AMBER'S POV
“F*ck all women!” Narinig ko pang sigaw ni Mr. Peralta nang makalabas ako ng opisina nito, halos dumagundong ang boses nito sa buong 8th floor.
Nagmamadali akong bumalik sa workstation ko at agad na umupo sa silya ko, ang kaba sa aking dibdib ay hindi pa rin humuhupa. Nakakatakot magalit si Mr. Peralta, parang tigre na kakainin ako ng buhay. Lumapit si Maya sa akin na napansin ang pagkabalisa ko.
“Amber, okay ka lang?” Tanong ni Maya.
“Maya, si Sir Phillip pinagalitan niya ako!” Biglang tumulo ang luha na kanina pa gustong lumabas sa mata ko, hindi lang dahil sa inis kay Sir Phillip, dahil na rin alam kong huling araw ko na sa trabahong ito. Kung kailan naman natanggap ako sa trabaho matapos ilang buwan kong pag-aaply, wala rin pala. Talagang hindi para sa akin ang corporate world, talagang sa palengke ang bagsak ko, hindi ko magagamit ang pinag-aralan ko.
“Huwag kang mag-alala Amber, hindi lang ikaw ang napapagalitan ni Boss sungit, halos lahat ng kababaihan dito napaiyak na nu’n sa kasungitan. Hmpp, woman hater kasi eh!” Napasimangot si Maya.
“Maya, kasi ano eh,” Nahihiyang sabi ko.
“Bakit Amber, ano ba ang ginawa ni Sir sungit sa’yo?” Takang tanong ni Maya.
“Nilait niya kasi ako nung pumasok ako sa room niya tapos—"
“OMG, Amber, pumasok ka sa pinagbabawal na lugar?” Natakpan nito ang bunganga nito.
“O-oo, kasi may urgent files daw na hinihingi, wala naman si James sa table niya nung nagpunta ako. Pero kumatok naman ako at pinapasok niya naman ako masama ba ‘yun Maya?”
“Amber, goodluck, baka last day mo na today. Paano yan, tiyak gagawa ng paraan si Sir Phillip na matanggal ka dito sa kumpanya.” Halata ang pag-aalala kay Maya.
Biglang tumulo ang luha ko, hindi dahil aalis ako sa kumpanya, kundi dahil akala ko ito na ang chance na magkaroon ng permanenteng pagkakakitaan para makatulong kay Nanay, ang hirap pa naman maghanap ng trabaho.
“Ako na ang mismong nag-resign Maya, hindi ko kinaya yung pang-iinsulto ni Sir, kaya nasagot ko tuloy siya sinabihan niya kasing slut tapos sina-seduce ko raw siya!” Patuloy ang pagdaloy ng luha ko.
“O ano naman ang sinabi mo sa kanya?”
“Sabi ko hindi ako magkakagusto sa matandang binata na kagaya niya.”
Nanlaki ang mata ni Maya at tinakpan ng dalawang kamay ang nakaawang nitong bunganga.
“Gosh Amber, iba ka! Para kang sumugod sa giyera sa sinabi mong iyan. Ang tapang mo Amber, paniguradong nanggagalaiti sa galit si Sir!”
“Eh ano naman Maya kung sinabi ko ‘yun, nag-resign na naman ako. Wala na akong pakialam sa kanya, masakit lang talaga sa akin kasi first job ko ito, kung kailan nabigyan ako ng pagkakataong makapagtrabaho at makatulong sa Nanay ko bigla naman mangyayari makatagpo ako ng aroganteng Boss.
Napabuntong hininga si Maya. Ako naman ay kumuha ng tissue sa table ko at pinunasan ang mga luha ko. Biglang lumabas si Ma’am Megan sa Office nito at dali-daling pumunta sa kinaroroon namin ni Maya. Ang ibang kasamahan namin sa 5th floor ay nakatingin na rin at halatang nakakatunog na ng chismis.
“Amber!” Sabay kaming napalingon ni Maya sa humahangos na si Ma’am Megan. “Anong nangyari? Tumawag sa akin si James, nagwawala raw si sir Phillip sa office niya!” Nakaramdam ako ng kaba, bumilis ang pintig ng puso ko.
“Ma’am sorry po, kasi hindi ko naman alam na bawal pumasok sa office ni Mr. Peralta.”
“What? Pumasok sa loob ng office? Eh- b-bakit nasaan ba si James? Bakit hindi mo binigay sa kanya yung files?” Hindi ko malaman kung galit ba si Ma’am Megan sa akin dahil mataas ang boses nito o natataranta lang sa pangyayari, bigla naman dumating si James at lumapit sa amin. Naririnig ko na ang mga bulungan ng iba ko pang kasamahan na nasa kani-kanilang mesa.
“Ma’am Megan!” Tawag ni James na natataranta rin ng lumapit sa amin.
“James anong nangyari sa itaas?” Nag-aalalang tanong ni Ma’am Megan.
“Ma’am Megan, si Sir Phil nagwala sa taas, matapos magwala, umalis na agad. Amber ano ba kasi talaga nangyari?”
“James si Sir kasi ang nauna, hindi ko kinaya ang pang-iinsulto ni Sir!” huminto na ako sa pag-iyak. Napagod na rin ako sa paulit-ulit na paliwag. Sana nirecord ko na lang ang mga sinabi ko, para kada may magtatanong ay i-play button ko na lang.
“Guys, please go back to your respective area!” Sigaw muna ni Ma’am Megan sa kasamahan kong nagsisimula ng maki-usyoso. “Come to my office Amber and James. Maya, go back to work!” Utos ni Ma’am Megan sa amin.
“Girl kaya mo yan!” Sambit na lang ni Maya bago ito umupo sa workstation nito.
Nang makapasok sa opisina ni Ma’am Megan ay napaluha akong muli. Humingi ako ng pasensya dahil sa nagawa ko.
“It’s not your fault Amber, masungit lang talaga ang CEO natin, hindi ako galit sa ginawa mo, I admire you dahil sa katapangan mo.” Biglang nag-iba ang reaksyon ni Ma’am Megan “Biruin mo sinabihan mong matandang binata si Sir.” Hindi nito napigilan ang tawa, pati si James ay nakitawa na rin.
“Iba ka Amber, kung nakita mo kung paano magwala si Sir, baka lumubog ka na at kinain ng lupa. Pati si Sir Dominic hindi siya maawat.” Binanggit ni James sa akin kung sino si Sir Dom, ito pala ang may-ari ng kompanya na ama ni Sir Phillip.
Biglang tumunog ang telepono at sinagot iyon ni Ma’am Megan.
“Hello?” Bigla itong natahimik maya-maya. “Okay papupuntahin ko na po diyan sa taas, Sir.” Ibinaba na ni Ma’am Megan ang telepono at tumingin pareho sa amin ni James.
“James, umakyat ka na raw sa taas, hinahanap ka ni Sir Kevin, at ikaw naman Amber pinapatawag ka ni Sir Dominic.” Bumundol ang kaba sa dibdib ko, tiyak pagagalitan ako ng big boss.
Sabay kami ni James umakyat papunta sa 8th floor. Sinalubong si James si Sir Kevin na nasa labas ng opisina ni Sir Phillip. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mapigilan mapangiti ni Sir Kevin sa akin nang makita ako. I expected him to be mad.
“James, paki asikaso ang office ni Phil. Nagkalat yung mga binasag niya, pati mga documents pinagpupunit niya, kindly check, paalis na kasi kasi ako. Tito Dom is in the conference room.” wika nung Kevin sa tumingin sa akin at inilahad ang kamay. “By the way, I’m Kevin, cousin ako ng sinabihan mo ng matandang binata.” Bigla akong namula sa kahihiyan, magpinsan pala sila, pero magkaiba sila, mukhang masiyahin ang isang ito kesa dun sa Phillip Peralta na iyon na parang pinaglihi sa sama ng loob sa tingin ko nasa late thirties na ang edad ni Sir Kevin.
Napilitan akong makipagkamay kay Sir Kevin, napayuko ako sa kahihiyan.
“I’m Amber, Sir. Pasensya na po sa gulong naidulot ko.” Tumingin ako sa mata nito, mukha itong mabait kaya nawala ang kaninang takot ko.
“It’s okay, mukhang nakatagpo na rin ang pinsan ko ng katapat niya. Congratulations, ikaw pa lang ang babaeng nakalaban sa kanya.”
“H-hah, Sir?” Naguguluhang tanong ko.
“Nothing, anyway, please go to the conference room. Tito Dom, Phil’s father is waiting for you.” Iniwan ako ni Sir Kevin na nakatulala at inaya si James papasok sa kwarto ni Sir Phillip. Labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon, pagagalitan siguro ako dahil binastos ko ang anak nito. Bahala na tutal nag-resign na naman ako diba, bakit pa ako matatakot.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto, matapos ay narinig ko mula sa loob ng silid ang boses na nagpapasok sa akin. Marahang kong pinihit ang seradura ng pinto at dahan dahan na pumasok. Nakaupo sa gitna ng malawak na conference room ang nakita ko kaninang matanda na ama ni Sir Phillip, gwapo at matikas ito kahit may edad na. Pinilit kong ngumiti ng matamis dito kahit parang sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil alam kong ang tungkol sa pangyayari kanina ang sasabihin nito sa akin kaya ako pinatawag.
“Have a seat Hija.” Turo nito sa isa katabi niyang silya na nakapalibot sa malaking oblong table. Sumunod ako at agad na umupo sa sa silya malapit sa matanda. Inilahad nito ang kamay nito at matamis na ngumiti sa akin, hawig nito ni Sir Phillip, gwapong version ng aroganteng CEO, “I am Dominic Peralta, Executive Chairman of the Board and father of Phillip.” Inabot ko ang mga palad nito, alam kong ramdam ng matanda ang tension sa akin.
“G-good morning po Sir.” Napayuko ako agad, hindi ko matagalan ang tingin nito sa akin, pakiramdam ko ay sesermunan ako.
“Relax, Hija,” Tumingin ako dito, nakangiti ito sa akin bakit kaya mukha itong mabait, kabaligtaran ni Sir Phillip. Napansin ko na may folder sa tapat nito at nakalagay ang pangalan ko. “So bago ka lang pala dito, Hija?”
“A-ahm, one-week na po.”
“I reviewed your 201, so you are twenty-four years old, and you underwent heart surgery more than three years ago; this is your first job?”
“O-opo, Sir.” Kinakabahan ako kung bakit nito nireview ang records ko. Tumango-tango lang ito at nagpakawala ng isang buntong hininga ang pinakawalan ni Sir Dominic. Napayuko ako
“About what happen a while ago Ms. Manalo, I know it’s not your fault. My son is a woman hater.” Bigla akong nagtaas ng tingin, nakangiti sa akin si Sir Dominic.
“I’m sorry Sir, hindi ko po sinasadyang bastusin ang anak niyo, ininsult—"
“Shh, it’s okay, I know my son, he is harsh on women, ako ang dapat humingi ng pasensya, Ms. Manalo.”
“Hindi po kayo dapat humingi ng pasensya hindi naman po kayo ang nakasakit.” Ngumiti ako sa matanda.
“Salamat, Hija. Kaya kita pinatawag para alukin ka na maging Secretary ng anak ko.” Mariing sabi nito.
“H-ha? Ako po?” turo ko sa sarili ko.
“Yes, Hija.”
“P-pero bakit po? Nakita niyo naman po na galit na galit ang anak niyo sa akin. Sigurado po akong magagalit po siya, and besides Sir, sinabi ko na magre-resign na po ako.” Napabuntong hininga si Sir Dominic.
“Dahil ikaw pa lang ang babaeng nakita kong lumaban sa kanya. Lahat ay ilag sa anak ko dahil sa pagiging woman hater nito. Gusto ko siyang baguhin at ibalik ang dating ugali niya, mabait at mapagmahal si Philliip.” Biglang lumamlam ang mata ni Mr. Peralta. “I miss my old son.”
“B-bakit po ba siya naging woman hater at arogante, Sir, kung sinasabi niyo na mabait po siya dati?” Hindi ko mapigilang itanong, kahit na binanggit na ni Ma’am Megan ang tungkol sa lovelife ni Sir Phillip kung bakit ito naging masungit.
“Bata pa lang si Phillip ay iniwan na kami ng asawa ko at sumama sa ibang lalaki, that was his first heartbreak, lumaki si Phillip na walang ina. He hates his mother. Pinilit kong punan ang pagkukulang ng asawa ko, hindi naging madali para sa aming dalawa, I’m busy in my business. Hindi naman lumaking woman hater si Phllip until he was in college, her first girlfriend broke up with him dahil daw sa pagiging possessive ng anak ko. Nagsimulang magalit sa mga babae si Phillip.”
Tahimik lang ako sa pakikinig kay Mr. Peralta, bakas sa mukha nito ang lungkot para sa anak.
Naging magaan ang loob sa akin ni Mr. Peralta para magkwento ang pangyayari sa buhay ng anak nitong si Phillip. Muli raw na in-love si Phillip sa secretary nito, bumalik ang dating masigla at mapagmahal na Phillip, pero isang araw ay nahuli nito na may kasama sa isang kama ang Secretary nito na pakakasalan na. Labis ang naging poot ni Phillip sa secretary nito na hindi man lamang binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
“That’s why I want you to be Phillip’s secretary, simula ng maghiwalay sila ng fiance’ niya ay wala ng tumagal na babaeng secretary sa kanya, isang linggo pa lang ay nagreresign na silang luhaan, until he chose James to be his secretary.” Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
“But, S-sir—"
“Please Ms. Manalo, gusto kong matutong makisama muli si Phillip sa mga babae, kailangan niya ng babaeng secretary. I will triple your salary if you accept my offer.” Bigla akong napalunok sa offer nito, kailangan ko ng pera para sa amin ni Nanay, pero my pride rin naman ako, mas gugustuhin kong tulungan na lang si Nanay na magtinda sa palengke kesa makisama sa masungit na Phillip Peralta.
“I’m sorry Sir, pero buo na po ang desisyon ko, salamat po sa offer niyo kahit fresh graduate lang ako ay handa po kayong magtiwala.” Mahirap lang ako pero hindi na ako papayag na tapakan akong muli ng isang Phillip Peralta.
Bakas ang disappointment sa mukha ni Sir Dominic. Nanghihinayang din ako sa offer nito pero ayokong ma-stress sa pakikisama sa anak nito, baka makasama pa sa puso ko kung maging amo ko ito, sayang naman ang operasyon ko.
Nagpaalam na ako kay Sir Dominic na binigyan ako ng calling card para tawagan ko siya kung sakaling magbago pa ang aking isip.