Kakatapos kong mag-empake sa mga dadalhin ko. Mamayang alas tres ng hapon ang flight ko patungong Jordan. Tuloy ang pag-alis ko. Dininig ng Panginoon ang panalangin kong makapasa sa bawat exam nakailangan upang makapag trabaho sa ibang bansa bilang isang OFW. Hindi din madali lang lahat. Kahit sabihing gastos ng agency ang lahat, kailangan mo pa ring maglabas ng pera para sa mga personal kakailangain. Mabuti nalang at laging nasa likod ko si Marianne na laging sumalu tuwing gipit ako at walang kapera-pera.
"Anak, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong ito? Di kana talaga mapipigilan?" Nalulungkot na sabi ni nanay Rosa sa sa akin.
"Opo, nay. Ito lang ang tanging naisip upang makaraos tayo sa hirap." Sabi ko sa kanya.
"Malulungkot na ng bahay dahil wala kana dito." Sabi ni nanay Rosa.
"Hindi naman ako mawawala, nay. Magtrabaho lang ako. Uuwi din naman ako dito kapag tapos na ang kontrata ko doon." Pampalubag-loob ko kay nanay.
"Basta, mag-ingat ka doon anak, ha? Kapag oras ng pahinga, magpahinga ka. Wag abusihin ang katawan. Walang mag-aalaga sayo doon kapag magkakasakit ka." Bilin ni nanay sa akin.
"Opo, nay. Tatandaan ko po ang lahat ng bilin mo." Naiyak na sabi ko sa kanya.
"Payakap nga, anak." Sabi ni nanay at kinabig ako upang mayakap niya. "Malaki kana talaga, anak ko. Kaya mo nang mawalay sa amin. Ingatan mo sarili mo, ha? Lagi kang magdasal upang gabayan ka Niya sa mga ginagawa mo. Maghanap ka nang church doon para makapagsimba ka kahit hindi linggo-linggo basta laanan mo ng oras yon anak ah?" Bilin ulit ni nanay. Napatulo ang luha sa mga bilin niya. Ngayon palang nakaramdam na ako ng lungkot na malalayo sa kanila.
"Opo, nay. Opo." Sabi ko saka kumalas sa yakap niya. "Ano bayan, nay. Pinaiyak mo naman ako." Sabi sabay pahid sa mga luha ko. Natawa naman si nanay kahit may luha din sa mga mata nito.
Oh, sya. Tapusin mo na ang pag-empake mo at ihanda ko lang ang lamesa. Pauwi na mga kapatid mo. Sabay-sabay tayong kakain. Tapos si Jerod ang maghatid sayo sa agency mo. " Tumango lang ako sa sinabi ni nanay.
Lumabas na ito sa kwarto namin habang ako ay pinagpatuloy ang pag-empake ng damit. Wala naman akong masyadong gamit kaya sobrang laki ang space ng malita ko. Pinahiram pa ito sa akin ni Marianne, kaya kailangan kong ingatan to upang masauli ko pa sa kanya pagdating ng panahon. Nang matapos ako ay nagbihis na din ako bago tuluyang lumabas sa kwarto namin dala ang malita ko.
"Tapos kanang mag-empake te?" Tanong ni Allen ng mabungaran ko siya sa kusina. Busy ito sa paghahain ng tanghalian namin.
"Oo, pagkatapos nating kumain, aalis na ako. Nandito na ba si Jerod?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, sabay kaming.dumating kanina, lumabas lang saglit may bibilhin daw sila ni nanay saglit." Sagot nito sa akin.
Tumango naman ako ta pumupwesto na sa upuan. Saktong dumating sina nanay at Jerod na may dalang pansit at maliit na cake.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Wala lang ate. I celebrate natin saglit ang pag- alis mo. Kaya dapat masarap ulam natin at may cake dapat." Si Jerod ang sumagot non.
"Kayo talaga nag abala pa kayo." Sabi ko at nakangiting tiningnan ang cake. May nakagalay na 'KEEP SAFE ALWAYS ATE'. "Awh, ka touch naman, papaiyakin nyo ba ako?" Natatawang sabi ko ngunit parang piniga ang puso ko sa sitwasyon.
"Lagi mong tandaan, ate. Malayo ka man sa akin. Nandito lang kami, naghihintay sa pagbabalik mo." Sabi ni Jerod sa akin.
"Syempre naman, sa inyo ako uuwi dahil kayo ang pamilya ko. Anuman ang mangyari sa inyo ako babalik. Para sa inyo kaya ko ito ginagawa." Sabi ko sa kanila.
"Salamat, ate. Ipapangako ko sayo, di masayang ang pagsasakripisyo mo para sa amin." Sabi naman ni Allen.
Tumango lang ako sa kanila. Matapos naming mag emote ay pinagsaluhan namin ang munting handa niya. Nagluto pala si nanay Rosa ng adobong manok na siyang paborito ko at yong dala nilang pansit. Naging emotional tuloy ang pananghalian naming iyon.
Matapos ang tanghalian ay nagpapaalam na ako sa kanila dahil alas dose ang usapan na magkita-kita ang lahat sa agency. Sabay ang lahat na mga mag-OFW papuntang airport. May final instruction pa daw si ma'am Jessa bago kami i deployed sa bansang pupuntahan namin. Tulad nang napag-usapan si Jerod ang naghatid sa akin sa patungong agency.
"Ate, wag kana lang kayang tutuloy." Sabi nito habang nag dadrive ng motor." Nag-aalangang sabi niya na binatukan ko lang.
"Napagastos na tayo ng malaki tapos di tutuloy? Okay, kalang sa sinabi mo, dong?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Kasi naman, ate. Ma-miss ko ang kakulitan mo sa bahay eh. Di kompleto ang bahay kapag wala ka." Sagot niya sa akin.
"Ma-miss ko din kayo. Hayaan mo, isang kontrata lang at kapag makaipon ma tayo. Di na ulit ako aalis. Basta ipangako nyong makapagtapos kayo ng pag-aaral ha? Kaya ko ito ginagawa para sa atin." Sabi ko dito.
"Oo naman, ate. Ayaw din naming masayang ang sakripisyo mo." Sagot niya sa akin.
Pagdating sa agency ay ibinaba lang niya ako at nagpapaalam nang umuwi. Di ko na siya pinigilan pa baka sumama pa ako pabalik ng bahay. Nakaramdam naman ako ng lungkot nang mawala ito sa paningin ko. Pinigilan ko ang luha kong tumulo. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko bago tuluyang pumasok sa agency habang hila-hila ang malita.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni ma'am Jessa.
"Opo." Sagot ng karamihan.
"Good. Just be mindful kapag nandoon na kayo sa mga bansang pagtatrabahuan mo. Remember all the rules and regulations ng agency at OWWA. Ito pa ang isang tatandaan nyo, bawal kayong makipag relasyon kahit kanino man sa mga banyaga lalong-lalo na kapag alam nyong may asawang-tao na. Ayaw nyo namang umuwing kabaong nalang nalang, diba?" Sabi ni ma'am Jessa.
Nagtanguhan naman kaming lahat sa sinabi niya. Isa-isang binigay sa amin ang mga passport at documents namin. Nanginginig akong tinanggap yon. Ito na talaga ang simula ng totoong laban ko. Hinatid nila kami sa airport upang e-assist kami sa mga gagawin naman. Gulat pa ako nang makitang si Marianne ang mag-assist sa aming mga papuntang Jordan ang rota. Bali apat kaming doon ang punta. Yung iba ay sa Kuwait, Qatar at Saudi.
"Excited na ba kayong makalabas ng bansa?" Tanong sa amin ni Marianne.
"Parang gusto kong magback-out ma'am." Sabi ni Belen. Isa sa mga kasama ko.
"Bakit naman? Kung kailan nandito na kayo? Paglipad nalang ang kulang at makakatapak na kayo sa ibang bansa." Tanong ni Marianne. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"Di ako sanay na malayo sa anak ko ma'am. Diyos ko, limang taon palang ang anak ko." Emotional na sabi ni Belen.
"Naintindihan ko ang nararamdaman mo, ma'am Belen. Normal yan sa mga tulad mong may pamilya. Lalo na at may anak tayong maiiwan." Panimula ni Marianne sabay tingin sa amin. "Tanungin ko kayo, ano ba ang rason bakit tayo nandito? Ano ba ang dahilan mo kung bakit ka makipagsapalaran sa ibang bansa. Para kanino ito, kaya mo ito ginagawa? Kapag may pagdadalawang -isip tayo sa isang bagay, lagi nating iisipin ang simula, ang rason, ang dahilan kung bakit natin gagawin ang bagay na iyon. Kung worth it ba ang resulta kapag ipagpatuloy natin yon." Mahabang sani ni Marianne.
Bilib ako sa kaibigan kong ito. Hindi ito nauubusan ng payo gaano man ka kumplekado ang sitwasyon. Sakto sa kanya ang trabahong ito dahil sa angking galing niyangagkilatis ng tao at pagbibigay ng mga payo. Nakarating kami sa airport na puro word of wisdom ni Marianne ang narinig namin.
"So, girls. Sa pagtapak nyo sa eroplano na magdadadala sa inyo sa lugar kung saan kayo patungo, dalangin ko na kayo ay magtatagumpay. At inyong pagbabalik sanay makikita ko na ang ngiti sa inyong mga mata. Good luck sa inyo. Amd have a safe trip." Sabi ni Marianne sa amin.
Matapos mag check in ay deritso na kami sa departure area. Di nagtagal ay tuluyang ng kaming makapasok sa eroplano at ng mag take-off ito ay ipinikit ko ang mga mata ko, kasabay ng isang maigting kong panalangin na sana tama ang naging desisyon ko. Wala sanang mangyayaring masama sa akin at sa mga kasama ko. Na kahit nasa malayo ako ay laging nasa mabuting kalagayan ang pamilya ko. Na kaya ko ito ginagawa upang mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Humiling din ako ng gabay sa Panginoon upang gabayan niya ako sa lahat ng ginagawa ko.