Matapos mag-agahan ay naisipan namin umuwi na. Kaya muli akong umakyat sa kwarto ni Blaze para mag bihis nandoon na daw ang pinabili niyang damit para sa akin. Ang kambal ay iniwan muna namin sa mommy niya sa baba. Sumunod naman sa akin si Blaze. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay bumalaga ang sandamakmak na paper bag sa ibabaw ng kama niya. Inisa-isa kong tiningnan ang mga ito kung para saan to. Napataas ang kilay kong bumaling sa kanya. "Para saan to?" tanong ko sa kanya. "Damit mo." simpling sagot niya. Napahawak ako sa baywang ko sabay turo sa mga damit na narito. "Na ganito ka dami?" pilosopo kong tanong kanya. "Yes." sagot naman niya. "Blaze! Isa lang ang kailangan ko. Bakit sandamakmak na damit binili mo?" medyo pikon kong sabi sa kanya. "Why not? I can afford to pay all o