Chapter 2

2217 Words
Amber's POV Maaga akong nagising para mag ayos para sa final interview ngayon sa Peralta Land Corporation. Pinilit ko talaga na maagang matulog kagabi para hindi mapuyat ngayon kahit na hindi ako mapakali kakaisip sa sobrang kaba na hindi ako tuluyan na makapasa. Tapos na kaming mag-agahan ni Nanay at nakaligo na rin ako. Simpleng black skirt at white blouse lang ang suot ko na binigay sa akin ni Sam, naglagay ng manipis na face powder at lipgloss, hindi ko naman kailangan ng makapal na make-up dahil likas na maganda ang maputi kong kutis at magandang mukha. Kaya nga highschool pa lang ako ay ligawin na talaga ako dahil nabiyayaan ako ng maganda at maamong mukha. Paglabas ko ng kwarto ay nabungaran ko si Nanay na nag-aayos ng mga paninda na dadalhin sa palengke. “Nay, kailangan ko na pong umalis, nakakahiya po kasi kung ma-late ako ngayon sa interview ko.” Humalik ako sa pisngi ni Nanay “Mag-iingat ka anak ha.” Ginantihan ako ng yakap ng matanda. Bata pa lang ako ay malambing na talaga ako kay Nanay at Tatay, kahit ngayong matanda na ako ay hindi nawala ang pagiging malambing ko dito dahil malambing din naman sa akin si Nanay, dahil na rin ako ang nag-iisang anak nito na late naibigay sa kanilang dalawa ni Tatay. “Sana matanggap na ako Nanay, at pangako ko na kapag natanggap ako ay hindi ka na maglalabada. Tapos mag iipon tayo ng pang-negosyo para sa sarili mong patahian.” Matagal ko na talaga pangarap ang mapatigil sa trabaho si Nanay dahil matanda na ito, gusto iparamdam ang pagmamahal ko kay Nanay na mapagsilbihan ito, labis pa sa labis ang sakripisyo nito para sa akin. “O siya sige na anak baka mahuli ka pa. Aalis na din ako maya-maya para magtinda para pandagdag sa pambayad sa upa.” Bumakas naman sa mukha ko ang lungkot dahil sa awa sa kalagayan ni Nanay. Dalawang buwan na kasi ang mintis namin sa upa. Naniningil na din ang lessor namin. Though mabait naman ito, nakakahiya pa rin kung aabusuhin namin ang kabaitan nito sa amin, may mga bayarin din naman ang mga ito. NAKARATING na ako sa Peralta Building at pinatuloy naman ako kaagad sa reception at pina akyat ako sa 5th floor para sa final interview ko. Mas maaga ako ng 30 minutes, mas maganda na ang maaga kesa mahuli at magkaroon ng bad impression mula sa employer. Tumungo ako sa elevator na papasara, buti na lang ay naiharang ko ang aking kamay at bumukas uli ito. Bilang kalabog ng puso ko ng mabungaran ang matangkad at matipunong lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit napalitan ng matalim na titig sa akin habang ako naman ay nakatanga sa kanya, hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko kaya di ko namalayan na napahawak na pala ako sa aking dibdib, para pahintuin ang mabilis na pintig ng puso ko. Napagmasdan ko ng husto ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Makapal ang balbas nito at halatang napabayaan ang pag-aahit pero maganda ang jawline nito na lalaking lalaki tignan. Matangos ang ilong nito at pero ang mata ay matalim kung tumingin na tila bang galit sa mundo. Pero kapansin pansin ang maganda nitong pangangatawan kahit na naka amerikana ito ay nakasisigurado akong maganda ang hubog nito at babagay sa taas nito na sa tingin ko ay nasa 5’11 or 6 ft. Gwapo siguro ito kung maahitan at magupitan buhok nito na clean cut. Sa tingin ko ay mas bata ito sa hitsura nito na nasa forties na. “Are you done examining me woman?!” Napatigil ako ng magsalita ito. “Ah, I-m sorry po Sir!” Napayuko ako at pinilit kong pakalmahin ang puso kong hindi ko maintindihan kung bakit ng lakas ng t***k. “Ang sungit naman,” sabi ng isip ko at pumasok na ako sa loob ng elevator. “Tsk! You are wasting my precious time!” Sambit nito na hindi naman kalakasan per sapat na para marinig ng dalawang tenga ko kaya napalingon ako dito pero hindi man lang ako nito nilingon. Pinindot ko ang 5th floor habang ang lalaking masungit naman ay paakyat sa pinakahuling palapag na 8th floor. Nagsara na ang elevator ang kita ko ang imahe ng bastos na lalaki sa pinto ng elevator. Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan ng inis dahil sa magaspang na pag-uugali nito. Tahimik lang ako habang nasa loob ng elevator at sa wakas nakarating na ako sa 5th floor. Dererecho akong lumabas at iniwan na ang lalaking bastos sa loob, na sa pakiramdam ko ay nakatingin pa rin sa likuran ko. Nang alam kong sumara na ang elevator ay lumingon ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Napahawak ako sa bandang puso ko at salamat na lang at kalmado na ito. Huwag naman sanang empleyado ito dito sa kumpanya, ayoko makatrabaho ang gano’ng uri ng tao kung sakali man. “Hmpp, ang sungit naman ng ermitanyong ‘yun!” Mahinang bulong ko. “Sinong Ermitanyo?” Laking gulat ko ng napalingon sa likod ko, nandun si sir Vance at nakangiti sa akin. Kanina pa ba ako nakatunganga dito?” na hindi ko na namalayan ang paglapit ni Sir Vance. “Ah, naku Sir Vance kayo po pala. Good morning po.” nahihiyang banggit ko dito “Sinong hinihintay mo sa elevator?” takang tanong nito sa akin. “S-sir wala po. Hinahanap ko lang po yung office ni Ms. Megan Dizon, for final interview daw po ako.” “I’ll show you the way, papunta rin kasi ako sa kanya.” Ngumiti ito sa akin at lumabas na naman ang mga dimples nito. Ang gwapo talaga ni Sir Vance at mukhang mabait, nakakatuwa yung mga ganitong lalaki yung mukhang magaan kasama. Hindi kagaya nung lalaki sa elevator kanina parang pinagsakluban ng langit at lupa, isang milyon yata ang halaga ng ngiti nu’n eh. Buti na lang at nakalimutan na ni Sir Vance ang sinabi kong tungkol sa Ermitanyo. Sinamahan ako ni Sir Vance patungo sa Office ni Ms. Megan Dizon na Admin Manager ng company. Maganda at mabait si Ma’am Megan at nag-entertain agad sa akin kahit wala pang 8 am, sa tingin ko ay nasa late twenties na ito at napansin ko rin na iba ang tinginan nila ni Sir Vance. “May relasyon ba ang dalawa?” tanong ko sa isip ko, bagay naman ang dalawa, gwapo at maganda pareho pang mabait. Usual interview lang ang nangyari, parang mga tanong lang din ni Sir Vance sa akin nung initial interview. Matapos ang interview ay pinaghintay ako ni Ms. Megan sa labas ng office nito. Wala pang thirty minutes ay pinapasok uli ako sa opisina para sabihing mag uumpisa na ako sa monday next week. Hindi ko napigilan ang tuwa ko sa balitang iyon, nagpasalamat ako ng marami kay Ms. Megan dahil sa opportunity na ibinigay niya sa akin at nangakong pagbubutihin ko ang trabaho. Nang araw din na ‘yun ay pumirma ako ng employment contract, under probationary period ako ng six months at pag nagustuhan nila ang service ko ay magiging regular employee na ako at makakatanggap ng mga benefits. Eighteen thousand ang starting salary ko at para sa akin ay napakalaki na nun para sa first timer na kagaya ko. Totoo nga ang sabi sabi na malaki magpasahod ang mga Peralta, isa ba naman sa nangungunang Real Estate company sa Pilipinas eh. Halos clerical jobs lang din ang gagawin ko kaya siguradong hindi ako mahihirapan. Binigyan na rin ako ng sets ng uniform kaya maipapa-repair ko din ito kay Nanay mamayang pag uwi ko, dahil masyadong maluwag ang nabigay sa akin. Sa first day ng pasok na lang daw ako ipapakila sa ibang staffs. MASAYA kong ibinalita kay Nanay ang tungkol sa bago kong trabaho at kagaya ko ay labis din ang tuwa nito sa magandang balita. “Sabi ko sa’yo anak eh, huwag ka lang susuko at magdasal. Salamat naman sa Diyos anak at natupad na ang matagal mo ng gusto na magkaroon ng trabaho.” Masayang wika ni Nanay sa akin at niyakap ako sa sobrang katuwaan. “Opo Nay, kakain tayo sa labas sa unang sweldo ko.” Buhay pa yata si Tatay nang huling labas namin ni Nanay para kumain. Sa sobrang kahirapan kasi pati halagang piso ay tinitipid namin, dahil kung hindi kulang ay sakto lang ang kita ni Nanay sa pananahi at paglalabada nito. “Tsaka makakabawas na rin tayo ng mga utang Nay. Sobrang thankful po talaga ako dahil nawawalan na po talaga ako ng pag-asa, tapos dumating ‘tong blessing na to Nay. Hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon Nay, at ni Tatay.” “Oo Amber anak, kaya huwag mong kakalimutang magpasalamat sa Panginoon anak, may awa Siya sa mga kagaya natin.” Kinagabihan ay nagtext ako kay Sam at binalita na may bago na akong trabaho. Agad itong tumawag sa akin. “Beshyyyyyy!!! Congrats!” Bungad nito sa akin. “Aray! Ang sakit mo naman sa tenga Sam.” natatawang sabi ko sa kabilang linya. “Masaya lang ako para sa’yo Amber. Sabi ko naman kasi sayo eh don’t lose hope.” “Oo nga eh, sa wakas kikita na rin ako ng pera para makatulong kay Nanay, at makakapag pa-load na rin ako sa wakas ng pantawag sa’yo.” Ang hirap kasi pag prepaid lang eh, at kadalasan wala akong pang-load dahil hindi naman ‘yun ang priority ko. “Ah, besh, may sasabihin pala ako sa’yo.” “Ano ‘yun?” Takang tanong ko dahil parang nag-iba ang timpla ng tono nito. “It’s about Ken,” wika ni Sam na nagpatigil sa akin bigla. “Nag-message kasi siya sa akin at hinahanap ka, hindi ko naman sinabi sa kanya na alam ko kung nasaan ka. Tinatanong pa niya sa akin kung may feysbook ka raw. Sabi ko ay wala na, simula nung nagkasakit ka ay binura mo na. Tapos may mga tanong pa siya pero I decided to block him.” “Bakit niya pa kaya ako hahanapin kung bigla naman niya akong iniwan nung oras na kailangan ko siya Sam? Binaon ko na si Ken sa limot Sam.” Malungkot ang pagkakasabi ko kay Sam. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang lalaking una mong minahal ay iniwan ka na lang ng walang dahilan. Ni makipag-break-up ay hindi nagawa, ghoster ba. Buti na lang pala ay binura ko na ang feysbook account ko. Simula kasi ng magkasakit ako ay isinangla ni Nanay ang cellphone ko at naremata na, alam kong wala na ring chance para makabili ng mga time na ‘yun ng bagong cellphone kaya mas okay na rin na wala na akong social media accounts. Eto nga na gamit kong cellphone ngayon ay bigay lang sa akin ng Tita ko, na pinaglumaan ng pinsan ko. Tinapos na namin ni Sam ng usapan, nagtataka pa rin ako kung bakit bigla akong hahanapin ni Ken hanggang sa tuluyan akong dalawin ng antok at mahimbing na nakatulog. “AMBER! AMBER!” Gising sa akin ni Nanay. Bigla akong napabangon habang humihingal, namumuo ang butil butil kong pawis sa noo na pinunasan ni Nanay ng towel. Ang bilis ng pintig ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. “Nananaginip ka Amber. Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” Nag-aalalang tanong ni Nanay. “Masamang panaginip lang Nay.” Sabi ko na lang para hindi na ito mag alala. Tinignan ko ang orasan, alas kwatro ‘y medya pa lang ng madaling araw. Nagpasya akong hindi na ituloy ang tulog baka kasi tanghaliin pa ako ng gising. Lunes ngayon at unang araw ng pasok ko sa trabaho. Maya-maya ay nag ayos na ako para sa pagpasok. Alas syete ako umalis ng bahay dahil thirty minutes lang naman ang byahe kaya 7:30 ay nakarating na ako ng Peralta Building. Pinapasok naman ako ng guard kahit wala pa akong ID dahil naalala n’ya raw akong nag apply at nakita n’ya naman na naka-uniform na ako. May pagka manyak nga ang guard dahil hinagod pa nito ang katawan ko. Hindi naman masyadong hapit ang uniform sa akin pero litaw ang magandang hubog ng aking katawan at bumagay din ang kulay na navy blue sa kutis kong makinis. Blouse at skirt ang uniform at mabuti na lang ay makinis ang aking legs kaya pinagtitinginan ako habang naglalakad. Nakarating na ako sa elevator. Mabuti na lang at wala ang ermitanyong nakasabay ko nung isang lingo at sanhi ng masamang panaginip ko kanina. Ewan ko ba kung bakit ko ito napanaginipan, umiiyak daw ako at galit na galit ito sa akin, mabuti na lang at ginising ako ni Nanay agad, dahil ayoko na makita ang masungit na mukha ng lalaking ‘yun. Sana na lang talaga ay hindi empleyado ang ermitanyong ‘yun dito sa company. Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ang 5th floor. Maghihintay ako kay Ma’am Megan dahil wala pang eight am, 8 to 5 ang office hours. Nakasara na ang elevator pero bigla uli itong bumukas at halatang may humabol para makapasok. Nanlaki ang mata ko at agad tumibok ng mabilis ang puso ko ng mabungaran ang masungit na lalaki na matalim ang tingin sa akin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD