CHAPTER 2

1719 Words
Busy ako sa kakalako ng mga tinda kong kutsienta, puto cheese, at shakoy kung saan ako mismo ang naluluto nito. Gumising ako ng alas dos ng madaling araw para lang maluto ang mga ito. Sa pagtitinda ng mga ito ang tanging pantawid ko sa araw-araw naming pangangalingan. Di kasi pwdeng iasa ko kay nanay ang lahat lalo na't di naman kada araw may labada siya. Minsan kasi di ko yon papayagang maglabada dahil mahina na din ang katawan niya at madalas inatake s'ya ng high blood pressure at asthma. Ayaw kong dumating sa punto na siya naman ang mawala sa amin. Habang naglalako ako, di ko maiwasang ang mga marites na mga kapitbahay. Sari-saring attitude ng mga tao ang nakakasaluma ko sa araw-araw kung paglalako. May iba na mga mababait naman, madaling mapakiusapan, at nakikitaan mo ng pagmamalasakit sayo. Ngunit may iba naman nakikitaan mo talaga ng kagaspangan ng ugali lalo yong malalapit lang sa amin. Di ko nalang sila pinapansin, wala naman silang ambag sa buhay ko. Ma stress lang ako kapag papatulan ko pa. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Marianne, kaibigan at kaklase ko dati na ngayon ay nagtatarabaho sa isang recruiting agency. "Hi Beb, kumusta?" Tanong niya sa akin. "Okay lang Mar. Ito kumakayod pa rin mabuhay." Sagot ko sa kanya. "Lahat naman tayo kumakayod para mabuhay. Sa hirap pa naman ng buhay natin ngayon." Sabi naman niya. "Oo nga, eh." Sagot ko sa kanya. "Ano yang tinda mo?" Tanong niya sa akin. Habang inusisa ang paninda ko. "Kusienta, puto cheese at Shakoy." Sagot ko sa kanya. "Sige, magkano lahat? Bilhin ko na." Sabi niya na ikalaki ng mata ko. "Sigurado ka?" Paninigurado niya. "Oo. Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon. Ipa snacks ko to sa opisina." Sagot nito. Napatampal ako sa noo dahil nawala sa isip ko na birthday niya pala. "Sorry, nakalimutan ko. Happy birthday Mar." Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng akin ng malapad. "Salamat Beb." Sabi niya. "At dahil birthday mo, 350 pesos nalang lahat to." Tukoy ko sa paninda ko. Inabutan naman niya ako ng one thousand. "Wala akong panukli dyan Mar." Sagot ko sa kanya. "Sinabi ko bang suklian mo? Keep the change na Beb. Alam kong sobra pa sa one thousand tong paninda mo." Sabi naman nito. "Salamat, Mar." Nahihiyang sabi ko sa kanya. "Walang anuman, Beb." Sagot naman niya habang tinitikman ang tinda ko." Ang sarap mo talagang magluto, Beb." Puri niya sa akin. "Di naman, Mar." Namumulang tanggi ko sa kanya. "Anyway, Beb. Dahil birthday ko. Labas tayo mamaya, ah? Daanan kita sa inyo." Sabi nito. "Huh, saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kain tayo sa labas. My treat. Pasalamat ko din sayo ng mga panahong lagi mo akong tinulungan sa mga project ko sa school." Sabi niya sa akin. "Wala yon, Mar. Magkaibigan tayo kaya normal lang na magtutulungan tayo." Sabi ko sa kanya. "Still, thank you pa rin, Beb. Kung di dahil sayo. Iwan ko nalang." Sabi niya. Magkaiba kasi kami ng course ni Marianne, siya Business Ad major in human resource, samantalang ako ay Office System Management. Ganon paman lagi kaming nagkakasama tuwing break time. Actually, siya ang kaibigan kong kasa- kasama ko dati tuwing naghahanap ako ng trabaho. Pero simula ng magkatrabaho siya bihira nalang kaming nagkasama. Pero di naman kami nawalan ng communication kahit sa social media nalang kami kadalasang nagkumustahan. "Basta, sama ka sa akin mamaya." Sabi niya sa akin. Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Sige, una na ako, Beb. Baka ma late pa ako." Paalam niya sa akin. "Sige, Mar. Salamat dito." Sabi ko sa kanya. "Anytime, Beb. Bye." Sagot naman niya habang nagpapaalam kumaway pa ito habang naglalakad palayo. Napangiti naman akong sinundan siya ng tingin. Masaya ako para sa kaibigan ko. Hindi man ako ako sinuswerte pagdating sa trabaho, may kaibigan naman akong matatakbuhan kapag kailangan ko ng tulong. Pumihit ako patalikod upang umuwi na. Dadaan muna ako sa tindahan upang makabili ng uulamin namin mamaya. "Nay, nakauwi na ako." Sabi ko ng makarating ako sa bahay. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si nanay pero di ko nakita. Si Allen na bunsong kapatid ko ang naabutan kong naghuhugas ng plato sa kusina. "Allen, si nanay?" Tanong ko dito. "Punta daw siya kay aling Marivic te. May ipapalabada sa kanya." Sagot nito sa akin. "Nanay talaga. Ang tigas ng ulo." Sabi ko. "Pinigilan ko nga te. Pero ayaw magpapigil sayang daw ang kita kung tanggihan niya." Sabi naman ni Allen sa akin. "Wala na tayong magagawa. Alam mo naman si nanay basta pera ang pag-uusapan di yan tatanggi sa hirap na ba naman ng buhay. " Sabi ko sa kanya. "Kaya nga, ate." Sagot nito. "Oh, siya pagkatapos mong maghugas lutuin mo tong miswa ah. Pagpapahinga lang ako sandali." Sabi ko dito. "Sige te. Ako ng bahala." Sagot naman nito "Thank you, Allen." Sabi ko naman sa kanya. "Walang anuman te. Tayo nalang ang natira dito kaya dapat lang na magtutulungan tayo." Sagot naman nito sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya bago umalis sa kusina upang makapagpahinga naman saglit sa kwarto namin. Sama-sama lang kaming tatlo dito sa maliit na kwarto. Nang mag-aalas dose emidya na ay bumangon na ako upang mapuntahan si nanay kina aling Marivic upang tulungan sa paglalabada. Di kasi pweding hayaan ko lang siyang mag-isa doon baka maraming labada yon at sasakit na naman ang likod nito. Pagpasok ko sa kusina ay nandito pa rin si Allen. This time, mga libro, notebook, papel, ballpen ang kaharap niya. Grade 12 Senior high school na kasi ito. Di ko nalang siya pinansin upang di ma disturbo ang pag-aaral niya. Ngunit siya naman ang tumawag sa akin. "Ate, baka alam mo to. Patulong naman, di ko mahanap ang sagot eh. Kanina pa ako solve ng solve, iba ang sagot eh." Problemadong sabi niya sa akin. Lumapit naman ako upang tingnan kong anong pinuproblema niya. Math pala yong subject. Kinuha ko yong ballpen niya sa nagsulat sa scratch paper at sinubukang i solve ang algebraic equation na nandoon. Nang matapos tiningnan ko sa choices kong nandoon ang sagot. "Tada! Four ang sagot." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman ang kapatid ko sa papel na may solving ko. "Yay, galing talaga ng ate ko. Salamat te." Masayang sabi niya saka sinulat yong solving ko sa notebook niya. Di ko na kailangan i explain pa dahil mukhang nakuha na rin naman niya paano ko sinusolve ang equation na yon. Matalino naman ang kapatid ko. Kailangan lang na may mag explain, or kaya ay makita niya kong paano kunin ang tamang sagot. "You're welcome. Basta kong may kailangan ka, sabihin mo lang ah? Baka may maitulong ako." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. Ako naman ay naghanap ng baunan, plano kong dalhan si nanay ng pagkain baka di pa yon kumakain. Binilisan ko ang pagkain upang mapuntahan na si nanay. "Allen, alis na ako. Puntahan ko si nanay." Sabi ko dito. "Sige, ate. Ingat." Sabi nito sa akin. Tumango lang ako at deritso na kina aling Marivic. Pagdating doon ay umikot lang ako papuntang likod bahay nila. Panigurado nasa likod lang ni nanay. Aabutan ko itong nagkukusot ng mga decolor na damit. Habang nakababad naman ang mga puti at mga pantalon. Naawa naman ako habang tiningnan si nanay. Kung sana may matino akong trabaho ay di na siya maglalabada. "Nay." Tawag ko sa kanya. "Anak, nandito ka pala. Ubos na panindang snacks mo?" Tanong ni nanay habang nagpatuloy sa pagkukusot. "Opo. Pinakyaw ni Marianne." Sagot ko dito. "Mabuti naman kung ganon." Sabi naman niya. "Kumain kana ba, nay?" Tanong ko sa kanya "Hindi pa nga eh. Nakalimutan kong magdala ng pagkain." Sagot niya sa akin. Parang piniga naman ang puso ko sa sagot niya. Hindi man lang ba siya ninalok nila aling Marivic na kumain man lang? Sabagay ano pa ba ang asahan ko sa kanila. Mahirap pa sa daga ang tingin nila sa amin. At wala silang pakialam kung magutom man kami oh hindi basta maibigay lang sa kanila ang serbisyong nais nila. "Nay, kain ka muna. Mag-aala una na ang hapon. Nalipasan kana ang kain." Sabi ko sa kanya. Hinila ko siya upang makakain na at para di na siya makahindi sa nais ko. Nang maka pwesto na si nanay para kumain ay ako ang pumalit sa pwesto niya dati upang kusutin ang mga damit. "Anak, ako na dyan." Sabi ni nanay. "Kumain ka nalang muna dyan, nay. Ako muna bahala dito." Sabi ko sa kanya. "Sige na nga. Mapilit ka eh." Wala na itong nagawa. Kung matigas ulo ni nanay, mas matigas ulo ko. Kaya minsan mapasunod ko talaga si nanay. "Ang sarap ng ulam natin, nak ah. Gaganahan akong kumain." Sabi ni nanay. "Opo nay. Si Allen ang nag luto niyan." Sabi ko sa kanya. "Salamat, anak, ah? Obligasyon ko sanang ibigay sa inyo ang maalwan na buhay. Pero ito ako, puro paghihirap ang ibinigay ko sa inyo." Sabi ni nanay habang kumakain. "Nanay naman, eh. Syempre pamilya tayo. Kung anong problema ng isa, problema nag lahat. Saka nay malalaki na kami, lalo na ako. Obligasyon kong ibalik sa inyo ang mga naging sakripyo nyo." Sabi ko sa kanya. "Kahit na. Nakakahiya na sa inyo na wala akong ginagawa para sa pamilya natin." Sabi pa ni nanay sa akin. "Wala pa ba, nay? Eh anong ginagawa mo rito? Anong ginagawa mo sa mga ito?" Tukoy ko sa mga labada na nasa harap namin. "Diba, ginagawa mo to para sa amin? Nay, wag mong isipin na wala kang ginawa para sa amin. Yung pagpapalaki mo palang para sa amin sobrang laking bagay na upang malaman namin na hindi mo kami pinapapayaan." Madamdaming sabi ko kay nanay. "Kaya nay, salamat sa lahat ng sakripisyo para sa amin. Hayaan mo. Balang araw masusuklian din namin ang lahat ng sakripyo mo, nay. Pangako yan." Dagdag na sabi ko. "Salamat, anak. Salamat." Sabi ni nanay. "Nanay talaga. Napadrama tuloy ako." Sabi ko sa kanya. Nagtawanan kami sa sinasabi ko. " Tuloy na nga natin to. Nag makauwi na tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at minadali ang pagkain upang matapos agad ang paglalaba. Siya ang nagkusot. Ako ang nagbanlaw. Ako na din ang nag sampay. Nang matapos ay sabay kaming umuwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD