“What happened? Bakit bigla kang umuwi? Sinamahan ko si Mommy kina Tita Martina and she didn’t know na nakauwi ka na,” agad na tanong ni Lulu pagkakita nito kay Alena.
Hinila nito ang upuan saka naupo sa tapat niya na hindi inaalis ang mapanuring tingin sa kanya.
Inilapag lang nito ang sling bag na dala saka tumawag ng waiter. Ito na ang um-order ng pagkain nila.
Nauna siyang dumating dito at ilang minuto rin siyang naghintay sa kaibigan pero hindi siya nakaramdam ng pagkainip dahil sa samu’t saring gumugulo sa isip niya.
“Sinabi mo ba na nakauwi na ako?” walang emosyong tanong niya.
Kumunot ang noo nito na tumingin sa kanya saka ibinigay sa waiter ang menu pagkatapos ay pinaalis na ito.
“Hindi ko sinabi. Hindi naman siya nagtanong dahil siguro ang alam niya ay kasama mo pa si Duncan sa States. Ano ba’ng nangyari? Bakit hindi ka sa mansion umuwi?”
Bahagya siyang tumungo saka bumuntong hininga. “Wala na kami ni Duncan,” mahinang usal niya.
Lalo naman lumalim ang kunot sa noo nito saka inilapit ang mukha sa kanya. “Anong wala na?”
“Divorced na kami..”
“What?!” bulalas nito.
Napatingin ito sa paligid nang mapansin na nakaagaw siya ng pansin ng mga customer na malapit sa kanila.
Lumapit pa ito nang husto sa kanya saka hininaan ang boses. “What do you mean? S.. seryoso ba ‘yan?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.
Mula sa labas ng bintana ay inilipat niya sa kaibigan ang malungkot niyang mga mata saka nagkibit ng balikat. “Kahit naman ako, hindi rin makapaniwala.” Pagak siyang tumawa. “Gago ‘yong pinsan mo eh! Pinapunta lang ako sa US para i-divorce. Sana man lang pinag-tour niya muna ako bago niya ibinasura.”
Mahina siyang tumawa habang umiiling. Pinipilit niyang itago ang sakit na nararamdaman pero kahit anong biro ang sabihin at gawin niya ay kusang lumilitaw ang lungkot sa mga mata niya.
Kinagat niya ang labi nang tuluyang lumabas ang mga luha niya. “Ang sakit, besh!” nakatungong pag-amin niya saka hinawakan ang dibdib.
Tumayo si Lulu at tumabi sa upuan niya saka mahigpit siyang niyakap. “Sorry, besh. Hindi ko alam,” naaawang sambit nito habang hinahagod ang likod niya. “Bakit ba kayo humantong sa hiwalayan? Maayos naman kayo, ‘di ba? Nag-away ba kayo?”
Pinahid niya ang luha saka kumalas sa pagkakayakap dito. Humihikbing umiling siya rito. “Akala ko rin maayos kami. Akala ko busy lang siya sa trabaho tulad ng lagi niyang sinasabi kaya hindi siya umuuwi rito… Pero siguro nga busy talaga siya, hindi nga lang sa trabaho kundi kay.. Crystal,” mas humina ang boses niya sa huling sinabi.
Nanlalaki ang mga matang tinitigan siyang mabuti ni Lulu. “Sino’ng Crystal? Don’t tell me, si Crystal na nasa isip ko?” nagdududang tanong nito.
Tumango siya at pinahid ang luha saka bumaling at pilit na ngumiti sa waiter na may dala ng pagkain nila. Hindi naman iyon pinansin ni Lulu na tila na-shock sa sinabi niya.
“Wait! You mean, magkasama roon sina Duncan at Crystal at…siya ang dahilan ng paghihiwalay n’yo?”
Tumango lang siya bilang sagot. “B.. buntis si Crystal,,” halos bulong na sambit niya.
“What?!” bulalas nito na muli na naman napatingin sa paligid saka nahihiyang ngumiti sa katabi nila sa kabilang table.
“Pero hindi raw sa kanya ‘yon.”
Marahas itong bumuntong hininga saka pa-sarkastikong tumawa. “Of course, sa ngayon hindi niya aaminin na sa kanya ‘yon.. That bastard! Paano niya nagawa sa ‘yo ‘yon?” galit na litanya nito.
She took a deep sigh and smiled wryly. “Maybe he fell out of love…”
“Besh, alam natin kung gaano ka kamahal ni Duncan… Higad lang talaga ang Crystal na ‘yon! For sure, sinundan niya roon ang pinsan ko at sinamantala na magkalayo kayo,” sunod sunod na litanya nito. “Pero bakit ka pumayag? For sure, Duncan didn’t mean it. Baka naguluhan lang siya o baka nalilito dahil nga matagal kayong malayo sa isa’t isa habang nandoon sa tabi niya ang malanding babaeng iyon.”
Ngumuso siya saka umiling. “Kilala ko si Duncan. Alam ko kung kailan siya seryoso at sigurado sa isang bagay.”
Gusto niyang sabihin dito ang lahat ng mga masasakit na salitang sinabi nito sa kanya pero pinili na lang niyang sarilinin ang lahat ng iyon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang awang nararamdaman niya sa sarili tuwing maalala iyon at alam niyang ganoon din ang mararamdaman ng kaibigan.
“’Wag ka ng mag-alala, kaya ko naman ‘to. Bukas o makalawa, malilimutan ko rin ang gagong pinsan mo,” aniya na pilit pinatatag ang boses at bahagya pang ngumiti.
Nakasimangot namang tiningnan siya nitong mabuti. “Paano mo nakakayang ngumiti? You shouldn’t have let him go that easily. Don’t let them live the life together they don’t deserve. ‘Wag mo silang hayaan na maging masaya at your expense, Alena… Fight for your yourself, for your love.”
Kinagat niya ang labi saka malungkot na tiningnan ito. “Tapos na, Lulu. Divorce na kami. We’re already free from each other. Besides, ayokong ipilit ang sarili ko sa isang taong kayang kaya akong ibasura. He doesn’t deserve me—”
“Pero ikinasal kayo, mag-asawa kayo. Hindi lang basta mag-jowa lang kayo na sa simpleng panghaharot lang ng isang higad ay magbi-break na at mag-aayawan na.”
Tumawa siya ng mapakla saka nilaro-laro ang straw sa baso. “Nakalimutan mo na ba na kasal lang kami sa papel? We didn’t live any single day or night as a couple. I’ve been in the US twice, una para magpakasal the next morning pinauwi niya ako rito, pangalawa, para i-divorce with same scenario. We didn’t even share the same bed…”
Napatigil siya nang maalala ang nangyari sa kanila sa penthouse nito. Napatingin siya kay Lulu na matamang nakamasid sa kanya. She averted her gaze habang ramdam niya ang pag-init ng mukha niya. She avoided to share what happened that night. That special night.
Aaminin niya na isa iyon sa hindi niya malilimutang karanasan. She hates Duncan but she can’t deny the fact that she still loves him and the night they shared was the most wonderful thing she could add to their happy moments.
“Nakakatawa, ‘di ba? Para lang kaming naglaro at nag-aksaya ng dalawang taon para sa wala… So, tell me. Anong ilalaban ko bilang asawa? Ang kapirasong papel na napakadaling ipawalang bisa?”
“But you have the right to stay and stick to that marriage. At least, give yourselves enough time to think it over. Malay mo, there is still a chance.”
She slightly smiled. “Alam kong nabigla ka rin sa mga nangyayari but it’s done. Wala na kami.. Mabuti na rin ‘yon habang maaga pa ay bumitaw na kami sa isa’t isa. Habang hindi pa malalim ang sugat…”
Siguro, hindi lang talaga kami itinadhana para sa isa’t isa. Nangyayari naman talaga ‘yon. Sobrang hirap lang tanggapin na halos ikamatay ko na pero wala akong magagawa kundi pag-aralang mabuhay na wala siya.
Bumuntong hininga ito saka malungkot na umiling iling. “So, anong plano mo? Saan ka na titira ngayon?”
“Maghahanap muna ako ng trabaho at apartment na pwede kong malipatan. Pero sa ngayon ay kay Papa muna ako uuwi para maalagaan ko muna siya.”
“Wala bang ibinigay sa ‘yo ang magaling kong pinsan?”
“Marami... bayad siguro. May condo, pera at mga kung anu-anong alahas,” aniya saka umiling. “Hindi ko kailangan ang lahat ng galing sa kanya—”
“Pero kailangan mo ‘yon para makapagsimula kang muli.”
She firmly shook her head. “No! Magsisimula ako sa sarili ko. Kaya kong buhayin ang sarili ko na hindi kailangan ang anumang suporta galing sa kanya. He dumped me. At kung tatanggapin ko ang lahat ng iyon ay pagaanin ko lang ang loob niya."
“Pero paano ang pagpapagamot ng Papa mo?”