Siksikan kami ngayon ng mga kaklase ko. Nasa harapan namin ang bulletin board kung saan nakapaskel ang mga kumpanya na pag-ojt-han namin, kasama ang mga pangalan ng sino ang nakapasa sa kumpanya na iyon. Ang kaba ko ay abot langit na dahil nakikita ko ang mga mukha ng iba kung kaklase na parang pinagsakluban ng langit dahil hindi nasama mga pangalan nila. Ibig sabihin ay bagsak sila sa exam or interview. Kapag mangyari yon ay choice kondi dito sa school mag-render ng oras para lang ma-cover ang required hours.
"Kinabahan na ako," bulong sa akin ni Jhy.
"Ako din. Paano na lang kapag mangyari yon, saan tayo pulutin," sabi ko din sa kanya.
"Mabuti sana kung may sarili kumpanya or may kapit tayo sa mga malalaking kumpanya. Wala sana tayong problema," sabi pa ni Jhy.
"Kaya nga," segunda ko sa kanya.
Totoo ang sinabi ni Jhy. Kung may sarili lang sana kaming kumpanya o may malakas na kapit katulad ng ibang kaklase ay hindi na sana kami mahihirapan. Sandamakmak na curriculum vitae at application letters ang ginawa namin para lang makapag pasa sa iba't-ibang kumpanya. Liban pa doon, kabi-kabila ang mga hinaharap naming interviews mula sa mga in-apply-an naming kumpanya. Mga katanungan na kahit pinaghandaan na namin ay nagka-utal-utal pa rin sa pagsagot.
Sabi nga ng OJT coordinator namin, ngayon pa lang ay masanay na kami sa ganyan dahil sooner or later ganyan din ang naranasan namin kapag naghahanap na talaga kami ng trabaho. Pwera nalang daw kung magugustuhan ng employer namin ang performance namin at i-absorb kami sa trabaho. Panalangin ko nga ay sana mangyari sa akin ang ganon nang sa gayon ay hindi na ako mahihirapan pa. Alam ko ang pakiramdam na hirap na hirap sa paghahanap ng trabaho. Pati ang hirap ng walang tumanggap sayo kahit qualified ka naman sa ina-apply-an mong position.
Nang nasa harap na kami ng bulletin board ay agad naming hinahanap ang pangalan namin. Sobrang kaba ko dahil nakailang page na ako ay wala akong nakita na pangalan ko. Napatingin ako kay Jhy na seryusong inisa-isa ang mga pangalan gamit ang hintuturo niya. Napailing siya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Napabuntong hininga ako na pinagpatuloy ang paghahanap ng pangalan namin, hanggang sa nasa hulihang page na ako.
Halos mawalan na ako ng pag-asa nang makita ko ang pangalan ni Jhy kasunod ng pangalan ko. Nanlaki ang mata kong napatingin ako kay Jhy na lupaypay na ang balikat na parang natalo sa lotto. Agad ko siyang niyugyog-yugyog. Para man siyang naguguluhan sa ginawa ko. Itinuro ko ang kahuli-hulihang papel sa bulletin board, kaya napatingin din siya doon.
"Ahhhhh!" sigaw namin pareho napatalon-talon pa.
"Grabe! Kim, oh my gosh! Totoo ba to?" tanong niya sa akin. "As in? Sa McKinney Corporation tayo mag-o-OJT?"
"Malamang. Nakapaskil dyan ang mga pangalan natin. Grabe kinakabahan ako. Akala ko, wala tayong pag-OJT-han. Thank you, Lord. Dininig mo ang dasal ko."
"Oo nga. Grabe, di ko expect to," tuwang-tuwa na sabi ni Jhy sa akin halos maluha pa siya ng sabihin yon. Ganun din ang nararamdaman ko.
Sa sobrang tuwa ni Jhy ay nag-aya siyang mag-jollibee daw kami since wala na rin kaming mga klase pa. Dahil wala na rin naman akong gagawin at sobrang saya ng nararamdaman ko dahil nangyari ay pumayag ako. Plano kong bumili ng bucket meal mamaya para sa bahay bilang celebration ko kasama ang mga kapatid ko. Hindi rin biro ang pinagdadaanan namin para lang makapasok sa kumpanya na yon. Ang dami namin na sumubok para lang makapasok doon.
Pagdating namin sa Jollibee kung saan ako nagtatrabaho ay agad na pumila kaming dalawa ni Jhy. Nagtaka pa ang mga kasamahan ko, akala nila ay papasok ako kahit late na. Nakita kong si Jess ang nasa counter ngayon. Kumaway siya sa akin at kinawayan ko siya pabalik. Nang kami na ang nasa counter ay tinanong ako ni Jhy.
“Ang gusto mo?” tanong niya s akin.
“Bahala kana, ikaw naman ang manglibre.”
“Mas alam mo ang mga kung anong maganda dito dahil dito ka naman nagtatrabaho, kaya ikaw na pumili,” sabi niya sa akin.
“Sige nga basta ikaw magbayad,” sabi ko sa kanya. Nang tumango siya ay ako na ang humarap kay Jess. “Jess, dalawang jolly spaghetti with fries, dalawang cheesy burger with coke float.”
“On it. Anong meron? May celebration ba?” tanong niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya sa bumulong. “Nakapasa kami sa McKinney Corporation. Doon na kami pumasok kapag officially enrolled na kami sa 2nd semester.”
“Talaga? Congrats sa inyo,” masayang wika ni Jess amin.
“Salamat,” sabay na sabi namin ni Jhy.
Matapos maibigay ang order namin ay naghahanap kami ni Jhy ng upuan. Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya hindi kami nahihirapan na maghanap at nakapwesto kami sa isang sulok na wala masyadong nakakita sa amin.
“Bili tayo ng mga damit natin pang office,” sabi ni Jhy. Napaisip naman ako kung may extra pa ba ako para doon ngunit wala dahil kailangan kung bayaran ang tuition fee ni Karylle para sa second sem.
“Sorry, wala akong budget eh. Kailangan kong bayaran ang tuition ni Karylle,” sabi ko sa kanya.
“Libre na lang kita,” sabi niya.
“Nako, wag na. Nakakahiya sayo, nilibre mo na nga ako dito, pati ba naman yan ilibre mo rin.Thank you na lang,” sabi ko sa kanya.
“Samahan mo na lang ako mamili, Kim,” sabi niya sa akin.
“Sorry, mukhang hindi na kita masasamahan kasi may trabaho pa ako mamaya,” tanggi ko sa kanya.
“Ano ka ba, okay lang. Alam ko naman na busy ka. No worries, Naintindihan ko,” sabi niya sa akin.
“Salamat, Jhy,” wika ko sa kanya.
“Walang anuman,” wika niya sa akin. Congrats sa atin, cheers.”
“Cheers,” sabi ko at tinungki ang coke float ko sa coke float niya.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na si Jhy na mauna ang umalis dahil may dadaanan pa daw siya. Ako naman ay muling pumila sa counter upang bumili ng bucket meal. Saktong nasa counter si madam Tanya kaya nag-aalangan ako. ngunit nakita na niya ako kaya tumuloy na lang ako. Akmang sasabihin ko kay Jess nang magsalita si madam Tanya.
“Balita ko nakapasa ka daw sa isang malaking kumpanya,” sabi niya sa akin.
“Opo,” tanging sagot ko na lang sa kanya.
“Ibig sabihin niyan ay aalis kana dito?” tanong niya sa akin.
“Opo, kailangan eh, need kung maabot ang required hours,” sabi ko sa kanya.
“Mabuti naman ng mabawasan ang sakit ng ulo ko,” sabi niya sabay alis sa counter at pumasok sa back door.
Napansin ko pa ang pag akmang batuin ni Jess ng ballpen si madam. Kaya natatawa na lang ko. Mabuti na lang at wala nang kasunod sa akin kaya may oras pa makipag-usap sa kanya habang hinintay ang take out ko.
“Kailangan mo ba talagang tumigil na dito para dyan sa ojt mo?” tanong niya sa akin.
“Kailangan eh, 9 hours ang duty ko per day,” sagot ko sa kanya.
“Awh, ang sad. Mabawasan ng maganda dito,” sabi niya sa akin.
“Mabawasan kamo ang stress si madam Tanya,” biro ko.
“Isa din yan,” segunda niya sa akin at sinabayan ng tawa. Natatawa na rin ako sa sinabi niya. “Basta friend, wag mo akong kalimutan kung matagumpay ka na, huh? Babatukan talaga kita kapag mangdedma ka.”
“Oo naman, ikaw ang pinakauna kong babalikan kapag mangyari yon.”
“Sure yan, ah?” tanong pa niya sa akin.
“Oo nga, kapag hindi kita mababalikan, ibig sabihin hindi ako naging matagumpay,” biro ko sa kanya.
Naputol ang usapan namin nang may dumating na bagong customer. Saktong dumating din ang takeout kong bucket meals. Nagpaalam na akong umalis kay Jess na tango lang ang isinagot niya dahil may mga nakapila na ulit na mga customers. Dumiretso na ako ng uwi. Plano kung mag-absent na lang muna sa trabaho upang makakasama ko ang mga kapatid ko sa pag-celebrate dahil may kumpanya na ako na papasukan para sa OJT ko. Pagdating sa bahay, saktong nandoon na ang lahat ng kapatid ko, takang-taka sila kung bakit may pa-bucket meals ako.
“Anong meron te, at may pa-bucket meal ka?” tanong ni Karillo.
“Hulaan nyo kung anong meron,” sabi ko sa kanila.
“Nanalo ka ng lotto, te?” tanong ni Kyla.
“May jowa kana, ate?” si Karillo ulit ang nagtanong. Natawa na lang ko sa sinabi niya.
“Sira. Wala akong jowa. Mas lalong di ako nanalo ng lotto,” sabi ko sa kanila.
“Eh, ano pala te?” tanong ni Karylle.
“Natanggap ako sa McKinney bilang isa sa mga intern na mag-ojt sa kumpanya nila,” sabai ko sa kanila.
“Ahhhh!” sabay na sigaw nila Kyla at Karylle habang nakangiti naman si Karillo. Nagtalon talon pa silang tatlo buhat ng marinig ang balita mula sa akin.
“Congrats, ate, deserved mo yan,” sabi ni Karylle sa akin.
“Salamat sa inyo,” masayang wika ko sa kanila. “At dahil dyan, mag-celebrate tayo.”
“Yehey!” sabay na sigaw nilang tatlo.
Masayang pinagsaluhan namin ang dala kong bucket meal. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya ako pinapabayaan sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan ko namin ng mga kapatid ko ay lagi siyang nandyan upang gabayan kami. Hindi Niya kami hinahayaan na magutom kami. Hindi Niya tinatanggihan ang mga hiling ko sa kanya. Ang lahat ng ito ay dahil sa Kanya at paulit ulit ko siyang pasasalamatan sa lahat ng biyaya na natanggap ko mula sa Kanya.