Chapter 6

2396 Words
AMBER'S POV “Hello?” Sagot ni Sir Dominic mula sa kabilang linya “H-hello po, Sir Dominic. Si Amber Manalo po ito.” Kinakabahang sagot ko. “Miss Manalo. I’m expecting for a positive news kaya ka tumawag, nagbago na ba ang isip mo?” Halata ko ang saya ni Mr. Peralta na marinig ang boses ko. “S-sir, opo. Sana available pa ang offer?” Nakakahiya, kanina lang at todo tanggi ako. “Of course, Hija. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayong gabi, what makes you changed your mind?” Huminga ako ng malalim, bumagsak ang luha ko at hindi agad ako nakasagot. “Are you okay Miss Manalo?” “S-sir, kailangan ko po ng trabaho.” “Are you crying Ms Manalo?” Nag-aalalang tanong ni Mr. Peralta. “S-sir I’m sorry po. Emotional lang po ako ngayon dahil sa nangyari sa Nanay ko na nasa ospital, tapos nawalan pa ako ng trabaho.” Umiiyak na sabi ko. “Hija, if that is about money, don’t worry. I can give you money right away.” “S-sir pero—” “No buts Miss Manalo, nararamdaman ko na wala kang choice kaya ka tumawag. You are decided kaninang umaga na huwag maging secretary ni Phillip, pero biglang nagbago ang isip mo. I’m willing to help you. Kung nahihiya sa akin ngayon, treat the money that I will give you as a credit, bayaran mo na lang kapag nakakaluwag ka na.” Hulog ng langit si Sir Dominic sa akin, lahat ng hinagpis ko kanina ay napawi at nagkaroon na ako ngayon ng pag-asa, God is good all the time. “Sir, maraming maraming salamat po. Yes wala po akong choice, pangako po babayaran ko agad—” “Huwag mo munang intindihin ang bayad, ako ang dapat magpasalamat dahil tinanggap mo ang offer ko, Hija. Don’t worry about salary. As I’ve said, I will triple your salary. Saang ospital ba na-confine ang Nanay mo?” Binanggit ko ang ospital kung saan naka-confine si Nanay. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay tumungo na ako sa ospital para balikan si Nanay, kailangan ko na rin pauwiin si Bea dahil nakakahiya na rin dito at ayoko maka-abala pa sa mag-ina. “Ate, mabuti naman at nakabalik ka na.” Bungad sa akin ni Bea. “Si Nanay Rebecca, nagising siya kanina at hinahanap ka. Sinabi ko na lang na umuwi ka muna para magbihis. Nag-alala siya sa iyo, Ate. Iniisip niya ang gagastusin dito sa ospital, pinakalma ko na lang siya hanggang makatulog muli.” sabi ni Bea. “Bea maraming salamat. Mabuti pa at umuwi ka na dahil nakaka abala na kami ni Nanay sa iyo.” mabuti na lang talaga at mabait sa amin ni Nanay ang mag-inang si Bea at Aling Doray. Hindi rin nagtagal at umalis si Bea. Si Nanay ay tulog pa rin. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito. Hinahaplos ko ang kulubot nitong braso habang bumabalik ang ala-ala ng mga paghihirap nito simula nang kinuha sa amin si Tatay at nang maratay ako sa sakit. Tumulo na naman ang masaganang luha sa mata ko. Unti-unting dumilat ang mata ni Nanay kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Ayoko na makita ako ni Nanay na nahihirapan. “Amber, Anak.” Hirap ito sa pagsasalita habang may nakakabit na oxygen. “Amber, pasensya ka na at nadagdag pa ako sa gastusi—” “Shhhh, Nay huwag na po kayong magsalita.” Putol ko sa sasabihin nito, ayokong munang bigyan ito ng problema. “Magpahinga na lang po kayo. May trabaho naman po ako at nakapag cash advance po ako sa amo ko. Huwag mo munang isipin ang bayarin. Importante maagapan ang sakit mo, Nay.” Ngumiti ako kay Nanay at kita kong ngumiti rin ito pabalik sa akin kahit na may nakakabit pang oxygen dito. Hindi ko na sasabihin kay Nanay na naka engkwentro ko ang CEO at tinanggal ako ngayong araw dahil magsisimula rin naman ako bilang secretary ng matandang binatang masungit na ‘yun. Pinakain ko si Nanay ng dala kong prutas na binili sa nadaanan pabalik dito. "Yun na rin ang ginawa kong dinner. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana dahil masama naman kasi sa kalusugan ko kung pabayaan ko ang sarili. Kapag nanghina ako at nagkasakit sino na lang ang mag-aalaga sa amin. Hindi ko inaasahan nang biglang dumating si Sir Dominic sa ospital kasama ang kanyang mga tauhan, hindi ko nag-expect na ito mismo ang pupunta. Tulog si Nanay at hindi ko pa ito maipakilala. “S-sir Dominic, nag-abala pa po kayo?” Sinalubong ko ito, palinga-linga sa paligid, may ibang pasyente sa ibang kama dahil nasa payward kami. “Miss Manalo, I think it’s much better if I transfer you to a private room.” sabi ni Sir Dominic. “No need Sir, masyado na pong mahal ku—.” “Miss Manalo, mas maaalagaan siya nang husto kung nasa private siya. Tsaka mo na isipin ang pera. Importante, maging maayos ang Nanay mo.” Humanga ako sa kabutihan ni Sir Dominic, kahit ngayong araw lang ako nito nakilala at sinungitan ko ang anak niya ay handa pa rin itong tumulong sa akin. “Maraming salamat po Sir Dominic, pangako po na babayaran ko kayo agad kapag nakasahod na po ako.” Ngumiti ako kay Sir Dominic at ngumiti rin ito pabalik sa akin. Tinapik ako nito sa braso at pinaramdam na everything will be okay. Hindi rin nagtagal si Sir Dominic at kagaya ng sinabi nito ay nag-iwan ito ng one hundred thousand cash. Labis ang saya ko dahil nalutas ang problema ko kay Bea at Aling Maritess, pati ang mga gamot at test na kinakailangan ay hindi ko na rin problema. Nagdasal ako at nagpasalamat dahil hindi pa rin ako pinabayaan ng Panginoon. Na-arrange na rin ni Sir Dominc ang paglipat ni Nanay Rebecca sa private room ng ospital. Nagising si Nanay at nagtaka. Sinabi ko na lang na tinulungan ako ng may-ari ng kumpanya. Hindi ko na sinabi na kapalit ng lahat nito ay ang pagiging secretary ko sa anak nito na Ermitanyo. Ang usapan namin ni Sir Dominic ay sa susunod na linggo pa ako magsisimula sa pagiging secretary. Mabuti na lang, para maalagaan ko pa si Nanay pagkalabas ng ospital. Hindi naman kasi ito pwedeng kumilos. Hindi ko na rin muna ito pagtatrabahuhin, tutal ay may trabaho na uli ako, siguro naman ay mataas ang sweldo ng pagiging secretary ni Phillip Peralta. Ang lahat ng saya ko ay napalitan ng pangamba. Isang tanong ang nanatili sa aking isipan, ano kaya ang kakahinatnan ko sa kamay ng isang Philliip Mark Peralta? Phillip's POV “James, magpadala ka ngayon din ng babae dito sa condo ko.” Utos ko kay James nang tinawagan ko ito sa cellphone nito. It’s already eleven in the evening, and I can’t go to sleep, hanggang ngayon ay labis pa rin ang galit ko sa babaeng nambastos sa akin kanina sa opisina. “Yes Sir. Papupuntahin ko within thirty minutes, Sir Phil.” Nanginginig na sagot ni James mula sa kabilang linya, alam kong dahil alam nito na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo ko at nakita nito ang pagwawala ko sa opisina kanina. Binaba ko agad ang cellphone at hinagis sa kama. Kumuha ako ng beer sa ref at sumimsim ng alak. “F*ck!” Sabay hagis ko sa sahig at nabasag ang bote ng beer na may laman pa. That woman! D*mn her! Siya pa lang ang bumangga sa akin at sinabihan pa akong matandang binata. Mabuti na lang at nag-resign na ito, ayoko nang makita ang mukha ng babaeng iyon. The first time I saw her, I admit I was mesmerized by her beauty. But now, what I feel for her is only hatred. F*ck that woman! Ilang minuto lang ay dumating ang babaeng ni-request ko kay James. James is a really good secretary, pati mga personal kong pangangailangan ay sa kanya ko pinatatrabaho kagaya na lang nang pagre-recruit ng mga babaeng gagawing kong parausan. Sexy at malaki ang hinaharap ng pinadala ni James, maputi rin at may itsura naman pero wala pa rin itong dating sa akin. “Take a bath first!” Pagalit na utos ko sa babae, halos mataranta ang babae sa pagkarinig pa lang ng boses ko. Isa ito sa bagong recruit ni James dahil ngayon ko lang nakita ang mukha nito. I ask James the other day to pick new sets of women na gagawin kong parausan. Masyado nang maluwag ang nakakasiping ko ng mga nakakaraan na linggo. “After taking a bath, I want you to go here in my bed naked. Siguraduhin mong sulit ang binayad ko sayo para paligayahin ako!” Mariin kong wika, agad-agad umalis ang babae sa harapan ko. Tumunog ang cellphone ko habang naghihintay. Daddy is calling. How come na gising pa ito sa ganitong oras? “Dad.” sagot ko. “Where are you, Phil? Aren’t you going home?” Bakas ko ang galit sa boses ni Daddy. “I’m in my condo Dad. Dito na ako matutulog at bukas na lang ako uuwi ng mansyon.” “And what are you doing in your condo? Wasting your time drinking? For Godsake! May pag-uusapan tayo, umuwi ka na ngayon din!” Mariing utos ni Daddy, and I know he is mad. Maybe because of what happened in the office. “In the middle of night Dad? Is that very important? Pwede bang bukas na lang pag-usapan?” Nayayaamot na sabi ko. I need to satisfy my s****l needs first. “I hired Miss Manalo as your new secretary.” Sabi ni Dad. “Who is Miss Manalo?” tanong ko na may bahid ng inis kay Dad. “You don’t remember? Ýung babaeng nakaaway mo kanina sa opisina? Amber Manalo, that’s her name!” “What Dad? Are you serious?” Hindi ko maiwasan na magtaas ng boses. “Sa tingin mo tatawag ako ng ganitong oras kung hindi ako seryoso Phillip? My decision is final! Starting next Monday, Miss Manalo will replace James, I will look for position for James, for now he will be my assistant. “Dad, why are you doing this to me? I hate that girl—” “Why Phillip? Totoo naman ang sinabi niya, matandang binata ka na. I’m already old Phillip at ayokong mamatay na hindi makikita ang magiging apo ko, you’re my only child—” “I will adopt, kung apo lang naman ang gusto mo Dad. Maraming bata na iniwan ng magulang sa bahay ampunan—” pinutol ni Daddy ang sasabihin ko. “Why adopt Phillip kung hindi ka naman baog? I’m not against adopting pero iba pa rin kung kadugo natin ang magiging tagapag-mana ng Peralta Land Corporation.” “But Dad, maayos ang serbisyo sa akin ni James. Even on my personal matters, siya ang nag-aayos, I don’t have any reasons para palitan siya!” Galit na rin ang boses ko. “As I’ve said, my decision is final, kailangan mong magkaroon ng secretary na babae Phillip, baka sakaling matuto ka muli makisama sa mga babae. You need to look for a wife on or before you reach the age of forty.” “But Daddy—” “No buts, Phil alam kong masakit ang pinagdaanan mo sa buhay pag-ibig. Pero hindi dapat tumigil ang mundo mo. Hindi lahat ng babae ay manloloko. Hindi lahat ng babae ay kagaya ng Mommy mo at ni Charlotte. Just forgive them. Lahat nagkakamali. You can’t move on with your life if you don’t forgive those who hurt you. Ayokong tumanda ka na nag-iisa. Mas maganda na may katuwang ka sa buhay. Gusto ko magkaroon ka ng matatawag na sariling pamilya bago ako mamatay. I love you, my son.” Mahabang pahayag ni Daddy. “Daddy, you know that I love you too. Ikaw lang ang nakasama ko simula nang iniwan tayo ni Mommy. But why hire that stupid girl, dahil gusto mo siya para sa akin?” “Watch your words Phillip. Hindi ko inalok si Miss Manalo na maging secretary mo para asawahin mo. Remember, never kitang pinilit sa babae, ayokong matulad siya sa anak ng kumpare ko na si Megan na irereto ko sana sa 'yo, binully mo lang. Like what I’ve said, matuto ka lang makisama sa mga babae. Besides Miss Manalo is too young for you. Pero kung magugustuhan mo siya, why not? I like her, she is brave and very beautiful too.” “Okay Dad. Pumapayag na ako.” Minsan lang humingi na pabor sa akin si Daddy, and never niyang pinangunahan ang desisyon ko sa buhay, all his life he supported me. Maliit na pabor lang ang hinihingi nito sa akin. Mas maganda nga na maging secretary ko ang babaeng iyon para makaganti ako sa ginawa nito sa akin kanina, sisiguraduhin ko mahihirapan ito sa akin. “Phillip, make sure na huwag mong pahihirapan si Miss Manalo. Naoperahan na siya sa puso before.” “Yes Dad. I will go home at d'yan ako sa mansyon matutulog.” “Okay, Phillip. Take care.” Binaba ko na ang cellphone. “I’m sorry Dad, I can’t promise I will be good to Miss Manalo.” Pumayag ako para hindi na sumama ang loob ni Daddy. Nagbihis na ako para umalis at puntahan si Daddy, hindi nagtagal ay lumapit na ang babaeng makakaniig ko sana ngayong gabi. She is totally naked. The girl has a perfect curve and flawless skin, pero natalo nang inis ko kay Daddy ang init na naramdaman ko kanina kaya balewala kong tinignan ang babae. “S-sir, tapos na po ako. Ano na po ang gagawin ko?” Tanong ng babae. “F*ck yourself, then leave!” Galit na sabi ko dito. Iniwan ko ito at hindi na nilingon pa. Nagpunta ako ng parking kung saan naroon ang kotse ko. I dial James number before I start the engine. “Hello, Sir?” sagot nito. “Go to my condo now, and I left the girl there, pauwiin mo na!” “Why Sir, hindi niyo po ba ginalaw? Hindi niyo po ba nagustuhan yung itsura—” I cut the line at hindi na pinatapos si James sa pagsasalita sabay pinaharurot ang sasakyan pauwi ng mansyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD