Nasa tindahan ako kasama si Allen. Wala si Tina dahil nag papaalam itong mag absent. May sakit ang nanay nito at kailangan niyang alagaan. Mabuti na lang at walang psok si Allen. Siya ang kasama kong tumao dito sa tindahan habang si nanay ang naiwan sa bahay kasama ang kambal. Ayaw ko kasing patambayin ang kambal dito sa tindahan, maliban sa labas pasok ang mga customers, minsan may mga suki nag-iinuman sa harap. Lalo na at may building na ginagawa malapit dito. Halos lahat na construction worker doon ay dito bumili sa tindahan ng mga inuming alak nila. At tuwing byernes araw ng sahod tatambay sila dito. Ayaw kong masaksihan yon ng kambal. Maliban pa doon, baka may magkakapikonan sila at mag-aaway pa. Ayaw kong madamay ang kambal pag nagkataon. Kaya din siguro inis sa amin si aling Mar