Chapter 3

2539 Words
AMBER'S POV NANLAKI ang mata ko at agad tumibok ng mabilis ang puso ko ng mabungaran ang masungit na lalaki na matalim ang tingin sa akin, bakit ba nakita ko na naman ito. Pinilit kong ngumiti sa lalaking masungit pero hindi man lang ito gumanti ng ngiti. Niyuko ko na lang ang aking ulo habang pumasok na ng tuluyan. Naalala ko na naman ang masamang panaginip ko kanina. Bakit ko ba napanaginipan ang lalaking ito samantalang isang beses ko pa lang naman itong nakita. Nakarating na ako sa 5th floor at nagmamadaling lumabas ng elevator, pakiramdam ko ay na-suffocate ako kasama ng lalaking ‘yun. Buti naman at wala akong narinig na kasungitan dito dahil nakatahimik lang ito, isa lang ang sigurado ko, nakabusangot na naman ang balbas saradong mukha nito. Maaga pa ako ng thirty minutes at naghintay muna ako sa waiting area ng office ni Ma’am Megan, hindi naman nito alam na maghihintay ako, unlike kahapon na kasama ko si sir Vance kaya alam n’yang nandito na ako. Fifteen minutes akong naghintay ng lumabas si Ma’am Megan kasama si sir Vance sa Office nito. Nagtatawanan ang dalawa at hindi pa ako napapansin, halata talaga na parang more than officemates ang tinginan ng dalawa, pakiramdam ko may relasyon ang dalawa. “Oh Amber, kanina ka pa ba ri'yan?” Tanong sa akin ni Sir Vance nang mapansin ako na nakaupo sa waiting area. “Hindi naman po masyado Sir, kakadating-dating ko lang din po. Good morning po Ma’am Megan.” Bati ko sa kanila. “Naku, sana kumatok ka na sa office Amber, para nakapag breakfast ka naman.” Sabi sa akin ni Ms. Megan na nakangiti. “Kumain naman po ako sa bahay bago umalis. Salamat po.” “O siya, maiwan ko na kayo girls, I’ll start to work. Good luck Amber on your first day.” paalam ni Sir Vance. Pinakilala ako ni Ms. Megan sa mga employee ng Peralta Land Corporation. Halos nasa eighty employees ang nagtatrabaho dito sa building at mukhang mababait naman ang lahat. Mabuti na lang at may mga ka-edad ko ang nasa Admin department para naman magkaroon ako ng kabarkada sa office. Naipakilala na ako sa mga empleyado mula 1st floor hanggang 7th floor. “Amber, punta na tayo sa executive office. Ipapakilala kita sa CEO secretary.” Sa wakas matatatapos na rin ang pagpapakilala sa akin ni Ma’am Megan, hindi ko na halos matandaan ang mga pangalan ng lahat ng magiging katrabaho ko, dibale normal naman naman ang gan’on. “Okay po, Ma’am” Sumunod ako na nauna na itong pumasok sa elevator. Malawak ang 8th floor at conference room at CEO office lang ang makikita doon. May table sa labas ng CEO office at may nakaupong lalaki na nilapitan namin ni Ma’am Megan. “Hi James.” Bati ni Ma’am Megan sa lalaki na biglang tumayo ng makita kami. Mukhang ka-edad ko lang din ito. “I just want you to meet Amelia Bernadeth our new employee in Admin department.” Pakilala sa akin ni Ma’am Megan. “You can call her Amber. Amber, this is James, our CEO’s secretary.” Ngumiti ako kay James at nakipag handshake. Bihira lang ang lalaking secretary kaya nagulat din ako, akala ko iba ang position nito sa company. “Nice meeting you, Sir James.” Bati ko dito. “James na lang, Ms. Amber mukhang magka-edad lang naman tayo eh. I’m 23 years old, and two years na ako sa company.” “I’m twenty-four naman,” sagot ko dito. Sabay sabay kaming napatingin ng lumabas sa CEO office ang lalaking ayokong masulyapan dahil sa kasungitan. Nanlaki ang mata ko sa gulat at sakto naman na napatingin ang lalaki sa akin na biglang dumilim ang mukha ng makita ako. “Hi Sir Phillip, paalis na po ba kayo to meet Mr. Dy?” Tanong bigla ni James. Inalis ng lalaki ang tingin sa akin at inilipat kay James kaya napagmasdan ko ang mukha nito. Bakit kaya parang ang laki ng problema sa buhay ng lalaking ito na lagi na lang nakasimangot sa akin. Parang hindi CEO ang datingan nito dahil mukhang napabayaan ang sarili. Sayang maganda pa naman ang katawan at tindig nito, pati height. “Yes, I’ll be back before lunch. Prepare the reports I need and put them on my table. I want it ready once I arrive.” Ma-awtoridad na utos nito kay James. “Yes Sir! By the way Sir she is Amber, new employee in Admin Department.” singit ni James at itinuro ako. Laking gulat ko naman dahil nakatitig pa ako dito at nagtama ang mata namin. Pero kailangan kong magbigay ng galang dito. Nilahad ko ang kamay ko at ngumiti ng matamis kay Sir Phillip. “H-hi Sir Phillip, I’m Amb-“ “I’m busy and I need to go!” Pinutol nito ang sasabihin ko. Bakas sa mata nito ang sobrang inis sa akin, hindi ko naman alam kung para saan, gusto ko lang naman magpakilala. Anong klaseng CEO ba ito? Bigla na lang itong umalis at tumungo na papunta sa elevator, ni hindi man lang ako nilingon. Napahiya ako. Bigla naman inaya na ako ni Ma’am Megan para pumunta sa department namin. Humingi naman ng pasensya si James sa inasal ng amo, masungit daw talaga ang boss niya. Habang pabalik sa department ay naikwento sa akin ni Ma’am Megan na masungit daw talaga ang CEO nila hindi kagaya ng ama nito. Dinagdag pa ni Ma’am Megan na woman hater daw kasi ito kaya pati siya ay pinag iinitan minsan. Halos lahat ng managers daw kasi sa company ay lalaki pero si Ma’am Megan lang ang nag-iisang babae kasi nga ayaw nitong makipag interact sa mga babae. “Alam mo ba?” Dadag pa ni Ma’am Megan sa akin “Pakiramdam ko nga gusto na akong tanggalin ni Sir Phillip dito sa company kaso wala naman siyang magagawa, ang Daddy niya ang nagpasok sa akin eh, magkakaklase kasi ang Daddy ni Sir at Daddy ko noong college kaya naipasok ako dito sa company. Sabi nang ibang matatagal na dito sa company mabait at super gwapo raw si Sir Phillip pero nung hindi natuloy yung kasal nito sa fiance’ n’ya naging masungit na at napabayaan na ang sarili.” kwento ni Ma’am Megan. “So binata pa si Sir Phillip hanggang ngayon?” Tanong ko. “Oo, at mukhang wala na atang balak mag asawa nasa 37 years old na nga si Sir eh. Nasaktan daw kasi talaga ito nung nahuli niya ‘yung fiance’ niya na may ibang lalaki. Ikakasal na sila. ‘Yung babae dati n’yang secretary pero nung naging sila raw nag-resign na ‘yung babae dito sa company.” Nakarating na kami ni Ma’am Megan sa department at huminto na ito sa pagkwento. Nakaka lungkot naman pala ang nangyari sa lovelife ni Sir Phillip kaya pala naging masungit. Naging maayos ang takbo ng maghapon ko. Nakilala ko si Maya at mas mas matanda ito sa akin ng dalawang taon, ito ang nagturo ng mga gagawin ko. Clerical jobs lang naman, kaya madali naman akong natuto, more on admin reports. Masayahin at makwento si Maya, isa na naging topic ay si Sir Phillip. Sinabi nito na ilag ang mga empleyado kay Sir Phillip, dahil nga daw ang pasok ni Sir Phillip ay palaging 7:30, yung mga empleyado ay nagsisimulang magsidatingan ng 10 minutes before 8 am para lang maiwasan si Sir Phillip. Kaya pala dalawang beses ko na itong nakasabay sa elevator 7:30 kasi ako nakarating nang final interview at kanina, so simula bukas gagayahin ko rin ang ibang empleyado para maiwasan si Sir na masungit. Sa wakas ay uwian na, kumatok ako sa office ni Ma’am Megan at nagpaalam na uuwi na. Mabait si Ma’am Megan bago ako umuwi ay nakiusap din ito na huwag kong ipagsasabi na nakita ko sila ni Sir Vance na magkasamang nag breakfast. Bawal kasi ang office romance sa kumpanya, at inamin nito na may relasyon sila ni Sir Vance. Sinabi nitong mukha naman daw akong mapagkakatiwalaan at huwag ipagsasabi ang sikreto nila ni Sir Vance dahil ako pa lang ang pinagsabihan dito sa office. Nangako ako na ililihim ko ang nalaman. PHILLIP POV “Ohhh…” mahabang ungol ng babaeng sarap na sarap habang patuloy ako sa pagbayo rito ng patalikod. “Ang sarap Sir! Sige pa... Ohhhh… ibaon mo pa please!” Pagmamaka awa ng babae sa akin. Lalo ko pang idiniin ang matigas kong alaga at patuloy ang aking pag-ulos habang nilalamas ng magkabila kong kamay ang malulusog na dibdib ng aking kaniig. Halos bumaon ang babae sa kama habang nakahawak sa headboard ang dalawang kamay nito para kumuha ng suporta. Madidinig ang langitngit ng kama sa bawat pag-ulos ko. “F*cking wh*re! Ohhh…” Ungol ko matapos ang ilang ulos ay pinutok ko sa loob ng babae ang masagana kong katas. Napahiga na lang ako sa babae habang nakatalikod pa ito at hapong-hapo ang katawan. Ilang sandali ay umalis ako sa dito at humiga sa kama. “Get dress and leave me alone, woman!” Utos ko sa babaeng nakasalampak sa kama. I know the girl still tired, but I don’t care, I paid her to satisfy my s****l need at tapos ko na siyang gamitin. Walang kahiya hiya itong lumabas ng kwarto ko ng walang saplot habang paika-ika. Sa laki at haba ba naman ng alaga ko kahit sino talaga mahihirapang makalakad. The woman knows what to do. Aalis na ito na condo ko at ipapatawag kapag kailangan kong ilabas ang init ng aking katawan. I already f*cked that woman several times before and paying her for her service. James, my secretary is in charge of picking woman and ensuring that the woman is clean at walang kahit anong sakit. Parausan ko lang ang mga babae. I closed my eyes and suddenly the face of my new employee appeared in my mind. Bigla ako napabangon, pinulot at isinuot ang boxer short na nakakalat sa sahig. Pumunta ako sa aking bar counter para sumimsim ng alak. It’s been more than a week nang unang masilayan ang babae sa elevator. She is beautiful and I hate myself for admiring her beauty since day one. “Damn you woman, for making me feel this way!” I said, na tila ba parang kausap ang babae sa harapan ko. Simula ng makita ko ang babae ay hindi ko napigilang humanga sa simpleng ganda nito, lalo na nang ngumiti ito sa akin. Mas lalo akong nagalit sa babaeng ‘yun nang malaman ko na magtatrabaho pa pala ito sa company ko. Mabuti na lang at hindi ko na ito nakikita tuwing pumapasok ito. I didn’t even know the name of that girl, I believe binanggit ni James ang pangalan nito, but I don’t remember since I was busy looking at her beautiful face that time. I need to find a way to remove that woman from my company. I will not allow her or any other woman to bother my mind, I will never ever fall in love again, I swear. Puro sila manloloko. Tinapos ko na ang pag inom ng alak at nahiga na para matulog dahil may pasok pa bukas sa office. All this year, after kong mabigo sa pag-ibig ay halos gabi gabi akong umuinom ng alak para lang makatulog. I am living dead, my life sucks since my fiance’ cheated on me. Wala din pala itong pinagkaiba kay Mommy na niloko si Daddy. I hate women! KINABUKASAN sa opisina. “James, I need the Admin Purchase Order Report for the first half of the year,” Utos ko sa secretary. “Yes Sir, I’ll ask from Ms Megan right away!” Sagot nito sa kabilang intercom. Dad is coming and I need to report to him. Kagagaling lang nito sa bakasyon. Ilang minuto ang nakalipas ng nakarinig ako ng katok. “Come in!” Maawtoridad kong sabi. “Good Morning Sir!” Bigla akong napa-angat ng ulo ng marinig ang tinig ng pumasok. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “F*ck! What is happening to me?” Tinaliman ko ang tingin sa kapapasok lang na babae na may matamis na ngiti sa akin. Napansin kong bigla itong na-tense. “Do you know that no woman is allowed to enter in this room?” Napahawak naman ang babae sa dibdib nito at halata kong binalot ito ng kaba. May hawak itong files. “I’m sorry, Sir. James is not outside, meron lang po kasing files na pinabibigay si Ma’am Megan, Urgent daw po kasi ito.” Pinilit nitong ngumiti sa akin ng matamis na lalong nagpa-init ng ulo ko. “You know what, woman? You’are annoying!” Tumayo ako para kunin ang files dito, Habang papalapit ay lalo kong napagmamasdan ang magandang mukha nito. Hindi na kinaya ng babae ay bigla itong yumuko at napakagat labi. “Tss! Stop biting your lips” Nakaharap na ako dito at kinuha ng marahas mula sa kamay nito ang files na kailangan ko. “Are you trying to seduce me?” Tanong ko na nagpa-angat ng mukha nito kaya lalo kong nasilayan ang maganda nitong mukha. “Sir?” naguguluhang tanong nito. “Are you deaf? You are seducing me! My office has rules that no woman is allowed to enter here!” “Sorry sir I don’t about that rules. Sinunod ko lang naman ang inutos sa akin na dalhin ang—" “F*ck! I don’t care about your reasons. You’re slut!” Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa babaeng nasa harap ko kahit halata naman na disenteng tao ito. Biglang tumalim ang tingin nito sa akin. “Excuse me Mr. Peralta, kahit na ikaw ang may-ari ng kumpanya, you don’t have any right—" “How dare you raise your voice! You’re fired!” I can’t control myself; I hate the woman in front of me. “No, Mr. Peralta, I quit!” Taas noo nitong sabi sa akin habang nakikipagtitigan. Kita sa mukha nito ang galit, but I don’t care, I’m the Boss here and no one ever tried to raise voice against me, especially woman. Hindi ko na namalayan na nakabukas na pala ang pinto dahil sa pagtatalo namin ng babaeng kaharap ko. I saw Dad, James and Kevin, my cousin. Gulat na gulat ang mga ito sa na-witness nila. “Phillip, what is happening?” Naguguluhang tanong ni Daddy. Umalis na sa harapan ko ang babae. “Amber, anong nangyari?” Tanong ni James na nag-aalala, so Amber pala ang pangalan nito, I don’t care about her, I just want her to be out of my company. Lumapit na si Amber papuntang pinto habang nakamasid lang si Dad at Kevin. “I’m sorry James, gusto ko lang kasi dalhin yung urgent files na kailangan ni Sir.” Turan nito kay James matapos ay humarap ito sa akin. “Huwag kang mag-alala Mr. Peralta hindi mo na ako makikita simula bukas, and last thing hindi kita type para i-seduce ko and hindi ako papatol sa matandang binatang masungit na gaya mo!” Hindi na ako nakasagot dahil dali-dali itong lumabas. “F*ck all women!” malakas na sigaw ko na dumagundong sa loob ng opisina ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD