"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. We are now approaching Queen Alia International Airport. Thank you for choosing Air Asia flight 143 from the Philippines to Jordan. Have a nice day." Anunsyo ng pilot sa aming mag pasahero. Napatuwid ako ng upo dahil ilang minuto nalang maglanding na ang sinakyang eroplano. Pinatunog ko yong mga buto-buto ko sa katawan. Sa haba ba naman ng biyahe namin parang namanhid ang buong katawan ko. Mahigit labing pitong oras ba naman ang byahe namin mula sa Pilipinas. Nag stop over pa sa United Arab Emirates bago tuluyang lumapag sa Amman, Jordan. Saka lang ako makaramdam ng gutom ng tuluyan kaming makarating sa departure area. May mga biscuit naman kaming dala. Pantawid gutom dahil ang mahaba ang byahi namin. Iba pa din kasi kung kanin an