Chapter 1
**AUTHOR'S NOTE**
R18+. Not suitable for minors
AMBER'S POV
"Miss Amelia Bernadeth Manalo?" Tawag ng HR assistant.
"Yes, Ma'am?" sagot ko na bahagya kong itaas ang aking kamay. May kasabayan akong dalawa pang aplikante para sa ina-aplayan kong Administrative Assistant sa isa sa nangungunang Real Estate company sa Pilipinas.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagka-conscious, dahil ang dalawa kong kasabayan ay napaka confident ng dating at halatang sanay na sa job interview. Samantalang ako ay sa edad na twenty-four ay kaka-graduate lang sa kursong Business Management. Idagdag pa ang mga kasuotan nila na halatang bagong bili at ang sa akin naman ay pinaglumaan lang ng aking bestfriend na si Samantha. Halos apat na buwan na matapos akong maka-graduate ay hindi pa rin ako natatanggap sa na-applyan kong trabaho. Paano ba naman ay ang ibang kompanya naghahanap ng at least two years of experience. Paano ba naman ako magkaka experience sa trabaho kung hindi ako matatanggap?
Idagdag pa na meron akong medical records na heart surgery three and half years ago. Ang sabi ng ibang employers ay baka raw maka apekto ito sa trabaho in case na ma-hire ako. Ang ending ay sinasabi na lang ng mga na-aapplyan ko na tatawagan ako, pero pumuti na mata ko ay wala naman akong natatanggap na tawag man lang. Hindi ko na rin mabilang kung pang ilang kompanya na ang pinasahan ko ng resume' pero wala pa rin.
"Ikaw ang mauunang ma-interview, Ms. Manalo." Ngumiti ang HR assistant sa akin na may maamong mukha, sa hula ko ay kasing edad ko lang. Iginiya niya ako patungo sa silid kung saan naroon ang mag-iinterview sa akin. "Just relax, Ms. Manalo. Mabait ang Boss ko. He is the HR Manager here in Peralta Land Corporation." Ngumiti muna sa akin ang babae bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang lalaking sa tingin ko ay nasa early thirties pa lang. Gwapo at matipuno ito, ngumiti ito sa akin at lumabas ang malalim na dimples nito sa dalawang pisngi na lalong nagpa-gwapo sa paningin ko. Naalala ko tuloy bigla yung ex ko dahil meron din itong dimple, which is kahinaan ko yata pagdating sa lalaki. Ngumiti ako dito at lumapit na sa mesa ng lalaki.
"Have a seat, Ms. Manalo. By the way I am Vance Montenegro." Nilahad nito ang kamay nito at nakipag shakehands sa akin matapos kong makaupo. "Well, let start the interview, Ms. Amelia Bernadeth Manalo," pag-uumpisa nito na nakatingi sa aking resume'. "What is your nickname, Ms. Amelia Bernadeth? Your name is too long." tanong nito sa akin habang nakangiti.
"Amber, Sir," hindi ko maiwasan na ma-tense. Pang ilang job interview ko na ito pero parang laging first time ko.
"I see." tumango tango ito. "Well, Amber, you are applying for Administrative clerk, and this will be your first job if ever hired. It is indicated in your resume that you just graduated this year. Care to tell me why you graduated late? Did you stop your study?"
Tumikhim muna ako bago sumagot, syempre mapapasabak na naman ako sa inglesan. Kaya nga hate ko talaga everytime na may interview ako, eh. Nakatingin lang si Sir Vance sa resume' ko at pinapasadahan ang credentials ko. "Ahm, Sir, yes I stopped my study after third year college since I undergone a heart transplant surgery three and half years ago. I was able to continue my study after two years." Bigla naman tumingin sa mata ko si Sir Vance, naramdaman ko na biglang lumamlam ang mata nito at inilapag ang resume' sa table. Bigla naman akong kinabahan dahil sa isip ko ay hindi na ito interesado at kagaya ng ibang kompanya ay hindi na ako tatanggapin dahil sa medical records ko. Ngumiti sa akin si Sir Vance na nagpanatag ng loob ko.
"So, na-operahan ka pala before, Amber?" Nakahinga ako na nagtagalog ito, ibig sabihin pwede ako sumagot sa wikang tagalog.
"Opo, Sir," sagot ko habang hindi pinuputol ang eye contact sa interviewer ko.
"Pwede mo ba na i-kwento kung paano mo nakuha ang sakit mo? At pati na rin ang family background mo?" Nagtataka naman ako dahil parang kakaibang interview naman ito, ang dami ko pa naman na-research sa g**gle na possible interview question... tapos family background at about sa surgery ko lang pala ang itatanong nito.
"Well, Sir Vance... I was in third year ng ma-diagnose ako ng Cardiomyopathy, which is naging mahina ang heart muscles ko. Luckily meron nag donate ng heart sa akin at naging successful naman po ang operation. Galing po ako sa mahirap na pamilya, ang Tatay ko po ay namatay one year ago due to heart attack bago ako ma operahan sa puso." Syempre magpapa awa na rin ako malay ko ito ang way para matanggap ako. Seryoso naman na nakikinig lang si Sir Vance sa akin at halatang interesado sa kwento ko.
"Nang mamatay si Tatay ay akala ko po hindi na ako makakapag-aral, pero pinilit pa rin po ni Nanay na igapang ako para lang makapag-aral. Halos ginagawang araw ng Nanay ko ang gabi para lang kumayod at matustusan sa pag-aaral ko. Hanggang sa nagkasakit nga po ako ay lalo kaming naghirap dahil hindi po namin alam kung saan kukuha ng pambili ng gamot sa akin. Sabi ko kay Nanay na pabayaan na lang akong mamatay dahil ayokong mahirapan siya, pero sabi ni Nanay ako daw ang buhay n'ya kaya kapag hinayaan n'ya raw akong mamatay ay para na rin daw s'yang nagpakamatay. Kung kani-kanino lumapit si Nanay, pati sa PCSO, at kung saan-saang Foundation din po para lang makakalap ng pampagamot ko.
Kaya laking pasalamat ko ng may nag-donate sa akin ng puso dahil nabawasan din po ang gastos namin." Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang nagkukwento. Bigla naman akong inabutan ng tissue ni Sir Vance. "Sorry sir." Hingi ko ng paumanhin dahil naging emotional ako habang binabalikan ang mapapait kong karanasan.
"Go on, Amber, I wanna hear your story. Just continue."
"So 'yun nga po Sir, successful nga po ang operation pero hindi agad ako nakabalik ng school. Mga one-year po bago ko naramdaman tuluyan nang bumuti ang pakiramdam ko. Tumulong din ako kay Nanay sa pananahi na ibinebenta n'ya sa palengke. Last year po ay nakabalik na ako sa College at nakapagtapos na ako this year, kaya if ever na matanggap po ako dito ay ito po ang magiging first job ko. Ilang buwan na din po ako nag-aapply sa ibang mga companies pero mostly ang hinahanap ay with two years or more experience. And I think isa din sa reason 'yung medical history ko po," mahabang kwento ko kay Sir Vance, ramdam ko na mabuting tao ito, at sana kahit matanggap na lang ako dahil sa awa.
"Well, Amber, yes, 'yung ina-applyan mong position ay required na may experience," sagot nito, parang nawalan na talaga ako ng pag asa. Baka nga sa palengke na ang bagsak ko nito, marangal ang trabaho roon pero sayang naman ang pagtaguyod ni Nanay sa pag-aaral ko kung hindi ko din naman magagamit. "I have a last question, Amber," patuloy ni Sir Vance. "Ano ang pangarap mo?"
"Pangarap ko na matulungan ang Nanay ko na maiahon sa hirap. Gusto ko po kasi na mabilhan s'ya ng sariling bahay at lupa dahil simula bata pa ako ay nangungupahan lang kami. Gusto ko rin po na magpatayo ng sariling patahian para magkaroon ng sariling business si Nanay kahit matanda na s'ya gusto ko maramdaman ni Nanay na magkaroon ng business na matatawag n'yang kanya." sabi ko sa nakangiting si Sir Vance.
"Thank you, Amber, for sharing your story, tatawagan ka na lang for final interview if you’re one of the shortlisted for position." Tuluyan naman nawalan na ako ng pag-asa kagaya lang ito ng ibang company na sabihan tatawag pero hindi na nagparamdam.
NANG makauwi ako sa bahay ay sinalubong ako ni Nanay.
“Kamusta ang interview mo, anak?”
“Tatawagan na lang daw ako, Nay.” malungkot kong sabi. “Ayoko na mag expect, Nay. Kagaya din ng ibang company na hindi na tumawag. Di bale mag-aaply na lang uli ako sa iba... pero, baka next month na lang. Tutulong muna ako sa’yo manahi at magtinda ng mga damit.” dagdag ko pa.
“Anak, h’wag kang mawalan ng pag-asa, malay mo naman tatawagan ka nila. Kung hindi ka naman matawagan pwede ka pa naman mag-hanap ng iba. Kumain ka muna anak, huwag mo munang isipin ang mga negatibong bagay.” Nagsimula ng maghain si Nanay at pinapanood ko lang ito habang naghahanda. Matanda na si Nanay next year ay senior citizen na ito. Thirty-five years old na kasi ito nang ipinanganak ako. Pangalawang asawa na ni Tatay si Nanay at may dalawang anak si Tatay sa una nitong asawa kaya may dalawa akong half-brother na hindi ko naman alam kung nasaan na dahil hindi ko naman naging close ang mga ito simula pa lang ng una.
Bakas ang kahirapan sa mukha ni Nanay dahil na rin sa pinagdaanan namin na pagsubok nang nakakaraang taon. Matinding dagok talaga ang pagkamatay ni Tatay at pagkakasakit ko dahil nagkabaon baon din kami sa utang. Mabuti na lang ay tinulungan din kami ng ibang kamag anak ni Nanay. Pero syempre hindi naman kami pwede na laging umasa sa kamag-anak dahil may mga pamilya rin naman na binubuhay at nagigipit din naman sila minsan. Pinangako ko talaga sa sarili ko na mag-iipon ako para mabigyan ko ng magandang buhay si Nanay.
“Handa na ang pagkain, anak.” mahinang tawag ni Nanay sa akin.
“Sige, Nay, kumain na tayo.”
“Hindi na anak kumain na rin ako kasi akala ko mamaya ka pa makakabalik, buti nga at maaga ka nakabalik para makatipid tayo na hindi ka na kakain sa labas. Pwede mo pa magamit na pamasahe para sa next interview mo, anak.”
“Oo, Nay, buti na lang. Itatabi ko ang pera” Nagsimula na akong kumain. As usual... itlog ang ulam pero may nilagang talbos ng kamote, kamatis at okra, at meron din kasamang mansanas sa handa ni Nanay. Simula ng magkasakit ako hindi talaga pwede mawala ang gulay sa pagkain ko dahil mahigpit na bilin ng doctor sa akin na kailangan talaga ay healthy living na ako.
Natapos na akong kumain at tumulong na sa gawaing bahay. Si Nanay naman ay nagsimula na rin manahi para sa mga ititinda nito sa palengke. Kapag weekends ay nag sideline si Nanay na labandera pandagdag gastos. Nahihirapan na akong makita si Nanay na nahihirapan sa trabaho, pakiramdam ko talaga ay pabigat lamang ako. Kaya nagpupursige akong makahanap ng trabaho para talaga matulungan ko na rin si Nanay sa gastusin lalo na sa upa sa bahay dahil nakakahiya na rin na nagmimintis kami madalas sa upa, mabuti na lamang ay mabait ang nagpapaupa sa amin ngayon. Halos limang taon na rin kami dito naninirahan matapos mamatay ni Tatay.
Kinagabihan ay tinawagan ko ang bestfriend ko na si Samantha.
“Hello, Sam.” Malungkot na bungad ko.
“Hello ,Amber. Kamusta ang pag a-apply mo? Natanggap ka ba?”
Nagbuntong hininga na lang ako bago sumagot. “Hindi ko alam, ang sabi nila tatawagan na lang daw ako eh.” Malungkot na sabi ko.
“Sana, Amber matanggap ka na. Kung ako lang talaga may ari nitong pinapasukan ko, kahit hindi ka pa nakaka-graduate pasok ka na agad.”
Bestfriend ko si Sam since first year college kami. Ahead ito sa akin naka-graduate, nasa three years na rin ito sa pinapasukan nitong company. Nang maka-graduate ako ay pinag-apply ako ni Sam sa pinapasukan nitong kumpanya pero hindi naman ako pinalad matanggap. Mabait sa akin si Sam at hindi ako iniwan kahit na nagkasakit ako, palagi niya ako na tinatawagan at kinakamusta at tumulong din ito sa akin financially. Hindi gaya ng ex ko at first boyfriend ko na si Ken, after ko kasi ito sagutin sa halos isang taon na panliligaw sa akin at bigla na lang itong hindi nagparamdam ng malaman na may sakit ako at mag-stop na sa college. Hindi ko naman ito masisisi dahil alam kong magiging pabigat lang ako dito.
Natapos na rin ang mahaba na usapan at kwentuhan namin ni Sam, nakatulog na rin ako sa kakaisip kung saang lupalop muli mag-aapply ng trabaho.
Kinabukasan ay may tumawag sa akin na isang di kilalang number.
“Hello?” sagot ko.
“May I speak to Ms. Manalo?” malambing na tinig mula sa kabilang linya.
“Yes, speaking. May I know who is in the line, please?”
“This is Emma of Peralta Land Corporation. You are invited for a final interview tomorrow in Peralta Building at exactly 8 am.”
“Ah yes, yes mam. I-I am available tomorrow” nauutal na sabi ko. Sobrang excitement ang naramdaman ko na sa wakas ay may tumawag din sa akin for final interview. Hindi ko talaga ine-expect na tatawagan ako at pababalikin sa interview.
Masaya kong ibinalita kay Nanay at Sam ang tungkol sa final interview ko. Salamat at nabuhayan na rin ako ng pag-asa na magkaroon ng trabaho. Sana nga ay matanggap na ako para matupad na rin ang mga pangarap ko.