ang luha nito.
Sinundan niya ito na dire-diretsong lumabas habang nakayuko.
“Ok ka lang ba?” tanong ni Lulu sa kanya pagkapasok nito sa kotse.
Hindi siya sumagot at hinayaang maubos ang luha sa walang sawa nitong pagpatak. Ilang sandali silang tahimik lang sa loob ng sasakyan habang si Lulu ay panay ang buntong hininga at haplos sa likod niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunghay siya at pinahid ang luha. Pumayag siya sa suhestyon ni Lulu na sa condo nito magpalipas ng gabi.
Wala siyang ginawa kundi ang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa halos buong magdamag. She wanted to release all the pain inside, to dry up her eyes and to feel numb.
Gusto niyang iiyak na ang lahat, baka sakali ay mapagod ang mga mata niya at maubos ang luha niya na hindi niya alam kung kailan titigil, kung kailan magsasawa at mapapagod sa pagpatak.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Naligo muna siya pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Lulu na papasok sa kusina.
“Good morning, besh!” bahagyang nakangiti ito habang pinagmamasdan ang mukha niya. “Hmmm, not bad. Mukhang nakatulog ka naman kahit papaano.”
“Sort of,” nakangiting sagot niya. Kahit papaano ay nakaramdam na siya ng kaunting paggaan ng loob niya. “Aalis na rin ako maya maya. Dadalawin ko si Papa sa hospital. Then, bukas mag-start na ‘ko maghanap ng trabaho.”
“Agad agad?” nakakunot ang noong tanong nito habang papasok sa kusina.
Sinundan naman niya ito at tumulong sa paghahanda ng agahan nila.
“I need to. Alam mo na, I’m no longer a billionaire’s wife,” biro niya. “Kailangan ko nang kumayod lalo na’t wala raw ipinagbabago ang katawan ni Papa.”
“I see.. Gusto mo sa ‘min ka na lang mag-apply? Para magkasama tayo.”
Kumuha siya ng tasa at isinalang sa coffee maker pagkatapos ay nakangiwing tumingin siya rito. “I don’t.. Connected pa rin ang kumpanya n’yo sa mga Fortalejo and I don’t want to do anything with them… I mean, alam mo na…”
Sinulyapan siya nito at itinuloy ang paggawa ng sandwich. “Pero wala ka pang job experience. Baka mahirapan kang makahanap ng trabaho,” nag-aalalang sambit nito.
“Laki naman ako sa hirap, remember? At isa pa, nakatapos naman ako ng college at may diploma. Sasamahan ko na lang ng charm at diskarte,” birong dagdag niya.
“Correct! Agree ako diyan at susuportahan kita. Ipakita mo sa Duncan na ‘yon kung ano ang sinayang niya,” nakataas ang kilay na sambit nito.
Malaki ang ngiting sumang-ayon siya rito pagkatapos ay sabay silang tumawa at nag-high five pa.
Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam na siya sa kaibigan. Tumanggi siya na ihatid siya nito dahil may pasok pa rin ito sa trabaho.
Paglabas niya ng condo ay saktong tumunog ang cellphone niya. Message iyon ng stepmother niya na nakasaad kung saang ospital naroon ang kanyang Papa.