Nasapo niya ang ulo nang kumirot iyon dahil sa bigla niyang pagbangon. Sumandal siya sa head board ng kama saka pumikit nang muling maalala ang nangyari nang nagdaang gabi.
Pinilit niyang palakasin ang loob bago lapitan ang kinaroroonan ng asawa at ng babaeng kaharutan nito sa party.
Dala ng nainom na alak ay nagawa niyang makaagaw ng atensyon ng mga bisita roon pagkatapos niyang makilala ang babaeng kausap nito.
It was Crystal Buenafe, Duncan’s first girlfriend.
Na hindi niya maintindihan kung bakit at paano nangyari na naroon din ito kung nasaan ang kanyang asawa.
Hindi niya napigilan ang sarili sa matinding selos na naramdaman ng mga sandaling iyon. Dahil alam niya na malaki ang naging puwang ng babaeng iyon sa puso ni Duncan.
They were high school sweethearts at unang heartbreak ni Duncan when he found out that she was cheating on him.
Lingid iyon sa kaalaman ni Duncan na aware siya sa past relationship nito kay Crystal from the very beginning to its bitter end. And she only learned about it through Lulu na best friend niya at pinsan naman ni Duncan.
She knew she got misunderstood on her action. At siguro ay naipahiya niya ang asawa niya sa harap ng mga empleyado nito dahil sa palitan nila ng maaanghang na salita ni Crystal. Pero siya ang asawa at hindi siya martyr para umiyak na lang sa isang tabi habang pinapanood itong nakikipaglandian sa iba.
But Duncan remained silent the whole time. Kahit nang pilitin siya nitong iuwi sa penthouse nito ay wala siyang nakitang masamang reaksyon mula rito.
Pero hindi sa paraan ng pag-angkin nito sa kanya kagabi.
Hinaplos niya at nakagat ang kanyang labi nang muling sumagi sa isip niya ang mainit na gabing pinagsaluhan nila.
Funny it seems but that was her first time. Siya siguro ang kauna-unahang babaeng may asawa na nanatiling birhen sa loob ng dalawang taon.
Kaya’t hindi niya makakalimutan ang gabing iyon at kung ilang ulit siyang inangkin ng asawa sa buong magdamag.
Napangiti siya at mahigpit na napahawak sa comforter na nakabalot sa katawan niya. She felt the ravage on his kisses and touch at first pero kalaunan ay napalitan iyon ng ibayong ligaya at saya.
At hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang mga yakap at halik nito.
Kinuha niya ang unan na ginamit nito at nakangiting inamoy-amoy iyon saka kinikilig na niyakap. Pagkatapos ay mabilis siyang bumangon at naligo.
Nag-ayos siyang mabuti at ilang beses na sinipat ang sarili bago lumabas ng kwarto upang siguraduhin na maganda siya sa pagharap sa asawa.
Paglabas niya ng kwarto ay muntik pa niyang mabunggo si Beverly.
“Good morning, Madam. I was just about to check on you.”
“Good morning, Beverly,” nakangiting tugon niya. “Do you need anything?”
Umiling ito. “Pinapatawag ka ni President sa study room niya after you had your breakfast daw,” anito na kumindat pa sa kanya.
Napangiti naman siya at tiningnan itong mabuti. Mukha naman itong friendly at sa una lang masungit pero naisip niya na siguro ay dahil din sa asawa siya ng boss nito kaya nagbago ang pakikitungo sa kanya.
Hindi niya na pinansin ang utos nito na mag-agahan muna siya. She wanted to see and talk to her husband before doing anything.
Kumatok muna siya pero hindi na niya hinintay na sumagot ito at tuluyang pumasok.
Naabutan niya itong nakatalikod sa gawi niya at nakaharap sa glasswall habang may kausap ito sa telepono.
Agad naman itong nagpaalam sa kausap at humarap sa kanya. Sandali siyang pinagmasdan nito saka seryosong naupo sa likod ng malaking mesa nito.
She slightly twisted her lips and watched his cold aura but didn’t pay much attention to it. Mas nangingibabaw sa kanya ang pamilyar na lakas ng t***k ng puso niya ngayong muling kaharap ang asawa.
“Good morning,” nakangiting bati niya.
Wala siyang narinig na sagot mula rito sa halip ay isang malamig na sulyap ang ibinigay nito sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya pero pinilit niyang balewalain ang malamig na pagsalubong nito sa kanya.
“Babe—”
“I only have few minutes to discuss with you my offer,” anito dahilan para hindi niya maituloy ang sasabihin.
“Offer?”
Muli itong napatingin sa kanya na unti-unting kumunot ang noo.
“Have you received an email from my secretary?”
She got an email two days ago informing her to get here asap pero dahil sa sobrang excitement niya ay hindi na niya nagawang buksan ang attachment sa email na iyon.
“Y..yes,” nauutal niyang sagot.
“Good,” anito habang tinatapik-tapik ang daliri sa ibabaw ng table habang matalim ang titig sa kanya. “In that case, wala na pala tayong dapat pag-usapan. Beverly will give you the necessary documents to be filled out and she will also take care of everything while we’re waiting for the divorce certificate. For the meantime, you can opt to stay here and do anything as you please… If you have further questions, Beverly will definitely know the answer."
Napaawang ang labi niya habang pilit pino-proseso sa utak niya ang mga sinasabi nito. Napasunod ang tingin niya rito nang tumayo ito at kinuha ang susi ng kotse saka naglakad patungo sa pinto.
Hindi niya nagawang sumagot hanggang sa tuluyan itong lumabas. Napapitlag pa siya at saka lang tila natauhan nang isara nito ang pinto.
Ipinilig niya ang ulo saka nagmamadaling lumabas upang habulin ang asawa.
Akmang bubuksan na nito ang main door nang maabutan niya. Hinawakan niya ito sa braso upang pigilan saka humarang sa harap nito.
“Anong divorce? Can you please tell me what’s going on? Pinapunta mo ‘ko rito just to ask me for a divorce?” aniya na hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula rito. “No! You didn’t ask me. You’ve decided for us… Am.. I right?... Sabihin mo sa ‘kin, babe. Mali lang ako ng pagkaintindi, ‘di ba?” may halong pakiusap na tanong nito. Naguguluhan siya at umaasam na hindi totoo ang mga narinig niya.
Walang emosyong tiningnan siya nito. “You perfectly heard it right, Alena. We’re done. It’s over,” mababa ang boses na sagot nito. Binitawan niya ang braso nito saka umurong habang umiiling at mapaklang ngumiti. Pati ang pagsambit nito sa pangalan niya tila kasing lamig ng yelo.
“Dahil ba kay Crystal? Bakit pinatagal mo pa? Napaka-unfair mo! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa ‘kin ngayon, ha? Duncan?”
Hindi niya na napigilan ang mapaiyak sa sobrang sama ng loob. Pakiramdam niya ay dinaganan ng kung anong malaking bagay ang dibdib niya sa sobrang bigat ng pakiramdam niya.
“Why?” nanunuyang tanong nito na mabilis na lumapit sa kanya at hinawakan siya nang mahigpit sa braso at galit na sinalubong ang mga mata niya. “What did you expect? Na pinapunta kita rito to reunite with you and do my job as a perfect and loving husband to you while playing along with your pretentions and lies?”
Napakagat siya ng labi habang tinitiis ang sakit ng pagbaon ng kamay nito sa braso niya.
“Wh.. what do you mean?”
“Stop playing like an innocent fool, Alena! It’s over,” anito na habang nag-iigting ang mga panga.
Nakaramdam siya ng takot sa nakitang poot sa mga mata ng asawa. Sa mahabang panahon na nakasama niya ito ay ngayon lang siya tiningnan nito na tila isa siyang kaaway.
“Babe, please! Pag-usapan naman natin ‘to. May ginawa ba akong mali? Kung dahil iyon sa nangyari kagabi, I’m sorry. Sobrang nagselos lang ako kay Crystal…"
Napangiwi siya ng lalo nitong hinigpitan ang hawak sa braso niya.
“This has nothing to do with Crystal. These are all between you and me and this f*cking marriage!”