bc

Jernibabe's Fate

book_age18+
1.3K
FOLLOW
16.8K
READ
possessive
fated
dominant
sensitive
drama
tragedy
first love
affair
surrender
substitute
like
intro-logo
Blurb

Nagpunta si Jernibabe sa ibang bansa di para magligaliw kondi magtrabaho. Ang dahilan kung bakit siya nagtrabaho sa ibang bansa ay dahil wala tumanggap sa kanya ng trabaho dito sa bansa kahit pa siya ay College graduate pa siya.

Dito niya nakilala ang isang Nathaniel Blaze Al Omari Monteverde, isang half Jordanian- Filipino na asawa ng isang may dugong bughaw mula Jordan. Ang mag-asawa ding ito ang magiging mga amo niya sa kanyang pagtatrabaho sa bansang Jordan.

Sa kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, matatagpuan kaya niya ang kanyang minimithi? or Kabiguan parin ang kanyang makakamtan?

Subay-bayan natin ang storya ng buhay ng isang Jernibabe Meraculos.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nandito ako sa isang malaking mall, sobrang daming tao. Halos mapuno ang ang space kong saan ako nandito. Nakatayo lang ako dito naghihintay ng turno ko. Dati dalawa kaming pumipila pero dahil nakapasok na yong isa ng trabaho mag-isa ko nalang tong ginagawa. Hindi naman ako nandito upang magligaliw kundi magbabasakali na may mahita akong trabaho. May job fair kasing naganap dito sa mall. Taon-taon ito nagaganap sa mall na ito tuwing sasapit ang Mayo uno ng taon kasi araw ng mga mangagawa or yong tinatawag nilang Labor Day. Taon-taon ko na din ginagawa sumula ng akong makagraduate last 2018 pero hanggang ngayon ligwak pa din ako. Every time may interview ako, lagi nalang nilang sinasabi na hintayin ang tawag ng HR pero lumipas nalang ang buwan walang tawag na natanggap.Aminado naman talaga ako na may kulang sa akin. Maliban sa di ako masyadong makakarinig kung sobrang hina ng boses nila, Oo, may kapansanan ako sa pandinig. Wala ako nong sinasabi nilang pleasing personality, sino ba naman ako, isa lang simpling babae, plain, at walang kakulay-kulay ang mukha. Di ko naman afford bumili na kahit lipstick man lang ay di kayang bilhin. Tanging pulbo lang ang pinahid ko sa mukha ko upang di maging oily ang pagmumukha ko kapag haharap sa mga interviewer. Sa totoo lang halos mawalan na ako ng pag-asang makapagtrabaho ng matino. Nakapagtrabaho naman ako kahit paano pero di talaga ako nagtatagal doon kasi lagi akong na judge ng mga kasamahan ko sa trabaho or ng mga amo ko mismo di man nila sinasabi ngunit ramdam ko ang pagiging di nila gusto sa akin. Siguro dahil sa kapansanan ko kaya mabilis kong ma detect kung gusto nila ako o hindi. Ika nga nila, action speck louder than words. Aminado akong nasasaktan ako dahil doon lalo na at malapit din sila sa akin. Wala na rin naman akong magawa kondi i let go yon, I still believe in God's word. Wait for the right time and God will provide you with what you deserve. Kaya kahit pagod, frustrated, at gusto ko nang susuko, tuloy pa rin ako because I know someday datating din sa akin kung ano ang para akin. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng interview ko. As usual "we will call you after two weeks" parin ang sabi nila matapos ang interview. Bagsak ang balikat kong sumakay ng jeep pauwi ng bahay. Kinuha ko ang skyflakes na nasa bag ko ng makaramdam ako ng gutom. Nakalimutan kong di pala ako nakapagtanghalian man lang. Wala din man akong sapat na pera upang bumili ng pagkain kasi ang mamahal ng mga pagkain sa mall kaya tiniis kong di kumain ng lunch. Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Nanay na nagtutupi ng damit na nilabhan niya. Di amin ang damit na yon kundi sa kapitbahay naming nagpapalabada sa kanya. "Mano po, Nay." Sabay abot ng kamay niya. "Kaawaan ka nang Diyos, Anak. Kumusta ang lakad nak?" tanong niya. "Tawagan lang daw ako nay kapag ma hired ako." Sagot ko sa kanya na napabungtong hininga. "Makakahanap ka din anak, Wag kalang magmamadali kasi minsan sa kakamadali mo dyan ka pa mapapahamak." Paalala ng nanay ko. "Naawa na kasi ako sayo nay, kung may matino lang akong trabaho, di kana maglalabada ngayon. Ako na sana ang bubuhay sayo at ng mga kapatid ko. Pero tingnan mo tung nagyayari sa akin, hanggang ngayon palamunin parin ako ako. Di na din ako naging mabuting halimbawa ng mga kapitbahay dito sa atin. Nakapagtapos daw ako wala naman trabaho. Ano daw silbi ng pagiging college graduate ko kung di ko kayo kayang iahon sa hirap. Kaya daw mga anak nila ayaw nang mag-aral kasi ako sinisi nila. Nakapagtapos daw pero walang trabaho. Sobrang nakakapaghina ng loob na di ako naging mabuting halimbawa sa kanila. Na lagi nila akong kinokumpara sa mga anak nila aling Tissy na naging supervisor na eh mas una akong gumagraduate ng college kysa doon.'' Di ko maiwasang maging emotional ng sabihin ko yon kay nanay. Parang naipon lahat ng mga hinanakit ko sa buhay mg sabihin ko yon sa nanay ko. "Anak, makinig ka. Di pa ito ang tamang pahanon para sayo. Kung di ngayon, may bukas pa. Kung hindi bukas, sa makalawa or sa susunod pa. Hanggat nandito pa tayo sa mundong ibabaw may pag-asa pa tayo. Hindi man natin ito nakakamtan ngayon, malay natin sasusunod mahawakan din natin ang ating mga mithi sa buhay. Siguro di pa ito ang tamang panahon, ngunit alalahin mo, alam ng Diyos kung anong ninanais ng puso natin. Maniwala lang tayo sa Kanya. Kasi higit sa lahat Siya ang nakakaalam kung anong nakakabuti sa atin. Naintidihan mo ba ako nak?" Napatango ako sa sinabi ng nanay ko. Tama nga naman si nanay. alam ng Diyos kong anong mas nakakabuti sa lahat. Matapos ng pag-uusap namin ni nanay ay tinulungan ko siya sa mga tupiin niya upang maihatid na niya kay Aling Marina. Pagkatapos non ay ako na ang nag-asikaso dito sa maliit na kusina namin. Ako ang nagluluto ng hapunan namin kasi alam kong pagod na si nanay at paparating na ang mga kapatid ko galinh sa swela. Ulila na kami sa ama dahil namatay si tatay noong ako'y nasa ikalawang taon ng college kaya mag-iisa nalang kaming itinaguyod nanay ko. Paminsan minsan, rumaraket din ako para lang matustusan ang mga pangangailangan ko sa swela. Kahit naman scholar ako sa munisipyo namin, may mga bayarin parin at allowance pa na di na kayang tustusan ng nanay ko. Matapos makaluto ay sakto namang dumating ang dalawa kung kapatid kasama si nanay. Nadaanan yata nila si nanay sa daan kaya sinabay na nila. Nakamotor kasi sila pundar pa yon ng tatay ko bago siya pumanaw. Kahit paano nakakatipid mga kapatid ko sa baon araw-araw dahil di na nila kailangan pang mamasahi patungong paaralan. "Tamang-tama, luto na ang hapunan. Hali na kayo at maghapunan na tayo para maaga tayong makapagpahinga." Sabi ko sa kanila. "Anong ulam te?" tanong ni Jerod, ang pangalawa kong kapatid. "Laswang malunggay lang at pritong tuyo." Sagot ko sa kanila. "Anong lang? nila lang mo lang ulam natin? masarap kaya to at maraming vitamins." Kontra ni Jerod sa akin. "Oo nga te, marasap to.'' Sabat naman ni Allen. "Anong nakain 'nyo at tudo puri kayo sa niluto?" Nagtatakang sabi ko sa kanila. Sabay silang napabuntong hininga. "Nasabi sa amin ni nanay na naging emotional ka daw kanina mula sa paghahanap mo ng trabaho.'' Sagot ni Allen. "Ate, wag kang ma pressure dahil lang di ka nakapagtrabaho agad. Kahit naman kapos tayo. nakakakain parin naman tayo tatlong beses sa isang araw ah. Wag mong pansinin mga kapitbahay nating mga walang inaatupag kundi mikimarites lang. Di naman sila ang nagpapakain sa atin ah." Sigunda ni Jerod. "Kasi naman nakakahiya na eh, " Sagot ko. "Anong nakakahiya? Mas nakakahiya yung nagbebenta ng aliw sa club para lang magkapera ewh." Sabi naman ni Allen, kondi lang to babae iisipin kong bakla to. Kung maka ewh ba naman daig pa ang bakla. "Oh sya tama na yan, kakain na tayo." Sabi ni nanay ng pumasok sa kusina. Kanina pa pala siya nakikinog sa usapan naming mag kapatid. "Ikaw Jernibabe, wag kang makikinig sa sabi-sabi ng mgakapitbay natin. Importante wala kang ginawang masama at lalong wala kang inapakang tao. Hayaan mo na ang mga anak ng kapitbahay nating mga tamad. Sa bandang huli, magsisi din sila na di sila nag-aral ng mabuti. Kaya kayo, Jerod ,Allen pagigihan nyo ang pag-aaral dahil yan lang ang tanging maipabaon ko sa inyo pagdating ng panahon." Sermon ng nanay sa amin. Tumango nalang kaming magkapatid at pinagpatuloy ang pagkaim namin ng haponan. Lihim akong nanalangin na sana darating ang araw na mairaos ko ang pamilya ko sa hirap. Yong kaya kong bilhan sila ng kong anuman nais nila. Yomg maranasan naming makatira sa isang kontretong bahay. Almighty God, please guide me for all the things I'm going to do. I know I can do anything with your help dear Lord. Protect me and my family. Thank you for your grace and Mercy. In Jesus name, Amen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook