Nagising akong may mabigat na braso na naka dantay sa ilalim ng dibdib ko. Hinayaan ko lang dahil sanay na rin naman ako kay Daniel na laging nakadantay sa akin tuwing umaga kaya hinayaan ko na lang muna. Ayaw kong disturbuhin ang tulog nito. Unang beses itong nangyari na hindi sila nagising ng hating gabi. "Good morning." sabi ng isang napaka husky at malaumay na tinig. Napadilat ako ng wala sa oras. Tiningnan ko ang mga brasong nakapulupot sa akin. Nakitang mabuhok ito at malaki kaya nasisiguro kong hindi ito si Daniel. Wala na rin ang robang suot ko kagabi. "s**t!" napabalikwas ako ng bangon upang tingnan kong sino yon. "Hey." bati ni Blaze sa akin. Halatang antok pa talaga. Naka boxershort lang siya at walang damit pang-itaas. Nakikita tuloy ang mabuhok niyang dibdib. Iniwas ko a