CHAPTER 3

1214 Words
Maggagabi na ang makauwi kami ni mama mula kina aling Marivic. Nagulat pa kami ng madatnan namin si Marianne na nakaupo sa kawayan naming upuan. "Oi, Marianne. Nandito ka pala. Maligayang kaarawan." Bati ni nanay sa kanya. Tumayo naman si Marianne at nagmano kay nanay. "Salamat po. Aling Rosa." Sabi niya kay nanay. "Ano palang atin, Ann at napagawi ka dito?" Tanong ni nanay sa kanya. "Napag-usapan kasi namin ni Jernibabe kanina na lalabas kami dahil birthday ko." Sagot ni Marianne kay nanay. "Ganon ba? Sige, mag-ingat ko sa pupuntahan nyo ah? Wag kayong masyadong magpapagabi." Bilin ni nanay sa amin. "Walang problema po. Aling Rosa." Sagot ni Marianne sa kanya. Nagbihis lang ako saglit at pagkatapos ay gumayak na kami ni Marianne. Sa isang korean restaurant niya ako dinala. Gusto daw niyang matiknan ang mga lutong korean. Kaya wala akong choice kondi ang sumang-ayon sa gusto niya. Siya naman daw ang may maglibri kaya walang problema. Ganon paman, nagdala pa rin ako ng pera kung sakaling kulangin siya. Masaya kaming pinagsaluhan ang order niyang korean food habang nag usap-usap kung anong nangyayari sa mga buhay namin nitong mga nakalipas na taon. "Nga, pala. Kaya kita inaya dahil may sasabihin ako sayo, Beb." Biglang sabi ni Marianne sa akin. "Ano yon, Mar?" Curious na tanong ko sa kanya. "Diba naghahanap ka ang trabaho?" Sabi niya sa akin. "Oo. Lagi naman akong naghahanap ng trabaho, ah?" Dinaan ko nalang sa biro ang pagsagot ko sa kanya. "May orientation kami sa susunod na araw. Baka gusto mong mag-orient. Yon nga lang, willing ka bang mangingibang bansa? Parang katulong ang trabaho mo doon. Okay lang ba sayo yon? May pinag-aralan ka kasi kaya nagdadalawang isip ako kung i offer ko to sayo or hindi." Imporma ni Marianne sa akin. "Kailan ba yan, Mar? Subukan kong umattend ng orientation. Baka magustuhan ko." Intrisadong wika ko. "Sigurado ka? Baka napilitan ka lang dahil kaibigan mo ako." Nag-aalangang sabi niya sa akin. "Hindi, Mar. Napag-isip ko na kung wala dito ang kapalaran kong makapagtrabaho, bakit di ko subukan sa labas ng bansa." Sabi ko kay Marianne. "Sige, reserbahan kita ng set sa orientation. Makinig ka lang naman kung sakaling magbago ang isip mong wag nang tutuloy, pweding-pwede ka pang umatras." Sabi nito sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Marami pa kaming napag-usapan bago namin naisipang umuwi na. Medyo tipsy na kami dahil sa sojo na ininom namin kanina. Nag-taxi kaming dalawa pauwi. Ako ang unang bumaba dahil mas unang madaanan ang bahay namin kaysa kanila. Tahimik na ang bahay ng makauwi ako. Malamang tulog na sina mama at mga kapatid ko. Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto naman at tumabi kina Allen sa lapag. Oo, sa lapag lang kami natutulog. Wala kasi kaming kama kay nagtitiis kami sa lapag mabuti nalang at kahit paano nakabili ako ng foam kaya di masyadong masakit ang ang likod namin kapag kami ay matulog. Bago natulog nagdasal muna ako tulad ng lagi kong nakagawian. ----- Nandito ako sa agency na pinagtrabahuan ni Marianne. Ngayon amg araw ng orientation na sinasabi niya. Alas nuwebe pa naman orientation ngunit wala pang alas otso ay narito na ako. Sumabay kasi ako sa mga kapatid papuntang palengke. Papasok kasi sila sa paaralan nila. At dahil naka-motor sila, sumabay nalang ako. Sayang ang pamasahe kung mamayang alas otso pa ako aalis. Nagtaka nga si nanay bakit ang aga ko. Sinabi ko nalang na may pupuntahan pa akong iba kaya kailangan kong sumabay sa kanila. "Oh, kanina ka pa?" Tanong ni Marianne sa akin nang madatnan niya ako sa labas ng opisina nila. "Oo. Sumabay ako sa mga kapatid ko papuntang palengke. Sayang pamasahe." Sagot ko sa kanya. "Ikaw talaga. Di parin nawawala ang pagiging matipid mo." Natatawang sabi niya. "Syempre naman. Sa hirap pa naman ng buhay, kailangan magtipid." Sagot ko sa kanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko. Inaya niya ako doon sa orientation room kung saan gaganapin ang bawat orientation ng mga aplikante. Tulad ng inaasahan ako palang ang nauna doon kaya wala akong magagawa kundi ang maghintay pa ng ilang oras. Hindi naman ako mainipin dahil sanay akong maghintay. Nang mag aalas-otso emidya na ay unti unti ng mapuno ang ang silid. Di nagtagal ay simimulan na ang orientation. "As of now, ang mga bansang ito ang mas nangangailangan ng maraming OFW, kung sakaling disidido kayo sa nais niyo at makapasa kayo lahat ng aspeto mula sa NC II exam for house keeping hanggang sa physical examination ay dito kayo possibling madistino. Qatar, Kuwait, Saude Arabia, Jordan at Bharain." Patuloy na pag discuss nong nag orient sa amin. Napatango-tango naman kami sa kanyang sinabi. "Ma'am, paano ang sweldo namin dito." Tanong ng isang babae. "As I said, kanina. Free accommodation at pasaporting sa mga wala pang passport at allowance sa araw ng pag-alis nyo. Yong sweldo nyo ay nakadepende sa kung saan kayong bansa mag-base ngunit hindi yon bababa sa 400 dollars per month." Paliwanag nito sa amin. Napatango naman kami sa sinabi niya. "Anymore, questions? Clarifications?" Tanong nito sa amin. Kaya magtaas ako ng kamay. "Ma'am, paano kong bumagsak kami sa isa sa mga physical examination?" "I'm sorry to tell, pero di ka maaring makapagtrabaho sa labas ng bansa." Sabi ni to sakin. Para naman akong naghihina sa sinabi nito. "Pero let's pray lang na lahat kayo ay pumasa para hindi sayang ang effort both agency and you." Sabi pa nito. Nagtanguhan kami sa sinabi ng nag orient. Natapos orientation mag-aalas dose na ang tanghali. Paglabas ko sa orientation room, nakatambay na pala si Marianne. "Kumusta ang orientation?" Tanong agad niya sa akin. "Ayos lang." Sagot niya sa akin. "Lika, kain tayo ng lunch." Aya niya sa akin. "Oi, wala akong baon. Sa bahay nalang ako." Tanggi ko sa kanya. "Ano ka ba. Akong bahala." Sabi niya saka ako hinila palabas ng opisina nila. Nagpatianod nalang ako sa nais niya. Pumasok kami sa isang fast food chain, ang Chowking na nasa tapat lang ng opisinang pinagtatrababuan niya. Omorder siya ng chowpan with coke at halo-halo. "So, ano sa tingin mo? Kaya mo bang lumabas ng bansa para doon ka magtrabaho?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Parang ang hirap namang makalabas." Sabi ko sa kanya. "Ano ka ba. Madali lang yon. Ako bahala sa reauirements mo. Basta kumplituhin mo lang yon. Wala namang problema sa gastusin kasi sagot ng agency ang lahat." Pang-enganyo niya sa akin. "Paano kung bagsak ako sa general check up?" Tanong ko sa kanya. "Bakit sakitin kaba?" Ganting tanong niya. "Hindi. Pero alam mo namang mahina ako sa pandinig." Sagot ko sa kanya. "Wag mo munang isipin yan. Ang isipin mo kung paano pumasa. Wag mong pangunahan ang sarili mo. Malay mo, kaya mo pala ang lahat sa kabila ng pagiging mahina mo. Think positive kahit maraming negatibong bagay na nakapaligid." Sabi ni Marianne sa akin. Para naman akong naliwanagan sa mga sinasabi niya. Tama siya. Walang masama kung subukan ko ang mga bagay nakinakatakutan ko. As long as wala akong ginagawang masama. As long as wala akong inaapakang tao. Patuloy akong mangangarap. Hindi lang para sa akin maging sa pamilya ko. Sila ang gawing kong inspiration upang matupad ko ang parangap ko na mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD